Share

Kabanata 6

Sinara ko ang gate ng aming bahay. Pauwi na ako at may dalang isang bag na puno ng mga damit ko. I realized I only brought few of my clothes kaya kumuha na ako kanina bago nagpaalam sa mga magulang ko.

"Donnah?"

Kumunot ang noo ko at napalingon sa lalaking tumawag. At first, I couldn't recognize who he was and was confused by how he knew my name. Hanggang sa bigla ko siyang nakilala.

"Rhaniel!" I called him happily.

Rhaniel laughed and walked towards me. Kitangkita ko ang tuwa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Kumusta ka? Ngayon lang kita ulit nakita rito, ah?" sabi ko.

Rhaniel is one of my childhood friends. Magkakaibigan kaming tatlo nina Alexis. Sa parehong kindergarten, elementary, at high school din kami nag-aral kaya naman talagang malapit kami sa isa't isa. Nitong college lang kami hindi na masiyadong nakakapag-usap dahil sa pagiging busy.

He's one of those guys na mapapatitig ka talaga sa angking kaguwapuhan. Nga lang, never akong nagka-crush sa kanya kahit pa noong umamin siyang may gusto siya sa akin noong high school kami. He isn't my type. Mas gusto ko siya bilang kaibigan ko. Natatakot akong kapag naghiwalay kami sa pagigig magkasintahan, masisira na ang pagkakaibigan naming dalawa. May mga taong mas maayos kapag kineep natin as friends.

"Okay lang ako. Paanong ngayon mo lang ako ulit dito makikita e balita ko nagtatrabaho ka sa Manila..." aniya.

"Oo. Kailangan e..."

His smile faded. "Nabalitaan ko ang nangyari sa Ate Aliyah mo. I'm sorry for your loss..."

"Salamat."

"Saan ka pupunta ngayon? Hatid na kita."

"Naku! Huwag na! Actually I was about to go back to Manila. Ngayong umaga lang ang leave ko."

"Ano bang work mo? Mukhang busy na busy ka ah."

Ngumiti ako. "Busy talaga."

Ewan ko pero hanggat maaari gusto kong iwasan ang mga tanong tungkol sa trabaho ko. I feel guilty every time someone asks me. Para kasing kakabit ng sagot ko ang paghihiganti ko. O baka naman masiyado lang akong praning? I mean, they won't know it unless sabihin ko, right?

Pumayag na akong ihatid ni Rhaniel sa terminal ng bus gamit ang sasakyan niya. Noong una ayaw ko talaga pero kalaunan ay naisip kong okay na rin 'yon para makapagkamustahan pa kaming dalawa.

Nang maihatid niya ako ay nagpalitan muna kami ng numero. Aniya'y para ma-contact ko raw siya kung may kailangan ako.

"Hindi naman kailangan 'yon, Rhaniel..."

"No. I insist. Ang tagal nating hindi nagkita. Para saan pa ang pagkakaibigan natin?" Katuwiran niya.

Ngumuso ako.

He smiled. "Take care."

Tumango ako habang nakangiti at nagpaalam na. I knew he was still as sweet as he was s back then. Pero ayaw ko mag-assume ng kung ano. He told me earlier he just came from a heartbreak.

Nang makabalik ako bahay ni Clyde, natagpuan ko siya sa palagi niyang lugar tuwing nadadatnan ko siya. Sa living room kung saan niya pinanonood ang mga pelikula niya sa napakalaking flat screen TV.

Clyde noticed me. Lumingon siya sa akin habang nakaupo sa mahabang puting sofa.

"Buti naman at nakauwi ka na. I'm hungry. Cook me something," utos niya.

Umingos ako. Wala ba siyang mga kamay? Gusto ko sanang sabihin 'yon pero naalala kong trabaho ko nga palang pagsilbihan siya dahil personal assistant niya lang naman ako. Wala akong karapatan sumagot at baka sisantehin niya ako ora mismo.

"Anong gusto mo?"

Lumakad ako at dumaan sa kanyang harapan pagkatapos ay hinubad ang suot kong shoulder bag. Nilapag ko iyon sa island counter at nagpuyod ng buhok para hindi makagulo sa gagawin kong pagluluto.

"Anything to satisfy my stomach," Clyde answered in a bored tone.

Sinulyapan ko siya. Tila bored na bored talaga siya dahil panay lang ang paglipat niya ng channel at hindi mapirmi sa isa.

Umingos ako ulit nang tahimik at umiling-iling.

"Ayos lang sa 'yo ang pasta?" Tanong ko dahil iyon ang una kong nakita pagbukas ko ng pantry.

Kinuha ko na agad iyon kahit hindi pa siya nakakasagot. He saw me taking it.

"Okay na 'yan."

"Okay."

Naghugas muna ako ng kamay pagkatapos kong kunin ang lahat ng kailangan kong rekados. Pagkatapos ay nagsimula na ako nang tahimik. Paminsan minsan ay tinitingnan ko si Clyde at binabantayan. Bilin kasi sa akin ni Sir June ay bantayan ko raw nang mabuti ang alaga niya dahil dumadalas na raw ang pagiging pasaway nito.

Umismid ako. "Ano siya, bata para bantayan?"

"Anong sabi mo?"

Napaigtad ako sa gulat nang biglang magsalita si Clyde sa likod ko. His voice was louder than what I am expecting kaya paglingon ko, hindi na ako nagulat nang makitang nakatayo na siya doon.

"H-Ha?"

"May sinasabi ka? Sinong bata?"

Kinabahan ako. "Wala. May nakita kasi akong bata kanina. Muntik na masagasaan. Inaalala ko lang kung okay ba siya ngayon..." dahilan ko.

His brows shot up. "Ang bait mo naman yata."

Peke akong ngumiti. "Of course."

Biglang nag-iba ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano iyon at nakaramdam din ako ng pagkailang kaya naman umatras ako at tumalikod sa kanya.

"Anong kailangan mo? Tubig ba?" tanong ko sabay lapit sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.

"Yeah..."

Inabutan ko siya n'on. Pagkatapos, tumalikod na ulit ako at bumalik sa pagluluto. Buong akala ko aalis na rin siya at babalik sa living area ngunit lumipas ang ilang segundo'y hindi pa rin siya umaalis sa likod ko.

I couldn't help not to turn to him. Naabutan ko siyang kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Just right now... you look familiar."

My eyes widened. Ginapang agad ng kaba ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. 

"H-Ha? Familiar?"

"Yeah. Parang may kamukha ka."

Parang gusto ko na lamang maglaho na parang bula. Isa agad ang pumasok sa isip ko, siguro nakikita niya ang mukha ni Ate sa akin lalo na't noon pa sinasabi sa akin ng iba na magkahawig daw talaga kami ng Ate ko. Imposible naman kasing makilala ako ni Clyde dahil never ko pa siya nakita sa personal except noong pagkatapos mamatay ng kapatid ko. Alam kong hindi pa nagtagpo ang landas namin noon.

"Kamukha? Sino?" kunwaring tanong ko.

Clyde tilted his head as if trying to figure out it too. Sobra na talaga ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hanggang sa bumuntonghininga siya.

"Nevermind. Siguro napaka-ordinaryo lang talaga ng mukha mo."

I didn't realize I was holding my breath. Unti-unti ko iyong pinakalawan. Thank God.

"Oo. Napaka-ordinary nga ng face ko," natatawang sabi ko.

He grinned.

"Nga pala… nag-text sa akin si Sir June kanina. Nabago raw 'yong schedule ng scene mo…" sabi ko.

"Nasabi niya na 'yon sa 'kin kanina," sabi niya at naglakad na pabalik sa sofa.

I watched him as he sat there and changed the channel. Tutok na ulit ang mata niya sa TV kaya mas nakahinga ako nang maluwag.

"Matagal pa ba 'yang niluluto mo?"

"Ah, malapit na!" Sagot ko at kumilos na para ipagpatuloy ang naudlot na pagluluto.

My day went peaceful after that. Noong gabi ring 'yon ay inasikaso ko na ang mga kailangan ni Clyde para sa taping niya bukas, bagay na palagi ko nang ginagawa.

As his personal assistant, it is my job to prepare him everyday for his job. Minsan tinatrabaho ko na rin pati ang pagpapaalala sa kanya ng schedules niya kapag wala si Sir June na kanyang talent manager. Ginagawa ko iyon alang-alang sa goal kong hindi matanggal sa trabahong ito hanggang sa matagumpay kong maisagawa ang paghihiganti ko.

"Ano? Okay na ba lahat ng gamit?" tanong sa akin ni Sir June habang nagpapasok ako ng gamit sa van.

"Opo. Okay na po lahat."

Tiningnan ni Sir June si Clyde na nakaupo na sa loob ng kanyang customized van na kadarating lang kaninang umaga. He was wearing an earphone, listening to music while he's eyes closed.

"Umagang-umaga, parang matutulog pa siya." Umiling-iling si Sir June bago pumasok sa sasakyan.

Ngumiti ako at sinarado na ang pintuan. Sumakay ako sa harap kasama ang driver na si Kuya Ramon. Kapag ganitong kasama namin si Sir June ay doon ako nauupo.

Sa isang beach resort ang taping ngayon kaya doon patungo ang sinasakyan namin.

"Donnah. Tubig," I heard Clyde murmured.

Nagkatinginan kami ni Sir June sa rear mirror dahil akala siguro ni Clyde ay katabi niya ako. Hindi ko magagawa ang utos niya dahil nasa harap ako.

"Hay nako. Ikaw talaga Clyde. Maging ang simpleng pagkuha ng tubig inuutos mo kay Donnah. . ." pangaral ni Sir June na siya nang gumawa ng utos.

Clyde opened his eyes and looked at Sir June beside him. Parang nagulat siya dahil hindi ako ang nakaupo doon sa tabi niya. Nilingon niya ako agad. Nagtama ang paningin sa salamin kaya tinikom ko ang aking bibig at diniretso ang tingin sa daan.

"Ganiyan po talaga siya. Kahit ang pagluto ng pagkain niya, sa akin niya inaasa," sumbong ko.

Umawang ang labi ni Clyde at parang aalma kaya iniwas ko ulit ang tingin ko.

"Totoo ba 'yon, Clyde?" Pagalit na sabi ni Sir June.

Lumingon sa kanya si Clyde. "What's wrong with that? It's her job."

Umirap ako.

"Kahit na. Kaya mo naman 'yon. Kung wala kang ginagawa, puwede mo namang gawin. Hindi ba't napag-usapan na natin ito?"

I needed to bit my lips just to stop myself from smiling. Nakikita ko kasi sa rear mirror ang paulit-ulit na pagsulyap nang masama sa akin ni Clyde.

"Alright. Alright."

"Kapag nasa trabaho, saka mo lang siya utusan."

"Okay. Fine."

Nakarating agad kami sa set dahil hindi masiyadong traffic. Ako ang naunang lumabas ng sasakyan. Paglabas ko, nakalabas na rin si Sir June kaya lumapit na ako para paglabas ni Clyde ay kukunin ko na ang mga gamit niya.

I followed them towards the canopy. Ilang tao ang bumati nang nakangiti kay Clyde na ginagantihan niya naman.

"Good morning, direk..."

"Oh, Clyde. Buti nandito ka na."

"Sorry, direk. Medyo late."

"Naku! Okay lang! Salang ka na after one hour ha?"

"Sige po."

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang maayos ang ugali ni Clyde sa ibang tao. Ang buong akala ko noong una, magaspang na ang kanyang ugali dahil sa sobrang kasikatan niya. Ganoon kasi ang nakikita ko sa mga pelikula. Iba pala sa totoong buhay.

Sumunod si Sir June sa direktor samantalang nagtungo namin kami ni Clyde sa isant canopy. Naroon na ang stylists niya.

I immediately put all his things on the table. After that, I fixed his chair so that he can sit down.

Noong paupo na siya, bigla kong hinila ang upuan niya kaya naman imbes na sa upuan ay sa sahig siya bumagsak. Bumunghalit sa pagtawa ang lahat ng mga staff na naroon maging ang ibang co-stars niya. Samantalang agad naman akong nagapanggap na hindi sinasadya ang nangyari.

"Naku! Sorry!"

Taranta kunwari, tinabi ko ang upuan at tinulungan siya sa pagtayo. He did not talk pero hindi nakalagpas sa akin ang matilim niyang tingin.

Sumupil ang maliit na ngisi sa labi ko nang makita ko ang pagkapahiya sa mukha niya. Sa sobrang pagkapahiya halos hindi na siya makapagsalita. Kung wala lang sanang ibang tao ay baka nasigawan niya na ako nang malakas.

"Sorry talaga, Clyde!" hingi ko ng tawad.

Umigting ang kanyang panga ngunit hindi siya nagsalita. Sa halip, hinila niya ang upuan at siya na mismo ang umayos n'on bago siya naupo.

Buti nga sa 'yo. Deserve.

Clyde looked at me again with his icing look. Ngumiwi ako sa kanya, acting like I'm really sorry for what happened. His jaw clenched once again before he looked away.

Galit talaga siya at ang galit na iyon ay talagang nagtagal. Halos tuloy hindi na siya malapitan ng mga artists na aayos sa kanya. Nang makita kong hirap na hirap na ang artist niya dahil busangot pa rin siya't nagmamatigas ang ulo na parang bata, lumapit na ako para gumawa ng pampalubag-loob kuno.

"Bibili ako ng foods and drinks. Anong gusto mo?" Labag sa loob na tanong ko.

"I have no appetite."

"Magugutom ka mamaya after set."

"And so? What's this? Gusto mo naman akong tumaba?" He sarcastically said.

"Ha?"

Nagtiim-bagang siya. "Bumili ka na lang ng burger at coke. Bilisan mo."

"Okay," nagtatakang sagot ko.

Lumapit ako sa lamesa para kunin ang bag ko. I saw an iPhone beside it kaya naman kinuha ko iyon at itinaas para itanong sa lahat kung kanino ngunit walang sumagot sa sobrang pagka-busy.

"Lea, alam mo ba kung kanino ito?" Tanong ko.

"Hindi e."

I had no choice but to put it inside my bag thinking that someone might stole it. With me, it's safe. Ibibigay ko na lang iyon sa maghahanap mamaya.

Umalis ako saglit para bumili sa labas. Pagbalik ko, nakita kong tila may kumosyon nang nangyayari.

"Anong mayroon?" tanong ko kay Lea.

Lea looked at me. At first, parang sinulyapan niya lang ako hanggang sa nanlalaki ang mga mata niya.

"Donnah! Hindi ba nasa 'yo 'yon?"

Kumunot ang noo ko. "Ang ano?"

"Iyong cellphone!"

"Ah..." Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang phone. "Ito? Bakit?"

Nagulat ako nang sa isang iglap ay nahati sa dalawa ang mga nagkukumpulang staffs kasama na ang ibang mga artistang nakikiusyoso rin. Gulong-gulo ako sa nangyayari at mas lalo akong naguluhan nang pagtingin ko sa harap ay nakita ko ang sikat na artistang si Franchezca Villafania, galit na nakatingin sa akin.

"So ikaw ang kumuha ng cellphone ko?!" galit na galit na sabi ni Franchezca.

My mouth fell opened, gulat sa ibinintang niya.

"Hindi--"

"Anong hindi?! E, bakit nasa iyo?! Magnanakaw ka!" she shouted on my face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status