Share

Oath Of Vengeance
Oath Of Vengeance
Author: naiskita

Kabanata 1

I never thought losing someone in your family would be this heartbreaking.

Rinig na rinig ko ang matinding buhos ng ulan sa labas habang nakayuko ako at pinagmamasdan ang aking kapatid na nasa loob ng puting kabaong. Tila ba nakikiramay ang ulan sa kalungkutang namumutawi sa akin.

“Donnah...” 

Mabilis kong pinahid ang mga nangingilid kong luha bago pa man iyon makita ng tumawag sa akin. I plastered a wide smile at my mother as if I wasn’t broken deep inside.

“Mama...”

My mother is still in her mid-40s. She always looks so young but right after what happened to my sister, it seems like she grew older so quick each passing day. Some white strands of her hair is now showing. She doesn’t even care anymore how she looks now, which was her always concern the past few weeks.

Mom gave me a faint smile. Her eyes wandered around my face like she’s looking for something... like she’s thinking what’s on my mind.

"Magpahinga ka muna at kumain, anak. Limang oras ka nang nandito," sabi ni Mama.

I shook my head. "Ayos lang ako, Ma. Hindi ako nagugutom."

"But at least eat and rest..." she insisted.

Hind ko alam kung bakit naiirita ako kapag naiisip kong kumain. Wala akong lakas at gana para gawin iyon. It feels like a sin to eat knowing that my older sister can't do that anymore.

A part of me died when I found out that Ate Aliyah was found dead on her room. She strangled herself to death and I still don't know what to feel after that. Kahit pa half-sisters lang kami, itinurin ko siyang kapatid kong buo. She was my best friend. My happiness. My motivation to continue living in this stressful life. Ngayong wala na siya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang bigla akong nawalan ng pag-asa.

I couldn't accept that I didn't have the chance to at least help her.

I feel guilty and devastated. How come we were sharing the same room and I did not notice her problems...

Hindi. Alam ko ’yon.

Alam kong mayroon siyang dinadalang problema, but I ignored it thinking that she doesn't need help. Even though I was concerned towards her, I chose not to meddle. Dahil siya iyon. Kapatid ko iyon. Malakas siya’t kaya niyang solusyonan lahat. Hindi siya katulad ko. She was joyful. She can handle her problems all the time... reason why I kept my mouth shut from asking.

Na sana hindi ko ginawa. I wish I did not held back. I wish I asked her and helped her...

Alam ni Mama na hindi niya ako mapipilit na kumain kaya naman bumuntonghininga na lamang siya’t tinapik ako sa aking balikat bago nagtungo sa mga balae niyang pinaulanan siya ng condolences. Binalik ko ang tingin ko sa nakatatandang kapatid at mapait na ngumiti. 

"I miss you, sis..." I muttered sadly.

***

“Thank goodness, you came!” Alexis’ eyes twinkled in joy when she saw me entering the café.

“Nasaan na ang hiningi ko sa ’yo?" tanong ko agad pagkalapit.

She texted me to meet her up here in this Cafe that served as our go-to meeting spot whenever the two of us decided to get together. After I received her message, I finally agreed to go home. Mama and Papa were so glad. They told me to enjoy and not to think about my sister first which is I don't know if I can.

Alam kong concerned lang sila sa akin. Dati na kasi akong nagkaroon ng depresiyon at siguro’y iniisip nilang nakakaapekto ang pangyayaring ito kay Ate sa akin. However, I am much more concerned to them because they keep on smiling at me even though I know that they were suffering too. Hind lang nila pinakikita ngunit nararamdaman ko at naririnig ko gabi-gabi ang pag-iyak ni Mama kapag tingin niya'y wala ako.

It's breaking me more into pieces. Pinipilit nilang maging okay kahit na ang totoo ay hindi.

Iwinagayway ni Alexis ang piece of paper na hawak niya. Agad ko iyong kinuha sa kanya at tiningnan. She sighed and put her bag on the table.

“Kailangan mo ba talagang gawin iyan?”

“Ang alin?” maang-maangan ko.

"I know what you're planning to do. Maghihiganti ka. Ano pa ba ang ibang rason para hingin mo sa akin ang numero ng Manager ni Clyde? Kilala kita, Donnah. Huwag ako."

I sneered. "Huwag ka na lang mangialam."

"Pero hindi tama, e. Donnah-"

"Hindi tama o tama, wala akong pakialam, Lex," seryosong putol ko sa kanya. "I'm going to do this kahit hindi pa sumang-ayon ang buong mundo."

She stared at me for a while na para bang naghihintay na bawiin ko ang sinabi ko. When she realized I won't, bumuntonghininga na siya nang malalim.

"Fine. Bahala ka. Basta huwag kang gagawa ng ikasasama mo," sabi niya.

Hindi ako sumagot.

Hindi ako sigurado doon. Sinong tao ba ang hindi napasama matapos niyang gawin ang paghihiganti niya? Ngunit kung sakali man, nakahanda na ako para doon. I don't see any special thing for me to take care of my life and status anymore. Kahit masira pa ang buhay ko, o ang imahe ko sa lahat ng tao, basta maipaghiganti ko lang ang pagkamatay ng kapatid ko, gagawin ko.

Alam kong masang punuin ng galit ang puso ko. But how can I do that kung alam ko sa sarili kong may kung ano sa pagkamatay ng Ate ko.

Tumungo ako at muling binasa ang pangalan at numero na ibinigay sa akin ni Alexis.

"Sigurado kang tama itong number na ito?"

"Oo naman, ano! Mabuti nga at ibinigay sa akin ni Marlon..."

Napansin kong parang may iba sa paraan ng tingin niya sa akin. Tila ba may gusto pang sabihin ngunit nag-aalangan magsalita.

My brows furrowed. I tapped the table and said, "Spill it."

Ngumiwi siya. "Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin sa 'yo. Nalaman ko kasing naghahanap pala ng personal assistant iyang si Clyde. Nakausap ko si Marlon at sabi sa kanya ni Sir June—iyong Manager ni Clyde—na contact-in daw siya kung may kakilala si Marlon."

Agad na nagningning ang mga mata ko sa ibinalita ng kaibigan. Dumukwang ako palapit sa kanya habang bumibilis ang tibok ng puso ko sa labis na excitement sa narinig.

"Ako. Ako na ang magiging personal assistant niya!" I said.

"Hay nako. Sabi ko na nga ba."

"This is my chance, Alex. Please! Sabihin mo kay Marlon na ibigay ang pangalan ko sa Sir June na iyon."

Nakailang pilit pa ako sa kaibigan ko bago ko siya napapayag. Gumaan nang bahagya ang pakiramdam ko kaya pagbalik ko sa burol ng kapatid ko'y nakangiti ko nang tinulungan si Mama at Papa sa pag-asikaso sa mga bisita.

"Ate... Maghintay ka lang. Maipaghihiganti ko na rin ang pagkamatay mo. Pahihirapan ko ang Clyde na iyon gaya ng kung paano ka niya pinahirapan..." Bulong ko habang nakatitig sa kabaong ni Ate.

Hindi sa amin pormal na ipinakilala ni Ate ang boyfriend niya pero kilala ko ito sa pangalan at litrato. Alam kong isang artista ang nobyo ng kapatid ko at minsan ko nang itinanong kay Ate Aliyah kung paano sila nagkakilala. Aniya'y kaklase niya ito noong highschool at naging sila nang malapit na siyang magtapos sa kolehiyo. I can still remember how lovely their love story is for me. Kinikilig pa ako noon sa tuwing naririnig ko siyang kausap ito sa telepono.

But one day, ewan ko. Madalas ko na silang naririnig na nag-aaway. Laging galit ang kapatid ko 'pag nag-uusap sila. Ang suspetya ko, nangangaliwa ang boyfriend niya. My sister was always crying. Nang hindi na ako nakatiis ay tinanong ko na siya isang beses kung ba't siya umiiyak. Kung ano ang pinag-aawayan nila ng Clyde na iyon.

Pero imbes na sabihin sa akin ang rason ay sinabi niyang ayos lang at walang problema.

Of course, hinayaan ko na lang. Ayaw ko siyang pilitin magkuwento dahil baka mahirapan lang siya. Akala ko rin kasi, makakaya ni Ate. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magpapakamatay siya.

