"Oh Lord, he's coming! There, there... just a little bit more. Oh!" Impit na tili ang pinakawalan ng nakapilang mga estudyante sa gilid ng bakery-slash-coffee house nang unti-unting rumolyo paitaas ang steel sheet door tanda na magbubukas na iyon. It was only seven in the morning and the sun set the sky brightly. Ang mga huni ng ibon sa paligid ay nagbabadya ng magandag umaga; tinatakpan ng mga iyon ang ingay na nililikha ng mga sasakyang dumaraan sa highway hindi kalayuan mula roon. It was that same time of the day again, and almost all the ladies from the nearby college were lining up to buy—uhm, no—to have a glimpse of the Adonis who owned the shop. Iyon ang araw-araw na kaganapan doon sa tahimik na parteng iyon ng bayan ng Montana, at hindi na bago iyon sa mga katabing gusali ng Panaderia De Quaro. Umaga pa lang, at kahit hindi pa oras ng pasok, ay naroon na sa shop ang mga kadalagahan upang mag-almusal, magpalipas ng ora
Huling Na-update : 2022-08-31 Magbasa pa