Kumpara sa ibang magkakapatid, masasabi kong mas close kami ng kapatid ko. Though, sa aming dalawa, ako lang itong vocal sa lahat ng bagay. Palagi ko sa kanyang ikinukwento ang araw ko. Mas close ko nga si Ate kaysa kay Mama at Papa e. Kaya isang malaking dagok talaga sa buhay ko ang pagkawala niya.Mas gusto ko na tuloy takasan ang bahay naming puno ng memorya ng kapatid ko. Lalo na ang kuwarto naming dalawa. Mas ayos sa akin ang lumipat ng bahay para matakasan ang bangungot na dala ng pagkamatay ni Ate Aliyah. Hanggang ngayon, parang panaginip lang ang nangyari sa kanya.Every time I woke up in our room, titingnan ko muna ang kama ng kapatid ko para malaman kung totoo bang wala na siya. In the end, I'll always end up crying in so much pain.Hinalo ko ang niluluto kong sabaw matapos lagyan ng calamansi. Pagkatapos, pinatay ko na ang stove para ihain na iyon sa hapag. Nilabas ko na rin ang mga plato, kutsara at tinidor na pinahirapan pa ako bago ko sila nahanap. Sobrang dami kasing d
Read more