“HAPPY birthday Lola,” mangiyak-ngiyak na niyakap ni Tracy si Lola Meding. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na dinala siya ni Fien sa Sta. Maria. Ang akala niya ay sa unexpected business appointment ang punta nila ng asawa.“Salamat naman at nakarating ang mahal kong apo, akala ko ay mamaya ka pa darating,” si Lola Meding na tumugon ng yakap sa kanya. Ramdam niya ang matinding kasiyahan ng matanda na naroon siya sa birthday celebration nito.“Happy birthday po Lola,” bati ni Fien matapos nang kumalas sila sa pagkakayakap sa abuela niya. Ibinigay din ng asawa ang dinaanan nilang gift kanina sa isang shop. “Sana magustuhan n’yo po ang aming regalong ito sa inyo.”Pa-simpleng hinaplos ng Lola niya ang mukha ni Fien. “Nag-abala ka pa hijo, iyong pagpayag mo nga dalhin dito ang aking apo ay isa ng magandang regalo sa akin.”“Anong pagpayag ‘yun?” nagpalipat-lipat ang tingin niya sa asawa at sa lola niya. Napantiskuhan siya sa dalawang ito.“Ang totoo n’yan hija,” sagot ng Lola ni
“A-anong ginagawa mo dito Fien?” tanong ni Tracy sa asawa na naroon din sa sulok ng bakuran na kinaroroonan niya. Hindi niya malaman kung sinadya ba siya nitong sinundan sa nasabing lugar. Kaya pala parang naiba ang boses ng kumakanta ng isang awitin na iniiwasan niyang mapakinggan.Nakalagay pareho ang mga kamay nito sa baywang. Sa mumunting liwanag na galing sa poste ng ilaw, nakikita niya ang blangkong ekpresyon ng mukha nito. “You’re not just my wife my dear, tandaan mo, personal assistant din kita. Nakita kitang umalis sa loob ng bahay, kaya sinundan kita. Malay ko ba kung bigla ka na lang umalis.”Pasimple niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “At natakot kang iwanan kita, habang ako ay n-nasanay nang iwanan mo. Ganyan ka pa rin Fien, masyado kang mapanakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magiging ganito.”Kitang-kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. At saka lang niya napagtanto ang sinabi niya na itinulak ng bugso ng damdamin niya. Huli na para b
NANGILABOT si Tracy nang palakpakan siya ng board matapos niyang mag-present sa harap ng mga ito. Bakas sa mga mukha nito ang satisfaction na ginawa niya para kay Fien. Nagpipigil ang mapaluha na tinanguan siya ng mga ito.“I am proud of you my dear daughter,” si Rolando na nilapitan siya saka masuyo siyang niyakap. Flattered na napatugon din siya ng ganoong aksyon sa ama niya. Isang patunay na may ibubuga na rin siya sa bagong mundo na mayroon siya.Kasinglambot na malambot na alpombra na nakalutang sa alaapaap ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Sa pagkalas ng yakap sa kanya ng Daddy niya, isa-isa siyang kinamayan ng board. Wala na doon si Fiel dahil biglaan itong umalis sa conference hall para isang mahalagang tawag na natanggap nito.Nang siya na lang ang naiwan sa loob ng hall, niligpit at kinuha na rin niya ang mga gamit niya. At saka lang niya naisipang sipatin ang cellphone niya.Kinabahan siya nang makita ang mahigit one hundred missed call. Galing lang iyon sa iisan
“F-FRANK?” hindi makapaniwalang sambit ni Tracy nang makilala niya ang lalaking lumapit sa kanya sa kainan na pinuntahan nila ni Fien. Isang simpleng t-shirt at pantalon ang suot nito at nangayayat ang katawan ng dating kaibigan. Napatayo siya saka hinarap ito. “Hindi ko alam kung anong kamalasan na naman ang dadalhin mo sa buhay ko.”Bumalatay sa mukha nito ang matinding pagka-guilty. Kahit hindi niya diretsahing tukuyin ang laman ng isip niya, alam niya na alam na alam nito ang dahilan. “Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito na magkita tayong muli Tracy.”Mabilis na dumapo sa isang pisngi nito ang isang kamay niya. Nanlisik ang mga mata niya sa pagkakatingin niya dito. Ang sugat sa puso niya na hindi pa naghihilom, ngayo’y muling umaantak. Nagsimulang rumagasa ang mga likido sa bintana ng kaluluwa niya. Ang dapat sana’y matamis na sandali na pagkikita nila ay napalitan ng kapaitan. “Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin Frank, nagtiwala at itinuring kitang kapatid pero nagawa mon
NAGISING si Tracy na nasa isang silid dulot ng pagtama sa mukha niya nang pumapasok na sinag na araw. Nakahawi na ang kurtina sa may bintana na nagbigay liwanag sa kinaroroonan niya. Alam niya na nasa magandang beach house siya na pag-aari ni Fien sa Pagudpud.Bigla niyang naalala ang asawa, napatingin siya sa kalahating bahagi ng malambot ng kama na kinahihigaan niya. kapansin-pansin na hindi nagalaw ang unan na naroon at maging ang isang kumot na maayos pa ring nakatiklop.Ibig sabihin ay mag-isa siyang natulog sa lumipas na magdamag. Masyado siyang naapektuhan sa mga nangyari at nalaman niya kahapon. Mga katotoahanang nalaman niya kay Frank. May linaw na ang lahat pero hindi pa rin nakakalaya ang puso niya sa sakit na idinulot n’on sa buhay niya.Akmang babangon na sana siya pero bigla siyang natigilan. Napangiwi ang mukha ang mukha niya sa pagsigid ng sakit sa ulo niya. naroong nangaligkig pa ang buong katawan niya nang tinangka niyang alisin ang kumot na nakabalot sa kanya. Napab
I’m sorry Tracy. Patawarin mo ako.Paulit-ulit na naglaro sa pandinig ni Tracy ang mga binitiwang salita na iyon ng asawa. Mga kataga na matagal niyang inasam n asana sabihin nito. Ibig sabihin lang, naniniwala ito sa katotohanan. Nabuksan din ang isipan nito sa sinabi ni Frank.Magsasalita sana siya para tugunin ang paumanhing iyon ni Fien, pero may lamig na sumigid sa kalamnan niya. Ang naging dahilan para mangaligkig na naman ang buong katawan niya. gumalaw-galaw ang ibabaw ng kumot na gamit niya dulot ng nangyayaring iyon sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi.“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Fien sa kanya na napansin ang pangangatal ng mukha niya.“N-ni-l-lamig a-ako,” nanginginig niyang sabi dito.Sinalat nito ang noo niya hanggang sa hinila nito ang laylayan ng kumot niya. nakisukob pala ito ito sa naturang malaking tela at naramdaman niya ang init ng katawan nito.Iginiya nito ang katawan niya papatagilid sa kabilang bahagi ng kama. Hanggang sa naramdaman niya na ma
“THANK you Mr. and Mrs. Chua for entrusting your property to us.” Kinamayan ni Fien ang mag-asawang na parehong nasa kalagitnaan na ang edad. “I am very glad for having a smooth transaction with you.”“Mas maswerte ang inyong kompanya Mr. Montagne,” sabi ni Mr. Chua. “Sa dami ng developer na lumapit sa amin, kayo lang ang nagbigay ng reasonable offer sa aming lupain dito sa Pagudpud.”Bumakas sa mukha ni Fien ang pagka-flatter. “I’m glad to heard that. Kaya nga nang sabihin ninyo na ipagbibili na ninyo agad ang property ninyo, agad kong ipinahanda ang deed of sale and other document.”“We’re planning to stay for good in US,” sabad naman ni Mrs. Chua. “Sabi ko nga dito sa asawa ko, kaysa maging tiwangwang ang lupa namin ay mas mabuti pang ibenta na lang.”Masayang nakikinig at pinagmamasdan ni Tracy ang tatlong tao na magkakausap. Naroon sila sa terrace ng bahay ng mag-asawa kung saan nagka-pirmahan na ng bilihan ng malawak na lupa. Kahit siya ay humanga rin sa magandang spot na nakuha
SA paghakbang ni Tracy sa several steps patungo sa grotto na matatagpuan sa Paraiso ni Anton, ramdam niya ang pagsunod sa paglakad niya ni Fien. Nanatili lang siyang tahimik habang tinatanaw niya ang pakay niyang mapuntahan. Balewala sa kanya ang pagdampi ng init ng araw sa balat niya. Parang musika na naaliw siyang pakinggan ang lagaslas ng tubig sa kabilang bahagi ng hagdang inaakyat nila. May mallit kasing falls kasi doon at ang tubig ay malayang dumadaloy sa may burol.Matapos nilang malagpasan ang traffic na dulot ng pagkasunog ng isang restaurant, walang pasabing nagmaneho si Fien patungo sa isa sa tourist spot na ‘yun sa Pagudpud. Hindi naman siya nag-usisa sa ginawa nito at nakisakay na lang siya sa nais nitong puntahan.Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang reaksyon ng mukha nito sa huling sinabi niya. Ang may kapaitang mga salitang binitiwan niya dahil sa isang malungkot ng kahapon. Hindi ito umimik pero halatang nabaghan sa narinig mula sa labi niya.Hanggang sa nakarating
BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a
MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin
HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a
“IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko
NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b
“YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”
“ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na
“TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa
“Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl