SCARLETT Bakit ba hindi ko ‘yon agad naisip kanina? Sabagay ibang-iba kasi ang ayos ng Don lalo na at para talaga siyang hardinero sa get up niya. Isa pa sabi ni Sir Aidan na pinipigilan niya umuwi ang ama. Saka siya siguro ang tinutukoy na bisita ni Manang. Pero bisita talaga? Diba dito naman talaga nakatira ang Don? ah, baka iyon ang plano ng lintek na Lucien na iyon na ang sabihin sa akin ni Manang ay bisita kapag nagtanong ako. Kasi kung nalaman kong si Don Miguel ay mas pipiliin kong magtago sa kwarto ko buong maghapon. “Bakit mo ako hinahanap, Apo? Hindi ba't sabi mo kanina ay may tatapusin kang basahin na mga email sa‘yo ng secretary mo? Hindi na kita inistorbo at naisipan ko na lang ayusin ang hardin ng Grandma mo.” “Sana nagpahinga muna kayo grandpa galing pa kayo sa biyahe. Pwede niyo naman gawin yan bukas. Anyway, I'm looking for you because our lunch is ready.” “Oh, I see. Alright. Maghuhugas lang ako ng kamay—Oh, why are you looking around? Are you looking
SCARLETT MATAPOS ang lunch namin na hindi ko alam kung lunch ba talaga o question and and answer portion. Ang daming tanong ni Don Miguel sa akin. Hot seat na hot seat ako kanina. Hindi ko nga magawang malunok ng maayos ang kinakain ko. Etong si Lucien naman pangisi-ngisi lang habang kumakain. Tuwang-tuwa na makitang tinatadtad ako ng tanong ng lolo niya. Ngayon ay nandito na ako sa labas ng kwarto ni Lucien. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok. “Come in.” Nang marinig ko ang sagot ni Lucien ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka tahimik na pumasok sa loob. Nakita kong abala na ang lalaki sa kanyang laptop. Sinisimulan na ulit basahin ang mga email. Kinuha ko iyong pagkakataon at binuksan na lang ang pinto ng kwarto niya. Mas maiging nakabukas kesa nakasarado. Baka ano pa ang isipin ni Don Miguel. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa table. Nang tumigil ako ay doon lang nag-angat ng tingin ang lalaki. Nakataas ang isang kilay niya habang nakat
SCARLETT Pagbalik ko sa kwarto hindi nga ako nagkamali dahil masamang tingin agad ni Lucien ang bumungad sa akin. “Why are you taking so long? Is carrying the coffee and slice cake that heavy, Hermosa huh?” Lihim akong napangiwi. “Sorry, nakipag kwentuhan pa sa akin si Don Miguel. Alangan naman iwan ko ‘yung lolo mo. Naging bastos pa ako.” Paliwanag ko. Naningkit ang mga mata ni Lucien, tila may tinitignan hanggang sa magsalita ito. “What's on the side of your lip? Is it cake icing?” Napakapa-kapa ako sa gilid ng labi ko. “On the right side of your lips.” Masungit na turan ulit ng lalaki. Hala! Takte naman. May naiwan na ibedensya! May chocolate icing nga. “Wag mong sabihin na kaya ka natagalan ay kumain ka rin ng cake?” “Hehe, kasama na rin ‘yon. Niyaya kasi ako ng Lolo mo.” “Stop explaining and just go back to work now.” Mabilis naman akong naupo ulit saka sinimulan ng magtrabaho. Habang busy sa pag aayos ng folder ay pasilip-si
LUCIEN point of view Napailing na lang ako habang binababa sa center table ang laptop. Ang babaeng ito talaga. Tumayo ako saka inayos ang pagkakahiga ng dalaga. Inayos ko na rin ang ibang folder na malapit ng malaglag pati ang hawak-hawak niya. Tahimik at maingat kong pinagmasdan ang dalaga. Natutukso akong hawiin ang buhok na nakatabing sa mukha niya kaso nababahala ako baka magising at maabutan ako sa ganong tagpo. Baka ano na naman isipin ng dalaga. Mas lalo lang akong iwasan kapag nagkataon. Sa huli pinili ko na lang na maupo sa carpet habang nakatingin sa maamong mukha ni Hermosa. Habang tinititigan ko siya unti-unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong may sakit ako. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi. Aaminin ko isa iyon sa hindi ko makakalimutan na araw. Kitang-kita ko sa maganda niyang mga mata ang sobrang pag-aalala sa akin. Siya pa talaga ang nagluto ng mga kakainin ko at magdamag niya akong binantayan. Sinong hindi magkakagusto sa dalaga
LUCIEN TAHIMIK ako habang nakaupo sa harap ng table ni Lolo dito sa kanyang opisina sa mansion. Tumikhim ito kaya napaangat ako ng tingin. Seryoso si Lolo at alam ko naman kung bakit. “Lucien, ano ang nangyari sa inyo ni Claire? Bakit kayo nag-hiwalay? Akala ko pa naman siya na ang babaeng pakakasalan mo. Claire is so perfect for you.” Diretsong tanong ni Lolo, sabi na sigurado naman na nakarating na iyon sa kanya at baka nga iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi dito sa mansion. Bumuntong hininga ako bago sumagot. “I'm sorry Lo, may mga bagay lang na hindi inaasahan na mangyari. And to be honest Lo, hindi pa ganon kalalim ang pagmamahal ko kay Claire, Hindi siya ang nakikita kong babaeng makakasama ko hanggang sa pagtanda. Yes, Claire is perfect at hindi siya nababagay sa katulad kong maraming naging kasalanan sa kanya.” Pag amin ko. Napabuntong hininga naman si Lolo. “I know... I know that already.” Natigilan ako. “What do you mean Lo?” “Alam ko a
SCARLETT KINABUKASAN nakapangalumbaba ako sa mahabang lamesa dito sa opisina ni Lucien. Boring na boring ako dahil hindi niya ako iniwanan ng mga pwede ko gawin. Nasa isang meeting siya ngayon at hindi ko alam kung anong oras siya matatapos at makakabalik. Alam ko nga may trabaho pa akong gagawin dahil iyon ang napag usapan namin pero sabi ni Lucien tinapos na daw ng secretary niya. Hays, iyon na nga lang ang gagawin ko e, pinatapos pa sa iba. Sa huli nanood na lang ako ng movie kesa nakatunganga ako sa kawalan. Alas dose ng matapos ang pinapanood ko at wala pa rin si Lucien. Tumingin ako sa lunch bag na dala. Mukhang ako lang ang kakain nito. Sumapit ang alas kwatro ng hapon, doon lang nakabalik si Lucien. Hindi ko siya makausap dahil may kausap sa telepono. Busying busy ang lalaki. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at kamustahin sa buong maghapon ko dito sa opisina niya, na dati ay ginagawa naman niya. Tss, kung hindi ko lang siya kailangan bantayan. Na
Mahina pero malambing na sambit niya na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ko ng diretso. Hindi naman ako naka-imik agad para kasing may kakaiba sa mata ni Lucien, Tila marami itong gusto sabihin. “Namiss mo akong makasabay kumain, namiss mo akong utusan ka, na miss mo akong kausapin ka, Am I right? Kaya ka matamlay ay kaya ka naunang lumabas ng kotse kanina.” Naalala ko lahat ng nangyari ng isang linggo. Ngayon lang nag sink in sa akin na kaya ganon ang reaksyon ko dahil namimiss ko ang lalaki. Hindi ako sanay na ganon ang trato niya sa akin. Wala sa wisyong tumango sa kaharap na lalaki. Hindi ko itatanggi iyon ngayon, may kung anong umalpas na emosyon sa aking puso. Nilapag ko ang hawak na kutsara at tinidor saka wala sa hulog na sinampal siya. Gulat na gulat naman siya sa aking ginawa at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “W-what's that for, Hermosa?!” Gulantang na tanong niya. Para naman akong batang inagawan ng candy dahil mangiyak ngiyak ko siyang tinuro
SCARLETT PAGKARATING namin sa opisina ni Lucien ay padabog kong sinarado ang pinto saka dumiretso sa sofa at pabaksak na naupo doon. Napansin ko sa gilid ng mga mata ang hindi makapaniwalang tingin sa akin ng lalaki pero hindi ko siya pinansin. Naiinis ako! “Hermosa, sisirain mo ba ang pinto ng opisina ko?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Hindi ako umimik at humalukipkip na lang. “Hermosa, I'm talking to you,” Hindi pa rin ako umimik. Narinig ko ang paghakbang niya palapit sa kinaroroonan ko. “Hindi mo ba ako naririnig, Hermosa? Tinatanong kita, bakit hindi ka sumasagot?” Iritableng tanong niya. Marahas akong tumingin sa kanya at masama siyang tinignan. “Ano bang trip mo ha, Lucien? Bakit ganon ang naging reaction mo kanina? Paiba-iba ka ng mood! Alam mo ‘yon?” “Why? Bigla kong naisipan na sa kabilang elevator dumaan. May masama ba doon?” “Oo meron! Imbes na mababati ko ang kaibigan ko hindi ko nagawa dahil sa desisyon mong ‘yan!” “Ahh, I get i
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata
“Ouch! Why did you push me, Lu? That hurts!” I heard Crystal's pained complaint. But instead of paying attention and helping her, I froze in place as if rooted to the ground. “OPEN THIS FUCKING DOOR!! WHY IS YOUR DOOR LOCKED?!” Oh fck! Natataranta kong nilapitan si Crystal na kakatayo lang. “Fix your clothes quickly! Then sit over there.” “Why? Why are you panicking?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Just do what I’m telling you.” Medyo naiinis kong sabi. “No. Don’t tell me you’re scared because your bodyguard might see us like this? Let me remind you, I’m your fiancé, there’s nothing wrong with what we’re doing. Kung makita man niya tayo wala na siya don, Right?” Inis na sagot niya sa akin pero hindi ko ‘yun pinansin dahil focus ako sa babaeng kanina pa katok ng katok. “Tsk, Just do what I'm telling you.” Sagot ko sa kanya saka inayos ang sarili at humakbang papalapit sa pinto. “KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTO SISIRAIN KO TO LUCIEN!!” D*mn it! This woman is re
“Tsk, that's not what I want to hear. That's not the Louise I know who loves my son. I'm here to give you a chance to fight for what you feel for Lucien. Find a way to catch his attention and stir up his mind and heart.” Natigilan ako sa sinabi ni Sir Aidan. Seryosong seryoso ito. “I’m doing this because I don’t want us to have any regrets in the end. I don’t want us to blame each other later. I’m giving you a chance, but if there’s truly nothing, I’ll let Lucien go ahead and marry Crystal. I’ll intervene for the last time. So, gawin mo na ang lahat habang may natitirang araw pa. It’s up to you what fate has in store for the two of you.” Hindi agad ako nakasagot. Mariin akong pumikit saka sumandal sa kinauupuan ko. Nahihirapan akong magdesisyon lalo na sa mga binitawang salita ni Sir Aidan. Gusto kong ipaglaban si Lucien, gusto kong bawiin ang lalaking mahal ko. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Sinisigaw ng puso ko na ipaglaban ko siya pero ang isip ko sinasabing mali dahil m
KINABUKASAN Ang aga-aga pero wala sa mood ang boss ko. Hindi man lang ako pinansin mula kanina, mukhang napikon ko ata kagabi. Argh! Araw araw ba na magiging ganito ang ganap ko kapag badmood ang boss ko? Bumuntong hininga ako saka sumandal sa kinauupuan at kinuha ang aking phone. Oorder na nga lang ako ng pagkain tsk! Hindi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising ‘e. Tapos nagmamadali pa ang boss ko na pumasok. Ang ending wala akong almusal kahit man lang humigop ng hot choco or kape wala! Buti pa siya nakapag kape at almusal ‘e. Sakto naman na tumunog ang phone ko hudyat na may nag text. Bumungad sa akin ang pangalan ni Night, Agad kong binasa ang text niya. Night: Good morning, Red. Are you busy? Mabilis naman akong nagreply. To Night: Not really, why? Night: I’m here outside Lucien’s office. I brought some hot chocolate and a sandwich. I found out you didn’t have breakfast earlier, so I brought you some. Come on out, let’s eat together. Hindi
PAGBALIK sa opisina ganon pa rin ang mood ni Lucien. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin o kahit sulyap man lang. Ano bang problema niya? Ano ba ang nangyari sa kanila ni Crystal? Nag-away ba sila? Kung nag-away man sila bakit pati ako damay? Or… Galit siya sa akin dahil hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain? Hm, imposible naman ‘yun. Pakialam ba niya sakin ‘diba? Argh! Ewan! Ang hirap na nga ng sitwasyon ko dinadagan pa ng ganito. Bahala nga siya d’yan. Hahayaan ko siya sa toyo niya. Mahirap kapag sinabayan ‘e, Baka kung saan kami humantong kapag pinatulan ko siya. Hanggang sa mag-uwian hindi pa rin niya ako pinapansin. Bad mood pa din ang hinayupak. Pati ako dinadamay, nakakainis! Seryoso ako sa pagmamaneho ng biglang magsalita ang katabi kong lalaki. “Have you known that guy for a long time?” Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong sinasabi niya? Sinong guy? Bahagya ko siyang sinulyapan. “Who?” Taka kong tanong. “The guy who was sitting
MASAYA akong tumalikod para puntahan ‘yung dalawa. Atleast ma-eenjoy ko ang lunch ko! “Hey!” Masayang bati ko sa dalawa sabay upo sa tabi ni Night. Parehas naman silang nagulat at napatingin sa akin. “Gulat na gulat? Hindi niyo man lang napansin na palapit ako. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo.” Nakangiti kong sambit. “What are you doing here, Red?” Nagtatakang tanong ni Night sa akin. “Oo nga, anong ginagawa mo dito? ginulat mo pa kami. Nasaan ang alaga mo?” Segundang tanong naman ni Thunder. Aba parang ayaw nilang nandito ako ah. Pero imbes na sagutin sila ay nginuso ko na lang kung nasaan sila Lucien tapos nanguha ng lutong pork sa plato ni Night at kinain ‘yun. “Oh, I get it. Sasabay ka dapat sa kanila no? kaso nakita mo kami ni Night dito kaya lumipat ka?” Napaangat ako ng tingin kay Thunder saka nag thumps up at ngumisi. “Yeah, good thing nandito kayo kaya nakatakas ako. Hindi ko kayang makasama ng matagal ang Crystal na ‘yun. Saka sa lagay e, mukha akong third
NANG makarating sa mansyon ay nauna itong bumaba habang ako ay pinarada muna ang sasakyan tapos pumasok na rin sa loob. Saktong pag pasok ko siyang labas naman sa kusina ng lalaki, Mukhang uminom muna ito ng tubig or tinanong ang mga katulong kung ano ang dinner. Hindi na lang ako umimik at pinauna siyang umakyat ng hagdan habang ako ay nakasunod lang. Tumigil ako sa aking kwarto at akmang bubuksan na ng biglang magsalita si Lucien. “Si Dad ba ang pumili ng kwarto mo?” Nagtataka ko naman siyang binalingan dahil sa biglaan nitong tanong. Akala ko pa naman papasok na siya sa kanyang kwarto. “Oo, bakit?” “I see, alam mo bang ang kwartong ‘yan ang pinaka maganda at espesyal sa mansyon. Maswerte ka dahil ‘yan ang naging kwarto mo. Hm, halatang paborito ka ni Dad.” Mahaba niyang turan habang nakasandal sa pader ng kanyang kwarto habang ang mga pagod niyang mata ay nakatingin sa akin. Pero wait, pinaka maganda at espesyal? Bakit hindi ko alam `yon? Hindi nabanggit ni Sir Aid
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na close kami noon, Hindi pa rin siya sanay na ang isang katulad ko ay malapit sa kanya. Tinuon ko na lang ang pansin sa folder na hawak para basahin ‘yon. Saka naglakad sa harap ng table ni Lucien para maupo sa bakanteng upuan. Nang maintindihan ko para saan ang folder ay sinimulan kong ipaliwanag sa kanya. Nakinig naman siyang mabuti at wala akong narinig na reklamo. Pati ang ibang hindi niya maintindihan ay pinaliwanag ko na rin.Hanggang sa abutin kami ng ala singko ng hapon. “Naintindihan mo naman ba lahat ng pinaliwanag ko?” Marahan kong tanong habang nag-uunat. Masakit din sa likod ang maghapon nakaupo habang nagpapaliwanag ah. Buti na lang talaga ay may alam ako, kung hindi siguradong aburido maghapon si Lucien. Saka masaya akong nakatulong sa kanya at nabawasan ang kanyang stress. “Yes, Thank you for helping me. Kung hindi mo pina-intindi sa akin ang lahat siguradong wala akong magagawa mag-hapon.” Malamyos niyang sagot sa akin. N