Share

Chapter 52

SCARLETT

KINABUKASAN nakapangalumbaba ako sa mahabang lamesa dito sa opisina ni Lucien. Boring na boring ako dahil hindi niya ako iniwanan ng mga pwede ko gawin.

Nasa isang meeting siya ngayon at hindi ko alam kung anong oras siya matatapos at makakabalik.

Alam ko nga may trabaho pa akong gagawin dahil iyon ang napag usapan namin pero sabi ni Lucien tinapos na daw ng secretary niya. Hays, iyon na nga lang ang gagawin ko e, pinatapos pa sa iba.

Sa huli nanood na lang ako ng movie kesa nakatunganga ako sa kawalan.

Alas dose ng matapos ang pinapanood ko at wala pa rin si Lucien. Tumingin ako sa lunch bag na dala. Mukhang ako lang ang kakain nito.

Sumapit ang alas kwatro ng hapon, doon lang nakabalik si Lucien. Hindi ko siya makausap dahil may kausap sa telepono. Busying busy ang lalaki. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at kamustahin sa buong maghapon ko dito sa opisina niya, na dati ay ginagawa naman niya.

Tss, kung hindi ko lang siya kailangan bantayan. Na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status