Share

Chapter 50

LUCIEN point of view

Napailing na lang ako habang binababa sa center table ang laptop. Ang babaeng ito talaga.

Tumayo ako saka inayos ang pagkakahiga ng dalaga. Inayos ko na rin ang ibang folder na malapit ng malaglag pati ang hawak-hawak niya.

Tahimik at maingat kong pinagmasdan ang dalaga. Natutukso akong hawiin ang buhok na nakatabing sa mukha niya kaso nababahala ako baka magising at maabutan ako sa ganong tagpo. Baka ano na naman isipin ng dalaga. Mas lalo lang akong iwasan kapag nagkataon.

Sa huli pinili ko na lang na maupo sa carpet habang nakatingin sa maamong mukha ni Hermosa. Habang tinititigan ko siya unti-unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong may sakit ako. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi.

Aaminin ko isa iyon sa hindi ko makakalimutan na araw. Kitang-kita ko sa maganda niyang mga mata ang sobrang pag-aalala sa akin. Siya pa talaga ang nagluto ng mga kakainin ko at magdamag niya akong binantayan.

Sinong hindi magkakagusto sa dalaga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sherlene C Caffe Cheng
next chapter please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status