Wala naman kaming problema sa pamilya. Ganoon din pagdating sa pera. Close kaming dalawa sa mga magulang namin kahit pa ang tatay niya'y iyong unang asawa pa ni Mama. Kaya alam kong hindi talaga dahil sa amin kaya nagpakamatay ang kapatid ko. Dahil iyon sa gagong boyfriend niya.

Bagamat patay na ang kapatid ko, hindi ko lubos maintindihan kung bakit kailangan niyang magpakamatay. 

no ang totoong dahilan? Ganoon ba iyon kahirap na hindi niya nasolusyunan? Hindi ko matanggap. Bakit? Bakit...

Puwede naman siyang makipaghiwalay na lang at humanal ng iba. Ganoon niya kamahal ang Clyde Agustin na iyon? Mas mahal niya ba ito kaya kahit kami ay nagawa niyang iwan?

Sobrang daming katanungan sa isip ko at ang mas masakit pa doon ay ang katotohanang hindi na iyon magagawa pang sagutin ng kapatid ko. Mananatili na lamang iyong misteryo sa akin kaya iyon ang nagiging motibasyon ko para ipagpatuloy ang plano ko. Aalamin ko ang totoo at maghihiganti ako.

Alexis called me in the evening again to confirm my last decision. Sinabi ko sa kanyang hindi na magbabago pa ang isip ko kaya tinawagan niya na si Marlon, ang kaibigan niyang bakla, para ipaalam kay Sir June na manager ni Clyde Agustin ang pag-apply ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari't biglang natanggap ako. Hindi pa man ako na-i-interview ay sinend na sa akin virtually ang kontrata na pinirmahan ko agad.

Email:

Dear Miss Carbonell,

     Please read the contract carefully and sign it as soon as possible. If you have any questions, please feel free to ask me. Thank you.

Ganoon na iyon?

Kunot ang noo ko habang binabasa ang address na nakalagay rin sa email. Hindi ko alam kung kaninong bahay iyon pero ang sabi ay pumunta raw ako doon bukas ng umaga.

I sighed. Okay na ito. At least, naka-apply na ako. Siguro'y handog ito sa akin ng Panginoon para malaman na agad ang totoo.

Wala akong pakialam sa kung anong mangyayari sa akin. Kusa nang lumalapit ang grasya. Tatanggi pa ba ako?

I slept that night with a heavy heart. Nagising ako nang maaga at nagtungo agad sa bahay na nakalagay sa email bitbit na ang mga gamit ko. Ang sabi'y doon daw ako titira. Hindi ko alam kung libre o hindi. I'm sure makakausap ko ang Sir June na iyon. Baka sa kanya ang bahay.

Ang paalam ko kina Mama, magtatrabaho ako sa Manila pagkatapos ng libing ni Ate Aliyah. Ngayon, aasikasuhin ko kuno ang mga papeles na kailangan ko. Malayo kunwari kaya kakailanganin kong makitulog muna sa isang kaibigan.

Medyo nahirapan pa nga ako e. Hindi pumayag si Mama noong una. Aniya'y wala na nga ang kapatid ko, aalis pa ako. But then, I need to do this. Buo na ang pasya ko kaya hindi na ako nagpapigil. Wala na silang nagawa pa kundi ang paalalahanan na lamang akong bumisita lagi sa kanila. I told Mama too na padadalhan ko sila lagi ng pera.

Pero nang paalis na ako ng bahay, medyo nalungkot ako. Alam kong hindi ko sila dapat iwan lalo na't ililibing pa lang si Ate. Pero hindi ko na puwedeng sayangin ang pagkakataong ito.

If I'll not pursue this now, I don't know if may darating pang ganitong sitwasyon. Baka abutin pa ako ng siyamsiyam bago makalapit sa artistang nobyo ng kapatid ko.

Tumitindi kasi ang galit ko sa tuwing naiisil kong hindi manlang bumisita sa burol ni Ate Aliyah ang boyfriend niya. Mukhang wala na talagang pakialam.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong ng guard sa likod ng malaking see-through black gate.

