“ANO, okay ka na ba?” tanong ni Frank kay Tracy at inabutan siya nito ng bottled water. Muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina. Umalis na rin ang Papa niya at binilinan siya nito na patuloy na mag-ingat.Tinanggap niya mula sa binata ang mineral water, binuksan niya ang bote at ininom niya ang tubig. Nang matapos sa pag-inom ay binalingan niya itong muli. “Bakit ba masyadong ma-drama ang araw na ito para sa akin Frank?”“Oo nga, parang teleserye eh.” Napatawa ito nang mahina para pagaanin ang kalooban niya.“Maraming salamat huh, dahil palagi kang nariyan para sa akin,” bukal sa loob na sabi niya dito pagkainom niya. “Mapalad ako na bestfriend kita at lagi kong karamay sa mga nangyayari sa buhay ko.”Kahit binasted niya ito noong college pa sila ay hindi nabago ang friendship nilang dalawa ni Frank. Nanatili itong nasa tabi niya at madalas na dito niya nasasabi ang hinanakit at sama ng loob niya sa buhay. Sobrang lungkot niya noong magtrabaho na ito sa Manila dahil nasanay na siy
LET’S give them a big round of applause for, Miss Viena De Villa and Mr. Fien Montagne,” muling sabi ng emcee. “On their engagement ceremony.”Mula sa pinto sa gitna ng stage ay lumabas ang dalawang magkapareha. Napakaganda ng dalagang De Villa sa suot evening gown na halatang mamahalin at masasabing designer’s style. Napaawang ang labi ni Tracy nang mamasdan ang binatang Montagne.‘S’ya pala ‘yun,’ hindi makapaniwalang sabi niya. Ang binatang magiging engage sa gabing iyon, walang iba kundi ang lasing na lalaki na kinukop at pinakain niya sa kanyang restaurant. Hinding- hindi niya malilimutan ang itsura nito. Kahit may kapormalan ang mukha nito sa gabing iyon, nagpadagdag lang ‘yun ng appeal sa kagwapuhang taglay.May isang bahagi ng puso niya ang nalungkot sa kaalamang nakatakda na ang lalaki sa iba. ‘Umayos ka Tracy, hindi ka nababagay sa isang Fien Montagne. Isa siyang Montagne!’Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Namalayan na lang niya na nagkaroon ng drinking of wine ang mga
“Fien Montagne!?”Kanina lang ang mukha nito ay laman ng isip niya. May isang bahagi ng puso niya ang lihim na nagsasaya sa mga sandaling iyon. Sumasabay ang kakaibang tibok ng puso niya sa pagkakapit ng kamay niya sa seradura ng pinto.‘Ano ba kasing mayroon ka at ganito na lang ang epekto mo sa akin huh?’ ang mga tanong na hindi kayang maisatinig ng labi niya. Sinasaway na siya ng isang bahagi ng utak niya pero ang puso niya ay handang ipagkanulo siya.‘Calm down, Tracy!’“Kakain ako, give me the menu,” bossy na utos ni Fien kay Tracy pagka-okupa nito sa isang table. Dumiretso kaagad ito ng pasok sa loob ng restaurant matapos niyang pagbuksan ito ng pinto. Sa hindi malamang dahilan ay nagawa niya itong pagbuksan.Naguguluhang nilapitan niya ang binata. “Pero Mister, nabasa mo naman siguro sa sign ng pinto na close na kami. Saka, mag-aalas diyes na ng gabi.”Isang seryosong tingin ang ibinigay nito sa kanya. Tiningala pa siya nito. “This is how you treat your customer, Miss?”“Miss T
BAGO pa ganap na tawirin ni Fien ang nalalabing pagitan ng mga mukha nila ni Tracy ay biglang nag-angat ang isang kamay nito. Naramdaman ng dalaga ang biglang pagpahid nito sa may gilid ng labi niya gamit ang tissue.“May dumi ka lang sa mukha mo, Miss Alcantara,” walang emosyong sabi nito matapos ilayo ang sarili sa kanya. “Hindi mo lang napansin dahil kahit ikaw ay nasarapan sa sariling luto mo.”Napainom tuloy siya ng tubig ng wala sa oras. “A-Ahm, thank you. Ganito talaga ako, hindi nagiging aware sa sarili ko kapag napasarap ako ng kain.” Napatawa siya ng mahina kasunod ang pagpilig niya ng ulo.Nanatiling seryoso ang badya ng mga chinitong mga mata nito. “No worries, hindi naman kita masisisi dahil sadyang masarap ka magluto.”Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya sa papuri nito. Malungkot tuloy niyang naalala ang isang bahagi ng nakaraan niya. Excited siya sa pagdating ng Mama niya noon kahit pagod na pagod siya sa pagluluto.Flashback.“Ma, happy birthday po!” ang
“CONFIRMED nga na kamukha ko ang artista na ‘yan. Akala ko ay nama-malikmata lang ako,” aniya na may hindi maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa dibdib niya.“Ikaw huh, hindi mo sinabi sa akin na nag-artista ka pala noong 90’s,” nagbibirong sabi nito. Nagawa pa nitong ngumisi sa kabila ng pagkamangha.“Sir ka!” natatawang sabi niya dito. “Hindi pa ako tao ng mga taong ‘yan. Pero bigla akong na-curious sa artistang ‘yan. Siguro s’ya ang tinutukoy ng dalawang babaeng kumain sa restaurant na kamukha ko raw na artista.”“Tingnan nga natin ang pangalan nitong kamukha mo.” Sinipat nito ang cover ng lumang magazine. “Maristela Alonzo.”“Maristela Alonzo, parang narinig ko na nga before ang pangalang ‘yan,” amused niyang sabi. “Hindi ko lang matandaan kung saan.”“Ang mabuti pa ay search natin sa internet at baka may mga existing data siya,” ani Frank na nauna nang nagpunta sa sofa at saka naupo doon. Napasunod na rin siya sa kaibigan.“Oo nga, search natin ang name niya,” naupo siya sa
“PAKATATAG ka hija, basta lagi mong tandaan ay lagi kang may lugar dito sa puso ko. Mananatiling apo kita at lola ako sa’yo anuman ang mangyari, Tracy.” Hinaplos-haplos pa ni Lola Meding ang buhok niya. Magkatabi silang nakaupo ng abuela sa sofa sa loob ng salas. Muli silang bumalik sa naturang lugar matapos ang pamamahiya ni Consuelo sa kanya.“Maraming salamat po, Lola,” naluluhang sabi niya sa matandang babae na puno ng pagmamahal sa kanya. Humupa na rin ang damdamin niya na natamo niya kanina. “Kayo ang malaking dahilan kung bakit inisiksik ko ang sarili ko sa pamilyang kinamulatan ko.”“Isipin mo na muna ang sarili mo sa pagkakataong ito hija,” payo nito sa kanya. “Live at your own at huwag na munang bumalik kina Hernando. Ayoko na mabalitaan kong muli na inaapi ka ni Consuelo. Tama na ang nangyari kanina.”Tumango siya. “Ang Papa lang at kayo po ang aking kakampi sa pamilyang ito, Lola. Siguro kung wala po kayo, ay hindi ko mararanasan ang magkaroon ng isang pamilya.”Bagama’t m
BIGLANG naalala ni Tracy, may isang naging customer ang Zenai’s Diner na inireklamo ang kanilang restaurant. Isang ina na pinaratangan sila na-food poison nila ang anak nito. Ang laki ng takot niya dahil maapektuhan ang negosyo. Nagsama-sama ang stress, fear at anxiety noon. Tiwala siya na malinis ang mga pagkaing isini-serve nila sa kainan. Mabuti na lang na negatibo sa anumang contaminated germs of toxic ang mga pagkaing iniluto nila sa araw na iyon. Na-diagnos rin na may ibang sakit sa tiyan ang anak ng nagreklamong customer. Na-clear ang pangalan ng restaurant sa sanitation at maging sa bayan. Akala niya iyon ang magpapabagsak sa ipinundar na negosyo ng kanyang yumaong amo na si Ma’am Zenaida. Isang malaking pagsubok na nalagpasan niya pero nag-iwan ng trauma pa rin sa kanya.“Excuse me po Ma’am, ahm, kayo po ba ang nagluto ng mga tindang ulam dito?” untag na tanong sa kanya ng isang babae. Ipinilig niya ang ulo saka binalingan ito. Isang babaeng nasa kalagitnaan ang edad. Kay-ta
GANAP na ngang nadala si Tracy sa dalampasigan ng lalaking sumagip sa muntikan niyang pagkalunod. Ngunit hindi kaagad ito umalis sa tabi niya. Napapitlag pa siya nang marahan nitong iunat ang kalamnan niya sa binti niyang pinulikat.“Enough na Fien! Kayo ko na ito,” pagpigil niya dito. Oo, ang mayamang binata nga ang naging hero niya sa hapong iyon. Kaya hindi siya makapaniwala na magkikita pa sila dito sa bandang dulo ng Pilipinas. Para yatang lumiliit ang mundo sa pagitan nilang dalawa.“No, lubus-lubusin ko na ang pagtulong ko sa’yo,” seryosong sabi nito na ayaw papigil. Minamasahe na nito ang naninigas pa rin niyang binti. Halatang may alam ito sa ginagawang first aid sa injured na bahaging iyon ng katawan niya.Hindi siya nakapagsalita pa. pinipigilan niya ang mapasinghap sa bawat pagdampi ng balat nito sa balat niya. May kakaibang init na gumagapang sa bawat himaymay niya. Nakadarama siya ng kaginhawahan. Awtomatikong napatunghay ang mga mata niya sa gwapong mukha nito. Nabubuha
BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a
MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin
HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a
“IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko
NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b
“YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”
“ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na
“TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa
“Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl