NAPASINGHOT bigla si Tracy nang may maamoy siyang hindi kaaya-aya. “May nasusunog Fien!” mabilis siyang napatakbo patungo sa stove niya ng restaurant.Napasunod dinsa kanya ang binata. “Shit! Ang niluluto ko.”Mabilis niyang pinatay ang stove. Nag-uusok pa rin ang kawaling taklob. Nanghihinayang siya na inalis ang nakatakip doon. Tumambad sa kanilang dalawa ang sunog ng bangus. Nangitim na rin ang mantikang ginamit.Naputol ang momentum sana nila. Nabitin ang puso ni Tracy sa sasabihin sana ng binata.“I’m sorry Tracy,” mababang tono na sabi nito sa kanya. Kita niya sa mga mata nito ang guilt. “Dapat pala na kita kinausap nang tapos na akong magluto.”She smiled at him. Gusto niyang pagaanin ang burden na nararanasan nito. “Don’t worry Fien, wala naman dapat sisihin eh. Ang mabuti pa ay wait mo na lang ako sa dining area. Magluluto na lang ulit ako ng ibang putahe at mga sobrang stock pa naman ako dito.”“Are you sure?” naninigurado pa ang mga titig nito sa kanya.Tumango siya. “Yeah,
KANINA pa nakaupo sa harap ng bedside table si Tracy. Eksaktong nakatapat iyon sa bintanang bubog ng apartment na tinutuluyan niya. Nakikita niya sa labas ang mga buhay na ilaw sa kabahayan at maging sa lansangan.Kadarating lang niya ng bahay. Iyon na ang naging pahinga niya pagkauwi niya. Katulad ng pinanggalingan niyang kabisera, ganoon na rin kalayo ang narating ng isip niya. Bakit parang pakiramdam niya ay ang daming misteryo na nakakabit sa totoong pagkatao na mayroon siya. Kahit sabihin pa na hindi malinaw sa kanya ang lahat.Eksaktong pagtingin niya sa kama niya, napako ang tingin niya sa isang folding wallet na kadikit ng bag niyang dala. Dinampot niya iyon saka inusisa ang labas pati na rin ang loob.Pag-aaari iyon ng nakatabi niyang pasahero kanina sa van na isang matandang babae. Magtatanong pa sana siya dito ukol sa kakilala nito na kamukha n’ya raw. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob n’on subalit pumara at bumaba na ito ng van bago sumapit sa town proper ng Amante. Hind
“FIEN! Sandali!” Humihingal na pagtawag ni Tracy sa binatang hinahabol niya. May kabilisan pa naman ito sa paglalakad. Hindi man lang siya nililingon nito. Naabutan niya ito sa parking space kung saan naroon ang kotse nito.“Hey! May problema ka ba huh?” Hinawakan niya ito sa braso nito. napatigil ito sa pagbukas ng pinto ng sariling sasakyan. “Tell me at hindi iyong basta ka na lang umaalis d’yan.”Salubong ang makakapal nitong kilay na hinarap siya. “Naalala ko pala, may appointment ako sa isang business parther. Kailangan ko siyang mapuntahan, kaya let me go. Okay?”“Hindi ako naniniwala sa alibi mo Mr. Montagne,” tinangka nitong tabigin ang kamay niya pero lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso nito. “Opening ng business ng kaibigan mo at alam ko nan aka-set ito sa schedule mo.”“At may karapatan akong i-cancel ang schedule ko na pagpunta dito,” nagmamatigas nitong sabi. Nakikita niya sa mukha nito ang pagtitimpi na bulyawan siya.“At may karapatan din akong pigilan s
“AT anong ginagawa mo dito huh? Matapos ang lahat ay kukunin mo ang ipinalayo mo noon!” biglang naging pagalit na sabi ni Aling Onang. “Wala kang kwentang tao! Wala kang puso! Lumayas ka dito. Lumayas ka!”Gulat na gulat na si Tracy sa naging pagtrato ni Aling Onang sa kanya. Hindi siya makapaniwala at lalong hindi niya inaasahan. Nanlilisik ang mga mata nito at halos maglabasan na ang mga litid sa leeg nito.“Hindi ko pa alam ang s-sinasabi ninyo,” pinipigilan ang takot na saad niya sa matandang babae. “Pinatuloy n’yo po ako dito sa bahay para may ipakita sa aking picture.”“Wala kang karapatan! Wala!” bulyaw nito sa kanya. nabitiwan na nito ang dala-dalang kahon. “Lumayas ka ngayon din!”Nanginginig ang katawan na tumayo siya. Pilit niyang ikinakalma niya ang sarili. “Sige ho at aalis na ako, basta wala akong ginagawa sa inyo.”“D’yan ka magaling, ang umalis nang umalis,” galit na sabi pa rin ni Aling Onang.Tatalikuran na sana niya ang babae pero naramdaman niya ang mariing paghabl
“THANK you Ma’am at Sir, balik po ulit kayo dito sa Zenai,” magiliw na pagbati ni Tracy sa papalabas na mag-asawang customer sa kanyang restaurant. Ipinagbukas pa niya ang mga ito ng pinto. Nakangiting tinanguan pa siya ng mga ito na halatang nasiyahan sa service nila. Nagpasya na siyang bumalik sa kanyang pwesto bilang isang cashier.Kapag ganoong gabi na, ipinapaubayan na niya kay Myrna at Menard ang kusina. Sa ibang trabaho na ang ginagawa niya, minsan ay nagiging waitress pa siya kapag dumadagsa ang kanilang mga customer.Hindi naman kasi sila kagaya ng malalaking restaurant na kayang maglagay ng maraming empleyado. Kung kaya nagiging all-around siya kahit siya na mismo ang owner.May dumating pang bagong customer na nakita niya sa glass panel ng pinto ng restaurant. Kaagad iyong pinagbuksan ni Rigor at magiliw na binate. Isang sopistikada at halatang mayamang babae ang pumasok. Kitang-kita ang kagaraang tela ng suot nitong dress. Naging pamilyar sa kanya ang mukha nito.Hindi si
“MAHAL kita Tracy Alcantara. Mahal na mahal kita,” Parang may nagbara sa baga ni Tracy at hindi ulit niya kakayaning huminga ulit nang maluwag. Kasunod ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang madamdaming pag-amin na iyon ng isang Fien Montagne.Tila isang napakagandang musika ang pagbanggit nito ng mga nasabing kataga. Natupad ang isang pangarap niya na may isang lalaki na magpaparamdam at magpapakita ng pag-ibig para sa kanya. Subalit nahahati ang damdami niya sa pagitan ng ligay at lungkot.May katugon ang damdamin nito para sa kanya. Aminado siya sa sarili na mahal din niya si Fien. Subalit hindi naaayon sa pagkakataong mayroon silang dalawa sa masalimuot ng mundo.“Fien, baka nabibigla ka lang sa sinasabi mo,” pagkakaila niya sa totoong nararamdaman. “Engaged ka na kay Viena, at huwag mo akong dahilan para masira ang relasyon ninyo. Huwag mong guluhin ang buhay ko.”‘Dahil ginulo mo na ang puso ko.’ hanggang sa isip na lang ang mga katagang iyon. Aya
“AHM, Myrna ikaw pala.” Napalunok pa siya para kahit paano ay payapain ang sarili. Naroong hinaplos-haplos pa niya ang buhok para mabawasan ang pagkailang sa biglaang pagdating na iyon ng assistant niya dito sa restaurant. “M-may kailangan ka ba akin?”Sa mga titig sa kanya ang babae para siyang isinasalang nito sa hot seat. Si Fien naman ay nagawa pa ring maging tahimik at kalmado. Blangko ang ekpresyon ng mukha na nakatingin sa bagong dating.“Kukunin ko po sana ang naiwanan kong payong, pero mukhang naabala ko po yata kayo ni Sir Fien,” anito na na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng binata. Hindi maiikaila sa mukha nito ang pagka-intriga. “Pasenya na po.”Nadagdagan ang pagkailang niya at para siyang napapaso sa mga mata ni Myrna. “H-hindi iyon katulad ng naiisip mo sa amin, gusto ko lang ipaliwanag sa-”“Okay, Tracy is my girlfriend,” walang ligoy na sabi ni Fien matapos putulin sana nito ang sasabihin niya. Naramdaman pa niya ang pag-akbay nito sa balikat niya.“T-
PARANG natuklaw ng ahas si Fien sa nilalang na iniluwa ng bumukas na pinto sa kanyang opisina. Hindi niya ini-expect ang pagdating nito ngayong umaga at sa pagsisimula niya ng trabaho ngayong araw bilang isang CEO.“Ikaw pala Vie- Hon, napadalaw ka yata ngayon sa akin,” nai-stammer niyang sabi sa bagong dating. Tumayo siya saka inayos pa niya ang suot na coat. Nilapitan niya ang babae at inalalayan ito sa pagpunta sa bakanteng silya sa gilid ng executive desk niya.“No need Fien, nagiging gentleman ka na masyado ngayon ah,” napapantiskuhang sabi nito na nakapagkit na ngiti sa labing may naka-apply na lipstick.“Sorry, nakasanayan ko na kasi,” napakamot siya sa kanyang ulo. Na-realize niya na hindi nga pala sanay si Viena sa mga gentleman’s action niya. Laging nangingibabaw dito ang capacity nito bilang isang strong na babae. Nadala niya dito ang mga kilos na nagagawa niya kay Tracy.Independent woman si Tracy, malakas din ang character nito pero nagtatago ang fragile side nito. At mg