Share

Meant to be Yours
Meant to be Yours
Author: Eckolohiya23

Chapter 1

Author: Eckolohiya23
last update Huling Na-update: 2022-07-15 11:40:42

“Everyone is ready na ba?” masayang tanong ni Tracy Alcantara sa mga empleyado niya sa restaurant niyang Zenai’s Diner. May tatlong waiter siya, tatlo ring cook at isang kahera. Tumutulong rin siya sa pagululuto lalo sa mga specialty menu nila. Hindi man kalakihan ang negosyo niya pero kita niya ang pag-asenso.

“Handang-handa na po kami Ma’am,” matikas na sagot ng isa sa mga waiter niya na si Rigor. Katulad ng ibang kasamahan nito, suot na rin nito ang bagong patahing collared t-shirt na may logo ng kainan. Nagsitanguan naman ang iba pa niyang empleyado.

Matamis siyang ngumiti sa mga ito. “Salamat sa inyong pakikiisa, asahan ninyo na mapapagod tayo sa araw na ito. Asahan na natin at sana nga dagsain tayo ng maraming customer mamaya. So do our best at I’ll guarantee naman na may overtime pay kayo.”

SA araw na iyon ay hindi magkamayaw ang maraming tao na dumagsa sa kabayanan ng Sta. Maria. Maya’t maya ang pagdating ng mga sasakyan na may mga sakay na turista na galing pa ibang sulok ng bansa. May mga ilang foreigner din ang naroroon. Tanyag kasi ang bayan sa pamosong Niyogan at Anihan Festival. Ang niyog kasi ang isa sa pangunahing produkto na nagbibigay ng kabuhayan sa mga naninirahang mamamayan. Nagsimula na ring magmartsa at tumugtog ang banda musiko na lumilibot sa buong kabayanan. Isang masaya at masiglang ingay ng kapistahan ang nagaganap. Ang lahat ay abala lalo na ang mga negosyong kainan.

“Lalo akong gaganahan na sarapan pa ang luto ko nito,” ani ng isang cook na si Myrna. Kilala na niya ang babae pagdating sa kahusayan sa kusina. Katabi nito ang isang cook na lalaki na si Menard. Bago pa lang ito sa restaurant niya at inalalayan pa sa sa pagluluto lalo na sa best-selling menu.

Mga ilang minuto pa silang nag-meeting para matiyak na naka-ready na ang lahat. Tiniyak niya na may sapat silang supply ng sangkap ng mga lulutuin at back up kung kailangan ng additional supply. Dalawang taon ang Tracy’s Diner at masasabing nagagamay na niya ang pagiging isang restaurateur.

Sa pagiging isang working student niya ay nakatapos siya ng HRM sa isang state university sa kanilang bayan. Ang restaurant na iyon ay orihinal na pagmamay-ari ng dating amo niyang Mrs. Zenaida Galvez. Namasukan siyang katulong dito noong nabubuhay pa siya. Makalipas ang isang taong pagsisilbi niya dito ay pinag-aral siya nito ng kolehiyo. Sa pagtatapos niya ay naisipang magtayo ng kainan at siya ang kinuha nitong mamahala. Ngunit nagkasakit ito ng malalang karamdaman at naging dahilan ng kamatayan nito. sa last will and testament ay ipinamana nito sa kanya ang restaurant. Wala namang pagtutol sa mga kaanak ng ginang dahil sa ipinakita niyang kagalingan at katapatan sa trabaho niya. Sa edad niyang bente-sais ay na siyang negosyante.

Sa pagkakataong iyon, ganap nang nagbukas ang Zenai’s Diner. Kaagad na nagsipuntahan sa mga trabaho ng mga ito ang mga empleyado niya. Siya naman ay inilagay niya ang sarili para maging parte ng accommodation sa mga papasok na customer. Isang trabaho na nakagawian niya. Gusto niya na personal na babatiin at sasalubungin ang mga kakain sa restaurant niya.

Wala pang sampung minuto, nagsimula na ngang pumasok ang mga customer sa Tracy’s Diner hanggang mapuno na ang capacity. Naging abala na ang lahat para sa kani-kanilang mga trabaho. Mamaya ay tutulong naman siya sa kusina.