Bigla akong kinabahan at naisip na baka mali ako ng bahay na napuntahan. Ngunit nang i-check ko ay tama naman.

"Donnah Carbonell ho. Pinapunta ho ako ni Sir June..." sagot ko.

Napakalaking modern house type na bahay ang nasa loob ng gate na kanina ko pa sinisilip-silip. Mula ceiling hanggang sahig ang black window ng bahay. Sobrang ganda. Sa mga videos sa Youtube lang ako nakakakita ng mga ganitong klaseng bahay kaya hindi ko maiwasang mamangha nang sobra.

"Ikaw pala iyan. Pasok ka, ineng. Nasa loob ang amo..." Sabi ng guard.

Binuksan nito ang gate at pinapasok na ako. Hinila ko ang maleta ko habang iginigiya sa akin ng guard ang daan papasok ng bahay.

Kung gaano kaganda sa labas, mas doble sa ganda ang loob. Nagkikintaban ang mga muwebles at may napakalaking chandelier pa sa foyer.

"Sino iyan?"

Mabilis ang paglingon ko sa lalaking pababa na ngayon ng hagdan. Noong una, hindi ko siya namukhaan pero nang magtagal ang tingin ko sa mata niya'y unti-unti kong naalala ko sino siya.

Clyde Agustin. The freaking boyfriend of my sister.

Nagtiim-bagang ako habang pinagmamasdan ang singkit niyang mga matang nakatutok sa guwardya. Pumasok agad sa isip kong magwala at pagsasampalin ito sa labis na galit ngunit pinigilan ko ang sarili ko't nagtimpi.

Calm down, self. Hindi dapat ganoon ang gawin ko. I need him to suffer too. Hirap na iisipin niyang binabangungot siya.

"Ser, tumawag kanina sa akin si Ser June. Itong babae daw na ito ang magiging PA ninyo," wika ng guard.

Clyde's eyes went to me. Blanko lang ang tingin niya. He's wearing a simple green tshirt and khaki shorts. Magulo ang kanyang buhok na mas nagulo pa sa pagdaan ng kamay niya doon.

I admit he's so good-looking. Ngunit kung sa likod ng guwapo niyang mukha ay babaero siya, kawawa ang babae niya, kung mayroon man.

I plastered a wide smile on my face. "Good morning po! Ako po si Donnah Carbonell..."

Isa akong number one fan niya, kuno. Fresh graduate at nag-iisa lang sa buhay. May kamag-anak pero wala rito sa Bicol. Minemorya ko na kagabi ang lahat ng mga dapat kong sabihin sa kanya ngunit dahil mukhang hindi siya interesado ay tinikom ko na lamang ang bibig ko.

Tumalikod si Clyde at itinuro ang isang pintuan. "That's your room."

"O-Okay."

"Wala pa si June dito. Umalis. Babalik siya mamaya."

"Sige po. Kakausapin niya raw po ako-"

"Nagugutom ako. Nandoon ang kusina. Magluto ka."

"Ho?" Naging hilaw ang ngiti ko.

Sa pagkakaalam ko, personal assistant ang in-apply-an ko rito at hindi katulong.

Nilingon ako ni Clyde nang may malamig na tingin. Umalis na ang guard at kaming dalawa na lang ang natira dito sa living room.

"Bilisan mo na kung ayaw mong masisante sa unang araw mo," Clyde uttered those words with emphasis.

My lips parted while looking at him. Pagtalikod niya, saka ko nagawang nagtiim-bagang at ikuyom ang kamao ko sa sobrang galit. Huminga ako nang malalim ay kinalma ang sarili bago muling nagsalita.

"Sige po, Sir."

Lumingon siya ulit sa akin. Ngumiti ako nang malawak kahit pa blanko lang ang tingin niya. Pagtalikod niya, inambahan ko na siyang susuntukin. But then he turned to me again kaya ang amba kong pagsuntok, nauwi sa pagkunwaring may hinuhuli lang na lamok. I smiled at him awkwardly. Wala siyang reaksyong pinagpatuloy na ang kanyang paglalakad paakyat ng hagdan. Leaving me with nothing but rage.

"Ate... Sa wakas, nandito na ako," bulong ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status