Accueil / Romance / Meant to be Yours / Chapitre 1 - Chapitre 10

Tous les chapitres de : Chapitre 1 - Chapitre 10

95

Chapter 1

“Everyone is ready na ba?” masayang tanong ni Tracy Alcantara sa mga empleyado niya sa restaurant niyang Zenai’s Diner. May tatlong waiter siya, tatlo ring cook at isang kahera. Tumutulong rin siya sa pagululuto lalo sa mga specialty menu nila. Hindi man kalakihan ang negosyo niya pero kita niya ang pag-asenso. “Handang-handa na po kami Ma’am,” matikas na sagot ng isa sa mga waiter niya na si Rigor. Katulad ng ibang kasamahan nito, suot na rin nito ang bagong patahing collared t-shirt na may logo ng kainan. Nagsitanguan naman ang iba pa niyang empleyado.Matamis siyang ngumiti sa mga ito. “Salamat sa inyong pakikiisa, asahan ninyo na mapapagod tayo sa araw na ito. Asahan na natin at sana nga dagsain tayo ng maraming customer mamaya. So do our best at I’ll guarantee naman na may overtime pay kayo.”SA araw na iyon ay hindi magkamayaw ang maraming tao na dumagsa sa kabayanan ng Sta. Maria. Maya’t maya ang pagdating ng mga sasakyan na may mga sakay na turista na galing pa ibang sulok ng
last updateDernière mise à jour : 2022-07-15
Read More

Chapter 2

WALANG pagngiming tinanggap ni Tracy ang panyong iniabot sa kanya ng katabi niyang pasahero. Kaagad niyang ipinampahid iyo sa luha sa mukha niya. Nahihiya siya sa sarili at sa katabi dahil naging mababaw ang emosyon niya sa napapanood na pelikula sa bus na kinaluluaanan niya.“T-thank you,” paglingon niya sa katabi. Napaawang ang labi niya nang mamasdan ang mukha ng lalaki na kapwa pasahero niya. Mestizo ito, ang mukha ay binagayan ng may kakapalang kilay, ang may pagka-chinitong mga mata at tamang pagkatangos ng ilong. Ito ang depinisyon ng gwapo na mukhang suplado. Isang paghanga kaagad ang naiukol niya sa estranghero kahit ngayon lang niya ito nakita.“It’s alright Miss,” ang baritonong boses nito ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Bahagyang naningkit ang mga mata nito sa pagtingin sa mukha niya. “Ayoko lang magmukhang pinapaiyak kita at baka kung ano ang isipin sa atin ng ibang pasahero. Kung may vacant seat nga lang ay kanina pa ako lumipat.”Napahiyang nagbawi siya ng tingin
last updateDernière mise à jour : 2022-07-15
Read More

Chapter 3

ANG ama na si Hernando ang nabungaran ni Tracy sa salas. Nakaupo ito sa sofa saka nakatingin sa kanya. “Opo Pa, kauuwi ko lang po, namili pa po kasi ako ng mga rekado sa Amante.”Tumango-tango ito sa tinuran niya. “Mabuti naman kung gano’n. Halatang pagod na pagod ka nga. Wala akong masabi sa kasipagan at pagpupunyagi mo sa buhay.”She smiled bitterly. “Kailangan kong gawin Pa, para sa sarili ko. all the time ay sarili ko mismo ang aking kakampi. Kapag ako pa ang sumuko ay lalo akong talo.”Sa mga salitang binitawan niya ay sapat na para maging malaman iyon. May katipiran man pero kahit papaano ay nailabas niya ang mga hinaing at sama ng loob sa pamilyang mayroon siya. At kung pamilya ngang maiituring.May tila guilt na kumislap sa mata ng ama sa pagkakatitig nito sa kanya. Kasunod ang tila pag-iwas na ng mga tingin. “Halika ka nga muna Tracy, gusto lang kitang makausap man lang. iyon ay kung okay lang sa’yo.”Tumango siya saka kusang tinabihan si Hernando sa kinauupuan nito. may sagli
last updateDernière mise à jour : 2022-07-15
Read More

Chapter 4

ALAS- TRES ng madaling araw, kinailangang pumasok nang maaga ni Tracy sa restaurant. May biglaang natanggap na bulk ng order ng breakfast ang kainan. Isang breakfast serving para sa isang conference ng mga negosyante sa Sta. Maria at karatig-bayan. Hindi niya pinapalagpas ang mga nasabing pagkakaton dahil isang paraan iyon para makilala pa ang Zenai’s Diner. Pinapasok na rin niya nang maaga ang mga kasamahan niya pero baka parating pa lang ang mga ito.Kaya ko ito! aniya na sinimulan na niya ang trabaho. Dala ang isang bowl na kinalalagyan ng mga bahagi ng manok na ibinabad niya nang magdamag sa asin at asukal. Marahan niyang inilagay iyon sa steaming machine para maluto nang ganap ang karne. Mamaya ay ipa-fry na niya iyon. Ang kanilang fried chicken ang isa sa best-selling menu nila. Ayon sa mga customer nilang nakakain ay walang panama doon ang kaparehong produkto sa mga nasa fast-food chain.Sinimulan na rin niyang i-check ang iba pang menu para matiyak na kumpleto at maayos na ma
last updateDernière mise à jour : 2022-07-15
Read More

Chapter 5

“TOTOO po ba talaga ito, Ma’am?” naniniguradong tanong ni Tracy sa medical technologist na nag-cross check ng dugo niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding panlulumo.“Yes Ma’am, I’m sure about sa accuracy ng result,” kaagad na tugon ng medtech. “Hindi po kayo magkapareho ng blood type ng father mo, type O po siya samantalang kayo po ay AB Negative.”Mariin siyang napailing. “I can’t believe it. Napaka-impossible po ng result na ito.”Nakakaunawang tumingin pa ito sa kanya. “Ngayon n’yo lang po ba nalaman ang inyong blood type Ma’am?”“Actually yes, simula nang malaman ko na parehong type O dugo ng mga magulang ko ay nag-assume ako na ganoon na rin ang blood type ko. Kaya nga hindi ako nag-atubiling mag-donate ng dug okay Papa,” may mga kung anong nagsi-sink-in sa utak niya dahil sa resultang iyon.“I’m sorry Ma’am pero hindi po talaga kayo pwede maging blood donor sa father ninyo. Same blood type lang po ang kailangang maisalin sa kanya,” dagdag imporma ng medtech. “Much bett
last updateDernière mise à jour : 2022-08-19
Read More

Chapter 6

MAKALIPAS ang isang linggo ay nakalabas na rin ng hospital ang ama ni Tracy at nagpapagaling na muna ito. Nang hapong iyon ay maaga siyang umuwi ng kanilang bahay. Kahit paano ay maayos ang pakikitungo ng ina sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbabayad sa gastusin ng ama sa pagpapagamot. Bukal naman sa kalooban niya ang ginawa at marunong pa rin siyang tumanaw sa mga ito. Kinalimutan muna niya saglit ang mga gumugulo sa isip niya nitong mga nagdaang araw.Malaya siyang nakapasok sa loob ng bakuran habang bitbit ang isang basket ng prutas. Pasalubong niya iyon sa ama. May mumunting pagkasabik siyang nadarama habang papalapit siya sa bahay ng kanilang pamilya. Sumapit na nga siya sa harap ng pinto.“Alam mo Ma at Pa, nagtataka lang ako,” sabi ni Lyra. “Magkakapareho tayo ng blood type pero bakit si Ate Tracy ay hindi. Iniisip ko nga kung totoong kapatid ko ba siya?”“Huwag kang mag-isip ng kung ano,” may pananaway na boses ni Hernando. “Kahit paano ay kapatid mo pa rin siya. Salamat na
last updateDernière mise à jour : 2022-08-20
Read More

Chapter 7

“T-Tracy, ikaw ba ‘yan?” naniniguradong tanong ng isang tinig ng lalaki.Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa driver ng nasakyan niyang kotse na bigla niyang pinara. Tumambad sa kanya ang mukha ng isang lalaki. Sa una ay inarkohan niya ito ng kilay pero nanlaki ang mga mata niya, pagkakilala dito. “F-Frank?!”Bigla itong ngumiti saka pinisil ang baba niya. “Sabi ko na nga ba at ikaw ‘yan, Tracy. Kaya nga tinigilan kita kanina kasi pamilyar. What happened?”Ibinalik nito ang atensyon sa pagmamaneho. Nasa daan ang konsentrasyon nito pero nakabukas ang tainga para pakinggan siya.Saka lang niya naramdaman ang pagkawala ng kalasingan niya dahil sa ginawa niyang pagtakbo. Swerte niya na ang long-lost bestfriend niyang guy ang nasakyan niya. Kung nagkataon ay baka napahamak na siya nang tuluyan. Inabutan siya nito malinis na towel para ipampahid niya sa pawisang mukha. Inikwento niya sa binata ang nangyaring rebelasyon at katatapos na nangyari. “Masyado kasi akong nasaktan sa mga nalaman k
last updateDernière mise à jour : 2022-08-21
Read More

Chapter 8

“AYOS ka na ba dito, Tracy?” tanong ni Frank sa kanya matapos nitong buhatin ang isang malaking bag na kinalalagyan ng mga damit at gamit niya. Naroon sila sa loob ng apartment na siyang magiging bagong tirahan niya.Parang nanghihina siyang napaupo sa isang silya na naroon. “Huwag ka mag-alala Frank, magiging maayos naman ako dito. Maraming salamat huh sa pagtulong mo sa akin at talagang pinatunayan mo na kaibigan nga kita.”Ngumiti ang binatang kaibigan. “Sabi na eh, may purpose talaga ang pagbabalik ko dito sa Sta. Maria. Mga bata pa lang tayo ay magkaibigan na tayong dalawa. At alam mo na basta kaya ko, handa kitang tulungan.”Kaninang pinalayas siya ni Consuelo niya sa kanilang bahay, si Frank ang unang sumagi sa isip niya para lapitan. Palibhasa ay kapit-bahay lang nila ito, kung kaya ay napuntahan niya ito kaagad. Gamit ang kotse nito, sinamahan siya nito sa paghahanap ng matutuluyan niya dito sa kabayanan.“Maraming salamat huh,” nagpipigil na mapaiyak na sabi niya. “Sa’yo ko
last updateDernière mise à jour : 2022-08-22
Read More

Chapter 9

“ANO, okay ka na ba?” tanong ni Frank kay Tracy at inabutan siya nito ng bottled water. Muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina. Umalis na rin ang Papa niya at binilinan siya nito na patuloy na mag-ingat.Tinanggap niya mula sa binata ang mineral water, binuksan niya ang bote at ininom niya ang tubig. Nang matapos sa pag-inom ay binalingan niya itong muli. “Bakit ba masyadong ma-drama ang araw na ito para sa akin Frank?”“Oo nga, parang teleserye eh.” Napatawa ito nang mahina para pagaanin ang kalooban niya.“Maraming salamat huh, dahil palagi kang nariyan para sa akin,” bukal sa loob na sabi niya dito pagkainom niya. “Mapalad ako na bestfriend kita at lagi kong karamay sa mga nangyayari sa buhay ko.”Kahit binasted niya ito noong college pa sila ay hindi nabago ang friendship nilang dalawa ni Frank. Nanatili itong nasa tabi niya at madalas na dito niya nasasabi ang hinanakit at sama ng loob niya sa buhay. Sobrang lungkot niya noong magtrabaho na ito sa Manila dahil nasanay na siy
last updateDernière mise à jour : 2022-08-23
Read More

Chapter 10

LET’S give them a big round of applause for, Miss Viena De Villa and Mr. Fien Montagne,” muling sabi ng emcee. “On their engagement ceremony.”Mula sa pinto sa gitna ng stage ay lumabas ang dalawang magkapareha. Napakaganda ng dalagang De Villa sa suot evening gown na halatang mamahalin at masasabing designer’s style. Napaawang ang labi ni Tracy nang mamasdan ang binatang Montagne.‘S’ya pala ‘yun,’ hindi makapaniwalang sabi niya. Ang binatang magiging engage sa gabing iyon, walang iba kundi ang lasing na lalaki na kinukop at pinakain niya sa kanyang restaurant. Hinding- hindi niya malilimutan ang itsura nito. Kahit may kapormalan ang mukha nito sa gabing iyon, nagpadagdag lang ‘yun ng appeal sa kagwapuhang taglay.May isang bahagi ng puso niya ang nalungkot sa kaalamang nakatakda na ang lalaki sa iba. ‘Umayos ka Tracy, hindi ka nababagay sa isang Fien Montagne. Isa siyang Montagne!’Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Namalayan na lang niya na nagkaroon ng drinking of wine ang mga
last updateDernière mise à jour : 2022-08-24
Read More
Dernier
123456
...
10
DMCA.com Protection Status