"Anong oras ka bumabangon para pumasok?'
Mula sa pag-aayos ng mga gamit ay nag-angat ng tingin ang dalaga. Naka-salampak ito sa carpet ng theater room sa second floor kung saan naroon ang malaking La-Z-Boy couch na maaari nitong tulugan sa gabing iyon.
Nasa sahig din sa harapan nito ang ilang mga libro, ilang mga damit, maliit na transparent pouch kung saan nakasilid ang mga toiletries nito, wallet, at lumang model ng cellphone.
That explains her heavy-looking, huge bag...
"Gumigising ako ng alas sinco para maunang maligo sa publc toilet ng shelter at para antabayan ang delivery truck na dadaan sa bayan para ideliver ang mga stock ng bigas dito sa Montana."
Tumango siya at inilapag ang bagong pares ng putting T-shirt at sleeping pants sa ibabaw ng couch.
"I never used those pants, but the T-shirt isn't new anymore. Sa iyo na iyan, change your clothes before you sleep."
Akma na sana siyang tatalikod upang bumalik sa ikatlong palapag kung saan naroon ang silid niya nang magsalita ang dalaga.
"Salamat, tatanawin kong utang na loob ito, Q—Quaro..."
Nahinto siya at muli itong nilingon. "Come to think of it... Hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"Ako si Kirsten."
"Kirsten?"
Tumango ang dalaga saka ngumiti; tila inasahan na nitong uulitin niyang banggitin ang pangalan nito. And for that split second, he thought she was cute—no actually, dahil nawala na ang pamamaga ng mga mata at ilong nito, at hindi na rin napuno ng luha ang mukha nito'y doon lang niya natitigan ng maayos ang anyo ng dalagang kaharap.
She was actually... pretty.
Not the head-turner type of pretty, but pretty nonetheless.
She had light brown almond-shaped eyes, a semi-upturned nose, and full, pouty lips which he thought were her best asset, dahil ang mga labi nito kaagad ang unang mapapansin sa mukha nito. She had Filipina skin—morena. And her height was average; kung tama ang tantiya niya ay nasa five feet, four inches lang ito.
She had average features and yet, there was something different about her that he couldn't explain. Something... mysterious. Parang... may apoy.
And she looked smart, too. Nakikita niya sa mga mata nitong hindi ito madaling maloko—but she was also guillable, dahil bakit ito magpapalipas ng gabi sa bahay ng lalaking hindi naman nito lubusang kilala? Naisip niyang baka matalino lang sa loob ng klase, pero walang kaalam-alam sa takbo ng mundo.
Or maybe, she was indeed smart, just too trusting.
Hmm. Interesting.
"You have a unique name, who gave it to you?"
Muli itong ngumiti. "Dapat ay Kristine ang pangalan ko, kaya lang ay nagkamali ng spelling si Tatay noong ini-rehistro niya ako, kaya..." Sinundan nito iyon ng pagkibit-balikat.
Sandali siyang natigilan nang marinig ang sinabi nito, hanggang sa kusang umangat ang sulok ng mga labi niya sa isang pagngiti.
Damn it, that was funny.
Nanlaki ang mga mata ni Kirsten nang makita siyang ngumiti, kasunod ng pamumula ng magkabila nitong mga pisngi.
Ang interes na bumangon sa dibdib niya kani-kanina lang ay bigla ring nalusaw.
He liked the attention girls were giving him, but he hated it if they gape at him like idiots. Katulad ng babaeng nasa harapan niya ngayon.
Inalis niya ang ngiti sa mga labi saka muling nagseryoso. "I'll see you in the morning."
Tumalikod na siya at tinungo ang hagdan patungo sa third floor kung saan ang kabuuan niyon ay silid niya at sariling banyo.
"Goodnight, Quaro."
Hindi na siya lumingon pa at tuluy-tuloy nang umakyat.
*
*
*
Alas cuatro ng madaling araw nang tumunog ang alarm niya. Iyon ang oras na kailangan na niyang bumangon upang ihanda ang mga produktong ititinda sa shop sa araw na iyon.
Manu-mano niyang mamasahin ang dough ng para sa bawat klase ng tinapay na ititinda niya sa araw na iyon. May malaking mixer siya roon na ginagamit lang niya kapag sa tingin niya'y maga-gahol siya sa oras. He had two big bakery convection ovens where he cooked all his bread and muffins, hindi pa kasama ang personal oven niya sa kusina.
Alas sais pasado siya natatapos sa pagbe-bake at may oras pa siyang maglinis ng shop at ng working station niya. Matapos niyang maglinis ay saka niya ilalabas ang mga tinapay at ilalagay sa mga salaming estante at shelves.
By that time, he would also start brewing his coffee and prepare everything that he needed for the day. Pagdating ng alas siete ay saka siya nagbubukas.
Iyon na ang routine niya kada umaga, kada araw. Ang iba marahil ay mauumay at maghahanap ng panibagong gagawin, but that's not the case for him. He was enjoying his everyday routine in the past eight years—he couldn't ask for more.
Nang bumangon siya sa kama ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Paglabas niya roon ay nakabihis na siya't handa na sa araw na iyon.
Maingat siyang humakbang pababa sa hagdan dahil ayaw niyang magising ang 'bisitang' nasa second floor, subalit nang tuluyan niyang marating iyon at makitang wala na roong tao ay nagsalubong ang mga kilay niya.
Mabilis niyang itinuloy ang pagbaba sa first floor kung saan ang personal kitchen niya ang kaagad na bubungad. Pero hindi pa man siya tuluyang nakabababa ay may naaamoy na siyang... nasusunog!
Halos talunin niya ang natitirang tatlong baitang sa labis na pagkabahala.
Sa ibaba ay nakita niya ang kulay abong usok na kumalat na halos sa buong kusina. Ang exhaust fan ay siguradong hindi nabuksan kaya nangyari iyon; sa ibabaw ng nakabukas na stove ay nakapatong ang non-stick pan kung saan nagmumula ang usok. At sa harap niyon ay nakatayo si Kirsten hawak-hawak sa kamay ang sandok; ang pwesto nito'y tila nakikipag-espadahan sa kawaling nasusunog.
"What the hell is going on?!" Mabilis siyang lumapit at pinatay ang stove, saka hinablot ang handle ng frying pan at kung papaano na lang nihagis sa makalat na lababo. Binuksan niya ang gripo at itinapat ang umuusok na frying pan upang patayin ng tubig ang nangangalit na init.
Nang suyurin niya ng tingin ang lababo ay para siyang nanghina. It was messy—nagkalat kung saan ang ilang pirasong biniyak na itlog, ang kutsilyo at wisk ay marumi at nakapatong lang ng kung papaano sa sink, katabi ang ilang mga mangkok. May balat ng sibuyas at carrot din doon na hindi niya alam kung saan ginamit, at ilan pang mga basurang hindi niya kayang tingnan.
He wasn't a germophobe, but he definitely didn't want a dirty space! He was a perfectionist and he'd like things to be in order—hindi ganito!
Marahas niyang hinarap si Kirsten na napa-igtad sabay yakap sa hawak na statulla na parang matutulungan ito ng bagay na iyon.
"Who told you that you can mess with my kitchen?" He was pissed and he didn't even want to hide it from her.
Klaro niyang nakita ang mariin nitong paglunok—why not, she did it exaggeratedly.
"G—Gusto ko sanang ipaghanda ka ng almusal—"
"Mukha ba akong nangangailangan ng katulong na maghahanda sa akin ng almusal?"
"G—Gusto ko lang sanang bumawi sa tulong mo—"
"Eh, 'di sana ay ginawa mo na rin ng tama!"
Napa-atras ito, ang mga mata'y unti-unting pinamunuan ng luha, at ang bibig ay nag-umpisang manginig.
"For fuck's sake, don't you dare shed a tear again—pagod na akong makita kang umiiyak!"
"Kung ganoon ay h'wag mo akong sigawan!"
Natigilan siya sa bigla ring pagtaas nito ng tinig. He didn't expect that—he didn't even know she was capable of doing that. Hindi niya inasahang ganoon ka-lakas ang boses nito. Simula nang makausap niya ito'y kay hina lagi ng tinig, laging pabulong. Laging mahiyain. But this time... she was fierce.
Ito ba ang apoy na nakita niya sa mga mata nito kagabi?
Si Kirsten, nang rumehistro sa isip ang sinabi at ginawa, ay napa-tikhim at umiwas ng tingin.
Sa mahabang sandali ay namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa; siya ay hindi pa rin makapagsalita sanhi ng pagkagulat, habang ito naman tila nagsisi sa ginawa.
Nakikita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito sa kaba o inis—hindi niya mawari. Ang morena nitong pisngi ay namula, sa pagkapahiya o galit, who knows? But one things for sure; she knew he didn't like what she did.
Ano ang karapatan nitong magtaas ng tinig matapos ang ginawa nitong pagkakalat sa bahay niya?
"I want you to leave. Now," he said in controlled rage. Kapag hindi pa umalis ang dalaga sa harapan niya sa loob ng limang segundo ay baka ano pa ang masabi niyang masasakit na salita rito.
"No, please. Teka lang."
Muli siyang natigilan nang lumapit ito sa kaniya at biglang hinawakan ang mga kamay niya. Tears burned her eyes now, and her lips started to tremble.
"Babayaran ko ang labing anim na itlog na nasunog ko—"
"Labing anim? That's half of the fucking tray..." Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkamangha. "What did you do to my eggs?!"
Hindi kaagad nakasagot ang dalaga; at sa panggilalas niya lalo ay bigla itong yumuko at tumingin sa pagitan ng kaniyang mga binti.
Bago pa niya napigilan ang sarili ay marahas niyang tinabig ang mga kamay nito kasunod ang pagtulak niya palayo rito.
"Are you nuts?" he asked in a horrified tone.
"M—Malamang... Tingin mo ba sa akin ay itlog din?"
His forehead furrowed in confusion. Hindi niya kayang sakyan ang mga sinasabi at ginagawa nito, at kanina pa siya naiirita! Pakiramdam niya'y naipon ang lahat ng dugo sa ulo niya at anumang sandali ay sasabog na iyon.
At sigurado siyang napansin iyon ng dalaga, dahil muli itong lumapit at nagmakaawa,
"Please, Quaro. H'wag mo muna akong paalisin sa bahay mo. Tulad ng sinabi ko kanina ay babayaran ko ang mga nasunog kong itlog mo—I mean, itlog ng bibe, o ng manok—"
"Just call them eggs, for fuck's sake!"
"Yes, your eggs! Babayaran ko ang lahat ng iyon, kasama na ang dalawang carrots at dalawang sibuyas." Napayuko ito hinawakan ang nanginginig na kamay na may hawak ng spatulla. "P—Pati ang butter na ginamit ko sa pagprito ng itlog at isang cup ng harina na kinuha ko doon sa cabinet—"
"Pinakealaman mo rin ang pantry sa working station ko?" Lalong nag-init ang ulo niya.
"K—Kumuha lang ako ng kaunting harina doon..."
Sinapo niya ang ulo sa pagkamangha at sinulyapan ang frying pan na ibinato niya sa lababo. Dahil nawala na ang usok ay malinaw na niyang nakikita kung ano ang naroon.
Tila lalo siyang nanghina sa nakikita ng kaniyang mga mata.
Hindi niya magawang ilarawan ang bagay na nasa frying pan, malibang sigurado siya na may itlog iyon at harina dahil um-umbok. Nagmukha iyong sunog na bibingka—an ugly looking burnt bibingka.
Ibinalik niya ang tingin kay Kirsten na nakangiwi ring sinulyapan ang sunog na pagkaing ngayon ay nakalutang na sa tubig.
"What were you trying to cook?" At least he wanted to know, bago niya ito palayasin.
Muli siya nitong hinarap. "Gusto kong maghanda sana ng omelette, kaya lang ay carrots at sibuyas lang ang nasa fridge, kaya iyon lang ang ipinangsahog ko. Nilagyan ko ng kaunting gatas at harina para kahit papaano ay umalsa. N—Naging pancake yata ang kinalabasan..."
Hinagod niya ang sentido. Sumasakit ang ulo niya at mukhang kailangan niyang bumalik sa higaan kung ayaw niyang tuluyan siyang magkasakit.
"Hindi ko rin na-tantiya iyong butter, naparami ang lagay ko..."
"Nakapag-luto ka na ba ng sinasabi mong omelette dati?" Pinilit niyang maging kalmado bago pa siya tuluyang sumabog. Wala siyang interes na pabayaran dito ang mga nagamit nito, alam niyang nagtitipid ito para sa pag-aaral. Ang gusto lang niyang mangyari ay tuluyan na itong umalis doon sa pamamahay niya.
But why the hell do I keep asking her these questions?
"Oo naman, nakapagluto na ako niyan—"
"Then why the hell did you mess up?" At dahil pasinghal na naman siyang nagsalita ay napa-atras na naman si Kirsten mula sa kinatatayuan.
Muli itong napangiwi. "H—Hindi ako marunong gumamit ng stove... Uling lang ang ginagamit namin bahay dati, at... first time kong gumamit ng butter, kaya—"
"Oh, God." Dalawang kamay na ang ginamit niyang pang-sapo sa ulo sa pagkakataong iyon.
Okay, he had reached his limit.
"Get out."
"Q—Quaro, nakikiusap ako na—"
"I said, get out!"
"Please—handa akong maging katulong, labandera, assistant, o delivery lady, hayaan mo lang akong makitira rito nang libre!" Sinundan iyon ni Kirsten ng pagluhod sa sahig paharap sa kaniya na muli niyang ikina-gulat.
Hindi niya inasahan iyon. Hindi niya kailangan ang pagmamakaawa nito.
Ang huling taong lumuhod sa kaniyang harapan ay si Paige—two weeks ago, while his pants were down on his knees. At ganoong klase ng pagluhod lang ang gusto niya.
Not this.
"Tumayo ka r'yan at umalis ka na—"
"Handa akong magtrabaho sa'yo ng libre, kailangan ko lang talaga ng matutuluyan hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. Ikaw ang unang taong tumulong sa akin sa bayang ito, Quaro, at ikaw lang ang malalapitan ko ngayon—please."
"I don't need a servant—and looking at what you did just now, lalong ayaw ko ng palpak na katulong. So stop the drama and leave my place."
"Please, tatanawin kong malaking utang na loob kung pagbibigyan mo akong tumuloy pansamantala rito sa bahay mo. Kahit hindi na doon sa malamig na theater room, kahit doon na lang sa shop, okay na akong maglatag ng banig. In return, I can run errands for you. I will even clean the tables, and map the floor—at least iyon, kaya ko 'yon gawin nang hindi pumapalpak. Just please... please..."
Magkadikit ang mga palad nito habang nakaluhod sa harap niya; tila debotong humihingi ng himala. Pero hindi ang paghingi nito ng himala ang nagpatigalgal sa kaniya kung hindi ang paraan ng pananalita nito. Malibang nag-iba na ang tono nito kompara kahapon, ay nagsalita rin ito sa Ingles. Which he realized she did for the first time. And she said it fluently.
Who is this woman, really?
Matagal niya itong pinagmasdan habang nanatili itong nakaluhod sa harapan niya't nakatingala sa kaniya. Something about her was bothering him. May iba rito... tila may itinatago.
Sinasabi na nga ba niya—misteryoso ang babaeng ito!
"Something changed about you overnight." Humalukikip sya. "Hindi ka na mahiyain ngayon, at ang paraan ng pananalita mo ay hindi katulad kahapon..."
"Tapos na ako sa quiet and reserved phase—sa pagkakataong ito'y nasa desperate phase na ako. Please, Quaro, hindi ako tatayo sa pagkakasalamak dito hanggang sa hindi mo ako napagbibigyan."
Quiet and reserved phase? Desperate phase? What is she talking about?
"Kapag nasa loob ako ng shop ay pakiramdama ko, ligtas ako," dagdag ni Kirsten. "Kaya imbes na sa labas ako tumambay habang naghihintay sa truck ay pumapasok ako rito. Hindi totoong may asthma ako, pero mabilis mairita ang balat ko sa alikabok kaya bawal pa rin akong manatili ng matagal sa kalsada. At ikaw lang ang alam kong maaaring tumulong sa akin sa bayang ito, Quaro. Napatunayan kong hindi ka masamang tao, kaya please..."
"Do I look like someone who keeps stray cats?"
Nanlaki ang mga mata nito, at huli na para bawiin niya ang sinabi dahil nakita niya ang biglang pagbago ng ekspresyon nito sa mukha. Mula sa pagmamakaawa ay napalitan iyon ng pagka-dismaya.
Yumuko si Kirsten at sa malungkot na tinig ay, "Matigas din pala ang puso mo..."
Oh, the drama.
"Kung matigas ang puso ko'y sa kalsada ka sana natulog kagabi. Now, stop the drama and leave—marami pa akong gagawin." Akma na sana siyang tatalikod nang muli nitong hawakan ang kamay niya at lalo pang lumapit sa kaniya.
"Please..." balik-pagmamakaawa nito.
Her face was too close to the danger zone it got him worried. Mabilis siyang umiwas ng tingin—may kung anong imahe ang pumapasok sa utak niya sa mga sandali iyon, at kung hindi siya iiwas ng tingin ay baka ipahiya siya ng sarili niyang katawan.
"No—I need you to leave now." Binawi niya ang kamay mula rito. "And clean up your mess before you go; that's the least you can do for a free lodge last night."
Tuluyan na siyang tumalikod at nagtungo sa working station niya.
Damn the lady for ruining his day. Pakiramdam niya ngayon ay pagod na pagod siya at nawalan na ng ganang gumawa ng mga tinapay niya. Iritable ang pakiramdam niya; at imbes na buksan ang shop ay parang mas gusto na lang niyang manatili roon sa roof top, uminom na kape at manigarilyo.
Yeah, he'd probably do that. Siguro'y magsasara na muna siya sa araw na iyon, tutal ay hindi dumating ang delivery ng harina kahapon dahil sa lakas ng ulan. Kahit may sapat pa siyang ingredients ay nawalan na rin siya ng gana. He didn't want to bake when he wasn't in his best mood.
For the first time in eight years, his routine was ruined. All thanks to that woman.
Curse that Kirsten!
TO BE CONTINUED...Maagang nagsara ng shop si Quaro nang araw na iyon. It had been raining for three days now and the students were all busy for the exam week. Maliban sa mga suki na talaga ng shop ay walang gaanong estudyante ang nagpunta roon, at alas tres pa lang ng hapon ay nabakante nang lahat ang mga mesa.Matapos niyang magsara ay dumiretso siya sa kaniyang silid sa third floor upang maligo. Paglabas niya'y bababa na sana siya sa theater room nang mapansin niya mula sa nakabukas na bintana na tumila na ang ulan.Humakbang siya patungo roon saka sumilip. May kaunting ambon pa rin, at ang langit ay nanatiling madilim. Wala pang alas sinco ng hapon subalit may kadiliman na ang paligid.Imbes na magtungo sa theater room ay naglakad siya patungo sa maliit na veranda na karugtong ng kaniyang silid; doon ay may hagdan patungo sa roof top. Pagkarating roon ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at kaunting ambon.It didn't bother him, though. Nagtuluy-tuloy siya sa rooftop.Pagdating doon ay na
"Papaano akong... napadpad dito?" iyon ang unang lumabas sa mga labi ng dalaga nang harapin niya ito. Ang tinig nito'y paos, at ang isang kamay ay nakahawak sa hamba ng pinto na tila roon kumukuha ng lakas upang mapanatili ang sariling nakatayo."Nakita kita sa laundry shop, you were sleeping when I approached you. You fell off your seat and that's when I learned you were burning up with fever. Ilang araw ka nang may lagnat?""Noong araw lang yata na iyon..." Napayuko ito. "Gaano ako ka-tagal na natulog?""More than a day."Bagaman nakayuko ay hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-ngiwing ginawa nito. "H—Hinubaran at binihisan mo ba ako?"He didn't know what made him smirk. "Why would I bother? Kasama ko ang dalagitang nagbabantay ng laundry shop noong dinala kita rito, at siya ang nagpalit ng damit mo."Hindi na niya idinagdag na binayaran niya ang halos isang oras na operation ng laundry shop habang naroon ang nagbabantay sa bahay niya upang palitan ng damit at punasan ang buong katawa
The 4th day of 100..."Bakit mo parating sinusundan ng tingin ang mga customers mo hanggang sa pinto?"Napalingon si Quaro sa entry ng working station nang marinig ang tinig ni Kirsten. Nakita niya ito roong nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, naka-sukbit ang backpack sa balikat, saka nakasunod ang tingin sa huling customer na lumabas ng shop at siyang umubos ng dalawang tray ng cheese bread.Humalukipkip din siya, sumandal sa counter, at kunot-noong hinarap ito."Ano'ng problema kung gusto kong sundan ng tingin ang mga customers ko hanggang sa makalabas sila?"Nagkibit ito ng mga balikat at
7th day of 100..."Spit it out—what do you need?"Mula sa pagsilip sa entry ng working station ay tuluyang lumabas si Kirsten at nahihiyang lumapit kay Quaro na abala sa pag-aayos ng mga tinapay sa estanteng nasa gitna ng shop."May... hihingin sana akong pabor—""I'm busy."Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Matapos mong sabihing 'spit it out', bigla kang kakabig ng'I'm busy'?""Kung may itatanong ka ay sasagutin kita, pero kung pabor 'yan na kakain ng oras ko, definitely no."
Matapos niya iyong marinig ay mahigpit niyang hinawakan ang bewang ni Kirsten saka ito sapilitang ibinaba. But she just dropped herself on the carpet, laid down there as her tipsy eyes continued to gape at him. "Ano bang pinagsasasabi mo?" aniya rito, pikon na pikon na. "Hindi mo naintindihan? Then, let me translate that—I said, you are hot, Quaro..." "And you are crazy! Kung lasing ka'y matulog ka ro'n sa higaan mo!" "Sige, matutulog na ako..." Pilit itong bumangon at nang makatayo'y pa-gewang-gewang na tinungo ang kama niya. She dropped herself in his bed, face down. Nakasimangot na lumapit siya at hinawakan ito sa bewang
She tastes like orange and chocolate combined. She tastes sweet and tangy, with a little bit of something. Could it be the rum? I don't like rum—I am more of a beer-person. But if what I'm tasting from her mouth is the rum she used in her cake, then I like it. I like it so much I couldn't stop tasting it from her. And this is hard for me to admit but... I am getting... addicted.
Ang malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Quaro. He grabbed his phone and checked the time. Four in the morning. Fuck. Pasado alas dos nang tuluyan siyang dalawin ng antok—may isang oras na kaya siyang tulog? Pinatay niya ang alarm at umayos ng pwesto sa couch—sa sandaling iyon ay nagdesisyon siyang hindi muna magbukas sa araw na iyon. He wasn't supposed to, anyway. Dahil dapat ay nasa bahay pa rin siya ng ina sa mga oras na iyon. &nbs
Pigil-pigil ni Kirsten ang paghinga habang pinagmamasdan si Quaro na bina-bati ang itlog sa bowl gamit ang wisk. Ang mga ugat nito sa braso ay tila konektado sa pagkatao niya—bawat pintig ng dugo roo'y kumu-konekta sa kaniya, nararamdaman niya. Kanina pa siya tulalang pinapanood ang bawat pagkilos nito. Pakiradamn niya ay naka-slomoang lahat, para siyang nanonood ng pelikula na ang lente ay naka-focus sa mga ugat, sa braso, at sa pagbati nito ng itlog. And the scene was dreamy, she must say. Parang panaginip. Parang si Quaro... paraiso sa kaniyang panaginip. Napalunok siya habang unti-unting itinat
"Paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"Iyon ang unang tanong ni Kirsten nang marating nila ang rooftop. Nagulat pa siya nang makitang kahit ang working station at kusina ay lumawak. The second and third floors were still the same, though. Hindi nagalaw. But the rooftop had some changes made, too. There were plants on the sides and the baluster—pinaligiran ng mga halaman at nagmukhang forest garden sa dami ng tropical plants na naroon.She was not into plants, pero alam niyang may presyo ang ilan sa mga halamang nasa rooftop.Sa gitna rin ng rooftop ay mayroong dalawang magkaharap na rattan wicker chairs at sa pagitan ng mga iyon ay isa namang coffee table na gawa sa pinakintab na kahoy. Nakasilong ang mga iyon sa isang may kalakihang payong na
"I decided to keep the baby and raise it, Quaro."Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig kay Paige. She was sitting across the table, hands holding the cup of coffee whilst her head bent down. Ang tingin nito'y nasa kape subalit alam niyang ang isip ay nasa ibang lupalop.Nakaupo siya sa harap nito at tahimik na nakikinig. Puno ang shop ng customer subalit may dalawang staff na siyang kinuha upang tumulong, kaya malaya siyang maglaan ng oras upang kausapin si Paige.He had renovated his shop and it had been running for a few days now. Nabili niya ang kabilang pwesto na dati ay patahian, kaya pinalawak niya iyon. He had added more tables, more shelves for his bread, and more space for the customers. The interior was in minimalist design.
"Kirsten! Oh, Kirsten!"Naibaba niya ang bitbit na backpack nang makita ang abuelo na napatayo bigla sa kinauupuan nang makita siyang pumasok sa malawak na sala ng villa nila. Hapon na nang makarating siya sa villa at kapag ganoong oras ay kauuwi lang ng lolo niya mula pabrika.Akay-akay ang tungkod nito at sa nanlalaking mga mata ay sumalubong ito sa kaniya. Ang labis na kaligayahan ay makikita sa anyo nito.Sa edad na sitenta y sinco ay malakas pa rin si Senior Oscar De Casimiro. Ito pa rin ang namamahala sa pabrika nila at personal na nakikipag-usap sa mga kliyente. Naniniwala siyang mahigit sampung taon pa ang itatagal nito sa mundo, pero hindi rin siya nakasisiguro dahil maaaring may dinaramdam ito kaya nais na siyang ipakasal. Her grandfather
Kirsten woke up for a start. She opened her eyes and gazed at the white ceiling in Quaro's room. Ang bintana sa kabilang bahagi ng silid ay nakabukas pa rin, at mula roon at dinig niya ang busina ng mga sasakyan mula sa highway. The noise was faint and it didn't really bother her, lalo at nakikisabay ang huni ng mga ibon sa ingay na iyon.Kung pagbabasehan niya ang liwanag mula sa nakabukas na bintana, siguradong magtatanghali na.Nilingon niya ang kabilang bahagi ng kama at nang makitang wala na roon si Quaro ay kinuha niya ang unang ginamit nito at sinamyo iyon. She liked smelling his scent through the pillow, it smelt like... home.Yeah... Quaro was her home. Nothing else. Sa araw na iyon
Quaro took off her shirt and her underwear effortlessly. Kirsten was unable to follow what was happening—everything was like whirlwind. She woke up one moment finding him in the room, taking off his clothes. And the next thing she knew, he was already kissing her. All at once, there was nothing in her universe but Quaro's kissing, touching, biting, and exploring every inch of her body with his mouth, his tongue, and his hands. The way his calloused hands touched her was urgent and left traces of fire. Parang lava na dumadampi sa katawan niya. Tila binabawi nito ang dalawang gabing hindi sila nagkasama. He was... unstoppable, hot, and needy.
Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop. Ayon sa staff na napagtanungan niya ay nasa kabilang bayan raw ito at dumalaw sa ina na nakatira roon. She just left the envelope and asked the staff to hand it over to Paige.Matapos manggaling roon ay dumiretso na siya sa shop ni Quaro—she wanted to talk to him one, final time, and to collect her stuff, as well. Iyon na ang huling beses na pupunta siya roon.Pagliko niya sa street patungo sa shop ay nagtaka pa siya nang makita kaagad ang nakasarang roll up door. Weekday at dapat ay bukas ang shop subalit hindi.Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya iyon. Lalo siyang nagtaka nang makitang may nakasabit na ka
"Maagang umalis sina Quaro at Aris, hija. They are going to Aris' place, but Quaro had asked Lee to take you home. I still can't believe my eldest son is living with a girl, oh my!"Nakita niya ang pagguhit ng galak sa anyo ni Felicia nang sabihin nito iyon. She was obviously pleased. Sana lahat ng manugang ay ganoon. Sana lahat ng mga oldies ay ganoon ang mindset at hindi mapanghusga. Na kahit pangit sa paningin ng mga nakaaalalam ang sitwasyon nila'y hindi naging negatibo ang reaksyon nito.But—she didn't expect him to leave. Iniwan siya nito roon sa bahay ng pamilya nito.Ito pa talaga ang may ganang gawin iyon. Hindi ba dapat ay siya ang umalis?
Napabalikwas ng bangon si Kirsten nang biglang bumukas ang pinto ng okupado niyang silid. Quaro was standing at the door, face shadowed by the dark. Nagsalubong ang mga kilay niya. "May problema ba?" "Don't tell me na kaaakyat mo lang?" "Well, yes." "Well, yes? That's all you have to say?" "What else do you want me to say, then?"
Hindi alam ni Kirsten kung saan siya naroon sa mga sandaling iyon; sa langit ba o sa paraiso? Nasa Mount Olympus ba siya, o nakapasok sa isang male magazine? She couldn't tell. Hindi niya alam kung kanino titingin sa pagpasok nilang muli sa bahay. Sumalubong sa kanila ang mga nagtataasan at nag-gu-guwapuhang mga lalaki na naka-upo sa sala kasama sina Quaro at Lee. Quaro's eyes were following her, but she did her best to avoid them. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito kaya ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, at sa ibang pares ng mga mata. She sti