SCARLETT PAGKARATING namin sa opisina ni Lucien ay padabog kong sinarado ang pinto saka dumiretso sa sofa at pabaksak na naupo doon. Napansin ko sa gilid ng mga mata ang hindi makapaniwalang tingin sa akin ng lalaki pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako! “Hermosa, sisirain mo ba ang pinto ng opisina ko?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi ako umimik at humalukipkip na lang. “Hermosa, I'm talking to you,” Hindi pa rin ako umimik. Narinig ko ang paghakbang niya palapit sa kinaroroonan ko. “Hindi mo ba ako naririnig, Hermosa? Tinatanong kita, bakit hindi ka sumasagot?” Iritableng tanong niya. Marahas akong tumingin sa kanya at masama siyang tinignan. “Ano bang trip mo ha, Lucien? Bakit ganon ang naging reaction mo kanina? Paiba-iba ka ng mood! Alam mo ‘yon?” “Why? Bigla kong naisipan na sa kabilang elevator dumaan. May masama ba doon?” “Oo meron! Imbes na mababati ko ang kaibigan ko hindi ko nagawa dahil sa desisyon mong ‘yan!” “Ahh, I get i
SCARLETT DAHIL sa nangyari hindi ko na nagawang makapag luto ng breakfast at lunch namin ni Lucien. Natagalan din ako sa banyo dahil pinag isipan ko lahat ng sinabi ni Night. Isabay pa ang mga lalaking nakita ko kanina. Tulala ako sa kawalan habang nakaupo sa aking kama. Naka-ayos na ako at ready ng umalis pero hindi ko pa rin magawang lumabas. Dang! Back to your sense Scarlett, Hindi pupwede na ganito ka lalo na nasa paligid lang ang kalaban. Panunuway ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim saka kinalma ang sarili. Kailangan kong isang tabi ang mga bagay bagay at mag focus sa misyon ko. Kinapa ko ang nakatagong katana at baril sa aking boots. Meron naman akong nakatagong bala at baril sa sasakyan ni Lucien. Safe naman iyon at hindi makikita ng lalaki. Tinago ko talaga ‘yon doon incase of emergency. Tok.Tok.Tok Napalingon ako sa pinto, Mukhang pinapatawag na ako. “Hermosa?” Jeez! Si Lucien pala, akala ko katulong. Tumayo ako saka inayos ang sarili tapos
SCARLETT SA BUONG maghapon napag desisyonan kong unti-unting ilayo ang sarili kay Lucien, Mas maganda na gawin ko ito ngayon kesa magsisi pa ako sa huli. Lalo't nararamdaman ko ng malapit ng matapos ang aking misyon. Nakausap ko na rin si Night, kaya pala sila Sapphire ang nandito dahil nag boluntaryo ang mga ito. Natapos na pala ang mga misyon nila at nagawa nilang iligtas ang mga taong binabantayan nila laban kay Salvador, Ang kanilang ginawa ay lihim nilang tinulungan ang mga pamilya na umalis ng bansa. Para maging malinis ang kanilang trabaho ay dinaan nila sa dagat ang pag tawid sa ibang bansa. Kung saan mula sa Bataraza Palawan hanggang sa Sabah Malaysia ay tinawid-dagat nila. Isang mahusay na pagtakas dahil hindi malalaman ni Salvador na umalis na pala ng bansa ang iba niyang balak patayin. Walang record na makikita at sinigurado nila Sapphire na walang makukuhang ebidensya si Salvador. Malinis ang kanilang naging trabaho. Iisipin na lang ng hayop na `yon
SCARLETT MATAPOS ang meeting ay matamlay kong binalik sa pinag-tataguan ang tablet. Nakapag-plano na kami, babalitaan ko na lang sila kapag napapayag ko na si Lucien na sumama sa mga kaibigan niya. At malaman ko ang mismong araw at oras ng alis. Importanteng malaman ko muna ang lahat ng detalye. Sa ngayon kailangan kong kumuha ng lakas ng loob para makausap si Lucien tungkol sa pagsama namin sa Zambales kela Isaiah. Iyong hindi siya makakahalata. Alam ko naman na papayag ang lalaki lalo't pa ako ang mismong nagsabi na. Ang problema lang ay dahil meron nangyari kanina. Nagkasagutan na naman kami at may nasabi ako. Baka damdamin o kaya magtampo ang lalaki, or worse baka galit ito. Mahirapan pa akong kumbinsihin siyang sumama kami sa Zambales. Hindi kami pwede pumalya ngayon dahil ano mang oras pwedeng malagay sa peligro ang buhay niya. Actually, magiging props lang namin ang Zambales dahil sa pagkakataong nasa biyahe kami. Hindi namin masasabi ang pwedeng m
Nakatitig ako sa namumulang mukha ni Lucien. Bigla itong lumamlam, kitang kita ko sa mga mata niya ang iba't ibang klaseng emosyon..galit, sakit, pagmamahal… May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Bakit humantong sa ganito? Bigla akong nanghina. “Fvck, I didn't want to rush you, Louise. I know you have doubts, but I'm telling the truth. I love you, don't you notice that? I've done everything to get your attention… “...Akala mo ba iyong mga nasabi ko sa‘yo noong nakainom ako ay hindi totoo? Akala mo nadala lang ako ng alak? Kahit iyong tungkol sa halik? No, binawi ko lang ‘yon para hindi ka mailang sa akin, para hindi mo ako iwasan. “...Ayokong umalis ka ng mansion, hindi ko kakayanin na mawalay sa‘yo Louise. I've changed, I am no longer the old Lucien, And you are the reason for that change. Please, I'm begging you, don't leave me, don't leave this mansion. Papatunayan ko sa‘yong totoo ang nararamdaman ko para sa‘yo.” Hindi ako umimik, mas lalong na
SCARLETT UMAGANG-UMAGA nasa garahe ako para mamili ng gagamitin naming sasakyan. Naghahanap ako ng bulletproof at mabilis ang takbo. Iyon solid na hindi kami mahahabol agad-agad ng kalaban. Kagabi sabi ko dalawang sasakyan ang gamitin namin, Tag-isa. Nakipag debate pa ako kela Isaiah. Sa huli wala silang nagawa dahil sinunod ako ni Lucien. Hinayaan niya na dalawang sasakyan ang gamitin namin at nakasunod na lang kami kela Isaiah. Ngingisi-ngisi nga ako kagabi kay Isaiah habang ka video call siya. Tumawag sila kay Lucien para ipa-alala ang oras ng alis namin tapos gagamiting sasakyan. Buti na lang malakas ako kay Lucien kaya pumayag ang lalaki. Sa totoo lang ayokong madamay sila Ace at Isaiah. Mas dagdag sa guilty ko iyon kung pati sila madamay sa gulong ito. Kaya hanggang maaari iiwas ko sila. Mahirap kung magsasama-sama kami sa iisang sasakyan. Nang makapili na ako ng sasakyan ni-ready ko ang aking armas. Pati ang dala kong gamit ay nilagay ko na sa likod ng sasakyan.
SCARLETT HINDI ko pinansin ang katanungan ni Lucien, mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan. Nang makalayo kami ng sobra sa van ay agad kong ginilid ang kotse. Tahimik ang lugar at talahiban na. “Red, tumigil ang sasakyan ng mga kaibigan ni Saavedra. Anong gagawin namin?” Biglang tanong ng isa naming kasamahan. “Don't let them come near here. Block them and protect them no matter what happens.” Seryoso kong sagot. “Copy.” Kinapa ko sa gilid ng aking upuan ang isang baril at magazine. Saka seryosong tinignan si Lucien. “When I get out of the car, move here and just stay low.” “What? What are you going to do? Are you getting out? It's dangerous!” Sambit nito. May himig ng gulat at takot. “I know, just follow me and don't get out. understand?” Kitang kita ko sa mata ng lalaki ang pagkalito. Titig na titig din siya sa akin dahil sa tagal namin magkasama ngayon niya lang akong narinig magsalita ng ingles. Nilabas ko ang baril saka chineck ulit iyon. “Y-you
May ibubuga pala ang isang ‘to. Akala ko ay lalampa-lampa. Tsk! “Red, are you ok? You need back up?” Tanong ni Thunder sa akin. Napahawak ako sa aking earpiece. “I'm ok, I can handle this bastard. Bantayan niyong maigi si Lucien.” Sagot ko habang umiilag pa rin sa suntok ng lalaki. “Don't worry he's safe. Nandito na rin ang mga kaibigan niya.” “Good, tatapusin ko lang ang isang ‘to.” Ang sumunod na suntok ng lalaki ay sinalag ko na. Napapagod na ako sa kaka-ilag kaya mabilis ko siyang binigyan ng suntok sa mukha at pinilipit ang braso. “Bibigyan sana kita ng pagkakataon mabuhay pero hindi mo pala deserve. Die bastard!” Gigil kong turan saka ito binaril sa ulo. Hindi kona hinintay na magsalita pa ang lalaki. Nagtalsikan sa aking mukha at katawan ang dugo nito. Tsk! Walang awa ko siyang binitawan at humalundusay sa lapag. Hingal na hingal ako dahil sa mumunting laban na iyon. Pinunasan ko ang mukhang natalamsikan ng dugo saka nagpatuloy na sa paglala