“THANK you Ma’am at Sir, balik po ulit kayo dito sa Zenai,” magiliw na pagbati ni Tracy sa papalabas na mag-asawang customer sa kanyang restaurant. Ipinagbukas pa niya ang mga ito ng pinto. Nakangiting tinanguan pa siya ng mga ito na halatang nasiyahan sa service nila. Nagpasya na siyang bumalik sa kanyang pwesto bilang isang cashier.Kapag ganoong gabi na, ipinapaubayan na niya kay Myrna at Menard ang kusina. Sa ibang trabaho na ang ginagawa niya, minsan ay nagiging waitress pa siya kapag dumadagsa ang kanilang mga customer.Hindi naman kasi sila kagaya ng malalaking restaurant na kayang maglagay ng maraming empleyado. Kung kaya nagiging all-around siya kahit siya na mismo ang owner.May dumating pang bagong customer na nakita niya sa glass panel ng pinto ng restaurant. Kaagad iyong pinagbuksan ni Rigor at magiliw na binate. Isang sopistikada at halatang mayamang babae ang pumasok. Kitang-kita ang kagaraang tela ng suot nitong dress. Naging pamilyar sa kanya ang mukha nito.Hindi si
“MAHAL kita Tracy Alcantara. Mahal na mahal kita,” Parang may nagbara sa baga ni Tracy at hindi ulit niya kakayaning huminga ulit nang maluwag. Kasunod ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang madamdaming pag-amin na iyon ng isang Fien Montagne.Tila isang napakagandang musika ang pagbanggit nito ng mga nasabing kataga. Natupad ang isang pangarap niya na may isang lalaki na magpaparamdam at magpapakita ng pag-ibig para sa kanya. Subalit nahahati ang damdami niya sa pagitan ng ligay at lungkot.May katugon ang damdamin nito para sa kanya. Aminado siya sa sarili na mahal din niya si Fien. Subalit hindi naaayon sa pagkakataong mayroon silang dalawa sa masalimuot ng mundo.“Fien, baka nabibigla ka lang sa sinasabi mo,” pagkakaila niya sa totoong nararamdaman. “Engaged ka na kay Viena, at huwag mo akong dahilan para masira ang relasyon ninyo. Huwag mong guluhin ang buhay ko.”‘Dahil ginulo mo na ang puso ko.’ hanggang sa isip na lang ang mga katagang iyon. Aya
“AHM, Myrna ikaw pala.” Napalunok pa siya para kahit paano ay payapain ang sarili. Naroong hinaplos-haplos pa niya ang buhok para mabawasan ang pagkailang sa biglaang pagdating na iyon ng assistant niya dito sa restaurant. “M-may kailangan ka ba akin?”Sa mga titig sa kanya ang babae para siyang isinasalang nito sa hot seat. Si Fien naman ay nagawa pa ring maging tahimik at kalmado. Blangko ang ekpresyon ng mukha na nakatingin sa bagong dating.“Kukunin ko po sana ang naiwanan kong payong, pero mukhang naabala ko po yata kayo ni Sir Fien,” anito na na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng binata. Hindi maiikaila sa mukha nito ang pagka-intriga. “Pasenya na po.”Nadagdagan ang pagkailang niya at para siyang napapaso sa mga mata ni Myrna. “H-hindi iyon katulad ng naiisip mo sa amin, gusto ko lang ipaliwanag sa-”“Okay, Tracy is my girlfriend,” walang ligoy na sabi ni Fien matapos putulin sana nito ang sasabihin niya. Naramdaman pa niya ang pag-akbay nito sa balikat niya.“T-
PARANG natuklaw ng ahas si Fien sa nilalang na iniluwa ng bumukas na pinto sa kanyang opisina. Hindi niya ini-expect ang pagdating nito ngayong umaga at sa pagsisimula niya ng trabaho ngayong araw bilang isang CEO.“Ikaw pala Vie- Hon, napadalaw ka yata ngayon sa akin,” nai-stammer niyang sabi sa bagong dating. Tumayo siya saka inayos pa niya ang suot na coat. Nilapitan niya ang babae at inalalayan ito sa pagpunta sa bakanteng silya sa gilid ng executive desk niya.“No need Fien, nagiging gentleman ka na masyado ngayon ah,” napapantiskuhang sabi nito na nakapagkit na ngiti sa labing may naka-apply na lipstick.“Sorry, nakasanayan ko na kasi,” napakamot siya sa kanyang ulo. Na-realize niya na hindi nga pala sanay si Viena sa mga gentleman’s action niya. Laging nangingibabaw dito ang capacity nito bilang isang strong na babae. Nadala niya dito ang mga kilos na nagagawa niya kay Tracy.Independent woman si Tracy, malakas din ang character nito pero nagtatago ang fragile side nito. At mg
“ANO pong ibig ninyong sabihin ninyo Ma’am?” hindi napigilang tanong ni Tracy sa babaeng biglang lumapit sa kanya sa counter, kung saan naroon si Fien.Ngumiti ang babae pero makahulugan ang tingin sa kanilang dalawa ng binata. “Pasensya na kayong dalawa huh, isa akong manghuhula, ako nga pala si Madam Aura. Nang makita ko kayong dalawa ay may vibes na akong naramdaman sa inyo at huwag kayo mag-alaa, libre naman ang aking hula sa inyo.” Napatawa ito.Naaliw na nagkatinginan sila ng nobyo. Bigla siyang inakbayan ni Fien. “Pero magaling kayo Madam, nahulaan ninyo na magksintahan kami ng magandang may-ari ng Zenai.”Kunwa’y tsiniko niya ito pero naroon ang pamumula ng pisngi niya. “At salamat po sa inyo Madam Aura. Sana nagustuhan n’yo po ang in-order n’yong food dito sa resto.”“Oo naman Miss,” anito saka nagbigay na ng bayad nito. “Anyway, pakatatag kayong dalawa huh. Mapaglaro lang ang tadhana sa inyong dalawa, sana huwag mawala ang pagmamahalan ninyo sa isa’t isa para kayo pa rin sa
“OKAY ka na ba Tracy?” tanong ni Frank sa kanya matapos nitong ihimpil ang kotse sa harap ng tinutuluyan niyang apartment. Inihatid na siya pauwi nito matapos na isara niya ang restaurant sa gabing iyon.Inalis niya ang tingin sa screen ng hawak na cellphone saka tumingin sa kaibigan. “I will be alright Frank, you know me, strong yata ako,” may mapait na ngiting sumilay sa labi niya.“But you’re not strong enough my friend,” concern na sabi nito. “Huwag mong ipilit sarili mo ‘yan. Remember I’m one call away kung kailangan mo ako.”“Isa sa lesson na natutunan ko sa buhay ko, kahit na nasasaktan na ako o inaapakan ako, kailagang ipakita ko na malakas ako,” isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa cellphone niya dahil kanina pa siya may hinihintay na message doon. Biglang balik ng tingin niya sa binatang kaibigan. “Ayokong na maging duwag, kailangan ko pa ring ilaban ang aking sarili.”Tumango ito na puno na simpatya ang bakas sa mukha nito. “I am always here for you, lagi mo akong kar
TILA nag-slow motion ang tingin ni Tracy sa paligid ng kanyang apartment. Lumabas sa banyo si Fien na bagong paligo ito, tanging isang bath towel na puti ang nakatali sa may beywang nito. Na-magneto na naman ang mga mata niya sa nakahantad na katawan ng binata. Tall, lean but muscular. May mga mumunting patak ng tubig na malayang dumadaloy sa malapad na dibdid nito na naglalandas sa flat stomach nito at pababa pa nang pababa.Hindi niya napigilan ang sarili. Namalayan na lang niya na kaharap na niya ang nobyo. Biglang nagtama ang kanilang mga mata. There was flame of desire while staring at each other. Dahil hanggang balikat lang siya nito, kusang yumukod ang ulo nito para salubungin ang naghihintay niyang mga labi.“Are you alright, Tracy?”Bigla siyang napapitlag nang may pumisil na kamay sa baba niya. hiyang-hiya na hinamig niya ang sarili at napagtanto niya na nakaawang pa ang labi niya sa bahagyang pagkatingala kay Fien.‘Imagination lang pala ang lahat, napaka-makasalanan ng isi
NAKITA ni Tracy ang nobyo na nakatayo sa labas ng kotse nito. Nag-park muna ito sa gilid ng kalsada. Napalingon ito sa likuran nito at nakita siyang humahangos papalapit dito.“Thanks God Fien, you’re safe,” sinalubong niya ito ng yakap. Sobra ang pag-aalala niya dahil akala niya ay kasama ito sa nadamay sa naturang aksidente. Hindi maiwasang maging exaggerated siya.Tinapik-tapik nito ang likod niya saka marahang kumalas ng yakap sa kanya. “Actually muntikan na, mabuti na lang at hindi agad ako nakasunod sa kotseng nabangga ng truck.”Nang pagmasdan nila ng nobyo ang dalawang sasakyan, wasak ang tagiliran ng kotse. Nanatiling nakatigil ang mga ito sa kalsada na nagdulot ng traffic sa bahaging iyon ng Sta. Maria. Swerte naman na nakaiwas sa naturang aksidente ang lalaking pinakamamahal niya.“Grabe, pinakaba pa rin ako doon huh,” sa wakas ay nagawa niyang huminga nang maluwag. “Akala ko ay mawawala ka na agad sa buhay ko.”“You’re crazy my dear.” Naiiling na nangingiting pinisil pa ni
BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a
MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin
HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a
“IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko
NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b
“YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”
“ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na
“TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa
“Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl