Home / Romance / SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC / 007 | No Commitments, No Dramas

Share

007 | No Commitments, No Dramas

Author: TALACHUCHI
last update Last Updated: 2022-09-26 18:00:15

The 4th day of 100...

"Bakit mo parating sinusundan ng tingin ang mga customers mo hanggang sa pinto?"

Napalingon si Quaro sa entry ng working station nang marinig ang tinig ni Kirsten. Nakita niya ito roong nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, naka-sukbit ang backpack sa balikat, saka nakasunod ang tingin sa huling customer na lumabas ng shop at siyang umubos ng dalawang tray ng cheese bread.

Humalukipkip din siya, sumandal sa counter, at kunot-noong hinarap ito.

"Ano'ng problema kung gusto kong sundan ng tingin ang mga customers ko hanggang sa makalabas sila?"

Nagkibit ito ng mga balikat at sinalubong ang mga tingin niya.

"Hmm, wala naman. Naisip ko lang na ang creepy ng dating."

"Creepy? How?"

"Kung ako ang babaeng susundan mo ng tingin hanggang sa pinto, baka natakot na ako."

Hindi niya napigilang um-ismid. "It is my way of sending them off—dahil hindi ko naman sila isa-isang maihahatid sa pinto. And don't worry, hindi kita susundan ng tingin. You can come and go through that door without me noticing you."

Inalis niya ang tingin dito at inumpisahang alisin ang mga wala nang lamang trays sa ilalim ng counter.

"Kunwari ka pa, eh ilang beses kitang nahuhuli noon na pasulyap-sulyap sa akin habang naka-upo ako roon sa sulok."

"Dati pa 'yon, Kirsten, because I thought you're a weird lady. Nag-alala ako sa mga katabi mong table, baka bigla kang mawala sa katinuan at sugurin sila. So don't flatter yourself."

"Pfft."

Inilapag na muna niya ang mga trays sa ibabaw ng counter bago ito muling hinarap. He found her making faces, and when he turned to her, she stopped.

"So, sabihin mo sa akin kung bakit sa tingin mo ay creepy ang dating ng pagsunod ko ng tingin sa mga customers ko."

Muli itong nagkibit-balikat. "Ang dating kasi sa akin ay parang serial killer na sinusundan ng tingin ang bibiktimahing babae."

Doon lumalim ang gatla sa kaniyang noo, kasunod ng paghagod niya ng namamanghang tingin dito. Hindi siya makapaniwala sa lawak ng imahinasyon ni Kirsten.

"What exactly is wrong with you and your brain? Napa-praning ka na ba? Epekto ba ito ng ilang linggong pagtulog mo sa shelter kasama ang mga taong hindi mo kilala?And let me remind you, woman—you begged me to allow you to stay here. Here in this serial killer's place."

Kirsten just pouted and straightened up. Naglakad ito patungo sa pinto ng shop nang walang ibang salita.

Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin. Noon lang niya napagtantong buong araw itong hindi lumabas at kung kailan oras na ng uwian ng mga estudyante at magsasara na siya ng shop dahil wala nang natirang customers sa loob ay saka naman ito lalabas.

Bumaba ang tingin niya sa suot nito—it was also the first time he'd seen her wore something other than her university uniform. This time, she was wearing her fitted blue jeans, sneakers, and a body-hugging T na ang laylayan ay umabot lang hanggang sa ugpungan ng pantalon nito.

And his furrow got deeper when he noticed her body—

This crazy woman has curves... he thought. Hindi niya iyon napapansin dati dahil sa maluwag nitong uniform, pero ngayon ay kitang-kita niya ang katotohanang iyon sa kaniyang harapan.

She had a small waist, her booty was round and firm, and her back was looking sexy. She tied her hair in a messy bun, which only made her look even hotter. Kung nakatalikod ito sa kalsada ay aakalain niyang hindi iyon ang dalagang si Kirsten na nakikitulog sa theater area ng bahay niya. She was looking different from the back, and he was starting to... get interested.

Habang nasa ganoon siyang kaisipan ay biglang lumingon si Kirsten at nakita siyang nakasunod ang tingin. Napa-ismid ito.

"Mabait ka nga, sinungaling ka naman," anito sa tonong may halong panunukso. "So I can come and go through this door without you noticing me, ha? Ipokrito."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at akmang sasagot upang balaan itong magdahan-dahan sa mga salita nang mabilis na binuksan ng dalaga ang glass door at lumabas. Pero bago ito tuluyang umalis at isara ang pinto ay ini-lusot nito ang ulo roon.

She grinned and he thought that made her even more pretty than usual.

"Babalik ako bago mag-alas seis—don't miss me, ha?"

Tumaas ang isang sulok ng mga labi niya sa patuloy na pagkamangha. "You are overconfident today, Kirsten."

"Shy and reserved phase has passed na nga, 'di ba?"

He smirked again. "I'll lock the door at six—whether or not you're back."

Lalo itong ngumisi saka ini-taas ang kamay na may hawak na susi. Nagsalubong ang mga kilay niya, kasunod ng paglingon sa doorkeys na nakasabit sa pader ng counter. Naroon ang mga iyon—pero ano ang hawak ni Kirsten?

"Ni-duplicate ko ang mga ito noong isang araw—hindi mo napansin dahil abala ka," she said, reading his thoughts.

Muli niya itong nilingon, "Didn't I tell you to never mess with my stuff?"

"Parang keys lang, eh," nakanguso nitong sabat bago ibinaba ang kamay. "Paano kung emergency? Paano kung nasa labas ako at nasa loob ka, at nasunog ang shop at 'di ka makalabas—sino ang tutulong sa'yo? O hindi naman kaya ay may nakapasok na serial killer sa shop, na-corner ka at ginawang hostage, ano ang gagamitin ng mga pulis para makapasok sa backdoor at—"

"Shut the hell up and just leave, will ya?" Tinapunan niya ito ng masamang tingin bago itinuloy ang pagkuha ng mga trays sa ibabaw ng counter. Hindi niya alam kung maiinis sa mga sinabi nito o mapapailing na lang.

Because... somehow, her cheekiness was making him smile from the inside.

"See you tonight, Quaro..."

Bago siya pumasok sa pinto patungo sa kaniyang working station ay muli niya itong tinapunan ng tingin, only to find her waiting for him to turn in her direction so she could blow him a kiss.

Natigilan siya sa ginawa nito, at si Kirsten nama'y muling napangisi.

He shook his head in disbelief and was about to continue his phase when he saw Paige through the glass wall, walking towards the door. Sandali siyang huminto at sinundan ito ng tingin.

Si Kirsten, nang makitang natuon ang tingin ni Quaro sa ibang direksyon ay lumingon, at nang makita ang pamilyar na babaeng nahinto sa likuran nito'y kinunutan ng noo.

Mula sa loob ay nakita ni Quaro ang sandaling pag-uusap ng dalawa, hanggang sa bigyang daan ni Kirsten si Paige na makapasok.

Nalipat sa nakangiting mukha ni Paige ang pansin niya.

"Hey, you're back," aniya rito nang tuluyan itong makapasok sa loob.

"Yes, I'm back, and I missed you."

Ibinalik niya sa counter ang hawak na tray at hinarap ang dalagang tumayo sa harap niyon. He leaned on the counter and stared at her beautiful face.

"You look nice."

Paige chuckled. "I missed your coffee."

Malapad siyang ngumiti at aanyayahan na sana si Paige na pumasok sa kusina niya upang doon mag-kape nang mapasulyap siya sa glass door at nakita roon si Kirsten na nakatayo pa rin sa harap, ang mga mata'y nakatutok sa kanila ni Paige, at ang mga kilay ay magkasalubong.

"What?" he mouthed.

Nakita niya ang pagsimangot ni Kirsten kasunod ang pag-irap. Inayos nito ang pagkakasukbit ng bag sa balikat saka nag-umpisang humakbang ng malalaki paalis.

"Patuloy pa rin siya sa pagpunta rito?"

Ibinalik niya ang tingin kay Paige nang marinig ang tanong nito. Tulad niya'y nakatingin din ito sa labas ng glass door.

"She lives here now."

"What?" Nanlalaki ang mga matang hinarap siya nito; nasa magandang anyo ang labis na pagkagulat. "Did I hear it right?"

"Yeah."

"How come? Si Jan Quaro Zodiac, magpapatira ng ibang tao sa bahay niya? You don't even want to employ a single soul because you didn't want your stuff to be touched by anyone."

"It's a long story," he answered wryly before taking the trays off the counter. "D'you want to talk about it over a cup of coffee?"

Ang pagkagulat at pagkamangha sa anyo ni Paige ay unti-unting nalusaw, at napalitan ng pagngiti. "I'd love to. A cup of Americano for me, please."

*

*

*

Five mins before six o'clock and Kirsten came back to the shop. Nakita ng dalaga mula sa glass wall na nakabukas pa rin ang ilaw sa loob—ibig sabihin ay hindi pa rin naka-a-akyat sa taas si Quaro.

Ini-suksok niya ang duplicate key sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan upang hindi maglikha ng ingay, subalit kahit anong ingat niya ay tumunong pa rin ang door chime.

She exhaled and let herself in, before closing the door behind her and walked across the shop. Subalit papasok pa lang siya sa entry ng working station ni Quaro ay napahinto na siya kaagad sa paghakbang nang may marinig na malakas na ungol mula sa loob

Ungol ng babae!

Mahigpit na napa-kapit si Kirsten sa strap ng backpack at ipinako ang sarili sa kinatatayuan. Patay ang ilaw sa working station subalit bukas ang nasa kitchen—at kung ang pagbabasehan niya ay ang lakas ng ungol at halinghing ng babae ay siguro siya sa kusina nagmumula iyon!

Kasabay ng paglakas ng ungol sa naririnig ni Kirsten ay humigpit nang humigpit ang pagkakahapit nito sa bag. Kahit ang paghinga'y pigil-pigil din, na tila nakikisabay sa rumaragasang damdamin ng umuungol na babae sa loob.

Lumakas nang lumakas ang ingay, at kung hindi siya nagkakamali ay may lagitnit ng kahoy din siyang naririnig.

Kung sa kusina ang mga taong lumilikha ng ingay, siguradong ang round, 4-seater table ang naririnig niyang lagitnit na iyon.

Napalunok siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag—unti-unting nagkakaroon ng imahe sa utak niya ang naririnig na ingay sa kusina. An image that made her feel... envious. Kahit wala siyang karanasan sa bagay na iyon ay hindi mahirap hulaan kung ano ang nagaganap ilang metro mula sa kinatatayuan niya. At naiinggit siya dahil...

Natigil siya sa pag-iisip nang ang sunod niyang narinig ay impit na tili ng babae at ungol ng lalaki.

Doon niya dahan-dahang pinakawalan ang paghinga. Sa tingin niya'y humupa na rin ang damdamin ng dalawang nasa kusina. Malalalim na paghinga ang sunod niyang narinig, kasunod ang paghagikhik ng babae.

"You are wild today, Paige, baby."

"It's been a week since we last did it, so can you blame me?"

Quaro chuckled. "See you next time."

Umatras siya at sumandal sa pader na pumapagitan sa shop at sa working station. Ilang dipa sa kinasasandalan niya ay ang entry at doon lumabas una ang magandang babaeng pamilyar sa kaniya, kasunod si Quaro na walang suot na pang-ibabaw.

Walang nakapansin sa kaniya na naroon sa gilid ng pader, ang dalawa ay dire-diretso lang hanggang sa pinto ng shop.

Pinagbuksan ni Quaro ng pinto si Paige at inihatid hanggang sa labas. Mula sa glass window ay nakita niya ang sandaling pag-u-usap ng dalawa, bago ang pagpaalam ng dalaga.

Si Quaro ay sandaling hinatid ng tingin si Paige bago bumalik sa loob. Una nitong ini-sara ang rolling steel sheet, ini-kandado iyon, saka ini-sara ang glass door at iyon naman ang ini-lock.

Pagharap nito'y nagtama ang kanilang mga mata.

Nagtaka pa siya dahil tila hindi nagulat si Quaro nang makita siyang naroon. Ang binata'y balewalang itinuloy ang paghakbang pabalik sa entry ng working station.

"What?" anito bago pumasok doon. "You think I didn't know you arrived?"

"Ang lakas ng pakiramdam mo."

"I heard the door chimed."

"Sa kabila ng abala ka sa... ginagawa mo, ay nagawa mo pa ring ibaling ang pansin mo sa iba?"

"Ipinanganak akong talentado," pamimilosopo nito bago pinatay ang switch ng ilaw sa shop at itinuloy ang pagpasok sa working station.

Sumunod siya; ang mga mata'y nasa pawisang likod ni Quaro. "Girlfriend mo ba 'yon?'

"No. Wala akong girlfriend."

Patuloy siyang sumunod hanggang sa marating nila ang kusina. Pagdating roon ay sandali niyang inikot ang tingin sa paligid, habang si Quaro nama'y dumiretso sa two-door fridge nito at kumuha ng isang litrong sealed mineral water. Binuksan nito iyon at idineretso sa bibig.

Siya nama'y sandaling napako ang tingin sa round table kung saan niya napansin ang dalawang upuan na nawala sa ayos. Humigit-kumulang ay alam na niya kung saan pumwesto ang dalawa.

Ibinalik niya ang tingin kay Quaro na halos pinangalahati ang laman ng boteng hawak.

"Bakit ka nakikipag-sex sa kaniya kung hindi mo siya girlfriend?"

Kuno-noong ibinaba ni Quaro ang mineral water bottle na hawak saka hinarap siya.

"Eh, ikaw? Bakit ka nakatira ng libre sa bahay ko kung hindi kita asawa?"

Nagkibit-balikat muna siya bago sumagot. "Dahil... nakiusap ako sa'yo at nakita mong matindi ang pangangailangan ko kaya kalaunana ay pinagbigyan mo akong manirahan dito ng libre?"

"There goes my answer to your question—dahil pareho kaming nangangailangan kaya pinagbigyan namin ang aming mga sarili. Plus, the sex is free."

"Eh... kung ganiyang pareho kayong nangangailangan sa isa't isa, bakit hindi mo na lang siya siyotain at—"

"I don't want to be in a relationship," putol ni Quaro sa sinasabi niya. Muli nitong itinaas ang hawak ng bote ng mineral water at um-ilang lagok bago iyon ibinaba at inisara. "I don't want to have a girlfriend. Masyadong nakauubos ng oras."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito, at nang makita ni Quaro ang pagkalito sa mukha niya'y nagpatuloy ito,

"If you are in a relationship, you need to be committed. Kailangan mong maglaan ng oras para sa partner mo dahil responsibilidad mo 'yon. Kailangan mong maglaan ng oras—ng panahon— para sa mga dates. Kailangan mo siyang hanapan at bilhan ng regalo kapag may espesyal na mga okasyon, at ipakilala sa pamilya. Idagdag pang kailangan mong siguraduhing lagi siyang masaya. And all that doesn't work for me. I don't want to bother myself with all those responsibilities."

Hindi napigilan ng dalaga na mapa-ismid. "So, ang gusto mo lang ay babaeng nariyan kapag kailangan mo?"

"Kapag kailangan lang ng katawan ko, yes."

This time, she pouted her lips and said no more.

Kinunutan ng noo si Quaro. "Wait a minute—why are we even having this kind of conversation? Sa tingin ko'y wala ka sa lugar para sitahin ako sa mga ginagawa ko?"

"Naitanong ko lang naman. Napansin ko na kasi noon na... madalas dito ang babaeng iyon—"

"Paige."

"Huh?"

"Paige. That's her name."

Muling napanguso ang dalaga. "Hindi ko naman nitanong, ah?"

"Sinasabi ko lang, dahil masakit sa tenga kapag tinatawag mo siyang 'babaeng iyon'."

Pagkatapos niyon ay tumalikod na si Quaro at naglakad patungo sa hagdan bitbit ang bote ng mineral water nito. Sa sahig ay may dinampot ito—his T-shirt.

Siya nama'y sinundan lang ito ng tingin; sikretong pinagmamasdan ang pag-galawan ng mga muscles nito sa braso at dibdib. Ang totoo'y kanina pa niya pinipigilan na ibaba ang tingin sa hubad nitong dibdib dahil ayaw niyang mahalata ni Quaro ang pag-tangi niya rito.

If Quaro only knew her modus operandi, he would surely be surprised.

Nanatiling nakasunod ang tingin niya sa maskuladong likod ni Quaro habang humahakbang ito patungo sa hagdan nang bigla itong huminto at lumingong muli. Mabilis siyang umiwas ng tingin, nagkunwaring nasa ibang direksyon ang pansin.

"Where have you been, anyway? Not that I care, pero nasanay akong sa nakalipas na tatlong araw simula nang tumira ka rito ay hindi ka na lumalabas kapag dapit-hapon na."

Balewala siyang nagkibit ng mga balikat. "D'yan lang sa tabi-tabi."

Quaro narrowed his eyes in suspicion. "Don't you try causing any trouble."

Napabuga ng hangin ang dalaga. "Nakipagkita lang ako sa boyrfriend ko."

"Wala kang matirhan pero may boyfriend ka?"

"Bakit, kailangan bang magkabahay muna bago mag-boyfriend?"

"Kung may boyfriend ka, bakit hindi siya ang nilapitan mo noong nangailangan ka ng matitirhan?"

Napangiwi siya at umiwas ng tingin. Nag-isip ng maisasagot subalit nainip si Quaro kaya tumalikod ito at itinuloy na ang pag-akyat sa hagdan.

"Never mind. As long as wala kang ilegal na ginagawa at hindi ka nangengealam sa mga gamit ko rito, ay malaya kang gawin ang gusto mo." Muli itong huminto at patagilid na lumingon. "Turn off the lights before you go upstairs, Kirsten. Good night."

TO BE CONTINUED...

Related chapters

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   008 | Curse The Alcoholic Cake!

    7th day of 100..."Spit it out—what do you need?"Mula sa pagsilip sa entry ng working station ay tuluyang lumabas si Kirsten at nahihiyang lumapit kay Quaro na abala sa pag-aayos ng mga tinapay sa estanteng nasa gitna ng shop."May... hihingin sana akong pabor—""I'm busy."Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Matapos mong sabihing 'spit it out', bigla kang kakabig ng'I'm busy'?""Kung may itatanong ka ay sasagutin kita, pero kung pabor 'yan na kakain ng oras ko, definitely no."

    Last Updated : 2022-09-27
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   009 | Struggling is Pointless... If You Know That You Want It, Too

    Matapos niya iyong marinig ay mahigpit niyang hinawakan ang bewang ni Kirsten saka ito sapilitang ibinaba. But she just dropped herself on the carpet, laid down there as her tipsy eyes continued to gape at him. "Ano bang pinagsasasabi mo?" aniya rito, pikon na pikon na. "Hindi mo naintindihan? Then, let me translate that—I said, you are hot, Quaro..." "And you are crazy! Kung lasing ka'y matulog ka ro'n sa higaan mo!" "Sige, matutulog na ako..." Pilit itong bumangon at nang makatayo'y pa-gewang-gewang na tinungo ang kama niya. She dropped herself in his bed, face down. Nakasimangot na lumapit siya at hinawakan ito sa bewang

    Last Updated : 2022-09-28
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   010 | Letting Her In - PART 1

    She tastes like orange and chocolate combined. She tastes sweet and tangy, with a little bit of something. Could it be the rum? I don't like rum—I am more of a beer-person. But if what I'm tasting from her mouth is the rum she used in her cake, then I like it. I like it so much I couldn't stop tasting it from her. And this is hard for me to admit but... I am getting... addicted.

    Last Updated : 2022-09-30
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   011 | Letting Her In - PART 2

    Ang malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Quaro. He grabbed his phone and checked the time. Four in the morning. Fuck. Pasado alas dos nang tuluyan siyang dalawin ng antok—may isang oras na kaya siyang tulog? Pinatay niya ang alarm at umayos ng pwesto sa couch—sa sandaling iyon ay nagdesisyon siyang hindi muna magbukas sa araw na iyon. He wasn't supposed to, anyway. Dahil dapat ay nasa bahay pa rin siya ng ina sa mga oras na iyon. &nbs

    Last Updated : 2022-10-01
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   012 | The Truth About Last Night

    Pigil-pigil ni Kirsten ang paghinga habang pinagmamasdan si Quaro na bina-bati ang itlog sa bowl gamit ang wisk. Ang mga ugat nito sa braso ay tila konektado sa pagkatao niya—bawat pintig ng dugo roo'y kumu-konekta sa kaniya, nararamdaman niya. Kanina pa siya tulalang pinapanood ang bawat pagkilos nito. Pakiradamn niya ay naka-slomoang lahat, para siyang nanonood ng pelikula na ang lente ay naka-focus sa mga ugat, sa braso, at sa pagbati nito ng itlog. And the scene was dreamy, she must say. Parang panaginip. Parang si Quaro... paraiso sa kaniyang panaginip. Napalunok siya habang unti-unting itinat

    Last Updated : 2022-10-02
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   013 | Bothered By The Four-Letter Word

    Biglang tuwid na tumayo si Kirsten matapos marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito'y naging mailap, ang morenang pisngi ay bahagyang namutla. Hindi ito nakasagot kaagad, kaya muli siyang nagsalita."Well?""W—Well what?" ulit nito, ang pansin ay ibinaling sa ibang direksyon."What are you hiding from me, and why is it so hard for you to be honest? Hindi ba at sinabi ko na sa'yong magpakatotoo ka? That's the only thing I want from you."And he should throw her out of his house, shouldn't he? Dahil hindi nito sinunod ang patakaran niya, dapat ay palayasin na niya ito.But why couldn't he? What's stopping him?

    Last Updated : 2022-10-03
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   014 | Bothered By The Four Letter Word - PART 2

    "Siya nga pala, Quaro... Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako gumawa ng cake kagabi?"Yeah, sabihin mo sa akin ang dahilan kaya ginawa mo ang bagay na naging sanhi ng pagkakaganito ko."Just spit it out," ang tanging nasabi niya."Birthday ko kasi ngayon."Surprised, he turned to her."Why didn't you tell me?"And since when did he start to care?Nagkibit ng mga balikat si Kirsten. "Kailangan bang malaman ng landlord ko ang kaarawan ko?"

    Last Updated : 2022-10-04
  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   015 | Flirtatious Phase

    Napilitan si Quaro na pagbigyan si Kirsten at bumalik sa pagkakasalampak sa carpet. Muli itong umiwas ng tingin. "Fine," he said, "I'll stay for ten more minutes." Ngumiti si Kirsten at binitiwan ito. "Salamat." Ibinaba ng dalaga ang tingin sa pagkaing nasa tray, kinuha ang tinidor na nasa tabi ng plato at inumpisahang haluin ang red sauce sa pasta. Unang tinusok ni Kirsten ang meatball at dinala sa bibig; she ate it with gusto. "Ang sarap!" Doon

    Last Updated : 2022-10-05

Latest chapter

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   046 | Quaro's Surrender

    "Paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"Iyon ang unang tanong ni Kirsten nang marating nila ang rooftop. Nagulat pa siya nang makitang kahit ang working station at kusina ay lumawak. The second and third floors were still the same, though. Hindi nagalaw. But the rooftop had some changes made, too. There were plants on the sides and the baluster—pinaligiran ng mga halaman at nagmukhang forest garden sa dami ng tropical plants na naroon.She was not into plants, pero alam niyang may presyo ang ilan sa mga halamang nasa rooftop.Sa gitna rin ng rooftop ay mayroong dalawang magkaharap na rattan wicker chairs at sa pagitan ng mga iyon ay isa namang coffee table na gawa sa pinakintab na kahoy. Nakasilong ang mga iyon sa isang may kalakihang payong na

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   045 | The Lucky Gal

    "I decided to keep the baby and raise it, Quaro."Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig kay Paige. She was sitting across the table, hands holding the cup of coffee whilst her head bent down. Ang tingin nito'y nasa kape subalit alam niyang ang isip ay nasa ibang lupalop.Nakaupo siya sa harap nito at tahimik na nakikinig. Puno ang shop ng customer subalit may dalawang staff na siyang kinuha upang tumulong, kaya malaya siyang maglaan ng oras upang kausapin si Paige.He had renovated his shop and it had been running for a few days now. Nabili niya ang kabilang pwesto na dati ay patahian, kaya pinalawak niya iyon. He had added more tables, more shelves for his bread, and more space for the customers. The interior was in minimalist design.

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   044 | Auto-recorded Confession

    "Kirsten! Oh, Kirsten!"Naibaba niya ang bitbit na backpack nang makita ang abuelo na napatayo bigla sa kinauupuan nang makita siyang pumasok sa malawak na sala ng villa nila. Hapon na nang makarating siya sa villa at kapag ganoong oras ay kauuwi lang ng lolo niya mula pabrika.Akay-akay ang tungkod nito at sa nanlalaking mga mata ay sumalubong ito sa kaniya. Ang labis na kaligayahan ay makikita sa anyo nito.Sa edad na sitenta y sinco ay malakas pa rin si Senior Oscar De Casimiro. Ito pa rin ang namamahala sa pabrika nila at personal na nakikipag-usap sa mga kliyente. Naniniwala siyang mahigit sampung taon pa ang itatagal nito sa mundo, pero hindi rin siya nakasisiguro dahil maaaring may dinaramdam ito kaya nais na siyang ipakasal. Her grandfather

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   043 | No Certainties

    Kirsten woke up for a start. She opened her eyes and gazed at the white ceiling in Quaro's room. Ang bintana sa kabilang bahagi ng silid ay nakabukas pa rin, at mula roon at dinig niya ang busina ng mga sasakyan mula sa highway. The noise was faint and it didn't really bother her, lalo at nakikisabay ang huni ng mga ibon sa ingay na iyon.Kung pagbabasehan niya ang liwanag mula sa nakabukas na bintana, siguradong magtatanghali na.Nilingon niya ang kabilang bahagi ng kama at nang makitang wala na roon si Quaro ay kinuha niya ang unang ginamit nito at sinamyo iyon. She liked smelling his scent through the pillow, it smelt like... home.Yeah... Quaro was her home. Nothing else. Sa araw na iyon

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   042 | Hopelessly Falling

    Quaro took off her shirt and her underwear effortlessly. Kirsten was unable to follow what was happening—everything was like whirlwind. She woke up one moment finding him in the room, taking off his clothes. And the next thing she knew, he was already kissing her. All at once, there was nothing in her universe but Quaro's kissing, touching, biting, and exploring every inch of her body with his mouth, his tongue, and his hands. The way his calloused hands touched her was urgent and left traces of fire. Parang lava na dumadampi sa katawan niya. Tila binabawi nito ang dalawang gabing hindi sila nagkasama. He was... unstoppable, hot, and needy.

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   041 | Talk About Feelings

    Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop. Ayon sa staff na napagtanungan niya ay nasa kabilang bayan raw ito at dumalaw sa ina na nakatira roon. She just left the envelope and asked the staff to hand it over to Paige.Matapos manggaling roon ay dumiretso na siya sa shop ni Quaro—she wanted to talk to him one, final time, and to collect her stuff, as well. Iyon na ang huling beses na pupunta siya roon.Pagliko niya sa street patungo sa shop ay nagtaka pa siya nang makita kaagad ang nakasarang roll up door. Weekday at dapat ay bukas ang shop subalit hindi.Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya iyon. Lalo siyang nagtaka nang makitang may nakasabit na ka

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   040 | Someone's Carrying A Life

    "Maagang umalis sina Quaro at Aris, hija. They are going to Aris' place, but Quaro had asked Lee to take you home. I still can't believe my eldest son is living with a girl, oh my!"Nakita niya ang pagguhit ng galak sa anyo ni Felicia nang sabihin nito iyon. She was obviously pleased. Sana lahat ng manugang ay ganoon. Sana lahat ng mga oldies ay ganoon ang mindset at hindi mapanghusga. Na kahit pangit sa paningin ng mga nakaaalalam ang sitwasyon nila'y hindi naging negatibo ang reaksyon nito.But—she didn't expect him to leave. Iniwan siya nito roon sa bahay ng pamilya nito.Ito pa talaga ang may ganang gawin iyon. Hindi ba dapat ay siya ang umalis?

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   039 | Future Brother-in-Laws - PART 2

    Napabalikwas ng bangon si Kirsten nang biglang bumukas ang pinto ng okupado niyang silid. Quaro was standing at the door, face shadowed by the dark. Nagsalubong ang mga kilay niya. "May problema ba?" "Don't tell me na kaaakyat mo lang?" "Well, yes." "Well, yes? That's all you have to say?" "What else do you want me to say, then?"

  • SHOW ME HOW - JAN QUARO ZODIAC   038 | Future Brother-in-Laws - PART 1

    Hindi alam ni Kirsten kung saan siya naroon sa mga sandaling iyon; sa langit ba o sa paraiso? Nasa Mount Olympus ba siya, o nakapasok sa isang male magazine? She couldn't tell. Hindi niya alam kung kanino titingin sa pagpasok nilang muli sa bahay. Sumalubong sa kanila ang mga nagtataasan at nag-gu-guwapuhang mga lalaki na naka-upo sa sala kasama sina Quaro at Lee. Quaro's eyes were following her, but she did her best to avoid them. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito kaya ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, at sa ibang pares ng mga mata. She sti

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status