Share

Kabanata 2

Kumpara sa ibang magkakapatid, masasabi kong mas close kami ng kapatid ko. Though, sa aming dalawa, ako lang itong vocal sa lahat ng bagay. Palagi ko sa kanyang ikinukwento ang araw ko. Mas close ko nga si Ate kaysa kay Mama at Papa e. Kaya isang malaking dagok talaga sa buhay ko ang pagkawala niya.

Mas gusto ko na tuloy takasan ang bahay naming puno ng memorya ng kapatid ko. Lalo na ang kuwarto naming dalawa. Mas ayos sa akin ang lumipat ng bahay para matakasan ang bangungot na dala ng pagkamatay ni Ate Aliyah. 

Hanggang ngayon, parang panaginip lang ang nangyari sa kanya.

Every time I woke up in our room, titingnan ko muna ang kama ng kapatid ko para malaman kung totoo bang wala na siya. In the end, I'll always end up crying in so much pain.

Hinalo ko ang niluluto kong sabaw matapos lagyan ng calamansi. Pagkatapos, pinatay ko na ang stove para ihain na iyon sa hapag. Nilabas ko na rin ang mga plato, kutsara at tinidor na pinahirapan pa ako bago ko sila nahanap. Sobrang dami kasing drawer sa kusina ng bahay at bobo pa naman ako sa paghahanap.

"Ay! Nandito ka na pala..."

Napalingon ako sa nagsalita at natanaw sa may main door ang isang lalaking base sa boses at postura, halatang hindi straight.

Napamaang ako at magalang na tumingin dito. He walked towards the sofa and put all the things he was holding there. Pagkatapos ay lumapit sa akin. Hinubad ko ang apron ko't nagpunas ng kamay.

"Hello po."

"Ikaw si...?"

"Donnah Carbonell ho."

"Ah. Yes, yes." Nalipat ang tingin nito sa dining table. "Did you cook?"

"Opo. Inutusan ako--"

"I asked her to cook for me. Bakit ang tagal mo, June?"

Biglang lumitaw si Clyde na naglakad palampas kay Sir June. He jumped to sat on the couch and turned on the flat screen TV. Nasa likod nila akong pareho nakatayo sa may kusina.

"Inasikaso ko pa ang schedule mo. Why did you tell her to cook? Sabi ko naman sa 'yo kumuha ka na ng chef mo," sabi ni Sir June.

"Ano bang problema? Ayos lang naman sa kanya. Right?" Sabay lingon sa akin ni Clyde.

I smiled and nodded kahit na ang totoo ay gusto ko nang bangasan ang mukha niya.

Hanga na ako sa pagtitimpi na ginagawa ko. I've never been so patient like this before. Kung may medal lang sana, baka nakarami na ako.

"See?"

Sir June shook his head and looked at me apologetically. "I'm sorry for his rude attitude, Donnah. Hindi naman iyan ganyan..."

Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Sir June nang sabihin niya iyon o pinagtatakpan niya lang ang alaga niya. Kahit ano pa man, para sa akin, balasubas ang ugali niya. I thought he's only a player. Rude at arrogant din pala.

"Anyway, alam mo na ba kung saan ang kuwarto mo?"

"Ah, yes po. Itinuro na po sa akin ni..." I cleared my throat. "Clyde."

Sinulyapan ko si Clyde na nahuli kong nakatitig sa akin. When he saw me, he immediately drifted his gaze away. Tumikhim siya't umayos ng upo habang ang tingin ay nakatutok na sa TV. 

Bumuntonghininga ako.

Hindi naging madali sa akin ang trabahong pinasok ko. Ilang araw akong nag-adjust dahil hindi naman talaga ako maalam sa trabaho ng isang personal assistant. Mabuti na lang at nariyan si pareng G****e para tulungan ako sa mga dapat kong gawin. Sipag at tiyaga lang talaga ang puhunan ko. At the end of the day, nagpapasalamat ako dahil nairaraos ko ang mga araw nang hindi napapatay si Clyde.

He's never nice to me. Hindi niya ako kinikibo at pinapansin ngunit kung tungkol sa trabaho niya, saka niya ko papansinin. Hindi sa gusto kong pansinin niya ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya ganoon. Kung may galit ba siya sa akin o sadiyang ganoon lang talaga siya.

However, I noticed how kind he is towards other people. Ngumingiti siya sa iba pero sa akin, puro pagsusungit lang. Dumadagdag tuloy kada araw ang poot na nararamdaman ko sa kanya.

Pinahihirapan niya ako araw-araw, bagay na hindi ko inisip na mangyari. I was supposedly the one who should make him suffer and not the other way around. Ako dapat ang nagpapasakit at nagpapainit ng ulo niya. Ngunit hindi iyon ang nangyayari kaya mas lalo lamang akong nanggagalaiti. Minsan ko nang naisip na mag-resign pero ayaw kong magpatalo. Hindi puwede. Once in a lifetime lang ako makakalapit sa kanya para maghiganti kaya dapat akong magtiis.

"Sunday ngayon. Magsisimba ka ba?" Tanong ko kay Clyde.

Kasalukuyan siyang kumakain ng breakfast. Tapos na akong kumain kaya inaayos ko na ang schedule niya para sa araw na ito. I was standing beside him because I might still ask more questions.

"Hindi," tipid niyang sagot.

"Okay."

Nilista ko iyon ngunit gusto kong matawa. Hindi siya nagsisimba? Bakit? Hindi niya kayang humarap sa Diyos matapos niyang pahirapan ang kapatid ko?

My jaw clenched out of anger. Gusto ko na siyang saksakin ng ballpen na hawak ko pero ayaw kong mabulok sa kulungan dahil lang sa lalaking tulad niya. Marami pang paraan para makaganti. Kung papatayin ko siya, hindi siya mahihirapan n'on. Gusto ko 'yong magsisisi siya nang husto sa ginawa niya sa kapatid ko.

"May iba ka bang plano para sa araw na 'to?" tanong ko pa.

"I'll go shopping."

"Okay. Anong oras?"

"After I finish eating this. Sumama ka sa akin."

I paused and looked at him confused. Hindi siya nakatingin sa akin at panay lang ang kain. May kutob na ako sa gusto niyang mangyari pero sana naman mali ako.

"Simula na ng taping mo bukas," huling paalala ko sa kanya.

"Alright."

"Kailangan ko bang sumama?" Tanong ko.

Ilang araw na mula nang magsimula akong magtrabaho sa kanya. Hindi pa ako nakakauwi at puro lang ako tawag kina Mama na pinauuwi ako para bumisita man lang. I know I have to go with Clyde, ayon sa na-research ko pero nagbabakasali ako. Hindi rin kasi ako naka-attend nang ilibing si Ate Aliyah.

Clyde's brows furrowed. Nilingon niya ako na para bang napaka-tanga ng tanong ko.

"Tinatanong pa ba iyan? Of course, sasama ka. Sinong mag-aasikaso sa akin?"

"Sorry. Akala ko kasi hindi kailangan," sagot ko.

Mas lalong nagusot ang mukha niya. "What? Ano ka ba? Parang wala kang ideya sa trabahong pinasok mo."

Wala talaga. Malay ko bang pagiging alila pala ang PA ng mga artista. It was too late when I learned that.

Tumalikod na ako at inasikaso na ang mga gagamitin niya para sa taping niya bukas. Hindi ako mahilig manood ng pelikula pero ang alam ko'y may pinagbibidahan siya ngayon. Romance lagi ang mga pelikula niya at puro mga bigating artista ang nakakapares.

Hindi ko pa nagagawa ang ganti ko kay Clyde dahil masiyado akong naging abala sa trabaho ko. Hindi ko naman plinanong seryosohin ang pagiging PA niya pero takot akong masisante nang hindi nakakaganti kaya inuna ko na iyon. Kaya ngayong naglalakad ako sa hallway sa ikalawang palapag, nag-isip na agad ako ng puwedeng gawin sa kanya.

Pinakamadaling itulak na lang siya sa hagdan pero hindi ako puwedeng magpahuli. Kailangang iyong aksidente lang kunwari.

Tila umilaw ang bumbilya ng utak ko nang maisip na buhusan na lang ng tubig ang harapan ng pintuan ng kuwarto niya. Siguradong madudulas siya niyon at mababalian. Hindi siya makararating sa taping bukas at baka puwede na akong makauwi.

I know sobra ang naiisip ko. Maraming puwedeng maapektuhan pero wala na akong pakialam. Katingkati na akong makaganti lalo na sa balasubas niyang ugali.

Hindi na lang dahil sa kapatid ko kaya ako gaganti. Pinahihirapan niya ako at para na rin ito sa aking sarili.

Hinanda ko na ang mga dapat kong gawin. Binuhusan ko na nga ng isang basong tubig ang sahig sa harapan ng kuwarto niya at nagtago na sa likod ng dingding para hindi niya makita. Ilang minuto ang hinintay ko bago ko narinig ang paglalakad ni Clyde paakyat ng hagdan.

Habang naghihintay, bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Huminga ako nang malalim at tahimik na pinakinggan ang bawat yapak ng kanyang tsinelas sa sahig. Hanggang sa biglang tumahimik.

My brows creased in wonder but I stayed in my position. Kinabahan ako. Tumigil siya sa paglakad. Napansin niya kaya?

I waited a few more minutes hanggang sa hindi na ako nakatiis. Sumilip na ako.

"Huh?" Gulat kong sambit nang hindi ko siya makita.

Nasaan na iyon?

Mabilis akong lumakad palapit sa tapat ng kuwarto niya. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya pero wala talaga siya. Pumasok na ba siya ng kuwarto niya? Imposible! Nang hindi nadudulas??

Takang-taka, lumapit ako sa pinto niya't pinakinggan kung nasa loob na ba siya. But then, out of sudden, bumukas ang pinto!

My eyes widened and I panicked when I saw him opened the door. Nagmamadaling umatras ako sa kaba at sa isang tapak lang sa basang sahig ay nadulas agad ako! I closed my eyes tightly when I realized that I was falling. Alam ko nang babagsak ako sa sahig.

However, suddenly I felt an arm wrapped around my waist.

Dumilat ako agad at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Clyde. Nagkatitigan kaming dalawa habang nasa bisig niya pa rin ako. Our stare took a few minutes before he cleared his throat. Doon ako napakurap-kurap at tila nahimasmasan.

"S-Sorry!" hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon.

Mabilis akong umayos ng tayo at ganoon din siya. Naisip kong magpasalamat sa pagsalo niya sa akin ngunit masiyado akong nabagabag sa pag-iisip ng titigan namin kanina. My cheeks heated!

"Palabas ako para balaan kang basa 'yong sahig. Mabuti na lang hindi ako nahuli," he said in a husky voice.

My lips parted while looking at the plant beside his door. Anong sinabi niya?

"Linisin mo na 'yan. Baka madulas ka ulit," he said before he went inside his room.

Naiwan akong tulala. Pinoproseso ang mga katagang sinabi niya...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status