Home / Romance / Meant to be Yours / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Meant to be Yours : Kabanata 41 - Kabanata 50

95 Kabanata

Chapter 41

TWO YEARS AND HALF LATER.Bakas man sa mukha ni Tracy ang pagkapagod pero masaya pa ring binuksan niya ang gate. Muli niya iyong ini-lock pagkapasok sa loob ng bakuran saka naglakad patungo sa bahay. May backpack na nakasakbit sa kanya na laging dala-dala niya sa pagpasok sa trabaho. “Kumusta ang aking magandang apo?” pagsalubong sa kanya ng Lola Meding niya na naghihintay sa kanya sa may pinto.Pagkalapit dito, kaagad siyang nagmano at niyakap ang matandang babae. “Ayos naman po Lola, nagagamay ko na rin po ang trabaho ko sa Celeste.”“Mabuti naman apo,” tinapik-tapik nito ang likod niya. “Masaya ako na nagbabalik ka na sa reyalidad. Nagbalik na nga ang dating Tracy na mahal na mahal ko.”Flattered na kumalas siya ng yakap sa Lola niya. “Kayo po ang malaking dahilan Lola kung bakit nakabangon po ako sa buhay. Kung wala po kayo, baka matagal na akong sumuko.”“Mahalaga ka sa akin bilang ang aking totoong apo, Tracy. Wala akong pakialam kung wala kang dugong Alcantara,” nakangiting sa
last updateHuling Na-update : 2022-09-26
Magbasa pa

Chapter 42

ANG mukha ni Mena na pagkakilala ni Aling Onang sa kanya at ng dating artista na si Maristella Alonzo, ay iisa. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tracy habang namamasdan ang mga litratong ipinadala sa kanya. Nagpadagdag ng isipin sa kanya ngayong gabi.Tumipa siyang muli ng mensahe sa messaging apps na gamit niya: Dating artista ito ah, bakit tinawag ng iyong Lola Onang na Mena siya?Kumabog ang dibdid niya nang makita niya ang paggalawa ng tatlong maliliit na tuldok sa part ng ka-chat niya. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reply nito.Ibinangon niya ang katawan mula sa pagkakahiga saka naupo na lang sa kama. Nahigit pa niya ang paghinga nang dumating na ang hinihintay niyang reply.‘I’m sorry Miss, wala nang maaala ang Lola ko kung bakit Mena ang tawag niya d’yan sa nasa picture. Tama ka nga, sikat na artista po siya noong araw at huling nasabi ng Lola ko ay idolo daw po n’ya yan.’Gumuho ang mga mumunting hint niya para sana sa pagtuklas sa totoong pagkatao niya. Tinanggap na lan
last updateHuling Na-update : 2022-09-27
Magbasa pa

Chapter 43

NAGPALINGA-LINGA ang tingin ni Tracy sa labas ng Celeste. May pilit na hinahanap ang mga mata niya sa unang palapag ng mall. Maya’t maya ang tingin niya sa bawat taong nagdaraan. Naroon na naman ang desperasyon sa kilos niya ng mga sandaling iyon.‘Kailangang makita ko siya,’ sa pagpaling ng tingin niya sa kaliwang direksyon, napako ang tingin niya sa likod ng isang lalaking naglalakad. Halatang coat and tie ang suot nito. mababanaag ang aral na kilos sa paghakbang ng paa. May kasabay ito sa paglalakad na isang babae na marahil ay assistant nito.Nagkakutob siya. Sinundan niya ang dalawang nilalang na umagaw ng atensyon niya. Hindi siya maaaring magkamali. Binilisan pa niya ang paghakbang ng mga paa niya. kailangang maabutan niya ang mga ito.Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang papalapit siya sa mga ito. ‘It’s now or never.’“Fi-” ngunit biglang lumingon sa kanya ang lalaking sinundan niya. napatigil ito saglit sa paglalakad.“Is there something wrong, Miss? Sinusunda
last updateHuling Na-update : 2022-09-29
Magbasa pa

Chapter 44

“FIEN…” paanas na sambit niya sa pangalan ng lalaking kinasabikan niyang makitang muli, makalipas ang mahigit dalawang taon. Tanging siya lang ang nakarinig ng sariling tinig habang pilit na tinatatagan ang mga mata sa pagkakatitig dito.Tanging siya pa rin ang nakakapagluto ng pagkain na pasok sa panlasa nito. Tama rin ang hinala niya na ito nga ang boss ni Nelia, kahit hindi gaano kalinaw ang pagkakasulat ng pangalan nito sa resibo.Nakita siya nito at alam niya na nakilala siya nito pero kita ang pag-ignora nito sa presensya niya. Napaka-seryoso ng mukha nito na bagay na bagay sa kapormalang taglay.“S’ya nga po pala Sir, s’ya nga po pala ang may-ari ng kinainan nating resto kanina dito San Pascual.” Itinuro ni Nelia si Greggy at maging siya. “At siya po ang cook ng inorder nitong food na nagustuhan ninyo.”Sinundan ni Fien ng tingin ang bawat itinuro ng personal assistant nito. Walang emosyong tinanguan si Greggy at sa kanya naman ay nangunot ang noo nito na naningkit pa. “It’
last updateHuling Na-update : 2022-09-30
Magbasa pa

Chapter 45

“PARATING na d’yan ang susundo sa’yo,” imporma ni Greggy kay Tracy habang magkausap sila sa cellphone. “Just in case na makapag-donate ka ng dugo, dumiretsong uwi ka na para makapagpahinga. Ako na muna ang bahala sa naiwang gawain mo dito sa resto.”“Maraming salamat Madam, sana nga po mag-match ang dugo namin ng tita ng friend mo,” aniya na napausal ng panalangin sa isip. Naroon na siya ng labas ng entrance ng Complex. Doon niya hinihintay ang maghahatid sa kanya sa isang private hospital sa Manila.“Sana nga Tracy, para mabawasan ang pag-aalala ng friend ko sa tita niya,” ani pa ng boss niya na narinig pa niya ang paghinga nito. “Oh, siya mag-ingat ka at update mo kaagad ako.”“Sige po Madam, salamat po ulit,” naputol na ang tawag ni Greggy sa kanya. Namataan niya ang isang van at nakita niya ang plate number. Katulad ng ibinigay ng kaibigan ng boss niya kung kaya inihanda na niya ang sarili sa pag-alis.Eksaktong paghinto sa tapat niya ay bumukas ang isang bintana sa gawi niya.
last updateHuling Na-update : 2022-10-01
Magbasa pa

Chapter 46

“I can’t believe it Tracy, talaga? Nakita mo na ako sa panaginip mo before?” Natutop pa ni Tessa ang sariling mga labi nito, matapos niyang ikwnento sa babae ang panaginip niya. “Parang déjà vu nga nangyari sa’yo.”Tumango siya matapos niyang mahiga sa kama. “Oo nga, pati ang pagdo-donate ko ng dugo. Natakot lang kasi ako sa last scene na baka magkatotoo.” Inilahad niya ang mga armadong lalaki na dinukot daw siya. Naroon pa rin siya sa hospital, ikinuha siya ng isang room doon ni Tessa para makapagpahinga siya. Delikado sa kagaya niya ang magbyahe kaagad na kagagaling lang sa blood transfusion.Napatawa ito matapos niyang magkwento. “I see, kaya pala parang takot na takot ka kanina nang puntahan kita sa ground floor ng hospital. Huwag ka mag-alala, wala naman dudukot na kung sino sa’yo dito. Kaya, relax ka lang at magpahinga ka muna. Matulog ka na rin.”“Ahm, matanong ko lang, ano nga pala nangyari sa Tita mo at kinailangan niyang masalinan ng dugo?” curious na tanong niya. Nahiy
last updateHuling Na-update : 2022-10-03
Magbasa pa

Chapter 47

KAHIT nanginginig ang lahat ng kalamnan ni Tracy, pinili niyang ipayapa ang damdamin niya at maging bugso ng emosyon. Kailangang balansehin niya iyon lalo ngayong nasa trabaho pa siya. Naroon pa rin ang mabilis na tibok ng puso niya sa kaalamang naroon sa restaurant ang totoo niyang ina.Si Leona De la Rosa.Matapos lumapit ni Laila sa kanya, muli itong nagbalik sa table nito kung saan naroon ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Wala naman siyang ibang sinabai sa babae ukol sa totoong relasyon niya sa Lola nito.Lumipas ang ilang minuto, naluto na rin ang order na pagkain ng maglola na sadya niyang pinagdagdagan. Sinamahan niya ang isang lalaking service crew sa pagdadala ng pagkain sa table ng dalawa. Dala naman niya ang isang small-sized square chocolate cake na may ‘happy birthday’ greeting na ipininta gamit ang icing. Siya na mismo ang nagdala n’on.“Happy birthday, M- ahm Lola Onang,” may bumibikig sa lalamunang iniabot sa babae ang dala-dala niyang cake. Hindi niya mapi
last updateHuling Na-update : 2022-10-04
Magbasa pa

Chapter 48

UMILING-iling ang ulo ni Aling Onang na sinundan ng pagdaing ang mukha nito. Kapwa sinapo ng kamay nito ang bahaging iyon ng katawan nito. “W-wala ako matandaan. Saka n-nasaan ba ako? ano ang ginagawa ko dito?”Mabilis namang dinaluhan ni Laila ang lola nito na nagsimulang magdeliryo dulot ng sakit. “L-lola, kalma lang po, wala pong mananakit sa’yo dito.”Pakiramdam ni Tracy ay naiwan siyang naka-hang sa pagtawid sa tulay ng katotohanan. Gusto pa niyang usisain si Aling Onang pero hindi naman nakikiayon ang pagkakataon. Naging kritikal namana ang sitwasyon.“May regular bang doctor na tumitingin sa kanya?” tanong niya kay Laila na pilit pinakalma ang matandang babae.“Meron po Ma’am, kaya nga po napunta kami dito sa San Pascual,” sagot ng dalaga. “Ma’am, kailangan ko na po munang maialis dito sa Lola at madala po sa psychiatric clinic. Baka po gumawa siya ng hindi magandang eksena dito sa resto.”“S-sige, pasensya na kung naging matanong ako sa Lola mo,” may munting guilt siyang
last updateHuling Na-update : 2022-10-05
Magbasa pa

Chapter 49

HINAYAAN ni Fien na itulak siya ni Camila pahiga sa malambot na kama. Natabunan ng init ng sandali at ng kanilang mga katawan ang malamig na hangin na ibinubuga ng aircon. Kinubabawan siya ng babae at ganap na nitong nahubad ang suot niyang long-sleeves. Sinimulan na rin nitong hubarin ang sarili.He saw the sparks of desire were in her eyes. Sinimulan nitong siilin ng halik ang labi niya. Tinugunan niya ang ginagawa nito sa bahaging iyon ng katawan niya. Katulad ng sinabi niya kanina, hahayaan na niya ang babae na magmanipula sa pinagsasaluhan nila sa gabing iyon.“You always made me crazy about you, Mr. Montagne,” halos pabulong na sabi ni Camila nang minsang maghiwalay ang kanilang mga labi. Sa mga kilos at galaw nito ay masasabing ekperto sa ginagawang pagpapaligaya sa mga kalahi ni Adan.Isa itong mapanuksong Eba.Nginisian niya ito. “Then prove it honey.”Isang naghahamong mga sulyap ang itinapon nito saka sinibasid nito ng halik ang leeg niya. Naramdaman niya ang dila nito
last updateHuling Na-update : 2022-10-06
Magbasa pa

Chapter 50

Mena,Alam ko na hanggang ngayon ay nagtataka ka sa pagkawala ko sa inyong mansyon. Maraming tao na nagkasama tayo at pinaglingkuran kita dahil sabay tayong nagdalaga. Naging karamay mo ako sa lahat ng mga pinagdaanan sa buhay mo. At maging ikaw ay hindi nagdamot ng tulong sa akin sa mga panahong nangangailangan ako.Naging masaya ako nang maikasal ka na, nakita ko sa’yo ang labis mong pagmamahal sa iyong asawa na si Rolando. Isang patunay doon na iniwan mo ang buhay pag-aartista mo para lang sa kanya. Sa kabila ng maraming tagahanga mo noon ay nanaig pa rin sa’yo ang kagustuhan ng puso mo. Masayang-masaya ako para sa’yo noong araw ng kasal mo. Natupad mo ang pangarap mo na magkaroon ng isang nagmamahal na asawa at bubuo ng pamilyang nais mo.Subalit hindi ko akalain, na magiging hanggang pangarap lang sa’yo ang lahat. Nangarap kang magkaroon ng anak pero ang iyon naging isang kabiguan. Isang masamang balita na ayaw ng iyong asawa mismo sa dinadala mo sa sinapupunan mo. Hindi niya
last updateHuling Na-update : 2022-10-07
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
10
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status