Главная / Romance / Meant to be Yours / Глава 51 - Глава 60

Все главы Meant to be Yours : Глава 51 - Глава 60

95

Chapter 51

“AYAN na pala ang Tita ko, Tracy, kasama ang asawa niya,” excited na sabi ni Tessa na nanatiling nakatutok ang tingin sa paparating na bisita. Napansin din niya na dalawang tao na papalapit sa kanila ni Tessa. Natandaan niya na nakita niya ang picture ng mag-asawa sa isang lifestyle article sa isang online news site. Dumalo ang mga ito ng launching ng bagong perfume. Isang patunay na galing sa nakakariwasang buhay ang mga ito. “S’ya nga pala Tracy, siya si Tita Felicitas Santos,” pagpapakilala sa kanilang dalawa ni Tessa. “Siya ang tumanggap ng dugo mo at siya Tito Rommel naman ang asawa niya.”“Ikaw pala si Tracy Alcantara,” nakangiting mas nilapitan pa siya ni Felicitas. “Ang taong nagbigay ng dugo sa akin. Utang ko sa’yo ang buhay ko.”Tumango siya. “Nice to meet you po Ma’am. Masaya po ako na magaling na po kayo.” Nakita niya sa itsura ng babae ang taglay na kasiglahan.“Maraming salamat sa’yo Miss Alcantara sa pagtulong mo sa aking mahal na asawa,” dagdag na sabi ni Romme
last updateПоследнее обновление : 2022-10-08
Читайте больше

Chapter 52

“TRACY, anak may naghahanap sa’yo, si Felicitas Santos daw,” imporma ni Hernando nang muli itong bumalik sa dining area. “At may kasama siyang mag-asawa na gusto ka raw makita.”Iisang mata na napatingin sa kanya sina Lyra, Consuelo at Lola Meding. Nakita niya ang pagtatanong sa mukha ng mga ito.“Bakit kayo po nila ako hinahanap?” nagtatakang tanong niya sa sarili. Kahapon ay kakikita lang nila ng personal ng taong binigyan ng dugo. Napuno siya ng kuryusidad.“Mabuti pa ay labasin mo muna sila,” utos ng Papa niya. “Pinatuloy ko na sila sa salas.”Tumango siya at uminom muna ng tubig. Tumayo na siya saka lumakad na patungo sa salas. Sumasabay sa bawat hakbang ng paa niya sa ritmo ng pintig ng puso niya. May kaba siyang nadarama na hindi niya maipaliwanag.Hanggang sa bumungad na siya sa naghihintay na bisita sa kanya sa gabing iyon. At talagang sinadya pa siya dito sa bahay ng mga magulang at kapatid niya dito sa Sta. Maria.“Magandang gabi po Ma’am Felicitas,” kaagad na bati n
last updateПоследнее обновление : 2022-10-09
Читайте больше

Chapter 53

“OKAY ka lang ba, Tracy?” tanong sa kanya ni Consuelo na katabi niya sa kinauupuan sa okupadong table. Kasaluluyan silang nasa isang DNA Testing Center. Kasama niya ngayong hapon ang kinagisnang ina pati na rin si Hernando para harapin ang ebidensya ukol sa totoong pagkatao niya.“Medyo kinakabahan po ako sa result Ma, pero nakahanda naman po ako kung anuman po ang kalabasan.” Pinagsugpong niya ang mga kamay para mabawasan ang kabang nadarama.“Anuman ang maging resulta ng DNA test mo sa mag-asawang Villa Aragon, hindi magbabago ang pagtingin namin sa’yo,” lahad naman ni Hernando na may matamang pinagmasdana ang mukha niya.Malungkot siyang ngumiti sa mga ito. “Iba rin talaga maglaro po ang tadhana, kung kailan tinanggap na ninyo ako sa pamilya ay saka pa nagkakaroon ng mga koneksyon tungkol sa totoo kong pamilya. Kung kailan maayos na po ang lahat.”Hinawakan ni Consuelo ang isang braso niya. “Tracy, anak, huwag mong ipagdamot ang sarili mo sa totoong magulang mo. Kung sakalling
last updateПоследнее обновление : 2022-10-11
Читайте больше

Chapter 54

“MAMI-MISS ko ang apo kong masarap magluto ng pagkain dito sa bahay,” may bahid ng lungkot na sabi ni Lola Meding kay Tracy. Pinuntahan siya ng abuela niya sa silid niya sa bahay nito na nakatakda na niyang lisanin. “Lagi kang welcome dito huh.”“Ang lola talaga oh, lalo po ako na mahihirapan na umalis n’yan,” kunwa’y biro niyang sabi pero may kabigatan sa kalooban niya. Malaki ang tinatanaw na utang na loob niya dito. Ang tumulong sa kanya na bumangong muli buhat sa pagkakadapa.“Basta apo, hindi kita maaaring pigilan sa pag-alis mo,” masuyong hinawakan nito ang isang kamay niya. “Huwag mong ipagdamot sa sarili mo na makasama ang iyong totoong mga magulang mo.”Napapaluhang tumango siya. “Sana nga Lola, matanggap po ako ng mundong ginagalawan nila. Alam ko po na hindi ordinaryong pamilya ang Villa Aragon. Medyo natatakot po ako sa pagbabagong ito ng aking buhay.”“Tracy, napagdaaanan mo na ang malalaking pagsubok sa buhay mo,” paaala ng Lola niya. “Nagawa mong makatayong muli at magp
last updateПоследнее обновление : 2022-10-12
Читайте больше

Chapter 55

“ALAM ko na ako ang may kagagawan kung bakit napawalay ka sa ating pamilya Tracy,” mababang tono na sabi ni Rolando matapos pumasok sa silid niya sa mansyon ng mga Villa Aragon. May guilt na nakakintal sa seryosong mukha nito. “Hindi sana mangyayari iyon kung hindi ko pinagdudahan ang sarili ko noon.”“D-Dad,” usal niya sa unang pagkakataon na tinawag sa ganoong paraan ang totoong ama. May bumibikig sa lalamunan niya at tila nagsisikip na naman ang dibdib niya.Nakatingin lang sa kanilang dalawa si Filomena. Walang mabakas na emosyon sa magandang mukha nito sa kabila ng katandaan.Lumapit pa lalo sa kanya si Rolando at hinawakan ang isang kamay niya. isinubsob nito ang ulo doon. “Patawarin mo ako anak, patawarin mo ako. Pangako, babawi ako sa’yo.”Naantig ang damdamin niya sa ginawing iyon ng ama. Kinabig niya ang ulo nito at nagtama ang kanilang mga mukha. “Tapos na po ‘yun Dad, pinatawad ko na po kayo. Ang mahalaga po ngayon ay magkakasama na tayong muli. Buo na ang pamilya nati
last updateПоследнее обновление : 2022-10-13
Читайте больше

Chapter 56

SA gabing iyon, dumalo sa magarbong kaarawan ni Don Enrico Lorenzo sa isang five-star hotel sa Makati ang pamilya Villa Aragon. Sa entrada pa lang ng venue ay parang celebrity na lumakad sila sa red carpet. Isang butter cream sleeveless deep v-neck evening dress ang suot ni Tracy. Nakatali ng mamahaling pony-tail ang mahaba niyang buhok habang akma sa mukha niya ang nakalagay na make-up. Nasa bandang kaliwa siya ni Rolando at naka-abrisete sa braso nito at nasa bandang kanan ang Mommy niyang si Filomena. Naka-formal attire rin ang mga magulang niya.Na-focus ang atensyon sa kanilang mag-anak ng mga taong naroon. Panay flash rin ang camera sa kanila. Si Tracy ay bago sa mga mata nito dahil iyon ang unang beses na isinama siya ng mga magulang niya sa ganoong event.Pagpasok nila sa main venue, sinalubong sila ng isang babaeng usherettes. Hinanap nito ang invitation na kaagad na naipakita ni Filomena at sinamahan sila sa table na nakalaan para sa kanilang pamilya.“Just enjoy this ni
last updateПоследнее обновление : 2022-10-15
Читайте больше

Chapter 57

AT saka lang napansin ni Tracy si Vince na gahibla lang ang lapit kay Fien. Sa ginawa niyang pagkilos kaninang nawalan ng kuryente ay sa huli siya sa napakapit. Expected na niya na naroon ang binatang Montagne dahil nakatagpo niya ang ina nitong si Margaux.“Pare, she’s my dancing partner,” paglapit ni Vince sa kanilang dalawa.Hindi naman niya maunawaan ang mararamdaman sa nasabing sandali. Nagsasama ang pagkailang at pananabik sa puso niya.“I’m sorry Mr. Montagne kung nakaabala ako sa-”Akmang aalisin sana niya ang kamay sa mga balikat ni Fien pero laking gulat niya nang bigla nitong hawakan iyon. Tumingin pa it okay Vince. “I’ll take this time to dance with her.”Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ng binata. Pasimple pa itong ngumsisi sa kanya sa pagtingin ulit sa mukha niya. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong makasayaw sa party.“If it’s okay with Miss Villa Aragon, sige pagbibigyan kita Mr. Montagne,” pagpaparayang sabi ni Vince. Mababasa sa tono ng pananalita
last updateПоследнее обновление : 2022-10-16
Читайте больше

Chapter 58

“GRABE pala ang ginawa sa’yo ni Margaux hija,” nagpupuyos ang kaloobang sabi ni Filomena sa kanya habang magkatabi silang nakaupo sa back seat ng kotse ng Daddy niya. Ang kanyang ama ay nasa front seat at bumabyahe na sila pauwi. “Kung hindi ka nga lang sana napawalay sa amin, hindi sana mangyayari iyon. Kung bakit ba naman kasi.”“Filomena, ang mahalaga ngayon ay hindi na mangyayari muli kay Tracy ang mga pang-aaaping dinanas niya noon,” biglang sabad ni Rolando at naramdaman nito na pinapatamaan ito ng ina niya. “It’s not late, para ma-proteksyunan natin ang ating anak.”“Mom, Dad, kalimutan na po natin ‘yun,” pagpigil niya sa nagbabantang tensyon sa pagitan ng mga magulang niya. “Humingi naman na ng tawad sa akin si Ma’am Margauz at alam ko po sa sarili ko na hindi na mauulit ang mga pangit na nangyari sa buhay ko noon.”“Kilala ko naman siya na gan’on siya sa mga hindi natin ka-level,” anang ng Mommy niya. “At makakaaway na rin niya ako kapag minata ka niyang muli. Lagi mong
last updateПоследнее обновление : 2022-10-17
Читайте больше

Chapter 59

“MOM, bakit nga pala iniwan ninyo ang mundo ng showbiz noon, dahil ba talaga kay Dad?” naniniyak na tanong ni Tracy kay Filomena matapos kuhain ng kaaalis na waiter ang kanilang order. Naroon sila sa isang specialty restaurant na bahagi ng luxurious resort na pinuntahan nila ngayong weekend. Sila buong mag-anak ay nagpasyang magpalipas ng weekend sa isang magandang isla na nasasakupan ng Palawan.“Exactly, hija,” sagot ni Filomena na napatingin pa sa gawi ni Rolando. Pansamantalang lumayo sa kanila ang ama dahil may nakatagpo itong isang business friend at mukhang seryoso ang usapan ng mga ito. “He is the reason kung bakit mas pinili kong iwanan ang kasikatan ko noon.”She looked amusingly. “Ang totoo po n’yan, bago ko po kayo nakilala ay may mga na-meet po akong ibang tao na naalala kayo dahil sa akin. Magkamukha po kasi tayo at nanghihinayan sila sa inyo,” partikular na naalala niya si Tita Adora. Iwinaksi niya sa isipan ang pamangkin nito na kaibigan niya.“Alam mo anak, maramin
last updateПоследнее обновление : 2022-10-18
Читайте больше

Chapter 60

NAGBALIK ang diwa ni Tracy dahil sa bahagyang pagkirot ng ulo niya, napahikab pa siya kasunod ang pagmulat ng mga mata niya. Sumalubong sa kanya ang may kalaparang dibdib. Babangon sana siya subalit may malalakas na kamay ang dumantay sa parteng baywang niya na nalalatagan ng kumot. Napasilip siya sa ilalim ng malaking tela at saka niya napagtanto na maging siya ay wala ring suot ng damit.“A-anong nangyari?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Bakas sa mukha niya ang matinding pagkabigla. Magkasukob ang katawan nila ng lalaki sa iisang kumot.Narinig niya ang mahinang pag-ungol ng lalaking kasiping niya, tanda na ito ay nagising na. Bahagyang gumalaw ang katawan nito na nagpakislot sa kanya. Iniiwasan niya ang magpadala sa kakaibang init na nagsisimulang dumaloy sa katawan niya.“T-teka, sino ba ito?” napatingal siya sa mukha ng lalaki. Hindi niya magawang makawala sa mga bisig nito dahil sa pagkakayakap sa kanya. para siyang natuklaw ng ahas sa pamilyar na mukhang napagmasdan niya
last updateПоследнее обновление : 2022-10-20
Читайте больше
Предыдущий
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status