LUCIEN Bago lumabas ng kwarto, kinuha ko muna ang cellphone ko saka dumeretso sa kusina para makapag luto na. Naabutan ko sa kusina si Manang. Medyo nagulat pa nga ito ng makita ako. “Magandang umaga, Iho, Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni manang. “Magandang umaga din manang, Opo ayos na ang pakiramdam ko.” “Nagugutom kana ba? Ipaghahanda kita ng almusal.” Umiling naman ako saka lumapit sa kitchen Island. “Ako na manang, wag na kayo mag abala pa.” “Sigurado ka ba Iho? Baka mabinat ka niyan. Kagagaling mo lang sa sakit.” Matamis akong ngumiti kay Manang. “Wag ho kayong mag alalala manang magaling na ako. Mahusay kaya ang nurse ko.” Proud kong sabi. Napailing lang naman si Manang. “Siguraduhin mo lang Iho, dahil hindi mo alam kung gaano nag alala sayo si Louise. Inalagaan ka talaga niya. Masyadong nag alalala sayo ang dalaga. Halos lahat ng kinain mo ay siya ang nagpiprisinta na magluto. Inaalalayan ko lang siya.” Mas napangiti ako dahil sa narinig
Huling Na-update : 2023-04-28 Magbasa pa