ANG mukha ni Mena na pagkakilala ni Aling Onang sa kanya at ng dating artista na si Maristella Alonzo, ay iisa. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tracy habang namamasdan ang mga litratong ipinadala sa kanya. Nagpadagdag ng isipin sa kanya ngayong gabi.Tumipa siyang muli ng mensahe sa messaging apps na gamit niya: Dating artista ito ah, bakit tinawag ng iyong Lola Onang na Mena siya?Kumabog ang dibdid niya nang makita niya ang paggalawa ng tatlong maliliit na tuldok sa part ng ka-chat niya. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reply nito.Ibinangon niya ang katawan mula sa pagkakahiga saka naupo na lang sa kama. Nahigit pa niya ang paghinga nang dumating na ang hinihintay niyang reply.‘I’m sorry Miss, wala nang maaala ang Lola ko kung bakit Mena ang tawag niya d’yan sa nasa picture. Tama ka nga, sikat na artista po siya noong araw at huling nasabi ng Lola ko ay idolo daw po n’ya yan.’Gumuho ang mga mumunting hint niya para sana sa pagtuklas sa totoong pagkatao niya. Tinanggap na lan
NAGPALINGA-LINGA ang tingin ni Tracy sa labas ng Celeste. May pilit na hinahanap ang mga mata niya sa unang palapag ng mall. Maya’t maya ang tingin niya sa bawat taong nagdaraan. Naroon na naman ang desperasyon sa kilos niya ng mga sandaling iyon.‘Kailangang makita ko siya,’ sa pagpaling ng tingin niya sa kaliwang direksyon, napako ang tingin niya sa likod ng isang lalaking naglalakad. Halatang coat and tie ang suot nito. mababanaag ang aral na kilos sa paghakbang ng paa. May kasabay ito sa paglalakad na isang babae na marahil ay assistant nito.Nagkakutob siya. Sinundan niya ang dalawang nilalang na umagaw ng atensyon niya. Hindi siya maaaring magkamali. Binilisan pa niya ang paghakbang ng mga paa niya. kailangang maabutan niya ang mga ito.Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya habang papalapit siya sa mga ito. ‘It’s now or never.’“Fi-” ngunit biglang lumingon sa kanya ang lalaking sinundan niya. napatigil ito saglit sa paglalakad.“Is there something wrong, Miss? Sinusunda
“FIEN…” paanas na sambit niya sa pangalan ng lalaking kinasabikan niyang makitang muli, makalipas ang mahigit dalawang taon. Tanging siya lang ang nakarinig ng sariling tinig habang pilit na tinatatagan ang mga mata sa pagkakatitig dito.Tanging siya pa rin ang nakakapagluto ng pagkain na pasok sa panlasa nito. Tama rin ang hinala niya na ito nga ang boss ni Nelia, kahit hindi gaano kalinaw ang pagkakasulat ng pangalan nito sa resibo.Nakita siya nito at alam niya na nakilala siya nito pero kita ang pag-ignora nito sa presensya niya. Napaka-seryoso ng mukha nito na bagay na bagay sa kapormalang taglay.“S’ya nga po pala Sir, s’ya nga po pala ang may-ari ng kinainan nating resto kanina dito San Pascual.” Itinuro ni Nelia si Greggy at maging siya. “At siya po ang cook ng inorder nitong food na nagustuhan ninyo.”Sinundan ni Fien ng tingin ang bawat itinuro ng personal assistant nito. Walang emosyong tinanguan si Greggy at sa kanya naman ay nangunot ang noo nito na naningkit pa. “It’
“PARATING na d’yan ang susundo sa’yo,” imporma ni Greggy kay Tracy habang magkausap sila sa cellphone. “Just in case na makapag-donate ka ng dugo, dumiretsong uwi ka na para makapagpahinga. Ako na muna ang bahala sa naiwang gawain mo dito sa resto.”“Maraming salamat Madam, sana nga po mag-match ang dugo namin ng tita ng friend mo,” aniya na napausal ng panalangin sa isip. Naroon na siya ng labas ng entrance ng Complex. Doon niya hinihintay ang maghahatid sa kanya sa isang private hospital sa Manila.“Sana nga Tracy, para mabawasan ang pag-aalala ng friend ko sa tita niya,” ani pa ng boss niya na narinig pa niya ang paghinga nito. “Oh, siya mag-ingat ka at update mo kaagad ako.”“Sige po Madam, salamat po ulit,” naputol na ang tawag ni Greggy sa kanya. Namataan niya ang isang van at nakita niya ang plate number. Katulad ng ibinigay ng kaibigan ng boss niya kung kaya inihanda na niya ang sarili sa pag-alis.Eksaktong paghinto sa tapat niya ay bumukas ang isang bintana sa gawi niya.
“I can’t believe it Tracy, talaga? Nakita mo na ako sa panaginip mo before?” Natutop pa ni Tessa ang sariling mga labi nito, matapos niyang ikwnento sa babae ang panaginip niya. “Parang déjà vu nga nangyari sa’yo.”Tumango siya matapos niyang mahiga sa kama. “Oo nga, pati ang pagdo-donate ko ng dugo. Natakot lang kasi ako sa last scene na baka magkatotoo.” Inilahad niya ang mga armadong lalaki na dinukot daw siya. Naroon pa rin siya sa hospital, ikinuha siya ng isang room doon ni Tessa para makapagpahinga siya. Delikado sa kagaya niya ang magbyahe kaagad na kagagaling lang sa blood transfusion.Napatawa ito matapos niyang magkwento. “I see, kaya pala parang takot na takot ka kanina nang puntahan kita sa ground floor ng hospital. Huwag ka mag-alala, wala naman dudukot na kung sino sa’yo dito. Kaya, relax ka lang at magpahinga ka muna. Matulog ka na rin.”“Ahm, matanong ko lang, ano nga pala nangyari sa Tita mo at kinailangan niyang masalinan ng dugo?” curious na tanong niya. Nahiy
KAHIT nanginginig ang lahat ng kalamnan ni Tracy, pinili niyang ipayapa ang damdamin niya at maging bugso ng emosyon. Kailangang balansehin niya iyon lalo ngayong nasa trabaho pa siya. Naroon pa rin ang mabilis na tibok ng puso niya sa kaalamang naroon sa restaurant ang totoo niyang ina.Si Leona De la Rosa.Matapos lumapit ni Laila sa kanya, muli itong nagbalik sa table nito kung saan naroon ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Wala naman siyang ibang sinabai sa babae ukol sa totoong relasyon niya sa Lola nito.Lumipas ang ilang minuto, naluto na rin ang order na pagkain ng maglola na sadya niyang pinagdagdagan. Sinamahan niya ang isang lalaking service crew sa pagdadala ng pagkain sa table ng dalawa. Dala naman niya ang isang small-sized square chocolate cake na may ‘happy birthday’ greeting na ipininta gamit ang icing. Siya na mismo ang nagdala n’on.“Happy birthday, M- ahm Lola Onang,” may bumibikig sa lalamunang iniabot sa babae ang dala-dala niyang cake. Hindi niya mapi
UMILING-iling ang ulo ni Aling Onang na sinundan ng pagdaing ang mukha nito. Kapwa sinapo ng kamay nito ang bahaging iyon ng katawan nito. “W-wala ako matandaan. Saka n-nasaan ba ako? ano ang ginagawa ko dito?”Mabilis namang dinaluhan ni Laila ang lola nito na nagsimulang magdeliryo dulot ng sakit. “L-lola, kalma lang po, wala pong mananakit sa’yo dito.”Pakiramdam ni Tracy ay naiwan siyang naka-hang sa pagtawid sa tulay ng katotohanan. Gusto pa niyang usisain si Aling Onang pero hindi naman nakikiayon ang pagkakataon. Naging kritikal namana ang sitwasyon.“May regular bang doctor na tumitingin sa kanya?” tanong niya kay Laila na pilit pinakalma ang matandang babae.“Meron po Ma’am, kaya nga po napunta kami dito sa San Pascual,” sagot ng dalaga. “Ma’am, kailangan ko na po munang maialis dito sa Lola at madala po sa psychiatric clinic. Baka po gumawa siya ng hindi magandang eksena dito sa resto.”“S-sige, pasensya na kung naging matanong ako sa Lola mo,” may munting guilt siyang
HINAYAAN ni Fien na itulak siya ni Camila pahiga sa malambot na kama. Natabunan ng init ng sandali at ng kanilang mga katawan ang malamig na hangin na ibinubuga ng aircon. Kinubabawan siya ng babae at ganap na nitong nahubad ang suot niyang long-sleeves. Sinimulan na rin nitong hubarin ang sarili.He saw the sparks of desire were in her eyes. Sinimulan nitong siilin ng halik ang labi niya. Tinugunan niya ang ginagawa nito sa bahaging iyon ng katawan niya. Katulad ng sinabi niya kanina, hahayaan na niya ang babae na magmanipula sa pinagsasaluhan nila sa gabing iyon.“You always made me crazy about you, Mr. Montagne,” halos pabulong na sabi ni Camila nang minsang maghiwalay ang kanilang mga labi. Sa mga kilos at galaw nito ay masasabing ekperto sa ginagawang pagpapaligaya sa mga kalahi ni Adan.Isa itong mapanuksong Eba.Nginisian niya ito. “Then prove it honey.”Isang naghahamong mga sulyap ang itinapon nito saka sinibasid nito ng halik ang leeg niya. Naramdaman niya ang dila nito
BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a
MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin
HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a
“IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko
NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b
“YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”
“ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na
“TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa
“Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl