SCARLETT NANG maibaba ang paso ay agad kong nilapitan ang matanda. “Lo,ok lang ba kayo? hindi naman sumakit ang balakang niyo?” Nag-aalala kong tanong. “Ayos lang ako, Iha. Sanay na sanay ako sa ganitong klaseng trabaho. Sanay ako magbuhat ng mabibigat.” Nakangiting turan naman nito. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman kung ganon. Nakikita ko sa matanda ang aking lolo. Hindi ko nga alam bakit magaan ang loob ko sa kanya. O, sadyang pag dating talaga sa matanda ay malambot ang puso ko. “Mabuti naman ho kung ganon, Kayo ho ba ang bagong hardenero dito? Bakit naman Lo nagtatrabaho pa kayo sa edad niyong ‘yan? Dapat ho ay nagpapahinga na lang kayo. Nasaan po ba ang mga anak o apo niyo?” Sunod-sunod kong tanong. Napansin ko na natigilan ang matanda, tapos bahagyang natawa. Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko kaso hindi. Binalikan niya ang ginagawa tapos naglagay ulit ng lupa sa malaking paso. Mukhang hindi pa pala siya tapos. Tinignan ko ang natitirang pa
SCARLETT Bakit ba hindi ko ‘yon agad naisip kanina? Sabagay ibang-iba kasi ang ayos ng Don lalo na at para talaga siyang hardinero sa get up niya. Isa pa sabi ni Sir Aidan na pinipigilan niya umuwi ang ama. Saka siya siguro ang tinutukoy na bisita ni Manang. Pero bisita talaga? Diba dito naman talaga nakatira ang Don? ah, baka iyon ang plano ng lintek na Lucien na iyon na ang sabihin sa akin ni Manang ay bisita kapag nagtanong ako. Kasi kung nalaman kong si Don Miguel ay mas pipiliin kong magtago sa kwarto ko buong maghapon. “Bakit mo ako hinahanap, Apo? Hindi ba't sabi mo kanina ay may tatapusin kang basahin na mga email sa‘yo ng secretary mo? Hindi na kita inistorbo at naisipan ko na lang ayusin ang hardin ng Grandma mo.” “Sana nagpahinga muna kayo grandpa galing pa kayo sa biyahe. Pwede niyo naman gawin yan bukas. Anyway, I'm looking for you because our lunch is ready.” “Oh, I see. Alright. Maghuhugas lang ako ng kamay—Oh, why are you looking around? Are you looking
SCARLETT MATAPOS ang lunch namin na hindi ko alam kung lunch ba talaga o question and and answer portion. Ang daming tanong ni Don Miguel sa akin. Hot seat na hot seat ako kanina. Hindi ko nga magawang malunok ng maayos ang kinakain ko. Etong si Lucien naman pangisi-ngisi lang habang kumakain. Tuwang-tuwa na makitang tinatadtad ako ng tanong ng lolo niya. Ngayon ay nandito na ako sa labas ng kwarto ni Lucien. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok. “Come in.” Nang marinig ko ang sagot ni Lucien ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka tahimik na pumasok sa loob. Nakita kong abala na ang lalaki sa kanyang laptop. Sinisimulan na ulit basahin ang mga email. Kinuha ko iyong pagkakataon at binuksan na lang ang pinto ng kwarto niya. Mas maiging nakabukas kesa nakasarado. Baka ano pa ang isipin ni Don Miguel. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa table. Nang tumigil ako ay doon lang nag-angat ng tingin ang lalaki. Nakataas ang isang kilay niya habang nakat
SCARLETT Pagbalik ko sa kwarto hindi nga ako nagkamali dahil masamang tingin agad ni Lucien ang bumungad sa akin. “Why are you taking so long? Is carrying the coffee and slice cake that heavy, Hermosa huh?” Lihim akong napangiwi. “Sorry, nakipag kwentuhan pa sa akin si Don Miguel. Alangan naman iwan ko ‘yung lolo mo. Naging bastos pa ako.” Paliwanag ko. Naningkit ang mga mata ni Lucien, tila may tinitignan hanggang sa magsalita ito. “What's on the side of your lip? Is it cake icing?” Napakapa-kapa ako sa gilid ng labi ko. “On the right side of your lips.” Masungit na turan ulit ng lalaki. Hala! Takte naman. May naiwan na ibedensya! May chocolate icing nga. “Wag mong sabihin na kaya ka natagalan ay kumain ka rin ng cake?” “Hehe, kasama na rin ‘yon. Niyaya kasi ako ng Lolo mo.” “Stop explaining and just go back to work now.” Mabilis naman akong naupo ulit saka sinimulan ng magtrabaho. Habang busy sa pag aayos ng folder ay pasilip-si
LUCIEN point of view Napailing na lang ako habang binababa sa center table ang laptop. Ang babaeng ito talaga. Tumayo ako saka inayos ang pagkakahiga ng dalaga. Inayos ko na rin ang ibang folder na malapit ng malaglag pati ang hawak-hawak niya. Tahimik at maingat kong pinagmasdan ang dalaga. Natutukso akong hawiin ang buhok na nakatabing sa mukha niya kaso nababahala ako baka magising at maabutan ako sa ganong tagpo. Baka ano na naman isipin ng dalaga. Mas lalo lang akong iwasan kapag nagkataon. Sa huli pinili ko na lang na maupo sa carpet habang nakatingin sa maamong mukha ni Hermosa. Habang tinititigan ko siya unti-unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong may sakit ako. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi. Aaminin ko isa iyon sa hindi ko makakalimutan na araw. Kitang-kita ko sa maganda niyang mga mata ang sobrang pag-aalala sa akin. Siya pa talaga ang nagluto ng mga kakainin ko at magdamag niya akong binantayan. Sinong hindi magkakagusto sa dalaga
LUCIEN TAHIMIK ako habang nakaupo sa harap ng table ni Lolo dito sa kanyang opisina sa mansion. Tumikhim ito kaya napaangat ako ng tingin. Seryoso si Lolo at alam ko naman kung bakit. “Lucien, ano ang nangyari sa inyo ni Claire? Bakit kayo nag-hiwalay? Akala ko pa naman siya na ang babaeng pakakasalan mo. Claire is so perfect for you.” Diretsong tanong ni Lolo, sabi na sigurado naman na nakarating na iyon sa kanya at baka nga iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi dito sa mansion. Bumuntong hininga ako bago sumagot. “I'm sorry Lo, may mga bagay lang na hindi inaasahan na mangyari. And to be honest Lo, hindi pa ganon kalalim ang pagmamahal ko kay Claire, Hindi siya ang nakikita kong babaeng makakasama ko hanggang sa pagtanda. Yes, Claire is perfect at hindi siya nababagay sa katulad kong maraming naging kasalanan sa kanya.” Pag amin ko. Napabuntong hininga naman si Lolo. “I know... I know that already.” Natigilan ako. “What do you mean Lo?” “Alam ko a
SCARLETT KINABUKASAN nakapangalumbaba ako sa mahabang lamesa dito sa opisina ni Lucien. Boring na boring ako dahil hindi niya ako iniwanan ng mga pwede ko gawin. Nasa isang meeting siya ngayon at hindi ko alam kung anong oras siya matatapos at makakabalik. Alam ko nga may trabaho pa akong gagawin dahil iyon ang napag usapan namin pero sabi ni Lucien tinapos na daw ng secretary niya. Hays, iyon na nga lang ang gagawin ko e, pinatapos pa sa iba. Sa huli nanood na lang ako ng movie kesa nakatunganga ako sa kawalan. Alas dose ng matapos ang pinapanood ko at wala pa rin si Lucien. Tumingin ako sa lunch bag na dala. Mukhang ako lang ang kakain nito. Sumapit ang alas kwatro ng hapon, doon lang nakabalik si Lucien. Hindi ko siya makausap dahil may kausap sa telepono. Busying busy ang lalaki. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at kamustahin sa buong maghapon ko dito sa opisina niya, na dati ay ginagawa naman niya. Tss, kung hindi ko lang siya kailangan bantayan. Na
Mahina pero malambing na sambit niya na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ko ng diretso. Hindi naman ako naka-imik agad para kasing may kakaiba sa mata ni Lucien, Tila marami itong gusto sabihin. “Namiss mo akong makasabay kumain, namiss mo akong utusan ka, na miss mo akong kausapin ka, Am I right? Kaya ka matamlay ay kaya ka naunang lumabas ng kotse kanina.” Naalala ko lahat ng nangyari ng isang linggo. Ngayon lang nag sink in sa akin na kaya ganon ang reaksyon ko dahil namimiss ko ang lalaki. Hindi ako sanay na ganon ang trato niya sa akin. Wala sa wisyong tumango sa kaharap na lalaki. Hindi ko itatanggi iyon ngayon, may kung anong umalpas na emosyon sa aking puso. Nilapag ko ang hawak na kutsara at tinidor saka wala sa hulog na sinampal siya. Gulat na gulat naman siya sa aking ginawa at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “W-what's that for, Hermosa?!” Gulantang na tanong niya. Para naman akong batang inagawan ng candy dahil mangiyak ngiyak ko siyang tinuro