“WOW, congratulation sa inyong dalawa.” Kinamayan pareho ni Adora sina Tracy at Fien. Mababakas sa mukha nito na hindi makapaniwala. “Aba’y hindi ko akalain na magkakatuluyan pala kayo eh.”Napatingin siya sa asawa at may alanganing ngiti na gumuhit sa labi niya. tumingin din sa kanya si Fien. Nagtama ang kanilang mga paningin at kinindatan pa siya.“Maging ako man Manang, siguro ay kami talaga ang para sa isa’t isa,” tugon ni Fien sa muling pagbaling nito sa matandang babae.Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Fien sa balikat niya na may nagsasaad na magsalita siya. “Ah oo nga po Tiya Adora. Akala ko nga rin ho ay hanggang dito lang sa Pagudpud ang pagtatagpo namin.”Tumingin siya sa mukha ng asawa at nakita niya ang nagpipigil na ngiti sa gwapong mukha nito. Halatang inayunan naman ang dahilan na binitiwan niya.“Masaya ako para sa inyong dalawa,” masayang sabi ni Adora. “Kapag may time kayo ay daan kayo sa bahay. Ipagluluto ko kayo ng masasarap na ulam.”Pareho silang tumango
EKSAKTONG alas-otso ng umaga nang makarating si Tracy sa headquarter ng Montagne Scapes. Mag-isa lang siyang pumasok ngayong araw dahil naunang umalis ng bahay si Fien. May importante daw itong imi-meet na tao para sa bagong project ng kompanya. Sasamahan sana niya ito pero pinigilan siya nito at sinabihan na lang na magkita sila sa opisina.Subalit ang bawat paghakbang ng paa niya ay nagsimulang bumagal. Nakadarama siya ng pagkailang dahil tila makahulugang tingin na ipinupukol sa kanya ng mga empleyado na nakakasalubong niya. Ang iba sa mga ito ay may kuryusidad na napapatingin sa kanya pagkakita sa presensya niya. Karamihan ay mga babaeng empleyado.Taas-noo pa rin siyang ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makasakay na siya ng elevator. At parang iisang mata na napatingin sa kanya ang lahat nang makita siya ng mga ito. Halatang may tinitingnan sa cellphone na hawak kasunod ang pa-simpleng pagbaling sa kanya.Pakiramdam niya ay may tsismis na kumakalat sa kompanya tungkol sa k
“HINDI ko ini-expect na gagawin mo ‘yun, Fien,” sabi ni Tracy asawang boss nang makabalik na sila sa loob ng office nito. Isang oras na ang nakakaraan nang matapos ang conference. Ang ginawa nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa sa harap ng mga empleyado ng kompanya ang tumupok sa apoy na kumalat na tsismis kanila. Lihim namang nagbubunyi ang puso niya sa mga oras na iyon.Napatigil saglit sa tangkang pag-upo si Fien. Tumuwid muli ito ng tayo at tumingin sa kanya. “Because you are my wife and I’m your husband Tracy. Ginawa ko lang ang alam kong tama.”“I see, alam ko na nalaman mo rin ang rumor kanina,” aniya na naalala pa niya ang mga naramdaman niya kanina. Para siyang specimen sa pinag-aaralan ng mga mata ng bawat empleyado ng komapanya. Pero matapos siyang ipakilala nito as his wife, nabago ang tingin sa kanya. Nadagdagan ang respeto sa kanya ng mga ito bagama’t may ilang babaeng empleyado ang naiingit sa kanya.“Yeah, ‘yan ang ang una kong nabasa kanina sa internet.” Naupo n
AKMANG babangon na sana si Tracy mula sa pagkakadagan niya kay Fien, ngunit naramdaman niya ang pagdantay ng mga kamay nito sa baywang niya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang maramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa labi niya. Pakiramdam niya ay naubos ang natitirang lakas niya at maging ang katatagang ini-reserba niya sa sarili.May hatid na kakaibang damdamin ang pagiging magkaniig ng mga labi nila ng asawa. Kinasabikan niyang madama ang kalambutan ng bahaging iyon ng katawan nito. nadagdagan pa ang boltahe na nanulay sa buong katawan niya.Gustong tumutol ng isip niya sa nagaganap pero gustong-gusto naman ng puso niya. Wala na siyang ibang mapagpipilian kundi ang magpatangay. Aminado naman siya na gusto niya ang nagaganap.Nagiging mapangahas na ang labi ni Fien, mainit na siya nitong sinisiil ng halik. Nagsimula na ring manudyo ang dila nito na pilit pumapasok na rin sa loob ng bibig niya.Lumakas nang lumakas ang tibok ng puso niya. masyado na siyang natatangay sa pinagsasalu
ONE WEEK LATER.Marahang nagmulat ng mga mata si Tracy, mag-isa na siyang nakahiga sa malambot sa kama. Banyaga sa paningin niya ang kuwartong kinaroroonan pero inaasahan na niya iyon. Napahikab siya kasabay ang pag-inat ng mga braso niya. Iyon na yata ang pinakamasarap na tulog na nagawa niya sa buhay niya. Hanggang ngayon ay para pa ring idinuduyan ang pakiramdam niya dahil sa kinaroroonan niya.Sa interior ng silid na kinaroroonan niya, iisipin niya na para lang siyang na sa sariling bahay. Tumayo siya at hinayaan niyang malaglag ang kamot na nakatabing sa katawan niya. Binuksan niya ang nakapinid na pinto saka lumabas.“Gising na pala ang aking magandang asawa,” salubong na bati sa kanya ni Fien.“Good morning, at naunahan mo pa akong magising ah,” napaawang ang labi niya nang mamasdan ang itsura ng asawa. Ang hot nitong pagmasdan. Nakatapis lang ito ng towel sa pang-ibaba nito habang malayang dumadaloy ang ilang patak ng tubig sa nakahantad nitong katawan. Parang nang-aakit pa it
“IS that you Fien?”Sabay na tumingin sina Tracy at Fien sa babaeng lumapit sa kanila habang nasa promenade deck sila ng barko. Kay tamis ng ngiti ng labi nito na halatang kilala ang asawa. May katandaan na ang mukha nito pero may taglay na kakinisan sa kabila ng totoong edad. Mababakas sa suot na mamahaling bestida ang karangyaang tinamatamasa. Naging pamilyar din ang itsura nito sa kanya.“Ninang Celestine, andito rin po pala kayo sa cruise,” hindi makapaniwalang niyakap ni Fien ang naturang babae. Isang pagpapatunay na malapit na magkakilala ang mga ito.“Sabi ko na nga ba at hindi ako nagkamali, kanina pa ako tingin nang tingin sa’yo hijo. Mabuti at naisipan kong mag-stroll dito sa barko,” ani Celestine pagkakalas ng yakap sa inaanak.“Same here Ninang, dapat pala nagpasabi kayo sa akin na magbabakasyon din kayo dito,” si Fien na kayalapad ng ngiti sa labi nito.“Unexpected lang din ang vacation kong ito hijo, pilit lang akong isinama ng mga bagong amiga ko.” itinuro ni Celestine
PINAGMAMASDAN ni Tracy ang sariling repleksyon sa harap ng salamin sa bathroom ng pool ng cruise ship. Doon siya nagpalit ng damit at ngayon nga ay suot na niya ang isang lush floral print one piece swimsuit. Kahit nabago na ang takbo ng buhay niya, nakadarama siya ng pagkailang sa ganoong outfit. Hindi kasi buo ang confident niya na nahahakab ang ang kurba ng katawan niya sa suot na swimwear. Bahagyang na-expose ang dibdb niya sa plunging neckline iyon. Marami ang nagsasabi na may taglay siyang hourglass shape ang katawan niya.Isang pagbuntong-hininga ang ginawa niya saka nagpasya nang lumabas ng bathroom. Nang umagang iyon, nagpasya sila ni Fien na maligo sa swimming pool na matatagpuan sa lido deck ng cruise ship. Sinikap niyang maging comfortable ang itsura habang naglalakad na siya sa pool side. May partikular na tao na hinahanap ang mga niya. Nakita naman niya ang pakay.At napatigil siya sa saglit sa paglakad nang makita ang isang eksena. Nakita lang naman niya ang asawang si
PARANG mapupugto ang hininga ni Tracy sa paghihiwalay ng labi nila ni Fien. Titig na titig pa rin sa mukha niya ang asawa. Naroong tumaas-baba ang adam’s apple nito matapos ang isang halik na kanilang pinagsaluhan.Walang salitang namumutawi sa kanilang mga labi. Ang lakas ng tibok ng puso niya. nararamdaman pa rin niya ang kakaibang init na patuloy na dumadaloy sa bawat himaymay ng katawan niya. Isang natatanging epekto sa kanya ng isang Fien Montagne.Kusang umangat ang isang kamay nito sa mukha niya. Hinayaan niya ito na haplusin nito ng may pagsuyo ang bahaging iyon ng katawan niya. Nanatiling magkatama ang kanilang mga mata. Sila lang ang nakakakita ng repleksyon ng nararamdaman nila para sa isa’t isa. Hinayaan nila ang sarili na pansamantalang angkinin ang pag-inog ng mundo. Wala ng pakialam sa nagaganap sa pool side ng cruise ship.“Fien…” Napaawang ang labi niya nang maramdaman niya ang paghawak nito ng maingat sa batok niya. Nagsimulang lumapit nang lumapit muli ang mukha nit