“GRABE pala ang ginawa sa’yo ni Margaux hija,” nagpupuyos ang kaloobang sabi ni Filomena sa kanya habang magkatabi silang nakaupo sa back seat ng kotse ng Daddy niya. Ang kanyang ama ay nasa front seat at bumabyahe na sila pauwi. “Kung hindi ka nga lang sana napawalay sa amin, hindi sana mangyayari iyon. Kung bakit ba naman kasi.”“Filomena, ang mahalaga ngayon ay hindi na mangyayari muli kay Tracy ang mga pang-aaaping dinanas niya noon,” biglang sabad ni Rolando at naramdaman nito na pinapatamaan ito ng ina niya. “It’s not late, para ma-proteksyunan natin ang ating anak.”“Mom, Dad, kalimutan na po natin ‘yun,” pagpigil niya sa nagbabantang tensyon sa pagitan ng mga magulang niya. “Humingi naman na ng tawad sa akin si Ma’am Margauz at alam ko po sa sarili ko na hindi na mauulit ang mga pangit na nangyari sa buhay ko noon.”“Kilala ko naman siya na gan’on siya sa mga hindi natin ka-level,” anang ng Mommy niya. “At makakaaway na rin niya ako kapag minata ka niyang muli. Lagi mong
“MOM, bakit nga pala iniwan ninyo ang mundo ng showbiz noon, dahil ba talaga kay Dad?” naniniyak na tanong ni Tracy kay Filomena matapos kuhain ng kaaalis na waiter ang kanilang order. Naroon sila sa isang specialty restaurant na bahagi ng luxurious resort na pinuntahan nila ngayong weekend. Sila buong mag-anak ay nagpasyang magpalipas ng weekend sa isang magandang isla na nasasakupan ng Palawan.“Exactly, hija,” sagot ni Filomena na napatingin pa sa gawi ni Rolando. Pansamantalang lumayo sa kanila ang ama dahil may nakatagpo itong isang business friend at mukhang seryoso ang usapan ng mga ito. “He is the reason kung bakit mas pinili kong iwanan ang kasikatan ko noon.”She looked amusingly. “Ang totoo po n’yan, bago ko po kayo nakilala ay may mga na-meet po akong ibang tao na naalala kayo dahil sa akin. Magkamukha po kasi tayo at nanghihinayan sila sa inyo,” partikular na naalala niya si Tita Adora. Iwinaksi niya sa isipan ang pamangkin nito na kaibigan niya.“Alam mo anak, maramin
NAGBALIK ang diwa ni Tracy dahil sa bahagyang pagkirot ng ulo niya, napahikab pa siya kasunod ang pagmulat ng mga mata niya. Sumalubong sa kanya ang may kalaparang dibdib. Babangon sana siya subalit may malalakas na kamay ang dumantay sa parteng baywang niya na nalalatagan ng kumot. Napasilip siya sa ilalim ng malaking tela at saka niya napagtanto na maging siya ay wala ring suot ng damit.“A-anong nangyari?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Bakas sa mukha niya ang matinding pagkabigla. Magkasukob ang katawan nila ng lalaki sa iisang kumot.Narinig niya ang mahinang pag-ungol ng lalaking kasiping niya, tanda na ito ay nagising na. Bahagyang gumalaw ang katawan nito na nagpakislot sa kanya. Iniiwasan niya ang magpadala sa kakaibang init na nagsisimulang dumaloy sa katawan niya.“T-teka, sino ba ito?” napatingal siya sa mukha ng lalaki. Hindi niya magawang makawala sa mga bisig nito dahil sa pagkakayakap sa kanya. para siyang natuklaw ng ahas sa pamilyar na mukhang napagmasdan niya
“KAILANGAN bang humantong sa ganito ang lahat, Mom?” naghihirap ang kalooban na tanong ni Tracy kay Filomena. Saglit silang napagsolong mag-ina sa suite matapos lumabas sina Rolando at Fien. Mag-uusap ang mga ito ng lalaki sa lalaki. “Makikiusap ako kay Dad, na huwag akong ipagpilitang maikasal.”Malungkot na umiling si Filomena saka tinabihan siya sa pagkakaupo niya sa couch. “Kilala ko ang iyong ama hija, ang mga nasabi na niya ay hindi na niya binabawi. Batas ang bawat desisyong ginagawa niya.”“Pero Mom, aaminin ko po, may pagmamahal pa rin ako Fien,” kumirot ang puso niya sa isiping iyon. “At ayokong ma-force marriage siya sa akin. Kung magkakaayos man kami ay gusto ko na makinig siya sa paliwanag ko.”“Lumaki sa isang conservative na pamilya ang iyong ama,” saad muli ng ina niya. “Alam mo kung bakit kami napilitang maikasal kaagad noon, nahuli lang kami ng kanyang mga magulang na magkatabing natutulog sa kama ng bahay nila noon. At walang nangyari sa amin kundi nagpahinga lan
“MA’AM Tracy, ang ganda-ganda n’yo po, isa kayo sa pinakamagandang bride na naayusan ko,” humahangang sabi ng baklang make-up artist na si Ronna habang nilalagyan nito ng make-up ang mukha niya. Nakaupo at nakaharap siya sa harap ng salamin. Malaya niyang namamasdan ang sariling repleksyon.Kahit siya ay humanga sa sariling itsura na binagayan ng classic neutral make-up na inilapat sa mukha niya. She has lights smokey eye combined with nude lip. Also with a fresh-faced appearance and flushed cheek. Blushing bride ang aura niya sa hindi niya matawag kung special ba o big day sa kanya. Naka-updo style ang pagkakatirintas ng buhok niya na may nakalagay na mumunting mga bulaklak.“At mas lalo akong gumanda dahil sa magagaling mong mga kamay Miss Ronna,” totoong puri niya dito na sinundan ng isang matamis na ngiti. Kahit hindi niya ito lingunin ay makikita naman nito ang gesture niyang iyon sa salamin.“Naku Ma’am, lalo tuloy akong ginaganahan na pagandahin pa kayo.” Kinikilig na sabi n
“HIJO, bakit hindi man lang kayo magkaroon ng one week vacation ni Tracy?” tanong ni Fiel sa anak nito. “Kahit cruise ship pa ‘yan, handa ko ‘yang sagutin.”Umiling ang si Fien na katabi niya. katatapos lang nilang kumain ng masaganang tanghalian sa mahabang dining table ng rest house. “It would be waste of time and energy Pa, ang daming kong pending na trabaho sa company bukas.”“Don’t stress yourself too much Fien,” segunda naman ni Rolando. “Gusto ko lang naman na maging special pa ang araw na ito ng kasal ninyo ng aking anak. Pwede n’yo namang i-extend.”“It’s already special Tito, I mean Dad.” Napatikhim pang tugon ni Fien na nakabaling sa ama niya. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan na iyon ng tatlong lalaki. Walang kibo naman ang Papa Hernando niya na hindi pa totally close sa mga ito maging iba pang kasapi ng kinagisnang pamilya niya. “This kind of wedding, masasabi kong hindi ito typical.”Tumingin pa sa kanya ang asawa na halong panunumbat ang kislap ng mga mata nit
KINABUKASAN, nagising si Tracy na wala na si Fien sa tabi niya at nakayakap na lan siya sa malaking unan. Humihikab na bumangon na rin siya para gawin ang mga gampanin niya ngayong araw. Ini-remind niya sa sarili na hindi na siya single kundi isa na siyang maybahay. Mrs. Montagne na siya na kailangan niyang mapanindigan.Luminga ang tingin niya sa apat na sulok ng guest room para hanapin ang asawa. Napansin niya na nakasara ang banyo at may munting liwanag siyag nakikita mula sa loob. Narinig din niya ang mahinang pagbagsak ng tubig, ibig sabihin ay naroon si Fien. Abala ito sa paliligo.“Ang aga namang magising ng Mister ko,” sabi niya sa sarili na napatingin sa wall clock na nakasabit sa kuwarto. Six-thirty pa lang ng umaga. Sanay naman siya sa ganoong kaagap na oras dahil early riser din siya.May ideyang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa closet ng asawa at nakita niya ang mga damit nito na organize na nakasabit sa hanger at maayos ring nakatiklop. Inilabas mula niya doon an
MALAKAS ang buhos ng ulan nang gabing umuwi si Tracy sa kanilang bahay. Simula kasi nang mag-asawa siya ay hindi na siya kumuha ng personal driver mula sa Daddy niya. Pinili niya ang mag-commute dahil may mga taxi na pwedeng makuha by online. Si Fien naman ay may sariling kotse pero nahihiya siyang makisabay dito lalo na at laging maaga itong umaalis.Pagkababa niya ng taxi ay kaagad niyang napindot ang door bell sa gate na may munting bubong. Mga ilang saglit pa ay humahangos na lumabas ng bahay si Manang Ercie habang may dalang payong. “Naku Ma’am, ginabi na po kayo at nabasa pa kayo ng ulan,” mabilis na binuksan nito ang gate at pinapasok siya. Kaagad siyang nakisukob sa payong nito at ramdam niya ang pagsigid ng laming sa katawan niya. Nabasa na ang suot niyang office attire.“Kaya nga po natagalan ako ng uwi, nahirapan akong humanap ng masasakyan,” nanginginig na sabi niya sa katulong habang naglalakad sila patungo sa bahay. Napakapit siya ng mahigpit sa handle ng payong dahi
BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a
MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin
HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a
“IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko
NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b
“YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”
“ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na
“TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa
“Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl