"Are you even aware that you're holding the book upside down? O baka talagang talent mong magbasa ng libro na nakabaliktad?"
The lady just bit her lower lip in embarrassment.
He shook his head in disbelief before crossing his arms across his chest. "Ano ba talaga ang ginagawa mo lagi rito sa shop ko sa ganitong oras?"
"Sinabi ko na sa'yo ang dahilan—"
"Hindi mo sinabi ang totoong dahilan."
"Sinasabi mong nagsisinungaling ako?" Pilit nitong sinalubong ang mapanuri niyang mga mata. "Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"
"I don't know, you tell me."
The lady opened her mouth to say something, but later on, she closed it again and looked away.
"Fine—kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoong dahilan kaya ka pumaparito sa shop ko ay aasahan kong ito na ang huling beses na makikita kita rito."
Marahas na ibinalik ng babae ang tingin sa kaniya, at ang mga matang namumula kanina sa pag-iyak ay muling pinamunuan ng mga luha.
"Unless bibili ka ng paninda sa shop na ito ay hindi ka na pwedeng tumambay pa rito," dagdag niya bago tumalikod.
Doon niya nakita ang mga natitirang customers doon sa shop na nakamasid lang din sa kanila; ang mga mata ng mga ito'y nakasunod sa kaniya, tila nagulat sa naging akto niya sa dalaga.
Nagpakawala siya ng matamis na ngiti saka magiliw na nagsalita, "Enjoy your coffee, ladies. I'll be in the kitchen if you need anything."
Matapos iyon ay tinungo niya ang pinto saka binaliktad ang sign board na nakasabit doon upang ipaalam sa lahat na sarado na siya. He then walked back to the counter, gathered all the empty trays, and went to his working station.
Pagdating niya roon ay ipinatong niya ang bitbit na mga trays sa ibabaw ng sink upang hugasan. He rolled his white T-shirt's sleeves up to his shoulders and put on his black headband. Ilang buwan na siyang hindi nagpapagupit ng buhok kaya umabot na iyon hanggang sa batok. Si Paige ang nagbigay sa kaniya ng headband na iyon upang hindi tumakip sa mga mata niya ang kaniyang buhok habang siya ay may ginagawa.
Habang nililinis ang mga tray ay dalawang beses niyang narinig ang pagbukas-sara ng pinto ng shop; ibig sabihin ay dalawang mesa na ang okupado. Just one more—and he was hoping it wasn't the one occupied by that lady.
Sampung minuto pa ang lumipas at natapos niya ang ginagawa. Lumabas siya ng working station upang silipin ang customers na naiwan sa shop, hoping against hope that it wasn't the person who he dreaded to see.
Pero anong dismaya niya nang makitang ang dalagang kausap niya kanina ang natira roon.
She was still sitting at the table, but this time, she was facing the door to his working station as if she was waiting for him to emerge any second.
Humalukipkip siya at sumandal sa hamba ng pinto ng kitchen, at sa seryosong tinig ay,
"D'you have anything to say?"
"Thank you."
That stunned him. Hindi iyon ang mga salitang inasahan niyang maririnig mula rito matapos ang mga sinabi niya rito kanina.
"Salamat sa ilang araw na pagpayag mong tumambay ako rito kahit na naka-a-abala na ako sa'yo at sa mga customers ko. Salamat dahil pinagbigyan mo ako." Napayuko ito at kinutkot ang mga kuko. "Nahihiya na nga ako kaya nagtatago ako sa tuwing napapatingin ka sa direksyon ko, kunwari ay inaabala ko ang sarili ko sa pagbabasa dahil hindi ko alam kung papaanong sasalubungin ang mga mata mo."
Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang dapat niyang isagot sa mga sinabi nito?
"Pasensya ka na sa abala," dagdag pa ng dalaga bago tumayo at binitbit ang mga gamit. "Aalis na ako at hindi na babalik pa."
Hindi na siya nagsalita pa at sinundan na lang ito ng tingin hanggang sa marating nito ang pinto. There wasn't anything to say, anyway. She had started to creep him out, kaya mabuti nga sigurong umalis na ito at hindi na bumalik pa sa shop niya.
Nang buksan ng babae ang pinto ng shop ay tumunog ang door chime, subalit natigilan ito –at ganoon din siya— nang sa pagbukas niyon ay sumalubong ang malakas at malamig na ihip ng hangin.
Nagsalubong ang mga kilay niya at ibinaling ang pansin sa glass window kung saan malinaw niyang nakikita ang labas. Hindi niya kaagad napansin ang pag-iba ng kulay ng paligid. Sampung minuto lang siyang nasa loob ng kusina at sa paglabas niya'y nag-iba na ang panahon.
Tunog ng sumarang pinto ang nagpabalik ng tingin niya roon—upang makita ang dalagang tuluyan nang lumabas. But at that time, the rain had started to pour down, which stopped the lady from crossing the road.
Napatayo na lang ito sa harap ng shop niya, bagsak ang mga balikat kasunod ng bag na naka-sukbit sa isa. Ang suot nitong uniporme ay bahagya nang na-basa ng ulan, at ang mga librong hawak ay kusang kumawala sa isang kamay nito at bumagsak sa sementadong daanan.
He groaned in his mind. Wala sa loob na humakbang siya patungo sa pinto saka binuksan iyon,
"Hey, you."
Nanlulumong humarap sa kaniya ang dalaga. Ang mga mata nito'y hilam na namang ng luha.
"Get in," aniya bago muling tumalikod at bumalik sa counter.
The lady stared at him through the glass door. Nanatili itong nakatayo roon sa labas; hindi makapaniwalang muli niya itong in-imbitahang pumasok.
Nakikita niya mula sa kinatatayuan na halos kalahati ng katawan nito'y basang-basa na ng ulan. Ang may kahabaang buhok at ang palda ay bahagyang pinapalid ng hangin—at ang itim nitong bag na dumausdos sa braso nito'y unti-unting nag-iba ang kulay; ibig sabihin ay unti-unti na rin iyong nababasa.
Lalo itong nagmukhang kaawa-awa sa paningin niya, kaya napabuntong-hininga siya at sinenyasan itong pumasok na.
Kung totoo ang sinasabi nitong may asthma ito ay hindi ito dapat ng magpaulan. Baka magkasakit pa ito at lalong mamroblema sa pera. Ayaw niyang masisi ng mga magulang nito dahil lang pinabayaan niya ito at pinalabas ng shop sa ganoong panahon.
Ilang sandali pa'y nakita niya ang bantulot na pagkilos ng dalaga hanggang sa pumasok itong muli. Sandali itong huminto sa likod ng glass door upang yukuin ang tubig-ulan na tumulo sa tired floor mula sa basa nitong palda at sapatos.
"Don't worry, ikaw rin ang maglalampaso niyan mamaya," he said before walking back to his working station. "Have a seat and wait for me, I'll get you a towel."
*
*
*
"S—Salamat," payukong sabi ng dalaga nang ilapag niya sa mesa ang isang malaking puting towel, isang T-shirt, at isang tasa ng hot chocolate na madalas nitong i-order noong may pambayad pa ito.
"Dry yourself up. Alam mo naman ang daan papuntang banyo, hindi ba? Use that shirt— hindi 'yan bago pero wala akong sakit sa balat o amoy sa katawan kaya pwede mong gamitin 'yan."
"S—Salamat, pero... wala akong pambayad sa hot choco—"
"Hindi ko rin inasahang magbabayad ka," balewala niyang sagot, "pero nabasa ng ulan ang halos kalahati ng katawan mo kaya kailangan mong mainitan. You used to be a 'paying' customer, so that's on the house."
Tumalikod na siya at humakbang patungo sa counter. Tutal ay umuulan, hindi rin siya makatatambay sa rooftop. At kapag ganoon ang nangyayari ay madalas na nasa silid siya, o doon sa theater area na pinagawa niya sa second floor. Pero dahil may kasama siya roon sa shop ay napilitan siyang manatili roon.
Naupo siya sa high stool at inisandal ang sarili sa pader. He had also prepared himself a cup of coffee, like the usual every time he's alone. Pero imbes na sigarilyo ang hawak niya sa kabilang kamay ay diyaryo. Nagkunwari siyang abala subalit ang totoo'y ino-obserbahan niya ang mga kilos ng dalagang kasama roon.
The lady stood up with a hint of hesitation in her movements. Sa gilid ng kaniyang mga mata'y pansin niya ang panginginig ng mga kamay at binti nito, na hindi niya mawari kung tanda ng lamig o ng kaba.
Why the hell would she get nervous, anyway?
Ilang sandali pa, bitbit ang tuwalya at T-shirt niya'y dahan-dahan itong naglakad patungo sa restroom na nasa kabilang gilid ng shop at pumasok doon.
He heaved a sigh and opened his newspaper to the sports page. He took the cup of coffee to his mouth and sipped a little as he read the news. Inabala niya ang sarili sa pagbabasa habang inaantabayanan ang muling paglabas ng babae.
Natapos na niyang basahin ang isang buong page nang lumabas ang dalaga mula sa restroom, now wearing his white shirt. Nagmukha iyong oversized sa katawan ng dalaga. Sa ulo nito'y ang puting tuwalya niya.
Itinuloy niya ang pagbabasa; nag-kunwaring abala at ayaw paistorbo. Pero ang totoo'y kanina pa palipat-lipat ang pansin niya sa binabasang article at sa glass window upang antabayanan ang panahon.
By the looks of it, mukhang buong gabing bubuhos ang ulan dahil lalo pang dumilim ang paligid at ngayon ay may pagkidlat na ang langit. Naisip niyang pahiramin na lang ang dalaga ng payong kapag naubos na nito ang inuming ibinigay niya.
Well, yes. There is no other option but to lend her my umbrella.
Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik doon sa shop.
The lady had opened a book—it wasn't upside down this time, thank God—and started reading it as she slowly sipped her drink.
Muli niyang sinulyapan ang panahon sa labas, at nang makita ang lalo pang paglakas ng hangin ay napabuntong-hininga siya at ibinalik na lang ang pansin sa hawak na diyaryo. He turned the page to the world news section. Binasa niya isa-isa ang mga artikulong nakalathala roon nang may mahuli ang kaniyang tingin.
There was a black and white image on the newspaper that looked so eerie it made him clutch his cup and hold his breath.
Larawan iyon na kuha sa bansa ng Afghanistan kung saan patuloy pa ring nagaganap ang gyera. Ayon sa artikulo ay ilang sundalong Amerikano na naman ang nagbuwis ng kanilang buhay habang nakikipaglaban para sa kalayaan at katahimikan. Maliban pa roon ay may mga sibilyang nadamay, at karamiha'y mga bata.
Naramdaman niya ang pagtayuan ng mga balahibo sa batok niya. A vague memory came rushing as he stared at the black and white photo—a memory from his childhood.
He remembered the frightening sound of guns and bombs from a nearby town. People were screaming as they were being dragged by the rebels, women were also taken, children were being shot down. Naalala niyang nasa isang madilim na lugar siya, mariing tinatakpan ang mga tenga upang hindi marinig ang mga nakatatakot na tunog sa paligid. Naalala niya ang sobrang pagkagutom at pagkauhaw—but he couldn't do anything. He couldn't go out from his hiding place.
"Do not come out unless you heard me calling your name. Stay hidden—I will come back for you."
Iyon ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya tuwing naalala ang madilim na nakaraan. It came from someone dear to him. Someone who promised to take good care of him, and protect him.
Which she did. She protected him... until the very end.
Isang mahinang paghikbi ang nagpagising sa diwa niya at humila sa kaniya pabalik sa kasalukuyan.
Mula sa newspaper ay nag-angat siya ng tingin at nilingon ang dalagang naka-upo sa paborito nitong pwesto. Noon lang niya naalalang naroon pala ito.
Nahuli niya ng tingin ang pag-takip nito sa bibig upang pigilan ang pag-iyak. Ibinaba nito ang libro at humarap sa glass window upang marahil ikubli sa kaniya ang pagluha nito.
The heck?
Pabagsak niyang ibinaba ang newspaper sa ibabaw ng counter at pasinghal na nagsalita, "What the hell is wrong with you, woman? Why do you always cry?"
Lalong lumakas ang pag-iyak nito na ikinagulat niya. Natakot pa yata ito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya saka tumayo at humakbang palapit dito. Nahinto siya sa harap nito at sinulyapan ang tasang wala nang laman, bago ini-lipat ang tingin sa librong itinaob nito sa ibabaw ng mesa.
Public Finance in Theory and Practice.
God damn it—ano ang nakaka-iyak sa accounting book?
"Are you losing your mind or something?" he asked irritatedly. "Kung may problema ka ay magsabi ka ng diretso sa mga magulang mo o hindi kaya ay magsumbong ka sa pulis. I don't want to get involved, so hindi ko na itatanong kung ano ang pinagdadanan mo. Napapagod akong makita ka araw-araw na umiiyak."
Hinablot niya ang tasa nito saka muling tumalikod. Napipikon siya sa madalas nitong pagluha—kung mayroon man siyang ayaw sa tao, iyon ay ang mga mahihina ang loob!
Tuluy-tuloy na sana siyang papasok sa working station upang dalhin sa lababo ang tasa nito nang marinig niya itong nagsalita,
"Wala akong bahay na mauuwian, at dahil malakas ang ulan ngayon ay hindi ako maaaring manatili sa shelter—siguradong maraming taong-kalye ngayon ang naroon at nakasilong."
Napaharap siyang muli rito saka salubong ang mga kilay na nagtanong, "Nasaan ba ang pamilya mo?"
"Namatay ang nanay ko noong ipinanganak ako, at ang tatay ko ay sumakabilang buhay na rin limang buwan na ang nakararaan."
Sandali itong nahinto upang magpahid ng mga luha, pero kahit anong pahid ang gawin nito'y tuluy-tuloy lang iyon sa pagdaloy.
"Matapos mamatay ni Tatay ay ibinenta ng kapatid niya ang lupaing kinatitirikan ng bahay namin, pinaalis ako at binigyan ng sapat na pera para lumipat dito sa bayan ng Montana. Isang sem na lang at magtatapos na ako, kaya imbes na gamitin ko ang pera ko sa dormitoryo o bedspace ay nakitira na lang ako sa shelter sa kabilang bayan. Doon ay maaaring magpalipas ng gabi ang mga taong walang tirahan tulad ko; may banig doon at kumot. Ang perang hawak ko ay sapat lang hanggang sa matapos ang semetre na ito."
Muli itong yumuko at nagpatuloy sa pag-iyak, habang siya ay nanatiling nakatayo roon at pinagmamasdan ang walang-humpay nitong pagluha.
"Gusto kong maghanap ng pansamantalang trabaho para kahit papaano ay may pera akong kitain, pero magastos din ang mga requirements, karamihan sa mga iyon ay kailangang bayaran o bilhin. Paano kung hindi rin ako matanggap? Gagastos ako sa wala?"
"Bakit ka pinaalis ng tiyuhin mo? Bakit kailangang ibenta ang lupang kinatitirikan ng bahay niyo noon?" He didn't know why, but he got curious.
Suminghot muna ito bago sumagot. "Galit sa akin ang tiyuhin ko dahil sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Tatay. Kung hindi raw sa pagpipilit kong mag-aaral sa kolehiyo ay hindi raw magpapakakuba sa trabaho si Tatay, hindi sana nagkasakit, at hindi maagang namatay."
Muli itong humagulgol, at kahit na nabibingi na siya sa pag-iyak nito'y hindi niya ito magawang sitahin.
He felt sorry for her. The past few months must have been tough for her... Kaya ito laging umiiyak sa sulok, kaya ito laging mukhang malungkot.
"Tuwing alas-sinco ng hapon dumaraan ang truck ng gulay na libre kong sinasakyan pauwi sa kabilang bayan, at dahil pasado alas sinco na ngayon ay wala na akong masasakyan. Wala na rin akong mauuwian." Muli itong humagulgol ng malakas na tila batang inagawan ng laruan.
At bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay itinaas na nito ang T-shirt na suot upang pahiran ang mga luha, dahilan upang tumambad sa kaniyang paningin ang tiyan nito at kalahati ng dibdib.
Napahugot siya ng marahas na paghinga saka umiwas ng tingin.
Why wasn't she wearing her bra for fuck's sake?!
Subalit kaagad na nawala sa isip niya ang tungkol sa dibdib nito nang marinig ang malakas na pag-singa ng dalaga. Siningahan nito ang T-shirt niya!
He grimaced in disgust. Hindi na niya babawiin ang damit na iyon!
Humugot muna siya ng malalim na pahinga bago ito patagilid na sinulyapan.
"Ano'ng plano mong gawin ngayon?"
Muli itong suminga bago sumagot. "P—Pwede bang... ngayong gabi ay dito muna ako?"
I fucking knew it.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago ito muling hinarap. Naibaba na nito ang damit—salamat sa Diyos—at ang mukha'y magang-maga na sa pag-iyak.
Matapos nitong ikwento sa kaniya ang klase ng buhay mayroon ito ngayon, magagawa pa ba niya itong paalisin sa ganoong oras, at sa ganoong sama ng panahon? Idagdag pa ang kaawa-awa nitong anyo...
Ayaw niyang may kasamang ibang tao sa bahay niya, pero nasaan ang puso niya kung paaalisin niya ito habang bumabagyo sa labas?
Kung nasa Montana lang sana si Paige ay ihahatid niya roon ang dalaga.
Isang buntong-hininga pang muli ang pinakawalan niya. Kung minor ang dalagang ito ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ihatid ito sa presinto at bahala na ang women's desk na asikasuhin ito.
"I'll decide what to do with you if you answer my question truthfully."
Muli itong suminghot bago sunud-sunod na tumango.
"How old are you?"
"Beinte-uno."
"Great. You sleep on the couch tonight. Pero bukas ng umaga, bago ko buksan ang shop ay kailangang naka-alis ka na. Naiintidihan mo?"
"M—Maraming salamat, Quaro!" Nagliwanag ang mukha nito at biglang napatayo sa galak.
Doon bumaba ang tingin niya sa puting T-shirt na pinahiram niya rito, at nang makita ang pinagsingahan nito'y muli siyang napa-ngiwi. Babawiin na sana niya ang tingin kung hindi lang siya napatitig sa dibdib nito. Hindi manipis ang T-shirt na suot nito, pero dahil sa lamig ay...
Damn it.
Umiwas siya ng tingin ay mabilis na tumalikod. Itinuloy niya ang paghakbang patungo sa working station, pero bago siya tuluyang pumasok doon ay muli siyang nagsalita.
"Grab your stuff and follow me."
TO BE CONTINUED..."Anong oras ka bumabangon para pumasok?' Mula sa pag-aayos ng mga gamit ay nag-angat ng tingin ang dalaga. Naka-salampak ito sa carpet ng theater room sa second floor kung saan naroon ang malaking La-Z-Boy couch na maaari nitong tulugan sa gabing iyon. Nasa sahig din sa harapan nito ang ilang mga libro, ilang mga damit, maliit na transparent pouch kung saan nakasilid ang mga toiletries nito, wallet, at lumang model ng cellphone. That explains her heavy-looking, huge bag... "Gumigising ako ng alas sinco para maunang maligo sa publc toilet ng shelter at para antabayan ang delivery truck na dadaan sa bayan para ideliver ang mga stock ng bigas dito sa Montana." Tumango siya at inilapag ang bagong pares ng putting T-shirt at sleeping pants sa ibabaw ng couch. "I never used those pants, but the T-shirt isn't new anymore. Sa iyo na iyan, change your clothes before you sleep." Akma na sana siyang t
Maagang nagsara ng shop si Quaro nang araw na iyon. It had been raining for three days now and the students were all busy for the exam week. Maliban sa mga suki na talaga ng shop ay walang gaanong estudyante ang nagpunta roon, at alas tres pa lang ng hapon ay nabakante nang lahat ang mga mesa.Matapos niyang magsara ay dumiretso siya sa kaniyang silid sa third floor upang maligo. Paglabas niya'y bababa na sana siya sa theater room nang mapansin niya mula sa nakabukas na bintana na tumila na ang ulan.Humakbang siya patungo roon saka sumilip. May kaunting ambon pa rin, at ang langit ay nanatiling madilim. Wala pang alas sinco ng hapon subalit may kadiliman na ang paligid.Imbes na magtungo sa theater room ay naglakad siya patungo sa maliit na veranda na karugtong ng kaniyang silid; doon ay may hagdan patungo sa roof top. Pagkarating roon ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at kaunting ambon.It didn't bother him, though. Nagtuluy-tuloy siya sa rooftop.Pagdating doon ay na
"Papaano akong... napadpad dito?" iyon ang unang lumabas sa mga labi ng dalaga nang harapin niya ito. Ang tinig nito'y paos, at ang isang kamay ay nakahawak sa hamba ng pinto na tila roon kumukuha ng lakas upang mapanatili ang sariling nakatayo."Nakita kita sa laundry shop, you were sleeping when I approached you. You fell off your seat and that's when I learned you were burning up with fever. Ilang araw ka nang may lagnat?""Noong araw lang yata na iyon..." Napayuko ito. "Gaano ako ka-tagal na natulog?""More than a day."Bagaman nakayuko ay hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-ngiwing ginawa nito. "H—Hinubaran at binihisan mo ba ako?"He didn't know what made him smirk. "Why would I bother? Kasama ko ang dalagitang nagbabantay ng laundry shop noong dinala kita rito, at siya ang nagpalit ng damit mo."Hindi na niya idinagdag na binayaran niya ang halos isang oras na operation ng laundry shop habang naroon ang nagbabantay sa bahay niya upang palitan ng damit at punasan ang buong katawa
The 4th day of 100..."Bakit mo parating sinusundan ng tingin ang mga customers mo hanggang sa pinto?"Napalingon si Quaro sa entry ng working station nang marinig ang tinig ni Kirsten. Nakita niya ito roong nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, naka-sukbit ang backpack sa balikat, saka nakasunod ang tingin sa huling customer na lumabas ng shop at siyang umubos ng dalawang tray ng cheese bread.Humalukipkip din siya, sumandal sa counter, at kunot-noong hinarap ito."Ano'ng problema kung gusto kong sundan ng tingin ang mga customers ko hanggang sa makalabas sila?"Nagkibit ito ng mga balikat at
7th day of 100..."Spit it out—what do you need?"Mula sa pagsilip sa entry ng working station ay tuluyang lumabas si Kirsten at nahihiyang lumapit kay Quaro na abala sa pag-aayos ng mga tinapay sa estanteng nasa gitna ng shop."May... hihingin sana akong pabor—""I'm busy."Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Matapos mong sabihing 'spit it out', bigla kang kakabig ng'I'm busy'?""Kung may itatanong ka ay sasagutin kita, pero kung pabor 'yan na kakain ng oras ko, definitely no."
Matapos niya iyong marinig ay mahigpit niyang hinawakan ang bewang ni Kirsten saka ito sapilitang ibinaba. But she just dropped herself on the carpet, laid down there as her tipsy eyes continued to gape at him. "Ano bang pinagsasasabi mo?" aniya rito, pikon na pikon na. "Hindi mo naintindihan? Then, let me translate that—I said, you are hot, Quaro..." "And you are crazy! Kung lasing ka'y matulog ka ro'n sa higaan mo!" "Sige, matutulog na ako..." Pilit itong bumangon at nang makatayo'y pa-gewang-gewang na tinungo ang kama niya. She dropped herself in his bed, face down. Nakasimangot na lumapit siya at hinawakan ito sa bewang
She tastes like orange and chocolate combined. She tastes sweet and tangy, with a little bit of something. Could it be the rum? I don't like rum—I am more of a beer-person. But if what I'm tasting from her mouth is the rum she used in her cake, then I like it. I like it so much I couldn't stop tasting it from her. And this is hard for me to admit but... I am getting... addicted.
Ang malakas na tunog ng alarm ang nagpagising kay Quaro. He grabbed his phone and checked the time. Four in the morning. Fuck. Pasado alas dos nang tuluyan siyang dalawin ng antok—may isang oras na kaya siyang tulog? Pinatay niya ang alarm at umayos ng pwesto sa couch—sa sandaling iyon ay nagdesisyon siyang hindi muna magbukas sa araw na iyon. He wasn't supposed to, anyway. Dahil dapat ay nasa bahay pa rin siya ng ina sa mga oras na iyon. &nbs
"Paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?"Iyon ang unang tanong ni Kirsten nang marating nila ang rooftop. Nagulat pa siya nang makitang kahit ang working station at kusina ay lumawak. The second and third floors were still the same, though. Hindi nagalaw. But the rooftop had some changes made, too. There were plants on the sides and the baluster—pinaligiran ng mga halaman at nagmukhang forest garden sa dami ng tropical plants na naroon.She was not into plants, pero alam niyang may presyo ang ilan sa mga halamang nasa rooftop.Sa gitna rin ng rooftop ay mayroong dalawang magkaharap na rattan wicker chairs at sa pagitan ng mga iyon ay isa namang coffee table na gawa sa pinakintab na kahoy. Nakasilong ang mga iyon sa isang may kalakihang payong na
"I decided to keep the baby and raise it, Quaro."Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig kay Paige. She was sitting across the table, hands holding the cup of coffee whilst her head bent down. Ang tingin nito'y nasa kape subalit alam niyang ang isip ay nasa ibang lupalop.Nakaupo siya sa harap nito at tahimik na nakikinig. Puno ang shop ng customer subalit may dalawang staff na siyang kinuha upang tumulong, kaya malaya siyang maglaan ng oras upang kausapin si Paige.He had renovated his shop and it had been running for a few days now. Nabili niya ang kabilang pwesto na dati ay patahian, kaya pinalawak niya iyon. He had added more tables, more shelves for his bread, and more space for the customers. The interior was in minimalist design.
"Kirsten! Oh, Kirsten!"Naibaba niya ang bitbit na backpack nang makita ang abuelo na napatayo bigla sa kinauupuan nang makita siyang pumasok sa malawak na sala ng villa nila. Hapon na nang makarating siya sa villa at kapag ganoong oras ay kauuwi lang ng lolo niya mula pabrika.Akay-akay ang tungkod nito at sa nanlalaking mga mata ay sumalubong ito sa kaniya. Ang labis na kaligayahan ay makikita sa anyo nito.Sa edad na sitenta y sinco ay malakas pa rin si Senior Oscar De Casimiro. Ito pa rin ang namamahala sa pabrika nila at personal na nakikipag-usap sa mga kliyente. Naniniwala siyang mahigit sampung taon pa ang itatagal nito sa mundo, pero hindi rin siya nakasisiguro dahil maaaring may dinaramdam ito kaya nais na siyang ipakasal. Her grandfather
Kirsten woke up for a start. She opened her eyes and gazed at the white ceiling in Quaro's room. Ang bintana sa kabilang bahagi ng silid ay nakabukas pa rin, at mula roon at dinig niya ang busina ng mga sasakyan mula sa highway. The noise was faint and it didn't really bother her, lalo at nakikisabay ang huni ng mga ibon sa ingay na iyon.Kung pagbabasehan niya ang liwanag mula sa nakabukas na bintana, siguradong magtatanghali na.Nilingon niya ang kabilang bahagi ng kama at nang makitang wala na roon si Quaro ay kinuha niya ang unang ginamit nito at sinamyo iyon. She liked smelling his scent through the pillow, it smelt like... home.Yeah... Quaro was her home. Nothing else. Sa araw na iyon
Quaro took off her shirt and her underwear effortlessly. Kirsten was unable to follow what was happening—everything was like whirlwind. She woke up one moment finding him in the room, taking off his clothes. And the next thing she knew, he was already kissing her. All at once, there was nothing in her universe but Quaro's kissing, touching, biting, and exploring every inch of her body with his mouth, his tongue, and his hands. The way his calloused hands touched her was urgent and left traces of fire. Parang lava na dumadampi sa katawan niya. Tila binabawi nito ang dalawang gabing hindi sila nagkasama. He was... unstoppable, hot, and needy.
Wala si Paige nang magtungo si Kirsten sa appliance center na pag-aari nito malapit sa shop. Ayon sa staff na napagtanungan niya ay nasa kabilang bayan raw ito at dumalaw sa ina na nakatira roon. She just left the envelope and asked the staff to hand it over to Paige.Matapos manggaling roon ay dumiretso na siya sa shop ni Quaro—she wanted to talk to him one, final time, and to collect her stuff, as well. Iyon na ang huling beses na pupunta siya roon.Pagliko niya sa street patungo sa shop ay nagtaka pa siya nang makita kaagad ang nakasarang roll up door. Weekday at dapat ay bukas ang shop subalit hindi.Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya iyon. Lalo siyang nagtaka nang makitang may nakasabit na ka
"Maagang umalis sina Quaro at Aris, hija. They are going to Aris' place, but Quaro had asked Lee to take you home. I still can't believe my eldest son is living with a girl, oh my!"Nakita niya ang pagguhit ng galak sa anyo ni Felicia nang sabihin nito iyon. She was obviously pleased. Sana lahat ng manugang ay ganoon. Sana lahat ng mga oldies ay ganoon ang mindset at hindi mapanghusga. Na kahit pangit sa paningin ng mga nakaaalalam ang sitwasyon nila'y hindi naging negatibo ang reaksyon nito.But—she didn't expect him to leave. Iniwan siya nito roon sa bahay ng pamilya nito.Ito pa talaga ang may ganang gawin iyon. Hindi ba dapat ay siya ang umalis?
Napabalikwas ng bangon si Kirsten nang biglang bumukas ang pinto ng okupado niyang silid. Quaro was standing at the door, face shadowed by the dark. Nagsalubong ang mga kilay niya. "May problema ba?" "Don't tell me na kaaakyat mo lang?" "Well, yes." "Well, yes? That's all you have to say?" "What else do you want me to say, then?"
Hindi alam ni Kirsten kung saan siya naroon sa mga sandaling iyon; sa langit ba o sa paraiso? Nasa Mount Olympus ba siya, o nakapasok sa isang male magazine? She couldn't tell. Hindi niya alam kung kanino titingin sa pagpasok nilang muli sa bahay. Sumalubong sa kanila ang mga nagtataasan at nag-gu-guwapuhang mga lalaki na naka-upo sa sala kasama sina Quaro at Lee. Quaro's eyes were following her, but she did her best to avoid them. Ayaw niyang salubungin ang mga mata nito kaya ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon, at sa ibang pares ng mga mata. She sti