Natutuwa na naman siya dahil sa bawat may aalis ng customer ay may pumapasok namang bago. Nagbigay din siya ng promotional flyers para lalong maka-engganyo na sa kanila kumain ang iba pa at maging mabenta rin ang iba pa nilang menu. May mga discount ding ibibigay at free menu basta masunod ang minimum order.

“Hi po good morning Ma’am, welcome po sa dito sa Zenai’s Diner,” magiliw niyang bati sa dalawang matatandang babae na kapapasok lang pinto ng restaurant. Kay-tamis ng ngiti sa labi niya para sa mga ito.

Tinanguan siya ng isa pero kapagdaka’y pinakatitigan nito ang mukha niya. nagtaka at nakadama siya ng pagkailang. “Yes po Ma’am, may problema po ba?”

Kaagad naman itong nagbawi mula sa pagkabigla pero nanatiling nakatitig sa kanya. “Pasensya na Ineng, pero masasabi ko na napakaganda mo at may kamukhang kamukha kang artista.”

“Oo nga hija,” segunda naman ng isang kasamahan nito na pinakatitigan din ang mukha niya. “Iyong sikat na artista ng kapanahunan namin. Iniisip ko nga kung nanay mo ba siya eh.”

Mahina siyang napatawa sa sinabi ng dalawang matandang babae. Flattered naman siya dahil may kamukha pala siyang artista noong araw. Siya kasi ang tipo ng babae na hindi masyadong aware o maarte pagdating sa itsura niya. basta nakapaglagay siya ng konting make-up ay ayos na sa kanya. “Salamat po mga Ma’am at na-appreciate ninyo ang aking mukha. Pero tinitiyak ko po sa inyo na hindi po artista ang aking nanay.”

“Naku, pasensya ka na sa aming ineng. Idolo kasi namin noong kabataan namin ang artistang kamukha mo at sayang nga lang dahil bigla na lang siyang nawala sa showbiz noon,” muling sabi ng unang matandanng babae.

“Pero huwag ka mag-alala hija, kakain naman talaga kami at mukhang masarap ang mga pagkain ninyo dito,” natutuwang sabi ng pangalawa.

Dahil sa pagkaaliw sa dalawang matandang babae ay siya na mismo ang naghatid sa mga ito sa isang bakanteng lamesa. Siya na rin ang nag-abot ng menu book sa mga ito. Ipina-asiste na niya ang mga ito sa isa sa mga waiter.

Sa muling pagbabalik niya sa may pintuan ng restaurant ay bigla siyang napaisip. Sino kayang sinaunang artista ang kamukha niya at tintukoy ng mga ito. Nahiya naman siyang magtanong sa dalawang matanda.

Nagkibit-balikat na lang siya. Natural lang naman na may kamukha ang bawat tao dito sa mundo. Pero may kung anong kuryusidad ang nabuhay sa sistema niya sa sinuman na kamukha niyang iyon. At minsan pa siyang nainggit sa isang pamilya naman ang bagong pumasok lalo sa isang anak na babae na kasama.

MAY halong pananabik ang namahay sa dibdib ni Fien nang pumasok na ang kinaluluanag kotse niya sa malawak na bakuran sa mansyon ng pamilya sa bayan ng Sta. Maria. Dalawang taon ding nawalay siya sa sa sariling bayan at pamilya. Nilabanan niya ang kalungkutang dulot ng pag-alis niya sa dating kompanyang pinagtrabahuhan niya sa Maynila. Mga ilang sandali pa ay natatanaw niya ang apat na palapag na malaking bahay- ang mansyon ng mga Montagne.

Sa paghimpil ng kotseng minamaneho niya sa may porch ay kaagad niyang nakita ang mga taong naghihintay sa kanyang pagdating. Excited ang mga ito napatingin sa sasakyan niya para sa kanyang pagbaba.

Hanggang sa bumaba na nga siya ng kotse niya. kaagad siyang sinalubong ng kanilang mga katulong para kunin ang mga bagahe niyang dala. Naghabilin siya sa isang driver ng pamilya para siyang magparke ng kotse niya.

“Welcome home again my dear unico hijo,” kaylapad ng ngiti sa labi na paglapit sa kanya ng ina niyang si Mrs. Margaux Montagne. Kahit nasa bahay lang ito ay laging naka-postura. Niyakap siya nito ang mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap dito.

Sumunod na lumapit sa kanya ang isang lalaki na may taglay ng katandaan pero may katikasan pa rin ang katawan. Ang kanyang ama naman na si Mr. Fiel Montagne. “Salamat naman anak at hindi mo ako binigo sa pagkakataong ito para sa aking pabor sa’yo.”

“Maraming salamat po Mom at Dad sa muling pagtanggap ninyo sa akin. Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito,” makahulugang sabi niya sa mga magulang na magkasunod niyang tinapunan ng tingin.

Nginitian siya ng ina samantalang tinapik siya sa balikat ng Daddy niya. “And I am thankful hijo na tinaggap mo ang responsibilidad bilang isang Montagne.”

“I miss you hon.” Payakap na lumapit naman sa kanya ang isang balingkinitang babae. Napakaganda nito sa suot na dress na parang isang modelo. Kaagad naman kumalas ito sa katawan niya.

He smiled dryly. “Wow Viena, talagang hinintay mo pa ang pagdating ko dito sa amin.”

“Of course hon, excited na akong makasama ka

my future husband ko.” umarisete naman ito sa kanya. “Gusto na kitang makasama kasi malapit na naman akong umalis ng Pilipinas.”

Isang ramp-model si Viena at madalas na nasa abroad ang trabaho nito. Nangako naman ito na iiwan na ang trabaho kapag kasal na sila at handa daw itong maging plain housewife. Anak ito ng malapit na kaibigan na pamilya nila at ipinagkasundo na silang dalawa sa isa’t isa.

“Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob ng bahay para makakain na, lalo ka na hijo,” baling ng ina niyang si Margaux. “Take note, si Viena pa ang personal na nagluto ng mga putahe ngayong gabi.”

Kunwa’y nahiya pa si Viena pero makikita sa kislap ng mga mata nito ang pagka-proud. “Ang Tita talaga oh, talagang ibinuko pa ako dito kay Fien.”

Mahinang napatawa ang Mommy niya. Tanging ngiti lang ang naging tugn niya.

“Ayan Fien.” Pagtapik muli ng Daddy niya sa kanyang balikat. “Ngayon pa lang ay pinapatunayan na ni Viena na handa kang pagsilbihan.”

Napahigikhik ang dalawang babae sa patriyarka ng Montagne. Hanggang si Margaux na ang nag-ayang muli na pumasok sa loob ng mansyon ng pamilya. Alam ni Fien na sa pagpasok niya sa marangyang tahanang iyon ay pagpasok niyang muli ng pagtanggap sa buhay na itinakda ng ng mga magulang niya. Pikit-matang gagaawin niya ang lahat para hindi biguing muli ang Daddy niya.

PAGOD na pagod si Tracy pagkaupo niya sa isang bakanteng upuan sa bus na sinakyan niya ng gabing iyon. Pabalik na siya ng Sta. Maria at sa restaurant ang diretso muna niya. Sinipat niya ang dalang bag na may kalakihan na nasa paanan niya. Kinailangan niyang magtungos karatig-bayan na Amante para mabili ng sangkap para sa mga specialty food na ino-offer ng Zenai’s Diner. Tamang-tama na naka-pwesto siya sa tabi ng bintana.

Nagsend muna siya ng message sa group chat ng mga kasamahan niya sa restaurant para sabihing pabalik na siya doon. Nasa thirty minutes din ang itatagal ang byahe niya bago makarating sa sariling bayan.

Naramdaman niya ang paghinto ng bus sa isang bus-stop para magbaba at magsakay ng pasahero. Hanggang sa naramdaman niya na may naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. narinig niya ang pag-igik n’on ng sinumang bagong pasahero na sumakay.

Biglang nalanghap ng ilong niya ang isang napakabangong sanghaya ng isang male perfume. Hindi maikakaila na na nanggagaling iyon sa katabi niyang pasahero. Naagaw tuloy nito ang atensyon niya.

“Sino kaya siya? Ang bango-bago niya ah,” may papuring sabi niya sa sarili. Mula sa sulok ng mga mata niya ay palihim niyang pinagmasdan ang katabi. Hinid niya ganap na masilayan nang buo ang mukh nito. Prominente ang makinis at maputi nitong balat.

Isang malaking attraction para sa kanya ang ganoong katangian ng lalaki. Nang maramdaman niya na gumalaw ito at tila titingin sa gawi niya, mabilis niyang inalis ang atensyon dito.

Itinutok niya ang mga mata sa panonood ng isang movie na nakasalang sa player sa bus. Saka lang niya napansin na isang family drama movie ang palabas. Marahil ay wala nang maisip na i-play na movie ang conductor kung kaya iyon ang naipalabas.

Subalit napukaw ang atensyon niya sa pinapanoond na pelikula. Naantig ang damdamin niya sa isang eksena, ang bidang babae ay humihingi ng pagkalinga sa mga magulang nito. Iyong ginawa na nito ang lahat para matanggap ng ama at ina. Tila nakita niya ang sarili sa naturang eksena.

At hindi tuloy niya namamalayan na umiiyak na pala siya. Panay singhot niya sa mga kamay niya dahil wala siyang mahagilap na pwedeng pampahid man lang. masyado na siyang nadadala sa pinapanoood.

“Take it,” anang ng isang baritonong boses ng isang lalaki na siyang katabi niyang pasahero. At isang panyong puti ang iniaabot nito sa kanya. An unexpected gesture from a stranger.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Diche Ian Lagumbay
mukhang may mabubuong pag ibig sa bus
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
parang ako lng ganyan din kpag nanonood nadadala sa pinapanood cno kaya ung lalaking nagbigay ng panyo sa knya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Meant to be Yours    Chapter 2

    WALANG pagngiming tinanggap ni Tracy ang panyong iniabot sa kanya ng katabi niyang pasahero. Kaagad niyang ipinampahid iyo sa luha sa mukha niya. Nahihiya siya sa sarili at sa katabi dahil naging mababaw ang emosyon niya sa napapanood na pelikula sa bus na kinaluluaanan niya.“T-thank you,” paglingon niya sa katabi. Napaawang ang labi niya nang mamasdan ang mukha ng lalaki na kapwa pasahero niya. Mestizo ito, ang mukha ay binagayan ng may kakapalang kilay, ang may pagka-chinitong mga mata at tamang pagkatangos ng ilong. Ito ang depinisyon ng gwapo na mukhang suplado. Isang paghanga kaagad ang naiukol niya sa estranghero kahit ngayon lang niya ito nakita.“It’s alright Miss,” ang baritonong boses nito ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Bahagyang naningkit ang mga mata nito sa pagtingin sa mukha niya. “Ayoko lang magmukhang pinapaiyak kita at baka kung ano ang isipin sa atin ng ibang pasahero. Kung may vacant seat nga lang ay kanina pa ako lumipat.”Napahiyang nagbawi siya ng tingin

    Huling Na-update : 2022-07-15
  • Meant to be Yours    Chapter 3

    ANG ama na si Hernando ang nabungaran ni Tracy sa salas. Nakaupo ito sa sofa saka nakatingin sa kanya. “Opo Pa, kauuwi ko lang po, namili pa po kasi ako ng mga rekado sa Amante.”Tumango-tango ito sa tinuran niya. “Mabuti naman kung gano’n. Halatang pagod na pagod ka nga. Wala akong masabi sa kasipagan at pagpupunyagi mo sa buhay.”She smiled bitterly. “Kailangan kong gawin Pa, para sa sarili ko. all the time ay sarili ko mismo ang aking kakampi. Kapag ako pa ang sumuko ay lalo akong talo.”Sa mga salitang binitawan niya ay sapat na para maging malaman iyon. May katipiran man pero kahit papaano ay nailabas niya ang mga hinaing at sama ng loob sa pamilyang mayroon siya. At kung pamilya ngang maiituring.May tila guilt na kumislap sa mata ng ama sa pagkakatitig nito sa kanya. Kasunod ang tila pag-iwas na ng mga tingin. “Halika ka nga muna Tracy, gusto lang kitang makausap man lang. iyon ay kung okay lang sa’yo.”Tumango siya saka kusang tinabihan si Hernando sa kinauupuan nito. may sagli

    Huling Na-update : 2022-07-15
  • Meant to be Yours    Chapter 4

    ALAS- TRES ng madaling araw, kinailangang pumasok nang maaga ni Tracy sa restaurant. May biglaang natanggap na bulk ng order ng breakfast ang kainan. Isang breakfast serving para sa isang conference ng mga negosyante sa Sta. Maria at karatig-bayan. Hindi niya pinapalagpas ang mga nasabing pagkakaton dahil isang paraan iyon para makilala pa ang Zenai’s Diner. Pinapasok na rin niya nang maaga ang mga kasamahan niya pero baka parating pa lang ang mga ito.Kaya ko ito! aniya na sinimulan na niya ang trabaho. Dala ang isang bowl na kinalalagyan ng mga bahagi ng manok na ibinabad niya nang magdamag sa asin at asukal. Marahan niyang inilagay iyon sa steaming machine para maluto nang ganap ang karne. Mamaya ay ipa-fry na niya iyon. Ang kanilang fried chicken ang isa sa best-selling menu nila. Ayon sa mga customer nilang nakakain ay walang panama doon ang kaparehong produkto sa mga nasa fast-food chain.Sinimulan na rin niyang i-check ang iba pang menu para matiyak na kumpleto at maayos na ma

    Huling Na-update : 2022-07-15
  • Meant to be Yours    Chapter 5

    “TOTOO po ba talaga ito, Ma’am?” naniniguradong tanong ni Tracy sa medical technologist na nag-cross check ng dugo niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding panlulumo.“Yes Ma’am, I’m sure about sa accuracy ng result,” kaagad na tugon ng medtech. “Hindi po kayo magkapareho ng blood type ng father mo, type O po siya samantalang kayo po ay AB Negative.”Mariin siyang napailing. “I can’t believe it. Napaka-impossible po ng result na ito.”Nakakaunawang tumingin pa ito sa kanya. “Ngayon n’yo lang po ba nalaman ang inyong blood type Ma’am?”“Actually yes, simula nang malaman ko na parehong type O dugo ng mga magulang ko ay nag-assume ako na ganoon na rin ang blood type ko. Kaya nga hindi ako nag-atubiling mag-donate ng dug okay Papa,” may mga kung anong nagsi-sink-in sa utak niya dahil sa resultang iyon.“I’m sorry Ma’am pero hindi po talaga kayo pwede maging blood donor sa father ninyo. Same blood type lang po ang kailangang maisalin sa kanya,” dagdag imporma ng medtech. “Much bett

    Huling Na-update : 2022-08-19
  • Meant to be Yours    Chapter 6

    MAKALIPAS ang isang linggo ay nakalabas na rin ng hospital ang ama ni Tracy at nagpapagaling na muna ito. Nang hapong iyon ay maaga siyang umuwi ng kanilang bahay. Kahit paano ay maayos ang pakikitungo ng ina sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbabayad sa gastusin ng ama sa pagpapagamot. Bukal naman sa kalooban niya ang ginawa at marunong pa rin siyang tumanaw sa mga ito. Kinalimutan muna niya saglit ang mga gumugulo sa isip niya nitong mga nagdaang araw.Malaya siyang nakapasok sa loob ng bakuran habang bitbit ang isang basket ng prutas. Pasalubong niya iyon sa ama. May mumunting pagkasabik siyang nadarama habang papalapit siya sa bahay ng kanilang pamilya. Sumapit na nga siya sa harap ng pinto.“Alam mo Ma at Pa, nagtataka lang ako,” sabi ni Lyra. “Magkakapareho tayo ng blood type pero bakit si Ate Tracy ay hindi. Iniisip ko nga kung totoong kapatid ko ba siya?”“Huwag kang mag-isip ng kung ano,” may pananaway na boses ni Hernando. “Kahit paano ay kapatid mo pa rin siya. Salamat na

    Huling Na-update : 2022-08-20
  • Meant to be Yours    Chapter 7

    “T-Tracy, ikaw ba ‘yan?” naniniguradong tanong ng isang tinig ng lalaki.Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa driver ng nasakyan niyang kotse na bigla niyang pinara. Tumambad sa kanya ang mukha ng isang lalaki. Sa una ay inarkohan niya ito ng kilay pero nanlaki ang mga mata niya, pagkakilala dito. “F-Frank?!”Bigla itong ngumiti saka pinisil ang baba niya. “Sabi ko na nga ba at ikaw ‘yan, Tracy. Kaya nga tinigilan kita kanina kasi pamilyar. What happened?”Ibinalik nito ang atensyon sa pagmamaneho. Nasa daan ang konsentrasyon nito pero nakabukas ang tainga para pakinggan siya.Saka lang niya naramdaman ang pagkawala ng kalasingan niya dahil sa ginawa niyang pagtakbo. Swerte niya na ang long-lost bestfriend niyang guy ang nasakyan niya. Kung nagkataon ay baka napahamak na siya nang tuluyan. Inabutan siya nito malinis na towel para ipampahid niya sa pawisang mukha. Inikwento niya sa binata ang nangyaring rebelasyon at katatapos na nangyari. “Masyado kasi akong nasaktan sa mga nalaman k

    Huling Na-update : 2022-08-21
  • Meant to be Yours    Chapter 8

    “AYOS ka na ba dito, Tracy?” tanong ni Frank sa kanya matapos nitong buhatin ang isang malaking bag na kinalalagyan ng mga damit at gamit niya. Naroon sila sa loob ng apartment na siyang magiging bagong tirahan niya.Parang nanghihina siyang napaupo sa isang silya na naroon. “Huwag ka mag-alala Frank, magiging maayos naman ako dito. Maraming salamat huh sa pagtulong mo sa akin at talagang pinatunayan mo na kaibigan nga kita.”Ngumiti ang binatang kaibigan. “Sabi na eh, may purpose talaga ang pagbabalik ko dito sa Sta. Maria. Mga bata pa lang tayo ay magkaibigan na tayong dalawa. At alam mo na basta kaya ko, handa kitang tulungan.”Kaninang pinalayas siya ni Consuelo niya sa kanilang bahay, si Frank ang unang sumagi sa isip niya para lapitan. Palibhasa ay kapit-bahay lang nila ito, kung kaya ay napuntahan niya ito kaagad. Gamit ang kotse nito, sinamahan siya nito sa paghahanap ng matutuluyan niya dito sa kabayanan.“Maraming salamat huh,” nagpipigil na mapaiyak na sabi niya. “Sa’yo ko

    Huling Na-update : 2022-08-22
  • Meant to be Yours    Chapter 9

    “ANO, okay ka na ba?” tanong ni Frank kay Tracy at inabutan siya nito ng bottled water. Muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina. Umalis na rin ang Papa niya at binilinan siya nito na patuloy na mag-ingat.Tinanggap niya mula sa binata ang mineral water, binuksan niya ang bote at ininom niya ang tubig. Nang matapos sa pag-inom ay binalingan niya itong muli. “Bakit ba masyadong ma-drama ang araw na ito para sa akin Frank?”“Oo nga, parang teleserye eh.” Napatawa ito nang mahina para pagaanin ang kalooban niya.“Maraming salamat huh, dahil palagi kang nariyan para sa akin,” bukal sa loob na sabi niya dito pagkainom niya. “Mapalad ako na bestfriend kita at lagi kong karamay sa mga nangyayari sa buhay ko.”Kahit binasted niya ito noong college pa sila ay hindi nabago ang friendship nilang dalawa ni Frank. Nanatili itong nasa tabi niya at madalas na dito niya nasasabi ang hinanakit at sama ng loob niya sa buhay. Sobrang lungkot niya noong magtrabaho na ito sa Manila dahil nasanay na siy

    Huling Na-update : 2022-08-23

Pinakabagong kabanata

  • Meant to be Yours    Finale

    BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a

  • Meant to be Yours    Chapter 94

    MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin

  • Meant to be Yours    Chapter 93

    HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a

  • Meant to be Yours    Chapter 92

    “IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko

  • Meant to be Yours    Chapter 91

    NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b

  • Meant to be Yours    Chapter 90

    “YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”

  • Meant to be Yours    Chapter 89

    “ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na

  • Meant to be Yours    Chapter 88

    “TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa

  • Meant to be Yours    Chapter 87

    “Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl

DMCA.com Protection Status