Nang tumapat ako sa pinto ng aking kwarto ay nagsalita siya ulit. “Hermosa, you heard what I said earlier. Why did you avoid it? Why didn't you say anything else?” Napapikit ako ng mariin saka nagsalita. “Lasing ka lang kaya mo nasabi ang mga bagay na iyon. Sigurado bukas makakalimutan mona.” Pagtanggi ko. “Don't ignore what I said, ‘wag kang magbingi-bingihan at bulag-bulagan. Tell me how you felt when you heard it. You know what I mean.” Dumilat ako saka seryoso siyang hinarap. Sinalubong ko ang mga mata niyang malamlam. “Uunahan na kita. Pigilan mo kung ano man ‘yang nararamdaman mo. Magkalayo ang agwat ng mga buhay natin. Hindi habang buhay ay magtatrabaho ako dito bilang personal maid mo. Darating din ang araw na aalis ako. Isa pa ‘wag mo akong isali sa koleksyon mo ng mga babae. Kaka-break niyo lang ni Claire tapos ganito ang sasabihin mo sa akin? Ikalma mo ‘yang puso mo. Ipahinga mo muna..At hindi ako pumapatol sa amo ko. Itatak mo ‘yan sa isip mo.”
SCARLETT NANG maibaba ang paso ay agad kong nilapitan ang matanda. “Lo,ok lang ba kayo? hindi naman sumakit ang balakang niyo?” Nag-aalala kong tanong. “Ayos lang ako, Iha. Sanay na sanay ako sa ganitong klaseng trabaho. Sanay ako magbuhat ng mabibigat.” Nakangiting turan naman nito. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman kung ganon. Nakikita ko sa matanda ang aking lolo. Hindi ko nga alam bakit magaan ang loob ko sa kanya. O, sadyang pag dating talaga sa matanda ay malambot ang puso ko. “Mabuti naman ho kung ganon, Kayo ho ba ang bagong hardenero dito? Bakit naman Lo nagtatrabaho pa kayo sa edad niyong ‘yan? Dapat ho ay nagpapahinga na lang kayo. Nasaan po ba ang mga anak o apo niyo?” Sunod-sunod kong tanong. Napansin ko na natigilan ang matanda, tapos bahagyang natawa. Akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko kaso hindi. Binalikan niya ang ginagawa tapos naglagay ulit ng lupa sa malaking paso. Mukhang hindi pa pala siya tapos. Tinignan ko ang natitirang pa
SCARLETT Bakit ba hindi ko ‘yon agad naisip kanina? Sabagay ibang-iba kasi ang ayos ng Don lalo na at para talaga siyang hardinero sa get up niya. Isa pa sabi ni Sir Aidan na pinipigilan niya umuwi ang ama. Saka siya siguro ang tinutukoy na bisita ni Manang. Pero bisita talaga? Diba dito naman talaga nakatira ang Don? ah, baka iyon ang plano ng lintek na Lucien na iyon na ang sabihin sa akin ni Manang ay bisita kapag nagtanong ako. Kasi kung nalaman kong si Don Miguel ay mas pipiliin kong magtago sa kwarto ko buong maghapon. “Bakit mo ako hinahanap, Apo? Hindi ba't sabi mo kanina ay may tatapusin kang basahin na mga email sa‘yo ng secretary mo? Hindi na kita inistorbo at naisipan ko na lang ayusin ang hardin ng Grandma mo.” “Sana nagpahinga muna kayo grandpa galing pa kayo sa biyahe. Pwede niyo naman gawin yan bukas. Anyway, I'm looking for you because our lunch is ready.” “Oh, I see. Alright. Maghuhugas lang ako ng kamay—Oh, why are you looking around? Are you looking
SCARLETT MATAPOS ang lunch namin na hindi ko alam kung lunch ba talaga o question and and answer portion. Ang daming tanong ni Don Miguel sa akin. Hot seat na hot seat ako kanina. Hindi ko nga magawang malunok ng maayos ang kinakain ko. Etong si Lucien naman pangisi-ngisi lang habang kumakain. Tuwang-tuwa na makitang tinatadtad ako ng tanong ng lolo niya. Ngayon ay nandito na ako sa labas ng kwarto ni Lucien. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok. “Come in.” Nang marinig ko ang sagot ni Lucien ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka tahimik na pumasok sa loob. Nakita kong abala na ang lalaki sa kanyang laptop. Sinisimulan na ulit basahin ang mga email. Kinuha ko iyong pagkakataon at binuksan na lang ang pinto ng kwarto niya. Mas maiging nakabukas kesa nakasarado. Baka ano pa ang isipin ni Don Miguel. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa table. Nang tumigil ako ay doon lang nag-angat ng tingin ang lalaki. Nakataas ang isang kilay niya habang nakat
SCARLETT Pagbalik ko sa kwarto hindi nga ako nagkamali dahil masamang tingin agad ni Lucien ang bumungad sa akin. “Why are you taking so long? Is carrying the coffee and slice cake that heavy, Hermosa huh?” Lihim akong napangiwi. “Sorry, nakipag kwentuhan pa sa akin si Don Miguel. Alangan naman iwan ko ‘yung lolo mo. Naging bastos pa ako.” Paliwanag ko. Naningkit ang mga mata ni Lucien, tila may tinitignan hanggang sa magsalita ito. “What's on the side of your lip? Is it cake icing?” Napakapa-kapa ako sa gilid ng labi ko. “On the right side of your lips.” Masungit na turan ulit ng lalaki. Hala! Takte naman. May naiwan na ibedensya! May chocolate icing nga. “Wag mong sabihin na kaya ka natagalan ay kumain ka rin ng cake?” “Hehe, kasama na rin ‘yon. Niyaya kasi ako ng Lolo mo.” “Stop explaining and just go back to work now.” Mabilis naman akong naupo ulit saka sinimulan ng magtrabaho. Habang busy sa pag aayos ng folder ay pasilip-si
LUCIEN point of view Napailing na lang ako habang binababa sa center table ang laptop. Ang babaeng ito talaga. Tumayo ako saka inayos ang pagkakahiga ng dalaga. Inayos ko na rin ang ibang folder na malapit ng malaglag pati ang hawak-hawak niya. Tahimik at maingat kong pinagmasdan ang dalaga. Natutukso akong hawiin ang buhok na nakatabing sa mukha niya kaso nababahala ako baka magising at maabutan ako sa ganong tagpo. Baka ano na naman isipin ng dalaga. Mas lalo lang akong iwasan kapag nagkataon. Sa huli pinili ko na lang na maupo sa carpet habang nakatingin sa maamong mukha ni Hermosa. Habang tinititigan ko siya unti-unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong may sakit ako. Isang ngiti ang pumaskil sa aking labi. Aaminin ko isa iyon sa hindi ko makakalimutan na araw. Kitang-kita ko sa maganda niyang mga mata ang sobrang pag-aalala sa akin. Siya pa talaga ang nagluto ng mga kakainin ko at magdamag niya akong binantayan. Sinong hindi magkakagusto sa dalaga
LUCIEN TAHIMIK ako habang nakaupo sa harap ng table ni Lolo dito sa kanyang opisina sa mansion. Tumikhim ito kaya napaangat ako ng tingin. Seryoso si Lolo at alam ko naman kung bakit. “Lucien, ano ang nangyari sa inyo ni Claire? Bakit kayo nag-hiwalay? Akala ko pa naman siya na ang babaeng pakakasalan mo. Claire is so perfect for you.” Diretsong tanong ni Lolo, sabi na sigurado naman na nakarating na iyon sa kanya at baka nga iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi dito sa mansion. Bumuntong hininga ako bago sumagot. “I'm sorry Lo, may mga bagay lang na hindi inaasahan na mangyari. And to be honest Lo, hindi pa ganon kalalim ang pagmamahal ko kay Claire, Hindi siya ang nakikita kong babaeng makakasama ko hanggang sa pagtanda. Yes, Claire is perfect at hindi siya nababagay sa katulad kong maraming naging kasalanan sa kanya.” Pag amin ko. Napabuntong hininga naman si Lolo. “I know... I know that already.” Natigilan ako. “What do you mean Lo?” “Alam ko a
SCARLETT KINABUKASAN nakapangalumbaba ako sa mahabang lamesa dito sa opisina ni Lucien. Boring na boring ako dahil hindi niya ako iniwanan ng mga pwede ko gawin. Nasa isang meeting siya ngayon at hindi ko alam kung anong oras siya matatapos at makakabalik. Alam ko nga may trabaho pa akong gagawin dahil iyon ang napag usapan namin pero sabi ni Lucien tinapos na daw ng secretary niya. Hays, iyon na nga lang ang gagawin ko e, pinatapos pa sa iba. Sa huli nanood na lang ako ng movie kesa nakatunganga ako sa kawalan. Alas dose ng matapos ang pinapanood ko at wala pa rin si Lucien. Tumingin ako sa lunch bag na dala. Mukhang ako lang ang kakain nito. Sumapit ang alas kwatro ng hapon, doon lang nakabalik si Lucien. Hindi ko siya makausap dahil may kausap sa telepono. Busying busy ang lalaki. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin at kamustahin sa buong maghapon ko dito sa opisina niya, na dati ay ginagawa naman niya. Tss, kung hindi ko lang siya kailangan bantayan. Na
KINABUKASAN Maaga dumating ang isang doktor — kasamahan ni Kuya. Maingat siyang pumasok sa kwarto, may hawak na clipboard, at ngumiti nang magaan sa amin. Lumakad siya papalapit sa kama ni Dad. “Good morning, Doc Santillan,” bati ng doktor kay Kuya. “Good morning, Doc Rivera,” magalang na sagot naman ni Kuya. Hinayaan ni Kuya si Doc Rivera na mag-check kay Dad. Sa ibang doktor na kasi inassign ni Kuya si Dad para sa monitoring, para makapag-focus si Kuya sa pagbabantay kela Lolo at Dad. Gusto raw niya na sa pagkakataong ito, sa pamilya muna siya. Matapos icheck si Dad, sumunod namang nilapitan ni Doc Rivera si Lolo. Tahimik kaming nagmasid habang tinitignan niya ang kalagayan ng aming lolo.Nang matapos ang pagsusuri, humarap ang doktor sa amin. Umayos ako ng tayo at handang makinig sa sasabihin ng doctor. “Doc Santillan,” umpisa niya habang nakatingin kay Kuya, “maganda ang initial response ng katawan ng ama ninyo. Wala naman akong nakitang problema sa ngayon. Hihint
When they finally disappeared from my view, I leaned weakly against the wall. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng tuhod ko. Yumuko ako saka umiyak.“Bakit?” bulong ko sa sarili. “Bakit kailangang mangyari ‘to? Why my dad and grandpa?” “Louise, ok ka lang ba?” Nag angat ako ng tingin at nilingon ang pinagmulan ng boses. At doon ko nakita si Lucien na nagaalalang nakatingin sa akin. Mabilis naman akong umayos ng tayo at pinunasan ang mga luha.. Ayoko ipakita sa kanya ang ganitong side ko. Ayokong makita niya akong mahina. Ayokong kaawaan niya ako o ano man. Sa totoo lang nawala sa isip ko na kasama ko nga pala silang pumunta dito. Kung hindi siya nag pakita sa akin ay hindi ko maaalala. Tumikhim ako saka seryosong nagsalita. “Sorry if I brought you guys here. There’s an emergency. I’ll call Thunder to pick you up and drop you to the mansion… For the meantime, he’ll stay with you.” “It’s okay, I understand, Don’t worry about it.” he said, then slowly walked toward me. “I’ll
LOUISE Walang nagbago mula noong gabing nagkaroon kami ng sagutan ni Lucien. Hindi pa rin niya ako pinapansin, at ako naman, pilit na lumalayo sa kanya. Pinanindigan ko ang lahat ng sinabi ko. Ayokong guluhin pa ang lahat. Napapagod na ako. Pero kahit anong iwas ko... kahit anong lakas ng loob ang ipakita ko sa iba... gabi-gabi ko pa rin siyang naiisip. Minsan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya mula sa malayo. Tahimik lang siya at abala sa kanyang trabaho. Naalala ko pa yung gabing tinalikuran ko siya, masakit–mahirap pero kailangan ko gawin dahil kung hindi ko pinigilan ang sarili baka ano na ang nagawa/nasabi ko—na pagsisisihan ko lang din. Pagod na akong umasa. Pagod na akong masaktan. Ngayon hinahanda ko ang sarili, dalawang araw na lang at ikakasal na si Lucien at Crystal. Mas lalo kong natanggap na talo talaga ako dahil hindi ako nagawang maalala ni Lucien. In the past few days, I kept myself busy reading the reports that Night delivered to me. I found out th
LUCIEN Shit, what’s happening to me? Why am I like this? Earlier, while I was in the car with Louise and she was talking to Night, I felt this sudden irritation—I just didn’t show it dahil baka mahalata ni Louise. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya kanina tapos ngayon para akong tanga na hindi mapakali. Alam kong nasa baba na si Night at kausap si Louise. “Fvck.” Inis akong tumayo saka lumabas ng kwarto. Sa sala na lang ako tatambay. Pagbaba ko pasimple kong sinilip kung nasaan ‘yung dalawa. Nandoon sila sa labas mabilis akong naupo saka binuksan ang TV. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Tungkol kaya sa date nila bukas? Saan kaya sila mag-dedate? Tsk, nakakainis! Sinabihan ko si Louise na layuan ako pero ako naman ‘tong tanga na hindi mapakali ngayon. Napapala ng bigla-biglang nagdedesisyon. Nang marinig kong may papasok na ay umayos ako ng upo at kunwari ay seryosong nanonood ng TV. Akala ko ay magtatanong si Louise kung anong g
LOUISE Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto ay napasandal ako sa pinto habang sapo ang dibdib na naninikip. Mapait akong napangiti, hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Hindi ko akalain na kumikilos si Crystal para sirain ako kay Lucien. Sinigurado na talaga ng babaeng ‘yon na siya ang mananalo sa puso ni Lucien. Gumawa pa talaga siya ng kwento na ako ang dahilan ng hiwalayan nila. In the first place naman talaga hiwalay na sila ni Lucien ng dumating ako sa buhay nito. Si Claire ang girlfriend ng lalaki ng mga panahon na ‘yon. At kung hindi ako nagkakamali ang dahilan naman ng hiwalayan nila noon ay si Crystal. Nanghihina akong naglakad patungo sa aking kama at pabaksak na humiga. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na talo ako sa labang ito. Harap harapan na niyang sinabi na mahal niya si Crystal at ayaw na niyang masaktan ito. Nalalapit na rin ang kanilang kasal. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi, I miss him, I miss him so much, but there’s nothing I can
LUCIEN Nasa sasakyan na kami pero sa unahan lang ang tingin ko. Sa buong hapon na dumaan ang mga nalaman ko ang naglalaro sa aking isip. Gusto ko ng komprontahin si Louise pero pinipigilan ko ang sarili. Gusto ko din alamin kung may nararamdaman pa ba ako sa babae dahil sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Crystal na minahal ko si Louise ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi kami ng mansion, katulad ng kinagawian. Nauna akong bumaba habang siya ay pinarada ang sasakyan.Habang paakyat ng hagdan hindi ako mapakali, may gusto akong gawin. Kapag hindi ko to ginawa paniguradong hindi ako makakatulog ngayong gabi. Kailangan ko ng kasagutan. Hindi ko na kaya maghintay pa. Akala ko hindi ko siya kokomprontahin ngayon araw pero hindi ako tinatantanan ng magulo kong isip. Kaya pag dating sa tapat ng aking kwarto hinintay ko si Louise na umakyat. Hindi naman ako nag hintay ng matagal dahil maya maya nakita kona itong naglalakad palapit habang nagtatakang nakatingin sa
LUCIEN Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I think Crystal is the first person I need to talk to. I need to clarify whether we really broke up or not. I need answers to all the questions running through my mind. I’ll invite her to lunch at my office. I’ll ask Louise to buy lunch so I can talk to Crystal privately, just the two of us. That’s the only opportunity I see to get some answers. Good thing at sumunod sa akin si Louise. Kahit na kita ko sa mga mata niya ang pagtutol. Sinadya kong marami ang ipabili at sa malalayo lahat para matagal siyang makabalik. Tok! Tok! “Come in.” Sagot ko saka umayos ng upo. “Hi Babe! Sorry, I got delayed because I had to deliver a report to the marketing department. So, what got into you that you invited me for lunch? Did you miss me?” Masayang bati ni Crystal saka dire-diretsong pumasok. Napansin kong napalingon siya sa pwesto kung saan lagi nakaupo si Louise. “Oh where is your
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata