Share

Kabanata 4

"Kumusta ang buhay natin, Maria Donnah Carbonell?" ani Alexis nang sagutin ko ang kanyang tawag sa aking telepono.

I just finished washing the dishes when she called. Abala na ako ngayon sa pagpunas ng mga pinaghugasan ko. Nakaipit ang cellphone ko sa pagitan ng tainga ko't balikat habang pinakikinggan siya sa kabilang linya.

"Gabi na. Napatawag ka?" usal ko.

"Nangangamusta lang. Ano? Napatay mo na ba?"

My eyes widened.

Umakyat na si Clyde sa kanyang kuwarto at siguradong hindi niya naman maririnig ang sinabi ng kaibigan ko pero na-praning pa rin ako. Luminga-linga ako sa paligid bago sinaway si Alexis.

"Alexis! Anong sinasabi mo? I won't do that!"

"Ha? Ay hindi ba? Akala ko papatayin mo, te," sarkastikong sabi niya.

"Ayokong makulong dahil sa lalaking 'yon."

"I thought you're willing to do anything? Hindi ba kasali 'yon?"

"Kung legal lang sana, Lex. Malamang, oo. Matagal na sanang patay ang hayop na 'yon."

"Oh, e, sigurado ka na bang si Clyde nga ang rason? Baka naman hindi pa? Nako. Nagsasayang ka lang ng oras diyan kung hindi naman pala siya and dahilan," she said as if she knew what I was thinking.

I gritted my teeth.

Oo hindi pa ako sigurado pero dahil sa sinabi ni Alexis ay parang mas gusto kong patunayan lalo na tama ako. Na si Clyde nga ang rason dahil pakiramdam ko'y hindi ko matatanggap kung sakaling mali ako. Kasi nandito na ako. Hindi kakayanin ng pride ko ang lahat na ng ginawa ko para lamang makarating na sa kinalalagyan ko ngayon.

"I'm going to take a shower first."

Napatalon ako sa gulat nang narinig ko bigla ang boses ni Clyde sa aking likod. Binaba ko ang telepono at nilingon siya.

"I-Ikaw pala..."

"Gagamit ako ng banyo," he said, eyeing me.

"Okay."

He turned his back at me and that's when I remembered I was talking to Alexis. Bumalik ako sa pakikipag-usap sa kaibigan habang pinapanood ang pagpasok ni Clyde sa restroom. Doon lang ako may napagtanto.

"May C.R. naman siya sa kuwarto niya ah?"

"Ha? Sino?"

Napakurap-kurap ako at naalala muli ang kaibigan. "Lex!"

"Sino 'yon? Si Clyde ba 'yon?"

"Oo," sagot ko at may naisip na naman na ideya. "Alexis, tatawagan na lang kita ulit!"

"Ha? Bakit? Wait-"

"Kailangan ko nang ibaba. May mahalagang bagay akong gagawin!" nagmamadaling sabi ko. "Bye!"

I ended the call and went in front of the restroom's door. Pinakinggan ko sa loob at narinig ang pagbuhos ng tubig mula sa shower hudyat na naliligo na si Clyde. That's the cue for me to go inside of his room and inspect all of his things, especially his gadgets.

Medyo matagal maligo itong si Clyde at sa tingin ko'y ayos na ang oras na iyon para tingnan saglit ang gamit niya.

Tahimik akong kumilos. Clyde's room has a black and white theme. So clean for a man like him. Hindi naman ito ang unang beses kong pumasok sa kuwarto niya. Makailang beses na ito dahil ako rin ang naatasang maglinis ng bahay na hindi niya masiyadong ginagawa. Akala ko noong una makalat ang kuwarto niya. But I was wrong.

"Laptop... Laptop... Laptop..." Bulong-bulong ko sa aking sarili habang hinahanap ang laptop niya.

I found his laptop on the table near his bed. Nakasara ito kaya kinailangan ko pang i-on. However, when I opened it, it was locked. Kailangan ng password para mabuksan.

"Shit. Anong password?"

I bit my lips and tried typing his birthday but it wasn't right. Sinubukan ko na rin ang iba pang alam kong numero na konektado sa kanya ngunit lahat talaga mali.

"What are you doing?"

I froze in my spot. Tumigil ang paghinga ko at nanlalaki ang aking mga mata.

"Tinatanong kita," boses ni Clyde sa likod ko.

I gulped hardly. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa noong mga oras na iyon. I was caught! Shit. I was caught. Hindi ko alam bigla ang gagawin ko ngunit alam kong kailangan ko siyang harapin. There's no escape and I cannot change what's happening now. Haharapin ko na lang ito at hahanapan ng lusot.

I closed my eyes tightly before took a deep breath and turned to him. Ngunit bago pa ako makaharap sa kanya, mabilisan ko nang pinindot ang off button ng kanyang laptop.

"Clyde... I-Ikaw pala..." I spoke but then I trailed when I noticed something.

Muling namilog ang aking mga mata nang nakitang bahagyang nakabukas ang bathrobe niya dahilan upang masilayan ko nang kaunti ang kanyang tiyan. Hindi ko masiyadong naaninag dahil tumalikod na ako agad ngunit hindi ako puwedeng magkamali sa nakita ko. Six pax abs!

"Sorry!" Pumikit ako nang mariin.

My heart was beating so loud and fast.

"Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito. Kuwarto ko ito," baritonong boses niya.

"A-Ano... May hinahanap ako. Dito yata nahulog 'yong... 'y-yong contact lense ko!"

"Contact lense?"

"Oo..."

"I didn't know you wear contact lenses. Malabo ang mata mo?"

"Ha?" wala sa sariling sambit ko dahil sa kaba. Pinilig ko ang aking ulo. "O-Oo. Malabo nga."

I heard him sigh. "Lumabas ka muna. Magbibihis lang ako. Pagkatapos, saka mo hanapin."

"S-Sige!"

Mabilis na akong humakbang para makalabas na sa pinto. Dinaanan ko siya nang hindi siya tinitingnan. I was already getting out of his room when he spoke again.

"Wait."

Natigilan ako. Dahil praning pa sa aktong pagkakahuli sa akin, mabilis na nag-overthink ulit ang isip ko. Ano? Bakit niya ako pinigilan? Binuksan niya na ba ang laptop at nakita ang dulot ng napakarami kong attempt sa pagbukas? Pagagalitan niya na ba ako? Sisisantehin? Palalayasin? Shit talaga!

I don't know where I grabbed the courage to still face him. Huminga ako nang malalim at agad na sinubukang mag-explain.

"Sorry, Clyde. Ang totoo kasi niyan--"

"Hintayin mo lang ako sa labas ng pinto. Mabilis lang akong magbibihis," he said making me stop.

"Huh?"

Nalilito ko siyang tiningnan. He did not talk and just held my shoulder to push me out of his room. Pagkatapos ay sinara niya ang pinto, iniwan akong nalilito pa rin.

What's that? Hindi niya ako pinagdudahan?

Napapikit ako at nakahinga nang maluwag. I really thought that was the end of me! Kung bakit hindi niya napansin ang laptop niya'y hindi ko alam. Ipinagpapasalamat ko na lamang na hindi siya naghinala at nagduda.

His door opened again after plenty of seconds. Of course, I faked a smile to him again.

"Bilisan mo lang sa paghahanap," sabi niya.

"Okay."

"And next time, don't come inside my room without my permission. Ayaw mo naman sigurong masibak sa trabaho mo," delikado na ngayon ang boses niya.

Naglalakad na ako sa unahan niya kaya hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko sa pag-irap. Ngunit sumagot pa rin ako.

"Opo, sir. Pasensya na."

Nawalan ako ng gana sa pagpapanggap kong hanapin ang hindi naman totoong contact lense ko. Wala naman talaga kasi at puwede ko nang sabihing wala dito pero nandito na ako kaya itutuloy ko na lang.

"Saan mo ba 'yon nahulog dito?" Nakapamulsang tanong ni Clyde sa likod ko.

"Ah, hindi ako sigurado kung saan..."

Lumapit ako sa lamesa niya kung saan nakapatong ang kanyang laptop. Napalunok ako at nagkunwaring naghahanap sa parteng 'yon. I could feel Clyde's dark presence at my back. Nang sulyapan ko siya ay naabutan ko siyang nakahalukipkip na at binabantayan ang bawat kilos ko. I don't know why.

I bit my lips and held his laptop. Nagkukunwari pa rin ako sa paghahanap. But then to my surprise, biglang hinawakan ni Clyde ang kamay ko. My eyes widened and turned to him.

"B-Bakit?"

His jaw clenched. "Don't touch my laptop."

Napakurap-kurap ako. "Sorry."

"Try to find your lenses on the other parts of this room too. Hindi 'yong dito ka lang sa lamesa ko naghahanap," seryosong aniya.

Kinabahan naman ako.

"Sige."

Lumipat ako sa may kama niya. Inangat-angat ko ang kanyang mga unan at naghanap sa nawawala kunong lense ko. Tapos, hinanap ko rin sa ilalim ng kanyang kama. I made sure he sees my frustrated reaction every time I act that I couldn't find it. Lumipat din ako sa may sofa ng kuwarto niya at kung saan-saan pa.

"Still couldn't find it?" Tanong niya, nakasandal na ngayon sa may pinto.

Umiling ako.

Umayos siya ng tayo at lumakad palapit sa akin. Buong akala ko titigil na siya ng ilang metrong layo sa akin ngunit nang hindi pa rin at ilang hibla na lamang ay pinilig ko na ang aking ulo at umiwas na ng tingin, takot na mapansin niya ang pagsisinungaling sa aking mukha.

"What's that?" he breathed. "Why can't you look straight at me?"

"Huh?" sambit ko at sinubukan siyang tingnan ngunit sobrang lapit niya talaga sa akin.

I gulped and tried to step backwards. Bumaba ang tingin niya sa mga paa ko at inalis na naman ang espasyo sa pagitan namin.

"Clyde... anong ginagawa mo?" hindi ko na napigilang magsalita.

"What? What's wrong?"

"Sobrang lapit mo sa 'kin."

"And?"

Humugot ako ng hininga at napakuyom ng kamao. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero hindi na ako natutuwa. My heart was already pounding so fast in nervous.

"I thought you like me?" wika ni Clyde habang hinuhuli ang tingin ko.

"O-Oo nga."

"Then you should be happy that I'm acting like this..."

Napalunok ako.

"O baka naman... nagpapanggap ka lang?"

My eyes widened. Agaran ang pag-angat ko ng tingin sa kanya. Our eyes met and I could see nothing but doubt in his eyes. Dahilan kung bakit natawa ako. Napalitan agad ng pagtataka ang tingin niya sa akin.

"Why are you laughing?"

"Sobrang lala ba ng trust issue mo? O sinusubukan mo lang ako?" natatawa kunwaring sagot ko.

His jaw clenched.

"Ano bang inaasahan mong gagawin ko? I am shock that you're acting like this towards me. Sino ba naman ako para ganituhin ni Clyde Agustin?"

Nanatili ang tingin niya sa akin. Ngumisi ako sa kanya at lumapit lalo.

"Do you want me to take the opportunity and..."

Ipinaikot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg. Namilog ang kanyang mga mata.

I made a kiss sound. "Kiss you?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status