Home / Romance / Meant to be Yours / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Meant to be Yours : Kabanata 21 - Kabanata 30

95 Kabanata

Chapter 21

“ANONG ginagawa niya?” tanong ni Tracy sa sarili habang pinapanood ang binata na saglit siyang iniwan dito sa table nila. Nakita niya itong lumapit sa bagong dating na pamilya na umagaw sa pansin niya. Nakatalikod man ito sa kanya ay alam niya ang magiliw nitong pakikipag-usap. Nakikita niya ang engross reaction ng mga magulang.The other side of Fien Montagne. Hindi naman kasi ito literal na suplado at seryoso. May interesting na bahagi ang pagkatao nito na iilan lang ang nakakaalam. At marahil isa siya mga ‘yun.“Here we go,” sabi ni Fien na nagpatigil sa isip niya sa paglipad. Napansin niyang akay-akay nito ang batang lalaki. Kasunod ng mga ito ang mag-asawa na kaylapad ng ngiti sa labi.“Hoy Fien, anong balak mong gawin huh?” nagtatakang tanong niya dito. wala talaga siyang ideya sa gagawin nito ngayong tapos na silang kumain.He winked. “Tutuparin ko lang ang dream mo Miss Alcantara.”Hindi na siya nakahuma nang ilapit at ipinakalong sa kanya ni Fien ang batang lalaki. No choicen
last updateHuling Na-update : 2022-09-04
Magbasa pa

Chapter 22

NANLAKI ang mga mata ni Tracy nang mapansin niya ang pagkakadaiti ng mga labi ni ni Fien. Blangko naman ang ekpresyon nito at nakatingin lang ito sa kanya. Siya na ang unang nagbawi, bigla niyang itinulak ito sa malapad na dibdib nito na natatago sa suot na sport shirt. Ikinampay niya ang mga kamay para lumangoy palayo dito.‘Calm dom Tracy.’ Sabi niya sa sarili na hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang hindi sinasadyang tagpo. Napagkit na iyon sa alaala niya. Nang mapagod siya sa paglalangoy, nanatiling nakalublob ang katawan niya sa ilog.Gusto niyang patayin ang nag-iinit na epekto ni Fien sa sistema niya sa malamig na tubig sa ilog. Minasdan niya ang malakas na pagbagsak ng tubig ng Kaibigan Falls. Kung kagaya sana ito ng puso niya na may tiyak na babagsakan ay madali sanang sumabay sa agos.Kaso hindi iyon ang nakatakdang naganap sa reyalidad. Kailangang supilun na niya ang epektong iyon ng binata. Hindi naman niya naramdaman ang pagsunod nito sa kinaroroona niya sa bahaging iyon
last updateHuling Na-update : 2022-09-05
Magbasa pa

Chapter 23

"AKALA ko hindi ka na uuwi Tracy,?" Ang madilim ang mukha na salubong sa kanya ng isang lalaki. Nakaharang ito sa daraanan niya patungo sa bahay tiyahin nito.Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nawala ang kaba at takot niya nang makillala ito."Bumalik ka na pala, Frank," pinasigla niya ang sariling tinig. Ubod ng tamis na nginitian niya ito. Niyakap niya ang binatang kaibigan pero ramdam niya ang kalamigan nito sa kanya.Bumuntong- hininga ito pagkakalas niya ng yakap dito. "Yeah, buong hapon akong nangtay sa"yo. I've tried to call you pero hindi kita makontak."Saka lang niya na-realize na na-lowbat nga pala ang cellphone niya. Hindi na nga niya nagamit iyon sa pamamasyal niya. Kaya ang karamihan ng mga picture niya ay nasa cellphone ni Fien."I'm sorry, nagloko ang charger ko kagabi at na- drain ang battery ko. But don't worry I'm okay. Kita mo nga at buong-buo pa rin akong nakauwi," pilit niyang pinapanatag ang kalooban ni Frank.Kilala kasi niya ito na may pagka- protective sa k
last updateHuling Na-update : 2022-09-06
Magbasa pa

Chapter 24

“MOM, what happened to Dad?” Kaagad na usisa ni Fien sa kay Margaux. Ang ina ang naabutan niyang nagbabantay sa kanyang ama. Nakaratay sa kama si Fiel sa isang private hospital room habang may nakakabit na dextrose dito. Kasalukuyang walang malay ang Daddy niya.“Fien, anak,” nagpipigil na mapaiyak na sabi ng Mommy niya pagkakita sa kanya. Kaagad itong yumakap ito sa kanya. “Grabe ang takot ko kanina, dahil sa nangyari sa ama mo. Mabuti na lang ay kaagad namin siyang nadala dito sa hospital.”“Is he alright?” worried na tanong niya sa ina.Kumalas ito ng yakap sa kanya pero nanatiling nakahawak sa kamay niya. “Nagkaroon ng mild heart attack ang Daddy mo. Stable na siya ngayon hijo. Nag-advise ang doctor sa akin na dapat mas ingatan pa natin ang Daddy mo dahil baka mas severa ang attack sa susunod.”Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. “Kailangang ma-monitor pala natin ang mga kinakain ng Dad, even his lifestyle. I-encourage natin siya sa healthy living.”Matagal na niyang alam
last updateHuling Na-update : 2022-09-07
Magbasa pa

Chapter 25

TULOY pa rin ang buhay para kay Tracy. Sinikap niyang alisin sa sistema niya si Fien. Pilit rin niya itong iwinawaglit sa kanyang isip. Nag-focus na siyang muli sa Zenai’s Diner at madalas na inaabala niya ang sarili sa restaurant. Ganoon nga talaga ang buhay, may isang tao na pansamatalang darating at makikilala.“Make sure na andito na lahat ang mga menu natin huh,” sabi niya kay Rigor matapos ilagay ng lalaki ang isang food pan carrier sa buffet table.“Yes Ma’am, may dalawa pa po kaming ilalagay dito. kukunin na rin po namin,” anang ng lalaki.Tinanguan lang niya ang kasamahan saka iniwan ulit siya sa saglit. Naroon siya sa labas ng isang sales house ng isang bagong bukas na subdivision sa Sta. Maria. Ang kanilang buffet table ay nakasilong sa isang malaking canopy. Mamaya na niya ang isi-check ang bawat putahe kapag kumpeto na.“Ma’am, baka interesado po kayo mag-invest ng house and lot dito sa Sta. Maria Residencia,” lakas loob na paglapit sa kanya ng isang lalaking ahente. Ang
last updateHuling Na-update : 2022-09-08
Magbasa pa

Chapter 26

NAGISING si Tracy dahil sa pagtunong ng alarm ng cellphone niya. Natatamad niya iyong kinuha at saka niya nalaman na nasa sahig pala iyon. Awtomatiko siyang napabangon at hindi siya makapaniwala na wala siya sa sariling kama sa kanyang apartment. Sa sofa siya na nakahiga ng mga sandaling iyon.“Teka, paanong dito pa rin ako sa restaurant nakatulog?” nagtatakang tanong niya sa sarili. Nagpalinga-linga ang tingin niya sa pamilyar na lugar pero wala sa hinagap niya’y mapaglilipasan niya ng magdamag. “Ang alam ko ay umuwi naman ako pagkagaling sa isang bar matapos ang catering namin.”Pinilit niyang isipin ang mga nangyari kagabi pero sumakit lang ang ulo niya. Kapwa nasapo ng daliri niya ang magkabilang sentido niya. Parang binabarino ang bahaging iyon ng katawan niya. Maya-maya pa ay nakadama siya ng pagkumbolsyon ng sikmura niya. Maasim na likido ang umahon sa lalamunan niya.Bigla siyang napatakbo patungo sa banyo ng restaurant niya. Isinuka niya sa bowl ang lahat ng laman ng tiyan ni
last updateHuling Na-update : 2022-09-09
Magbasa pa

Chapter 27

HINDI makapaniwala si Tracy sa nakikita niyang nakatayong lalaki sa labas ng restaurant. Kinasabikan na masilayan niya itong muli. Ngunit iniisip pa rin niya kung ito ba ay nakasama niya kagabi na lasing siya.Nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon. Kaagad niyang hinamig ang sarili para sagutin ang tawag na natanggap. It was him."Wala ka bang balak na papasukin ako d'yan sa loob huh?" Iritableng tanong ng baritonong boses sa kabilang linya. Ang lalaki sa labas ang kausap niya. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya.Pinihit niya ang seradura at binuksan na ang pinto. Pinatuloy na niya ang guest niya. "Wala ka pa ring ipinagbago Mr. Montagne, para kang kabute na bigla na lang nasulpot."Oo si Fien nga ang unexpected guest niya ngayong gabi. Ito ang lalaking nasa billboard kung saan inipo-promote nito ang isang bagong bukas na residential project sa Sta Maria. Isang another development project ng kompanya ng binata kung daan ito mism
last updateHuling Na-update : 2022-09-10
Magbasa pa

Chapter 28

NAPASINGHOT bigla si Tracy nang may maamoy siyang hindi kaaya-aya. “May nasusunog Fien!” mabilis siyang napatakbo patungo sa stove niya ng restaurant.Napasunod dinsa kanya ang binata. “Shit! Ang niluluto ko.”Mabilis niyang pinatay ang stove. Nag-uusok pa rin ang kawaling taklob. Nanghihinayang siya na inalis ang nakatakip doon. Tumambad sa kanilang dalawa ang sunog ng bangus. Nangitim na rin ang mantikang ginamit.Naputol ang momentum sana nila. Nabitin ang puso ni Tracy sa sasabihin sana ng binata.“I’m sorry Tracy,” mababang tono na sabi nito sa kanya. Kita niya sa mga mata nito ang guilt. “Dapat pala na kita kinausap nang tapos na akong magluto.”She smiled at him. Gusto niyang pagaanin ang burden na nararanasan nito. “Don’t worry Fien, wala naman dapat sisihin eh. Ang mabuti pa ay wait mo na lang ako sa dining area. Magluluto na lang ulit ako ng ibang putahe at mga sobrang stock pa naman ako dito.”“Are you sure?” naninigurado pa ang mga titig nito sa kanya.Tumango siya. “Yeah,
last updateHuling Na-update : 2022-09-11
Magbasa pa

Chapter 29

KANINA pa nakaupo sa harap ng bedside table si Tracy. Eksaktong nakatapat iyon sa bintanang bubog ng apartment na tinutuluyan niya. Nakikita niya sa labas ang mga buhay na ilaw sa kabahayan at maging sa lansangan.Kadarating lang niya ng bahay. Iyon na ang naging pahinga niya pagkauwi niya. Katulad ng pinanggalingan niyang kabisera, ganoon na rin kalayo ang narating ng isip niya. Bakit parang pakiramdam niya ay ang daming misteryo na nakakabit sa totoong pagkatao na mayroon siya. Kahit sabihin pa na hindi malinaw sa kanya ang lahat.Eksaktong pagtingin niya sa kama niya, napako ang tingin niya sa isang folding wallet na kadikit ng bag niyang dala. Dinampot niya iyon saka inusisa ang labas pati na rin ang loob.Pag-aaari iyon ng nakatabi niyang pasahero kanina sa van na isang matandang babae. Magtatanong pa sana siya dito ukol sa kakilala nito na kamukha n’ya raw. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob n’on subalit pumara at bumaba na ito ng van bago sumapit sa town proper ng Amante. Hind
last updateHuling Na-update : 2022-09-12
Magbasa pa

Chapter 30

“FIEN! Sandali!” Humihingal na pagtawag ni Tracy sa binatang hinahabol niya. May kabilisan pa naman ito sa paglalakad. Hindi man lang siya nililingon nito. Naabutan niya ito sa parking space kung saan naroon ang kotse nito.“Hey! May problema ka ba huh?” Hinawakan niya ito sa braso nito. napatigil ito sa pagbukas ng pinto ng sariling sasakyan. “Tell me at hindi iyong basta ka na lang umaalis d’yan.”Salubong ang makakapal nitong kilay na hinarap siya. “Naalala ko pala, may appointment ako sa isang business parther. Kailangan ko siyang mapuntahan, kaya let me go. Okay?”“Hindi ako naniniwala sa alibi mo Mr. Montagne,” tinangka nitong tabigin ang kamay niya pero lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito. “Opening ng business ng kaibigan mo at alam ko nan aka-set ito sa schedule mo.”“At may karapatan akong i-cancel ang schedule ko na pagpunta dito,” nagmamatigas nitong sabi. Nakikita niya sa mukha nito ang pagtitimpi na bulyawan siya.“At may karapatan din akong pigilan s
last updateHuling Na-update : 2022-09-13
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status