All Chapters of Maid of the Arrogant Billionaire (Tagalog) : Chapter 61 - Chapter 70

124 Chapters

Chapter 50

LUCIEN point of view Napailing na lang ako habang binababa sa center table ang laptop. Ang babaeng ito talaga. Tumayo ako saka inayos ang pagkakahiga ng dalaga. Inayos ko na rin ang ibang folder na malapit ng malaglag pati ang hawak-hawak niya. Tahimik at maingat kong pinagmasdan ang dalaga. Natutukso akong hawiin ang buhok na nakatabing sa mukha niya kaso nababahala ako baka magising at maabutan ako sa ganong tagpo. Baka ano na naman isipin ng dalaga. Mas lalo lang akong iwasan kapag nagkataon. Sa huli pinili ko na lang na maupo sa carpet habang nakatingin sa maamong mukha ni Hermosa. Habang tinititigan ko siya unti-unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong may sakit ako. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi. Aaminin ko isa iyon sa hindi ko makakalimutan na araw. Kitang-kita ko sa maganda niyang mga mata ang sobrang pag-aalala sa akin. Siya pa talaga ang nagluto ng mga kakainin ko at magdamag niya akong binantayan. Sinong hindi magkakagusto sa dalaga
last updateLast Updated : 2023-05-05
Read more

Chapter 51

LUCIEN TAHIMIK ako habang nakaupo sa harap ng table ni Lolo dito sa kanyang opisina sa mansion. Tumikhim ito kaya napaangat ako ng tingin. Seryoso si Lolo at alam ko naman kung bakit. “Lucien, ano ang nangyari sa inyo ni Claire? Bakit kayo nag-hiwalay? Akala ko pa naman siya na ang babaeng pakakasalan mo. Claire is so perfect for you.” Diretsong tanong ni Lolo, sabi na sigurado naman na nakarating na iyon sa kanya at baka nga iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi dito sa mansion. Bumuntong hininga ako bago sumagot. “I'm sorry Lo, may mga bagay lang na hindi inaasahan na mangyari. And to be honest Lo, hindi pa ganon kalalim ang pagmamahal ko kay Claire, Hindi siya ang nakikita kong babaeng makakasama ko hanggang sa pagtanda. Yes, Claire is perfect at hindi siya nababagay sa katulad kong maraming naging kasalanan sa kanya.” Pag amin ko. Napabuntong hininga naman si Lolo. “I know... I know that already.” Natigilan ako. “What do you mean Lo?” “Alam ko a
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more

Chapter 52

SCARLETT KINABUKASAN nakapangalumbaba ako sa mahabang lamesa dito sa opisina ni Lucien. Boring na boring ako dahil hindi niya ako iniwanan ng mga pwede ko gawin. Nasa isang meeting siya ngayon at hindi ko alam kung anong oras siya matatapos at makakabalik. Alam ko nga may trabaho pa akong gagawin dahil iyon ang napag usapan namin pero sabi ni Lucien tinapos na daw ng secretary niya. Hays, iyon na nga lang ang gagawin ko e, pinatapos pa sa iba. Sa huli nanood na lang ako ng movie kesa nakatunganga ako sa kawalan. Alas dose ng matapos ang pinapanood ko at wala pa rin si Lucien. Tumingin ako sa lunch bag na dala. Mukhang ako lang ang kakain nito. Sumapit ang alas kwatro ng hapon, doon lang nakabalik si Lucien. Hindi ko siya makausap dahil may kausap sa telepono. Busying busy ang lalaki. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at kamustahin sa buong maghapon ko dito sa opisina niya, na dati ay ginagawa naman niya. Tss, kung hindi ko lang siya kailangan bantayan. Na
last updateLast Updated : 2023-05-08
Read more

Chapter 53

Mahina pero malambing na sambit niya na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ko ng diretso. Hindi naman ako naka-imik agad para kasing may kakaiba sa mata ni Lucien, Tila marami itong gusto sabihin. “Namiss mo akong makasabay kumain, namiss mo akong utusan ka, na miss mo akong kausapin ka, Am I right? Kaya ka matamlay ay kaya ka naunang lumabas ng kotse kanina.” Naalala ko lahat ng nangyari ng isang linggo. Ngayon lang nag sink in sa akin na kaya ganon ang reaksyon ko dahil namimiss ko ang lalaki. Hindi ako sanay na ganon ang trato niya sa akin. Wala sa wisyong tumango sa kaharap na lalaki. Hindi ko itatanggi iyon ngayon, may kung anong umalpas na emosyon sa aking puso. Nilapag ko ang hawak na kutsara at tinidor saka wala sa hulog na sinampal siya. Gulat na gulat naman siya sa aking ginawa at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “W-what's that for, Hermosa?!” Gulantang na tanong niya. Para naman akong batang inagawan ng candy dahil mangiyak ngiyak ko siyang tinuro
last updateLast Updated : 2023-05-08
Read more

Chapter 54

SCARLETT PAGKARATING namin sa opisina ni Lucien ay padabog kong sinarado ang pinto saka dumiretso sa sofa at pabaksak na naupo doon. Napansin ko sa gilid ng mga mata ang hindi makapaniwalang tingin sa akin ng lalaki pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako! “Hermosa, sisirain mo ba ang pinto ng opisina ko?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi ako umimik at humalukipkip na lang. “Hermosa, I'm talking to you,” Hindi pa rin ako umimik. Narinig ko ang paghakbang niya palapit sa kinaroroonan ko. “Hindi mo ba ako naririnig, Hermosa? Tinatanong kita, bakit hindi ka sumasagot?” Iritableng tanong niya. Marahas akong tumingin sa kanya at masama siyang tinignan. “Ano bang trip mo ha, Lucien? Bakit ganon ang naging reaction mo kanina? Paiba-iba ka ng mood! Alam mo ‘yon?” “Why? Bigla kong naisipan na sa kabilang elevator dumaan. May masama ba doon?” “Oo meron! Imbes na mababati ko ang kaibigan ko hindi ko nagawa dahil sa desisyon mong ‘yan!” “Ahh, I get i
last updateLast Updated : 2023-05-09
Read more

Chapter 55

SCARLETT DAHIL sa nangyari hindi ko na nagawang makapag luto ng breakfast at lunch namin ni Lucien. Natagalan din ako sa banyo dahil pinag isipan ko lahat ng sinabi ni Night. Isabay pa ang mga lalaking nakita ko kanina. Tulala ako sa kawalan habang nakaupo sa aking kama. Naka-ayos na ako at ready ng umalis pero hindi ko pa rin magawang lumabas. Dang! Back to your sense Scarlett, Hindi pupwede na ganito ka lalo na nasa paligid lang ang kalaban. Panunuway ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim saka kinalma ang sarili. Kailangan kong isang tabi ang mga bagay bagay at mag focus sa misyon ko. Kinapa ko ang nakatagong katana at baril sa aking boots. Meron naman akong nakatagong bala at baril sa sasakyan ni Lucien. Safe naman iyon at hindi makikita ng lalaki. Tinago ko talaga ‘yon doon incase of emergency. Tok.Tok.Tok Napalingon ako sa pinto, Mukhang pinapatawag na ako. “Hermosa?” Jeez! Si Lucien pala, akala ko katulong. Tumayo ako saka inayos ang sarili tapos
last updateLast Updated : 2023-05-10
Read more

Chapter 56

SCARLETT SA BUONG maghapon napag desisyonan kong unti-unting ilayo ang sarili kay Lucien, Mas maganda na gawin ko ito ngayon kesa magsisi pa ako sa huli. Lalo't nararamdaman ko ng malapit ng matapos ang aking misyon. Nakausap ko na rin si Night, kaya pala sila Sapphire ang nandito dahil nag boluntaryo ang mga ito. Natapos na pala ang mga misyon nila at nagawa nilang iligtas ang mga taong binabantayan nila laban kay Salvador, Ang kanilang ginawa ay lihim nilang tinulungan ang mga pamilya na umalis ng bansa. Para maging malinis ang kanilang trabaho ay dinaan nila sa dagat ang pag tawid sa ibang bansa. Kung saan mula sa Bataraza Palawan hanggang sa Sabah Malaysia ay tinawid-dagat nila. Isang mahusay na pagtakas dahil hindi malalaman ni Salvador na umalis na pala ng bansa ang iba niyang balak patayin. Walang record na makikita at sinigurado nila Sapphire na walang makukuhang ebidensya si Salvador. Malinis ang kanilang naging trabaho. Iisipin na lang ng hayop na `yon
last updateLast Updated : 2023-05-12
Read more

Chapter 57

SCARLETT MATAPOS ang meeting ay matamlay kong binalik sa pinag-tataguan ang tablet. Nakapag-plano na kami, babalitaan ko na lang sila kapag napapayag ko na si Lucien na sumama sa mga kaibigan niya. At malaman ko ang mismong araw at oras ng alis. Importanteng malaman ko muna ang lahat ng detalye. Sa ngayon kailangan kong kumuha ng lakas ng loob para makausap si Lucien tungkol sa pagsama namin sa Zambales kela Isaiah. Iyong hindi siya makakahalata. Alam ko naman na papayag ang lalaki lalo't pa ako ang mismong nagsabi na. Ang problema lang ay dahil meron nangyari kanina. Nagkasagutan na naman kami at may nasabi ako. Baka damdamin o kaya magtampo ang lalaki, or worse baka galit ito. Mahirapan pa akong kumbinsihin siyang sumama kami sa Zambales. Hindi kami pwede pumalya ngayon dahil ano mang oras pwedeng malagay sa peligro ang buhay niya. Actually, magiging props lang namin ang Zambales dahil sa pagkakataong nasa biyahe kami. Hindi namin masasabi ang pwedeng m
last updateLast Updated : 2023-05-15
Read more

Chapter 58

Nakatitig ako sa namumulang mukha ni Lucien. Bigla itong lumamlam, kitang kita ko sa mga mata niya ang iba't ibang klaseng emosyon..galit, sakit, pagmamahal… May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Bakit humantong sa ganito? Bigla akong nanghina. “Fvck, I didn't want to rush you, Louise. I know you have doubts, but I'm telling the truth. I love you, don't you notice that? I've done everything to get your attention… “...Akala mo ba iyong mga nasabi ko sa‘yo noong nakainom ako ay hindi totoo? Akala mo nadala lang ako ng alak? Kahit iyong tungkol sa halik? No, binawi ko lang ‘yon para hindi ka mailang sa akin, para hindi mo ako iwasan. “...Ayokong umalis ka ng mansion, hindi ko kakayanin na mawalay sa‘yo Louise. I've changed, I am no longer the old Lucien, And you are the reason for that change. Please, I'm begging you, don't leave me, don't leave this mansion. Papatunayan ko sa‘yong totoo ang nararamdaman ko para sa‘yo.” Hindi ako umimik, mas lalong na
last updateLast Updated : 2023-05-15
Read more

Chapter 59

SCARLETT UMAGANG-UMAGA nasa garahe ako para mamili ng gagamitin naming sasakyan. Naghahanap ako ng bulletproof at mabilis ang takbo. Iyon solid na hindi kami mahahabol agad-agad ng kalaban. Kagabi sabi ko dalawang sasakyan ang gamitin namin, Tag-isa. Nakipag debate pa ako kela Isaiah. Sa huli wala silang nagawa dahil sinunod ako ni Lucien. Hinayaan niya na dalawang sasakyan ang gamitin namin at nakasunod na lang kami kela Isaiah. Ngingisi-ngisi nga ako kagabi kay Isaiah habang ka video call siya. Tumawag sila kay Lucien para ipa-alala ang oras ng alis namin tapos gagamiting sasakyan. Buti na lang malakas ako kay Lucien kaya pumayag ang lalaki. Sa totoo lang ayokong madamay sila Ace at Isaiah. Mas dagdag sa guilty ko iyon kung pati sila madamay sa gulong ito. Kaya hanggang maaari iiwas ko sila. Mahirap kung magsasama-sama kami sa iisang sasakyan. Nang makapili na ako ng sasakyan ni-ready ko ang aking armas. Pati ang dala kong gamit ay nilagay ko na sa likod ng sasakyan.
last updateLast Updated : 2023-05-17
Read more
PREV
1
...
56789
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status