“ARE you crying?” kunot-noong tanong nito Fien kay Tracy. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang biglang pagpatak ng mga butil ng luha.Kaagad niyang hinamig ang sarili kasabay ang pagkontrol ng emosyon. “W-wala ito, may bigla lang ako naalala,” naupo siyang muli sa silyang inupuan niya kanina. “Alam ko naman na panandalian lang moment na ganito sa ating dalawa. iyong isang minuto na wala kang ipinapakitang galit sa akin, taon na ang katumbas n’on sa akin.”“And ‘yan ang mga consequence ng plano mo,” mariing sabi ni Fien. “Panindigan mo ang way na ginawa mo para makuha akong muli. Inakala mo sa pagiging magkasama natin ay mababago ang tingin ko sa’yo.”Hiniwa na naman ang puso niya. “I-iyon ba talaga ang tingin mo sa akin at sa mga nangyari?”Sa pagkakataong iyon, ayaw niyang magpadala sa bugso ng emosyon. Kailangang maipagtanggol niya ang sarili sa kanyang asawa na nawalan ng pagmamahal sa kanya.“And what do you want me to expect?” naningkit na ang mga mata nito. “Hanggang kaila
NATUTOP ni Tracy ng mga kamay niya ang sariling labi pagkakita sa bagong CEO ng kompanya. Prente itong nakaupo ito sa executive chair nito na kapartner ng office table nito. Naka-engrave pa ang pangalan at position sa isang table name frame na nakapatong sa bandang gitna.“Gulat na gulat ka yata my dear wife?” nakangising tanong ni Fien sa kanya. kita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya.Naipilig niya ang ulo matapos hamigin ang sarili. “I never thought that you are the new CEO, Mr. Montagne. Hindi ko ini-expect na sa’yo ipagkakatiwala ng Papa ang isa sa mga position niya dito sa kompanya.”“Of course part of the merging,” anito na pinanlakihan pa siya nito ng mata. Bagay na bagay sa kapormalan nito dahil sa suot na business suit. Sa mga simplen kilos nito ay damang-dama agad ang authority. “The board chose me for this position, your father still the president at s’ya na rin ang CFO. Then my father is the chairman of the board of our new company.”Ti
“WAIT me here, magbibihis lang ako,” biglang pagtayo ni Fien. Kusang napabitaw ang mga kamay ni Tracy sa ulo nito na kanina ay hinihilot niya.Nasundan niya ng tingin ang naglalakad na bulto ng asawa. Umakyat ito sa hagdan patungo sa master bed room. Nagtaka pa rin siya biglang pagbabago ng mood nito, kung tutuusin ay wala pang sampung minuto ang ginawa niyang paghilot sa sentido nito.‘Narinig kaya niya?’ aniya sa sarili na ang tinutukoy ang bigla siyang napakanta ng isang awit na parehong alam nila ng asawa. Iyon ang naiisip niyang dahilan kung bakit umalis na ito sa komedor.Ipinilig na lang niya ang ulo saka nagtungo na sa salas. Doon na lang niya hihintayin ang boss niya na asawa rin niya. Naka-ready naman ang sarili niya sa panibagong trabaho niya. Si Fien mismo ang nag-orient sa kanya bilang personal assistant nito.Alam niya na loaded ang schedule nito ngayong araw. Uupo pa lang sana niya sa sofa nang makita niya ang pagdating ni Fien. Pababa na muli ito at naka-ready nang
“MISS na kita apo, hihintayin kita dito sa house mamayang gabi huh,” sabi ni Lola Meding sa kabilang linya. “Papunta na rin dito ang Mama at Papa mo at gusto ko na kumpleto tayo sa birthday celebration ko ngayon.”Hindi kaagad nakatugon si Tracy sa pag-imporma na iyon ng lola niya sa kinagisnang pamilya. Binuklat niya ang planner na nakapatong sa table niya. Nalungkot siya nang mapansin niyang may schedule pa si Fien mamayang gabi sa isang business partner.“Sige po Lola, hahabol po ako huh, happy birthday po,” bati niya na pilit na pinagtakpan ang totoong nadarama. Bahala na mamayang gabi. Sana nga matapos kaagad ang meeting ni Fien mamaya para makapunta siya ng Sta. Maria.Aabutin din kasi ng dalawang oras ang byahe ang pagpunta sa kinalakihang bayan niya. Ayaw niyang biguin ang kanyang lola sa birthdsy nito, lalo’t naipangako na niya iyon dito.Matamlay na ibinalik niya sa ibabaw ng table niya ang cellphone niya. Muli niyang ibinigay ang atensyon sa harap ng monitor ng computer
“HAPPY birthday Lola,” mangiyak-ngiyak na niyakap ni Tracy si Lola Meding. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na dinala siya ni Fien sa Sta. Maria. Ang akala niya ay sa unexpected business appointment ang punta nila ng asawa.“Salamat naman at nakarating ang mahal kong apo, akala ko ay mamaya ka pa darating,” si Lola Meding na tumugon ng yakap sa kanya. Ramdam niya ang matinding kasiyahan ng matanda na naroon siya sa birthday celebration nito.“Happy birthday po Lola,” bati ni Fien matapos nang kumalas sila sa pagkakayakap sa abuela niya. Ibinigay din ng asawa ang dinaanan nilang gift kanina sa isang shop. “Sana magustuhan n’yo po ang aming regalong ito sa inyo.”Pa-simpleng hinaplos ng Lola niya ang mukha ni Fien. “Nag-abala ka pa hijo, iyong pagpayag mo nga dalhin dito ang aking apo ay isa ng magandang regalo sa akin.”“Anong pagpayag ‘yun?” nagpalipat-lipat ang tingin niya sa asawa at sa lola niya. Napantiskuhan siya sa dalawang ito.“Ang totoo n’yan hija,” sagot ng Lola ni
“A-anong ginagawa mo dito Fien?” tanong ni Tracy sa asawa na naroon din sa sulok ng bakuran na kinaroroonan niya. Hindi niya malaman kung sinadya ba siya nitong sinundan sa nasabing lugar. Kaya pala parang naiba ang boses ng kumakanta ng isang awitin na iniiwasan niyang mapakinggan.Nakalagay pareho ang mga kamay nito sa baywang. Sa mumunting liwanag na galing sa poste ng ilaw, nakikita niya ang blangkong ekpresyon ng mukha nito. “You’re not just my wife my dear, tandaan mo, personal assistant din kita. Nakita kitang umalis sa loob ng bahay, kaya sinundan kita. Malay ko ba kung bigla ka na lang umalis.”Pasimple niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “At natakot kang iwanan kita, habang ako ay n-nasanay nang iwanan mo. Ganyan ka pa rin Fien, masyado kang mapanakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magiging ganito.”Kitang-kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. At saka lang niya napagtanto ang sinabi niya na itinulak ng bugso ng damdamin niya. Huli na para b
NANGILABOT si Tracy nang palakpakan siya ng board matapos niyang mag-present sa harap ng mga ito. Bakas sa mga mukha nito ang satisfaction na ginawa niya para kay Fien. Nagpipigil ang mapaluha na tinanguan siya ng mga ito.“I am proud of you my dear daughter,” si Rolando na nilapitan siya saka masuyo siyang niyakap. Flattered na napatugon din siya ng ganoong aksyon sa ama niya. Isang patunay na may ibubuga na rin siya sa bagong mundo na mayroon siya.Kasinglambot na malambot na alpombra na nakalutang sa alaapaap ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Sa pagkalas ng yakap sa kanya ng Daddy niya, isa-isa siyang kinamayan ng board. Wala na doon si Fiel dahil biglaan itong umalis sa conference hall para isang mahalagang tawag na natanggap nito.Nang siya na lang ang naiwan sa loob ng hall, niligpit at kinuha na rin niya ang mga gamit niya. At saka lang niya naisipang sipatin ang cellphone niya.Kinabahan siya nang makita ang mahigit one hundred missed call. Galing lang iyon sa iisan
“F-FRANK?” hindi makapaniwalang sambit ni Tracy nang makilala niya ang lalaking lumapit sa kanya sa kainan na pinuntahan nila ni Fien. Isang simpleng t-shirt at pantalon ang suot nito at nangayayat ang katawan ng dating kaibigan. Napatayo siya saka hinarap ito. “Hindi ko alam kung anong kamalasan na naman ang dadalhin mo sa buhay ko.”Bumalatay sa mukha nito ang matinding pagka-guilty. Kahit hindi niya diretsahing tukuyin ang laman ng isip niya, alam niya na alam na alam nito ang dahilan. “Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito na magkita tayong muli Tracy.”Mabilis na dumapo sa isang pisngi nito ang isang kamay niya. Nanlisik ang mga mata niya sa pagkakatingin niya dito. Ang sugat sa puso niya na hindi pa naghihilom, ngayo’y muling umaantak. Nagsimulang rumagasa ang mga likido sa bintana ng kaluluwa niya. Ang dapat sana’y matamis na sandali na pagkikita nila ay napalitan ng kapaitan. “Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin Frank, nagtiwala at itinuring kitang kapatid pero nagawa mon