7th day of 100...
"Spit it out—what do you need?"
Mula sa pagsilip sa entry ng working station ay tuluyang lumabas si Kirsten at nahihiyang lumapit kay Quaro na abala sa pag-aayos ng mga tinapay sa estanteng nasa gitna ng shop.
"May... hihingin sana akong pabor—"
"I'm busy."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Matapos mong sabihing 'spit it out', bigla kang kakabig ng 'I'm busy'?"
"Kung may itatanong ka ay sasagutin kita, pero kung pabor 'yan na kakain ng oras ko, definitely no."
Muling nanulis ang nguso ng dalaga; nanatili ito sa kinatatayuan at patuloy na umasang magbabago ang isip ni Quaro.
Mag-a-alas siete na ng umaga at malapit nang magbukas ang shop. Mula sa labas ay madidinig na ang ingay ng mga naka-pilang customers, like every other day. Kahit nakasara pa ang pinto at nakatakip ang kurtina sa glass window, ay alam ng dalaga na mahaba na naman ang pila sa labas. Pilang puro lang naman mga kadalagahan na ang nais ay masilayan ang panaderong si Quaro. At sigurado si Kirsten sa oras na magpakita ang binata sa mga ito'y impit na tilian na naman ang madidinig sa paligid.
"Bakit late ka nang bumaba?" tanong ni Quaro matapos isalansan ang mga bagong bake na tinapay. Tumuwid ito at hinarap si Kirsten. "Hindi ka pwedeng lumabas sa harap, ayaw kong magtaka ang mga customers. Sa back door ka dumaan—"
"Nag-aalala kang mabawasan ang mga customers mo kapag nakita nilang may babaeng lumabas mula sa shop mo sa ganitong oras?"
"No, ayaw ko lang sumagot sa mga walang ka-kwenta-kwentang katanungan nila. Now, leave. I need to open the shop in a few minutes." Tinalikuran na ni Quaro ang dalaga at naglakad pabalik sa working station.
Sumunod doon si Kirsten at inabutan ang binatang sinisilip ang pangalawang batch ng mga tinapay na ini-salang nito sa oven.
"Kailangan kong magluto ng ilang mga putahe, Quaro..."
Payukong nilingon ni Quaro ang dalaga. "For what?"
"School activity."
Nagsalubong ang mga kilay nito bago itinuwid ang sarili.
"There were days where I would see you read different kinds of Science books. Minsan naman, accounting and finance. Ngayon, cooking? Ano ba talaga ang kursong inaaral mo?"
Naging mailap ang mga mata ni Kirsten, sandaling nag-isip ng isasagot. "Kasi... may party sa school at—"
"Anong party?"
"B—Birthday party—"
"Whose birthday?"
Nang hindi kaagad nakasagot si Kirsten ay napa-iling ang binata at ibinalik ang pansin sa oven.
"You know what, Kirsten—if there is one thing I hate about people other than their existence in my personal space, that is dishonesty. Ayaw ko sa mga taong sinungaling."
Napalunok si Kirsten. "Eh, kasi—"
"Do you think I'm a fool?"
"Siyempre hindi."
"Then why are you confidently lying to me? Do you really think you can get away with it?"
Muli ay hindi nakasagot ang dalaga.
"Kung hindi mo kayang magsabi ng totoo'y maghanap ka na ng iba mong matutuluyan—naiinis ako kapag pinagsisinungalingan ako." Pahampas na inilapag ni Quaro ang pot holder sa ibabaw ng stainless working table nito bago humakbang patungo sa direksyon ng dalaga.
Napa-uklo si Kirsten sa pag-aakalang siya ang lalapitan nito, subalit nagtuluy-tuloy ang binata sa entry ng shop at nilampasan lang ang dalaga.
Muli ay sumunod si Kirsten, at sa tinig na puno ng pagmamakaawa ay,
"Ang totoo'y gusto ko lang maki-gamit ulit ng kitchen mo."
Natigil sa paghakbang si Quaro at muling humarap. Seryoso ang anyo nito nang magsalita, "Convince me."
Kirsten bit her lower lip before bracing herself. "Kasi... ang mahal ng mga pagkain sa labas at kung araw-araw akong bibili imbes na magsaing at magluto ng ulam na tatagal ng ilang araw ay mas makatitipid ako—"
"Okay."
"Okay?" nanlalaki ang mga matang ulit ng dalaga.
"You can use my kitchen, but you can't use my ingredients. You have to buy your own. Plus—you have to clean the kitchen after using it. Spotless clean, Kirsten, walang bahid ng dumi akong gustong makita roon matapos mong gamitin."
"Oh, thank you!"
Halos magtatalon sa tuwa ang dalaga na ikina-iling ni Quaro. He could not believe how shallow her happiness was.
"Sobrang thank you, Quaro," maluha-luha pang dagdag ni Kirsten; ang mga daliri ay magka-krus na tila nagdadasal. "Sa sobrang tuwa ko, parang gusto kitang yakapin. I mean... pwede ba?"
"There is no need of that," patuyang sagot ng binata bago pumasok sa counter area at inayos ang mga tinapay na naka-display sa ibabang estante. "You know what? I think I should rephrase my rule."
Ang pagdiriwang ng dalaga ay natigil nang marinig ang sinabi nito. "R-Rephrase? Bakit?"
"My first and only rule when I accepted you here was to never touch any of my stuff, which you followed, thankfully. Pero naisip kong alisin na lang ang patakarang iyon at baguhin."
"Baguhin?"
Payuko muling nilingon ni Quari si Kirsten na ang mga kilay ay magkasalubong.
"Starting today, I want you to never lie to me."
Ang anyo ng dalaga ay naging seryoso. May ilang segundo itong nakipagtitigan kay Quaro, bago nagpakawala ng malalim na paghinga saka sumagot,
"Okay—maliit na bagay."
"Kung ganoon, bakit parang nagdalawang isip ka pang sumang-ayon?"
She pouted and looked away. "Na-offend lang ako—para kasing pinalalabas mo na—"
Ang pigik na tawang kumawala kay Quaro ang nagpatigil kay Kirsten. "If you are living under someone else's roof for free, I don't think you have the right to be offended." Ibinalik na nito ang pansin sa ginagawa. "By the way, aalis ako bukas at dalawang araw na mawawala. Masakit man sa kalooban ko ay iiwan ko muna sa iyo ang bahay. But remember, you can't open the shop's door—if you need to go out, use the back door and make sure to lock it."
"Saan ka pupunta?"
"Visiting my family."
"May pamilya ka?"
"Mukha bang wala?"
Muling nanulis ang nguso ng dalaga at hindi na sumagot pa. Si Quaro nama'y itinuwid ang sarili at seryosong hinarap si Kirsten.
"Umaasa akong wala kang gagawing katarantaduhan habang wala ako, Kirsten. This place is too precious to me; so don't do anything that will trigger me to throw you out."
"Dahil kung hindi...?"
Nagtaas ng mga kilay si Quaro. "Kung hindi ay padadapain kita pag-uwi ko."
Pinamulahan ng mukha ang dalaga sa pagtataka ni Quaro; nagtataka ito kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kirsten sa sinabi.
Si Kirsten, bago pa man mabuking sa katarantaduhang iniisip, ay tumalikod na,
"Aalis na ako—see you tonight!"
*
*
*
Tahimik na binuksan ni Quaro ang back door at pumasok sa kusina. Sinalubong siya ng dilim, subalit hindi siya nag-abalang buksan ang ilaw at humakbang diretso sa fridge. He was too thirsty he craved for a can of beer.
He traveled for almost six hours by bus and he was dead tired. Kapag naubos na niya ang beer ay di-diretso na siya sa silid niya upang maligo at ibagsak ang sarili sa malambot niyang kama.
It was only Sunday evening and he was supposed to come home the next after, subalit hindi siya mapakali roon sa ancestral house nila. He was worried about his own house; about his shop. Nag-aalala siyang baka pakealaman ni Kirsten ang mga ingredients niya, o makalimutang isara ang stove at sumingaw ang gas, o hindi kaya'y pumalpak na naman ito sa niluluto, masunog iyon, mataranta ito at iwan na lang ang bahay niya hanggang sa masunog.
Knowing Kirsten, hindi imposible ang mga naisip niya.
Kaya naman nang hapong iyon ay nagpaalam na siya sa ina at sa tatlong mga nakababatang kapatid na sabay niyang dumalaw nang araw na iyon. Hindi naman nagtanong ang mga ito sa kaniya—sa pasasalamat niya. Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito.
He missed his mom, and he was happy that despite her chronic back pain, she remained strong and healthy. Nangako siyang dadalawin ito nang madalas.
Binuksan niya ang fridge at kukuha na sana ng isang can ng beer nang may mapansin. Kulang ang tray ng mga itlog sa loob.
He kept his eggs in the fridge to keep them fresh for longer. At kadalasan ay pinupuno niyon ang isang side ng two-door fridge niya. Alam na alam niya ang bilang ng mga iyon, he tallied them before he left; and he knew a tray or two went missing.
Pabagsak niyang ini-sara ang pinto ng fridge at tumingala sa hagdan.
Huhulaan pa ba niya kung ano ang nangyari sa mga itlog niya?
Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang hagdan at umakyat patungo sa second floor kung saan siguradong naroon ang salarin. Sisingilin niya ito sa mga itlog na kinuha nito nang walang paalam! He needed to, even if he didn't need payment. Nais lang niya itong turuan ng leksyon.
He didn't want people around him to get used to getting what they wanted. They must learn where and when to stop.
Pagdating sa second floor ay inihanda niya ang sarili sa komprontasyong gagawin niya. Subalit nang makitang walang tao roon ay nagsalubong ang mga kilay niya.
Where did she...
Napa-angat ang tingin niya sa hagdan patungo sa thirdfloor, at nang maisip na maaaring naroon si Kirsten ay napa-mura siya kasunod ng mabilis na pag-akyat.
Ayaw niyang may ibang taong hihiga sa kama niya. Ayaw niyang may ibang taong pupunta roon at guluhin ang silid niya. Kahit si Paige na ilan taon na niyang kaibigan ay hindi pa nakararating hanggang sa third floor. She had only been in the theater room where they would spend an hour or two of hot sex.
Doble-doble ang baitang na inihakbang niya hanggang sa marating niya ang silid sa third floor. Ang pinto ay sarado subalit hindi naka-lock—which wasn't supposed to be the case dahil naalala niyang ini-lock iyon bago siya umalis.
Pagpasok niya'y nakahinga siya ng maluwag nang makitang bakante ang kama at hindi nagalaw. The sheet was neat and the pillows were on the same possition. Tinatandaan niya ang posisyon ng mga gamit niya bago niya iwan ang mga iyon. That's how he rolled.
Good, hindi siya nahiga sa kama ko.
Pumasok siya at tinungo naman ang banyo. Sunod niyang binuksan ang pinto niyon—subalit wala rin doon ang kaniyang hinahanap.
Doon muling nagsalubong ang mga kilay niya;
Where could she be?
Hindi rin nagtagal ay nasagot niya ang sariling katanungan nang makita ang bahagyang nakabukas na sliding door ng veranda. Iyon ang sunod niyang nilapitan. Lumabas siya at tiningala ang hagdan patungo sa rooftop, at doon sa itaas ay may narinig siya kaluskos.
Tahimik siyang umakyat, at pagdating roon ay kaagad niyang nakita si Kirsten; nakahiga sa blanket na inilatag nito sa gitna ng roof top katabi ang isang litro ng orange juice—his orange juice—at kung hindi siya nagkakamali ay isang rum cake. Halos kalahati na ang naubos nito at ngayon ay naka-hilata sa blanket, ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid at ang mga binti'y naka-hiwalay.
She was lying there like a starfish—and he couldn't help but shook his head.
Lumapit siya at tumingkayad sa tabi nito.
"Hey, Kirsten—"
Mabilis itong nagmulat—at nang makita siya'y pinanlakihan ito ng mga mata. Tila ito naka-kita ng multo sa pagkagulat—subalit sandali lang iyon dahil nagbago rin ang anyo nito. Ang mga mata'y naging mapungay.
"Hello..." anito sa inaantok na tono. "Lunes na ba?"
Itinaas niya ang relos sa bisig at sinulyapan ang oras. Ala-una ng madaling araw.
"Yes, it's 1:00 AM, Monday. What are you doing here?"
Ngumisi ito at wala sa sariling itinuro ang cake.
"Kasalanan ng rum cake. Nilasing ako..." she answered, followed by a hiccup.
Nalipat ang tingin niya sa cake. "Where did you get this?"
"Ginawa ko, siyempre!"
"I don't believe you—hindi ka nga makapag-prito ng itlog—" Natigilan siya nang bumalik sa isip ang mga nawawalang trays ng itlog sa fridge. Naningkit ang mga mata niya nang may mapagtanto. "How many cakes did you make today?"
"Anim!" Nakatawa nitong sagot sabay taas ng dalawang mga kamay—ini-taas nito ang tatlong darili sa bawat kamay. "Anim ang nagawa ko pero isa lang ang edible—ang iba'y nasa basura na!"
"And I would assume you took all the ingredients from my pantry?"
"Hindi ah! Ang itlog mo lang!"
Hindi niya napigilang takpan ng palad niya ang bibig nito. "You can answer me without raising your voice."
Subalit tumawa lang si Kirsten at ibinaba ang mga kamay sa dibdib nito. Sumunod doon ang mga mata niya. Kirsten rubbed her palm onto her breast, making her nipple popped up as he realized she wasn't wearing her bra again!
Napabitiw siya rito nang wala sa oras kasunod ng pag-tayo.
Kirsten was wearing the white T-shirt he lent for her and black spandex shorts. At nakahiga ito sa posisyong hindi kaaya-aya, lalo at ang mga kamay nito'y nakapatong sa dibdib nito.
"Busog na busog ako at gusto kong masuka..." she said, sounded like a drunk woman, ready to throw up soon. Pilit itong bumangon; ini-tukod nito ang isang siko at tumagilid, subalit muling nahiga nang hindi nito mai-angat ang katawan.
"What is happening to you?" he asked confusedly.
"Nalasing ako, Quaro..."
"Nala—" Muli niyang sinulyapan ang rum cake sa tabi nito. "Gaano ka-raming rum ang inilagay mo?"
"Kalahati..."
"Kahating cup?"
"Kalahating bote..."
"What in the world..." Natigilan siya sa pagkamangha. Hindi siya makapaniwa sa pagiging reckless nito.
Sa puntong iyon ay muling tumagilid si Kirsten at ini-tukod ang siko sa pagnanais na bumangon, at nang nag-akma itong susuka ay muli siyang umatras palayo.
"Ang arte mo naman, Quaro..." ungot nito na ikina-salubong ng mga kilay niya.
He was pissed and disgusted at the same time. He never had this kind of experience with women before. Kaya wala siyang ideya kung paano itong pakitutunguhan sa mga sandaling iyon.
"Help yourself up, Kirsten. I'm not helping you." Tumalikod na siya at akma na itong iiwan nang muling nagsalita ang dalaga.
"Kung hindi mo ako tutulungang makababa ay baka sa kalsada mo na ako makikita bukas pag-gising mo," sabi nito kasunod ng pagsinok. "Nahihilo ako... at mabigat ang ulo ko, Quaro. Kanina pa ako hindi makabangon, akala ko'y dito na ako sa rooftop matutulog buong gabi."
Huminga siya ng malalim bago muling humarap dito.
Doon niya ito nakitang nakadapa na sa semento; ang mga siko nito'y nakatukod at ang ulo'y pilit na ina-a-angat.
"Kailangan ko ng alalay mo pababa—kapag hinayaan mo akong bumaba mag-isa, baka mahulog ako sa hagdan at sa kalsada mo na ako pulutin pagkatapos..." anito sa lasing na tinig.
"Hindi ko na problema kung hindi ka makababa, Kirsten. Dito ka matulog buong gabi."
Muli siyang tumalikod at tinungo ang hagdan. Malapit na niyang marating iyon nang biglang umiyak ang dalaga na ikina-hinto niya.
"Quaro!" anito na parang bata. "Ayaw kong matulog dito, Quaro!"
Marahas siyang lumingon.
"Stop whining and keep your mouth shut; naririnig ka ng buong Montana!" he hissed in embarrassment and annoyance combined.
Hindi na nagsalita pa si Kirsten, subalit patuloy sa pag-iyak.
Napilitan na siyang balikan ito. Nang makalapit ay kung papaano na lang niya itong 'dinampot' at ipinasan sa balikat na tila ito sako ng harina.
Kirsten giggled and put all her weight on him. But in fairness to her, she wasn't that heavy. Noong nakaraang linggo nang mahimatay ito sa laundry shop at kinarga niya patungo sa bahay niya ay mas magaang ito, siguro nga dahil ilang araw na hindi kumakain.
She just had a medium-sized body, but she did have curves in right place. She had long, but semi- thick thighs, a small waist, and medium-sized breasts na muli nitong ipinagmalaki sa kaniya kanina. He wondered if she was aware of the number of times she had shown him those hooters. Bagaman noong una ay ang lower part lang ng mga iyon ang hindi sinasadyang nakita niya, at ang hulma noong tumayo ito, kanina naman ay malinaw na humulma sa harapan niya ang dibdib nito.
Was she really this crazy when she's desperate and or drunk?
He tsked in his mind.
Hindi nga talaga yata pwedeng mag-isa ang babaeng ito—hindi imposibleng hindi siya mapahamak.
Nang pababa na siya sa hagdan habang pasan sa balikat si Kirsten ay hinigpitan niya ang pagkakahapit sa mga binti nito upang masigurong hindi ito humulagpos. Malibang makitid ang hagdan ng rooftop ay gawa lang rin iyon sa bakal kaya umaalog-alog. Kung kakawag-kawag si Kirsten sa mga sandaling iyon ay siguradong mahuhulog silang pareho.
Good thing she behaved.
But damn—why did he have to do this for someone who wasn't even a family?
Tama ba ang desisyon niyang umuwi? Dapat pala'y ipinagpabukas na niya ang pagbalik, disin sana'y hindi siya nag-alaga ng lasing.
Pagdating sa third floor ay ibinaba niya si Kirsten, subalit ang dalaga'y kumapit sa likod ng suot niyang leather jacket upang manatiling nakapasan sa balikat niya.
"Wala akong intensyong kargahin ka hanggang sa baba, Kirsten. Maglakad ka pababa, aalalayan kita—"
"Quaro... alam mo ba?"
Pissed, he turned to her. "What? Just fucking say it!"
"Alam mo bang naiinitan ako...?" she said, followed by a hiccup.
"Epekto 'yan ng alak—"
"Epekto mo."
"What?" Napipikon na siya sa kalokohan nito; kaunti na lang at bibitiwan na niya ito.
"Epekto mo, Quaro. Napaka-init mo."
TO BE CONTINUED...
Matapos niya iyong marinig ay mahigpit niyang hinawakan ang bewang ni Kirsten saka ito sapilitang ibinaba. But she just dropped herself on the carpet, laid down there as her tipsy eyes continued to gape at him. "Ano bang pinagsasasabi mo?" aniya rito, pikon na pikon na. "Hindi mo naintindihan? Then, let me translate that—I said, you are hot, Quaro..." "And you are crazy! Kung lasing ka'y matulog ka ro'n sa higaan mo!" "Sige, matutulog na ako..." Pilit itong bumangon at nang makatayo'y pa-gewang-gewang na tinungo ang kama niya. She dropped herself in his bed, face down. Nakasimangot na lumapit siya at hinawakan ito sa bewang
She tastes like orange and chocolate combined. She tastes sweet and tangy, with a little bit of something. Could it be the rum? I don't like rum—I am more of a beer-person. But if what I'm tasting from her mouth is the rum she used in her cake, then I like it. I like it so much I couldn't stop tasting it from her. And this is hard for me to admit but... I am getting... addicted.
Ang malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Quaro. He grabbed his phone and checked the time. Four in the morning. Fuck. Pasado alas dos nang tuluyan siyang dalawin ng antok—may isang oras na kaya siyang tulog? Pinatay niya ang alarm at umayos ng pwesto sa couch—sa sandaling iyon ay nagdesisyon siyang hindi muna magbukas sa araw na iyon. He wasn't supposed to, anyway. Dahil dapat ay nasa bahay pa rin siya ng ina sa mga oras na iyon. &nbs
Pigil-pigil ni Kirsten ang paghinga habang pinagmamasdan si Quaro na bina-bati ang itlog sa bowl gamit ang wisk. Ang mga ugat nito sa braso ay tila konektado sa pagkatao niya—bawat pintig ng dugo roo'y kumu-konekta sa kaniya, nararamdaman niya. Kanina pa siya tulalang pinapanood ang bawat pagkilos nito. Pakiradamn niya ay naka-slomoang lahat, para siyang nanonood ng pelikula na ang lente ay naka-focus sa mga ugat, sa braso, at sa pagbati nito ng itlog. And the scene was dreamy, she must say. Parang panaginip. Parang si Quaro... paraiso sa kaniyang panaginip. Napalunok siya habang unti-unting itinat
Biglang tuwid na tumayo si Kirsten matapos marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito'y naging mailap, ang morenang pisngi ay bahagyang namutla. Hindi ito nakasagot kaagad, kaya muli siyang nagsalita."Well?""W—Well what?" ulit nito, ang pansin ay ibinaling sa ibang direksyon."What are you hiding from me, and why is it so hard for you to be honest? Hindi ba at sinabi ko na sa'yong magpakatotoo ka? That's the only thing I want from you."And he should throw her out of his house, shouldn't he? Dahil hindi nito sinunod ang patakaran niya, dapat ay palayasin na niya ito.But why couldn't he? What's stopping him?
"Siya nga pala, Quaro... Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako gumawa ng cake kagabi?"Yeah, sabihin mo sa akin ang dahilan kaya ginawa mo ang bagay na naging sanhi ng pagkakaganito ko."Just spit it out," ang tanging nasabi niya."Birthday ko kasi ngayon."Surprised, he turned to her."Why didn't you tell me?"And since when did he start to care?Nagkibit ng mga balikat si Kirsten. "Kailangan bang malaman ng landlord ko ang kaarawan ko?"
Napilitan si Quaro na pagbigyan si Kirsten at bumalik sa pagkakasalampak sa carpet. Muli itong umiwas ng tingin. "Fine," he said, "I'll stay for ten more minutes." Ngumiti si Kirsten at binitiwan ito. "Salamat." Ibinaba ng dalaga ang tingin sa pagkaing nasa tray, kinuha ang tinidor na nasa tabi ng plato at inumpisahang haluin ang red sauce sa pasta. Unang tinusok ni Kirsten ang meatball at dinala sa bibig; she ate it with gusto. "Ang sarap!" Doon
Mabining hanging dumadampi sa kaniyang mukha ang nagpagising sa mahimbing na pagkakatulog ni Kirsten. She purred before opening her eyes—and what she saw first almost blinded her. Itinaas niya ang isang kamay upang takpan ang mga mata. Sa hula niya'y mula sa sikat ng araw ang nakasisilaw na liwanag na iyon. Nararamdaman din niya ang init na dumadampi sa braso niya mula sa nakabukas na bintana. Yeah, it could be the sun. Theafternoonsun. Quaro must have left the windows open to allow the fresh air to come in, hindi na niya naririnig ang huni ng AC system kaya siguradong pinatay na nito iyon. While her eye
"Paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"Iyon ang unang tanong ni Kirsten nang marating nila ang rooftop. Nagulat pa siya nang makitang kahit ang working station at kusina ay lumawak. The second and third floors were still the same, though. Hindi nagalaw. But the rooftop had some changes made, too. There were plants on the sides and the baluster—pinaligiran ng mga halaman at nagmukhang forest garden sa dami ng tropical plants na naroon.She was not into plants, pero alam niyang may presyo ang ilan sa mga halamang nasa rooftop.Sa gitna rin ng rooftop ay mayroong dalawang magkaharap na rattan wicker chairs at sa pagitan ng mga iyon ay isa namang coffee table na gawa sa pinakintab na kahoy. Nakasilong ang mga iyon sa isang may kalakihang payong na
"I decided to keep the baby and raise it, Quaro."Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig kay Paige. She was sitting across the table, hands holding the cup of coffee whilst her head bent down. Ang tingin nito'y nasa kape subalit alam niyang ang isip ay nasa ibang lupalop.Nakaupo siya sa harap nito at tahimik na nakikinig. Puno ang shop ng customer subalit may dalawang staff na siyang kinuha upang tumulong, kaya malaya siyang maglaan ng oras upang kausapin si Paige.He had renovated his shop and it had been running for a few days now. Nabili niya ang kabilang pwesto na dati ay patahian, kaya pinalawak niya iyon. He had added more tables, more shelves for his bread, and more space for the customers. The interior was in minimalist design.
"Kirsten! Oh, Kirsten!"Naibaba niya ang bitbit na backpack nang makita ang abuelo na napatayo bigla sa kinauupuan nang makita siyang pumasok sa malawak na sala ng villa nila. Hapon na nang makarating siya sa villa at kapag ganoong oras ay kauuwi lang ng lolo niya mula pabrika.Akay-akay ang tungkod nito at sa nanlalaking mga mata ay sumalubong ito sa kaniya. Ang labis na kaligayahan ay makikita sa anyo nito.Sa edad na sitenta y sinco ay malakas pa rin si Senior Oscar De Casimiro. Ito pa rin ang namamahala sa pabrika nila at personal na nakikipag-usap sa mga kliyente. Naniniwala siyang mahigit sampung taon pa ang itatagal nito sa mundo, pero hindi rin siya nakasisiguro dahil maaaring may dinaramdam ito kaya nais na siyang ipakasal. Her grandfather
Kirsten woke up for a start. She opened her eyes and gazed at the white ceiling in Quaro's room. Ang bintana sa kabilang bahagi ng silid ay nakabukas pa rin, at mula roon at dinig niya ang busina ng mga sasakyan mula sa highway. The noise was faint and it didn't really bother her, lalo at nakikisabay ang huni ng mga ibon sa ingay na iyon.Kung pagbabasehan niya ang liwanag mula sa nakabukas na bintana, siguradong magtatanghali na.Nilingon niya ang kabilang bahagi ng kama at nang makitang wala na roon si Quaro ay kinuha niya ang unang ginamit nito at sinamyo iyon. She liked smelling his scent through the pillow, it smelt like... home.Yeah... Quaro was her home. Nothing else. Sa araw na iyon
Quaro took off her shirt and her underwear effortlessly. Kirsten was unable to follow what was happening—everything was like whirlwind. She woke up one moment finding him in the room, taking off his clothes. And the next thing she knew, he was already kissing her. All at once, there was nothing in her universe but Quaro's kissing, touching, biting, and exploring every inch of her body with his mouth, his tongue, and his hands. The way his calloused hands touched her was urgent and left traces of fire. Parang lava na dumadampi sa katawan niya. Tila binabawi nito ang dalawang gabing hindi sila nagkasama. He was... unstoppable, hot, and needy.
Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop. Ayon sa staff na napagtanungan niya ay nasa kabilang bayan raw ito at dumalaw sa ina na nakatira roon. She just left the envelope and asked the staff to hand it over to Paige.Matapos manggaling roon ay dumiretso na siya sa shop ni Quaro—she wanted to talk to him one, final time, and to collect her stuff, as well. Iyon na ang huling beses na pupunta siya roon.Pagliko niya sa street patungo sa shop ay nagtaka pa siya nang makita kaagad ang nakasarang roll up door. Weekday at dapat ay bukas ang shop subalit hindi.Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya iyon. Lalo siyang nagtaka nang makitang may nakasabit na ka
"Maagang umalis sina Quaro at Aris, hija. They are going to Aris' place, but Quaro had asked Lee to take you home. I still can't believe my eldest son is living with a girl, oh my!"Nakita niya ang pagguhit ng galak sa anyo ni Felicia nang sabihin nito iyon. She was obviously pleased. Sana lahat ng manugang ay ganoon. Sana lahat ng mga oldies ay ganoon ang mindset at hindi mapanghusga. Na kahit pangit sa paningin ng mga nakaaalalam ang sitwasyon nila'y hindi naging negatibo ang reaksyon nito.But—she didn't expect him to leave. Iniwan siya nito roon sa bahay ng pamilya nito.Ito pa talaga ang may ganang gawin iyon. Hindi ba dapat ay siya ang umalis?
Napabalikwas ng bangon si Kirsten nang biglang bumukas ang pinto ng okupado niyang silid. Quaro was standing at the door, face shadowed by the dark. Nagsalubong ang mga kilay niya. "May problema ba?" "Don't tell me na kaaakyat mo lang?" "Well, yes." "Well, yes? That's all you have to say?" "What else do you want me to say, then?"
Hindi alam ni Kirsten kung saan siya naroon sa mga sandaling iyon; sa langit ba o sa paraiso? Nasa Mount Olympus ba siya, o nakapasok sa isang male magazine? She couldn't tell. Hindi niya alam kung kanino titingin sa pagpasok nilang muli sa bahay. Sumalubong sa kanila ang mga nagtataasan at nag-gu-guwapuhang mga lalaki na naka-upo sa sala kasama sina Quaro at Lee. Quaro's eyes were following her, but she did her best to avoid them. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito kaya ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, at sa ibang pares ng mga mata. She sti