"Enough," malalim ang boses na sabi ni Clyde.
I couldn't help but to smirk even more. Unti-unti kong tinanggal ang parehong braso ko sa kanyang batok. Lumayo ako sa kanya at hindi mapigilan ang pagkatuwa dahil nabaliktad ko na ang sitwasyong nilatag niya.
"Makakaalis ka na," Clyde said without looking at me.
"Pero ang contact lense ko?"
"You can find it tomorrow. Kapag wala ako."
"Okay," nakangising saad ko.
Hindi ako sigurado pero feeling ko, totoong may pagdududa siya sa akin. Kung paano nangyari iyon, ewan ko lang. Baka malala lang talaga ang trust issue niya sa mga tao. Gayon pa man, kailangan ko nang mag-ingat simula ngayon.
The next day, I woke up very early and prepared all the things Clyde might need in his work. Siniguro kong nasa sasakyan na ang lahat ng gamit bago siya pumasok ng van.
"Dala mo ba lahat ng sinabi ko sa 'yo?" he asked as he sat down.
"Okay na lahat." Naupo ako sa upuan katabi lang ng kanya pagkatapos ay hinila ko na pasara ang pinto ng van.
Ito ang unang beses na dadalo ako sa set niya. Medyo excited ako dahil ang crush kong artista ay katrabaho niya. Ibig sabihin, may pag-asa akong makita ito sa malapitan!
"Huwag na huwag kang makikipag-usap sa mga katrabaho ko," Clyde said out of sudden.
"What?" gulat kong saad.
"Bawal."
"At bakit?"
Clyde's brows furrowed at my tone. Wala sa katuwiran ang kanyang sinabi kaya hindi ko na inabala ang sarili kong itama ang aking tono.
"Bakit hindi puwede?"
"Dahil hindi puwede."
"Wala 'yan sa kontrata," I stated.
"But I'm your boss so you'll listen to me."
My lips parted while looking at him. Hindi niya ako mabigyan ng maayos na rason kaya feeling ko nakikipaglokohan lang siya sa akin. Ngunit nakakaramdam pa rin ako ng inis. Hindi ko lang pinahalata sa mukha ko.
"Nevermind. Para namang makikipag-usap sila sa 'yo," he said.
And now he's looking down at me. I can't believe it!
Bakit ba siya ganito? Minsan mukhang mabait. Madalas demonyo ang ugali. Ito ba talaga ang lalaking minahal ng kapatid ko? Ano ang nagustuhan niya rito?
Tahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa set. Binati si Clyde ng mga staff maging ng kanyang mga katrabaho. Nakasunod lang ako sa kanya sa likod bitbit ang lahat ng gamit niya.
May sariling dressing room si Clyde at pagdating namin ay naroon na ang kanyang mga stylist.
I smiled at Erica, Clyde's hair stylist, who helped me with Clyde's things.
"Parating pa lang ang make up artist ni Clyde," bulong nito sa akin.
Namilog ang mga mata ko. Nilingon ko si Clyde na umupo na sa kanyang upuan para ayusan na. Binalingan ko ulit si Erica.
"Double time. Alam n'yo namang ayaw ni Clyde ng mga late."
Tumango si Erica sa akin. "Tatawagan ko na-"
"Ako na. Ayusan mo na si Clyde."
Erica nodded. Lumapit na siya kay Clyde samantalang lumabas naman ako ng dressing room para tawagan si Lea, ang make up artist.
After I finished calling Lea, I noticed someone approaching me. Tumingala ako at nanigas sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang mala-adonis na mukha ng sikat na sikat na artistang si Iñigo Dela Torre. He was looking at Clyde's dressing room and then he turned to me with his very soft features in his face.
"Si Clyde? Nasa loob na ba?"
Hindi ako nakapagsalita. Nakamaang lamang ang aking mga labi habang hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.
He is my ultimate crush in showbiz!
"Excuse me?"
Napakurap-kurap ako. Nabalik ako sa wisyo at agad na sumagot.
"N-Nasa loob po. Inaayusan na."
Tumango-tango ito. Dahil sa sinabi ko, parang hindi na tuloy ito papasok.
"Ganoon ba..." he trailed while looking at me. His brows furrowed. "Ano ka ni Clyde?"
"Ah, P.A. niya po ako."
"Bago? Ngayon lang kita nakita."
I bit my lips. "Bago lang po."
Sh*t. I can't believe I'm having a conversation with him. Parang sasabog na ang puso ko sa bilis nito.
Iñigo stared at me. He then smiled. "Ang ganda mo namang P.A niya."
My eyes widened. Umawang ang aking labi at muli, hindi nakapagsalita. Napatitig na lamang ako sa guwapong-guwapong mukha niya. Tila isa siyang anghel na nahulog mula sa langit.
"Iñigo? Anong ginagawa mo rito?"
Magkapanabay kaming lumingon ni Iñigo kay Clyde na hindi namin napansing lumabas na pala ng dressing room. Kunot ang noo nitong nakatingin kay Iñigo pagkatapos ay lumipat sa akin. Sa isang tingin, parang alam niya na agad na nag-usap kami.
Umatras ako at binigyan sila ng espasyo para makapag-usap.
"Clyde... I'm here to visit you..."
Clyde once again glanced at me. Nang tingnan niya si Iñigo ay hindi man lang siya ngumiti.
Umismid ako.
"Next time, pumasok ka na lang sa dressing room ko. No need to talk to my P.A." ani Clyde.
Napalingon ako kay Clyde nang sabihin niya iyon. Akalao
ko ay nagbibiro lang siya ngunit walang bakas ng pagbibiro ang kanyang mukha. Seryoso niyang tinitingnan si Iñigo na nalito.
Umawang ang aking labi. I was about to talk and interrupt them when Iñigo suddenly laughed.
"I didn't know you were this... possessive towards your-"
"I'm not being possessive. I just want you to directly talk to me," malditong saad ni Clyde.
Nakaramdam ako ng kaba nang titigan ni Iñigo si Clyde. I really thought he was already pissed off by Clyde's attitude but instead of getting mad, I was surprised when he laughed again. Umiling-iling ito habang nakangisi.
"Alright. Next time, then."
Binalingan ako ni Iñigo. He never said a word but he smiled at me before he turned his back at us.
Pinanood ko ang paglakad nito sa amin palayo bago ko nilingon si Clyde na iba ang expression ng mukha habang nakatingin sa akin. It was... dark and intense.
"Bakit?" tanong ko.
"Did you forget what we've talked about earlier? Sabi ko, huwag kang makikipag-usap sa kanila," tila tatay kong sabi niya.
"Pero hindi ako ang unang nakipag-usap sa kanya," I explained. "Siya itong kumausap sa akin. Hindi ko naman puwedeng balewalain lang siya. I'm not snob, Clyde."
Hindi nagbago ang ekspresyon niya kaya nagpatuloy ako.
"And besides... Bakit ba hindi ako puwedeng makipag-usap sa kanila? May batas bang nagbabawal sa gano'n? Ha?"
Hindi siya nakasagot. Umigting lang ang kanyang panga kaya mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang mga iniisip ko. Because I find his command very ridiculous and absurd.
"O baka ikaw lang ang may gusto n'on?"
"I'm your boss so you follow me-"
"Pero tama bang pagbawalan mo 'kong makipag-usap sa kanila?"
"Shut up. Hindi ba puwedeng wala lang? Sundin mo na lang ang gusto ko kung ayaw mong masisante. If you want to talk to them then you're fired," he said before he turned around and went inside his dressing room.
What a freaking red flag.
Sa inis ko, hindi ko siya kinausap maghapon. Sa tuwing may iuutos siya, tahimik lang akong susunod at hindi magsasalita. Noong una parang hindi siya bothered but later on he tried talking to me and asking questions pero ginawa ko ang lahat para maging tipid ang mga sagot ko. Minsan puro tango lang at iling. Hindi ko pinansin kahit mukhang pikon na siya sa akin. Mas natuwa nga ako n'on.
It went that way until we got home. Nag-utos ulit siya sa akin at sinunod ko iyon nang walang imik. Kalaunan, parang napagod na siya kaya hinayaan na lang ako.
"Bukas, anong oras ka aalis?"
"Umaga po. Babalik ako ng hapon," sagot ko.
His lips moved as if he was about to say something again. Tiningnan ko siya, hinihintay ang sasabihin niya ngunit hindi na muling bumuka ang bibig niya.
"Sige po," yumuko ako bago tumalikod sa kanya.
Kinaumagahan, maaga akong gumising at umalis. Sinabihan ako ni Sir June na iwasan siyang ipagluto lalo na tuwing wala siyang trabaho kaya iyon ang ginagawa ko. Most of the time, I always do what Sir June says than hearing Clyde's words because I feel like sometimes he's being immature.
Tinawagan ko rin si Mama at Papa bago ako umalis at sumakay ng bus. I told them that I'm going home to take a visit and they were very happy hearing the news from me. Aniya'y natutulog pa sana sila pero dahil uuwi ako ay ipaghahanda na nila ako ng masasarap at paborito kong putahe.
Bigla tuloy akong nalungkot sa bus pagkatapos ng tawag. Nalungkot ako dahil iniwan ko silang pareho para sa paghihiganti ko.
"Kailangan kong bumawi," bulong ko sa aking sarili.
I brought a cake sa bayan at pag-uwi ay niyakap agad ang mga magulang ko.
"We miss you so much, anak..." Wika ni Mama nang yakapin ako pabalik.
"Ang laki ng pinayat mo, anak. Kumakain ka ba nang maayos?" Si Papa.
Kumalas ako sa yakap ni Mama at ngumiti kay Papa. "Kumakain ako, Pa. Masiyado lang busy kaya hindi ako tumataba."
"Oh, e, ano ba kasing trahaho mo?"
Natigilan ako.
Oo nga pala. I still haven't told them anything about my job.
Hindi sa ayaw kong sabihin. Natatakot lang kasi akong baka malaman nila ang ginagawa ko. Siguradong pagagalitan at patitigilin nila ako. Sa oras na mangyari iyon, wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanila. They'd be disappointed at me and I don't want that to happen. Kaya as much as possible. I want my job to be a secret from they until I satisfy myself on revenging.
May hinanda na palang pagkain sina Mama at Papa para sa akin kaya pagkatapos ng kamustahan ay kumain kami. After that, nagpresinta akong maghugas ng pinggan ngunit hindi nila ako pinayagan. Aniya'y pagod ako sa dalawang oras na biyahe at magpahinga muna. Wala akong nagawa kundi ang sundin sila dahil bukod sa totoong medyo pagod nga ako, kailangan ko nang gawin agad ang isang rason kung bakit nga ako umuwi.
I need to check out my sister's things. Baka sakaling may makita akong mga clue kung bakit ba talaga siya nagpakamatay.
Binuksan ko ang pinto ng aming kuwarto. Naamoy ko agad ang halimuyak ng mga bulaklak na sa loob. Mahiling sa bulaklak ang Ate ko kaya halos mapuno ang aming kuwarto ng iba't ibang klase nito. Peke man o totoo.
Hindi itinapon ni Mama ang mga gamit ng ni Ate Aliyah and as far as I can remember, she put it all inside her closet. Kaya iyon ang una kong tiningnan.
Kumpleto ang gamit ng kapatid ko maliban lang talaga sa kanyang cellphone na hindi namin alam kung nasaan. Sabi ni Papa baka nawala o kaya itinapon ni Ate. But I have a feeling that she didn't throw it away. Iniisip kong nasa kamay iyon ni Clyde ngunit nahalungkat ko na yata ang lahat ng gamit niya doon sa loob ng bahay niya. Wala roon.
My brows furrowed when I accidentally held something inside Ate Aliyah's drawer. Ipinasok ko ang kamay ko doon at nakapa ang isang may kaliitang notebook.
"Bakit may notebook dito?"
Kinuha ko iyon at tinitigan. Kulay black iyon at medyo makapal.
Bumilis ang tibok ng puso ko at may hinala na agad kung ano iyon. And I was right. Isa nga iyong diary na naglalaman ng lahat ng pinagdaanan ni Ate.
Mula sa masaya hanggang sa palungkot.
I read all of it.
"Tama nga ako. Hayop ka, Clyde Agustin," lumuluhang sambit ko matapos mabasa ang notebook.
Hindi ko nabasa lahat dahil pinunit na ang ibang pahina nito. Hanggang doon lang ako sa naghihinala na si Ate Aliyah na may ibang babae ang Clyde na iyon at malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.
It was so painful reading my sister's thoughts about it. Hindi ko na kailangan mabasa pa ang mga nawawalang pahina para malaman kung ano pa ang sunod na nangyari. Ang sakit na naranasan ni Ate Aliyah sa kamay ni Clyde ay tila naging sapat na rason na para kitlin ng aking kapatid ang kanyang buhay---base sa mga nabasa kong saloobin niya.
"Humanda ka, Clyde... magbabayad ka," nanginginig sa galit kong sabi.
Sinara ko ang gate ng aming bahay. Pauwi na ako at may dalang isang bag na puno ng mga damit ko. I realized I only brought few of my clothes kaya kumuha na ako kanina bago nagpaalam sa mga magulang ko."Donnah?"Kumunot ang noo ko at napalingon sa lalaking tumawag. At first, I couldn't recognize who he was and was confused by how he knew my name. Hanggang sa bigla ko siyang nakilala."Rhaniel!" I called him happily.Rhaniel laughed and walked towards me. Kitangkita ko ang tuwa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin."Kumusta ka? Ngayon lang kita ulit nakita rito, ah?" sabi ko.Rhaniel is one of my childhood friends. Magkakaibigan kaming tatlo nina Alexis. Sa parehong kindergarten, elementary, at high school din kami nag-aral kaya naman talagang malapit kami sa isa't isa. Nitong college lang kami hindi na masiyadong nakakapag-usap dahil sa pagiging busy.He's one of those guys na mapapatitig ka talaga sa angking kaguwapuhan. Nga lang, never akong nagka-crush sa kanya kahit pa noong
"Don't you know who I am? Huh?"I closed my eyes when Franchezca shouted at me again. Nang dumilat ako, nakita kong nakatingin sa akin ang lahat gamit ang mga mapanghusga nilang tingin. That time, I felt like the whole world is against me. Wala akong nakitang kahit isang hindi naniniwala sa akusa ni Franchezca sa akin.Gusto kong matawa. Hindi ko malaman kung saan nila nakukuha ang logic nilang nagnakaw ako. Porque ba nasa akin, ninakaw ko na agad?Well, right now, the only thing that I can think of my mistake is I took it without permission. Pero ginawa ko lang naman iyon out of concern that someone might stole it. Hindi ko alam na sa ganito pala aabutin ang pagmamabuting loob ko.Minsan talaga mas maayos nang wala kang pakialam sa iba."Nagkakamali ka. Hindi ko ito ninakaw..." I trailed.Dali-daling lumakad palapit sa akin si Franchezca at hinablot sa kamay ko ang cellphone. Umawang ang aking labi sa kanyang ginawa."Shut up." She said. "Malinaw na malinaw! Ninakaw mo!""Kung ninaka
I never thought losing someone in your family would be this heartbreaking.Rinig na rinig ko ang matinding buhos ng ulan sa labas habang nakayuko ako at pinagmamasdan ang aking kapatid na nasa loob ng puting kabaong. Tila ba nakikiramay ang ulan sa kalungkutang namumutawi sa akin.“Donnah...” Mabilis kong pinahid ang mga nangingilid kong luha bago pa man iyon makita ng tumawag sa akin. I plastered a wide smile at my mother as if I wasn’t broken deep inside.“Mama...”My mother is still in her mid-40s. She always looks so young but right after what happened to my sister, it seems like she grew older so quick each passing day. Some white strands of her hair is now showing. She doesn’t even care anymore how she looks now, which was her always concern the past few weeks.Mom gave me a faint smile. Her eyes wandered around my face like she’s looking for something... like she’s thinking what’s on my mind."Magpahinga ka muna at kumain, anak. Limang oras ka nang nandito," sabi ni Mama.I sh
Kumpara sa ibang magkakapatid, masasabi kong mas close kami ng kapatid ko. Though, sa aming dalawa, ako lang itong vocal sa lahat ng bagay. Palagi ko sa kanyang ikinukwento ang araw ko. Mas close ko nga si Ate kaysa kay Mama at Papa e. Kaya isang malaking dagok talaga sa buhay ko ang pagkawala niya.Mas gusto ko na tuloy takasan ang bahay naming puno ng memorya ng kapatid ko. Lalo na ang kuwarto naming dalawa. Mas ayos sa akin ang lumipat ng bahay para matakasan ang bangungot na dala ng pagkamatay ni Ate Aliyah. Hanggang ngayon, parang panaginip lang ang nangyari sa kanya.Every time I woke up in our room, titingnan ko muna ang kama ng kapatid ko para malaman kung totoo bang wala na siya. In the end, I'll always end up crying in so much pain.Hinalo ko ang niluluto kong sabaw matapos lagyan ng calamansi. Pagkatapos, pinatay ko na ang stove para ihain na iyon sa hapag. Nilabas ko na rin ang mga plato, kutsara at tinidor na pinahirapan pa ako bago ko sila nahanap. Sobrang dami kasing d
I know I shouldn't feel guilty for what I did lalo na dahil hindi naman natuloy iyon. But no matter how much I ignore it, I clearly felt a bit of guilt in my heart.Honestly speaking, hindi ako dapat malambot kung ang gusto kong gawin ay maghiganti. Because I know if I'll be soft towards him, I won't succeed. I don't want that to happen kaya I reminded myself na he's the reason why my older sister died. Kapag naiisip ko iyon, napupuno ng poot ang puso ko. Nawawala ang guilt at napapalitan ng pagkagalit.Hindi pa ako sigurado kung siya ba talaga ang dahilan ngunit malakas ang kutob ko. Obviously dahil laging umiiyak ang kapatid ko dahil sa kanya."Mag-grocery ba pagkatapos mo mamili ng damit mo?" wika ko kay Clyde nang nasa loob kami ng kanyang sasakyan at patungo sa pinakamalapit na mall.Nakaupo siya sa tabi ko suot ang kulay pulang damit at grey cargo pants. He's also wearing his radiator and a cap to disguise himself."Ikaw bahala," walang pakialam niyang sagot.Abala siya sa pag-s
"Kumusta ang buhay natin, Maria Donnah Carbonell?" ani Alexis nang sagutin ko ang kanyang tawag sa aking telepono.I just finished washing the dishes when she called. Abala na ako ngayon sa pagpunas ng mga pinaghugasan ko. Nakaipit ang cellphone ko sa pagitan ng tainga ko't balikat habang pinakikinggan siya sa kabilang linya."Gabi na. Napatawag ka?" usal ko."Nangangamusta lang. Ano? Napatay mo na ba?"My eyes widened.Umakyat na si Clyde sa kanyang kuwarto at siguradong hindi niya naman maririnig ang sinabi ng kaibigan ko pero na-praning pa rin ako. Luminga-linga ako sa paligid bago sinaway si Alexis."Alexis! Anong sinasabi mo? I won't do that!""Ha? Ay hindi ba? Akala ko papatayin mo, te," sarkastikong sabi niya."Ayokong makulong dahil sa lalaking 'yon.""I thought you're willing to do anything? Hindi ba kasali 'yon?""Kung legal lang sana, Lex. Malamang, oo. Matagal na sanang patay ang hayop na 'yon.""Oh, e, sigurado ka na bang si Clyde nga ang rason? Baka naman hindi pa? Nako.