Share

Chapter 6

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2022-08-20 14:07:58

MAKALIPAS ang isang linggo ay nakalabas na rin ng hospital ang ama ni Tracy at nagpapagaling na muna ito. Nang hapong iyon ay maaga siyang umuwi ng kanilang bahay. Kahit paano ay maayos ang pakikitungo ng ina sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbabayad sa gastusin ng ama sa pagpapagamot. Bukal naman sa kalooban niya ang ginawa at marunong pa rin siyang tumanaw sa mga ito. Kinalimutan muna niya saglit ang mga gumugulo sa isip niya nitong mga nagdaang araw.

Malaya siyang nakapasok sa loob ng bakuran habang bitbit ang isang basket ng prutas. Pasalubong niya iyon sa ama. May mumunting pagkasabik siyang nadarama habang papalapit siya sa bahay ng kanilang pamilya. Sumapit na nga siya sa harap ng pinto.

“Alam mo Ma at Pa, nagtataka lang ako,” sabi ni Lyra. “Magkakapareho tayo ng blood type pero bakit si Ate Tracy ay hindi. Iniisip ko nga kung totoong kapatid ko ba siya?”

“Huwag kang mag-isip ng kung ano,” may pananaway na boses ni Hernando. “Kahit paano ay kapatid mo pa rin siya. Salamat naman Lyra sa pagdugtong mo sa buhay ko, dahil bawal magdonate ng dugo sa akin ang Mama mo.”

“Pero Hernando, bakit hindi pa natin sabihin ang katotohanan sa magkapatid,” sabad ni Consuelo. “Na si Lyra talaga ang totoong Alcantara at si Tracy ay hindi naman talaga natin kadugo.”

“Totoo po ba ‘yan Ma?” hindi makapaniwalang tanong ni Lyra.

“Kung sa atin ay pwede nating malaman pa ‘yan pero kay Tracy,” alanganing sabi ni Hernando. “Mas mabuti pang maging lihim sa kanya ang lahat.”

Nabitiwan ni Tracy ang dalang basket ng prutas sa naulinigang pag-uusap ng kinagisan niyang pamilya. Nagkaroon na ng kumpirmasyon ang mga hinala niya simula nang malaman niya ang totoong blood type niya.

Bigla niyang naitulak ang dahon ng pinto at pumasok siya sa loob ng kabahayan. “At karapatan kong malaman ang katotohanang ‘yan Pa. Hindi n’yo na maipagkaila sa akin ang lahat dahil narinig ko ang inyong usapan.”

Parang iisang mata na napako sa kanya ang tingin ng tatlo. Parehong nagulat ang mukha ng mga ito pagkakita sa presensya niya lalo na ang Papa niya.

“A-andyan ka pala, Tracy,” namumutlang sabi ng Papa niya. “Wala naman akong balak na itago sa’yo ang katotohanan sa pagkatao mo.”

Tumayo bigla si Consuelo buhat sa pagkakaupo nito sa single-seater. “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa dito Hernando.” Tumingin sa kanya ang ina. “Tama ang narinig mo Tracy, hindi ka namin totoong anak. Ang dahilan kung bakit iba ang blood type mo sa amin.”

At parang rolyo ng pelikula na nagbalik sa alaala niya ang mga sandali ng malungkot na bahagi ng kabataan niya. Ang kakaibang pagtrato sa kanya nina Consuelo at Lyra. Ang dahilan kung bakit parang si Hernando ang nakakaunawa sa kanya pero mayroon pa ring reserbasyon.

Hindi niya napigilan ang sarili ang mapaiyak sa harap ng pamilyang kinagisna niya. “Kung ganoon po, s-ino po ang aking totoong mga magulang?”

Matindi ang nararanasan niyang paghihirap ng kalooban niya. Isang masakit na katotohanan ang natuklasan niya sa araw na iyon. Wala siyang magawa kundi ang maging saksi ang luha sa mata niya.

“Hija, ipinaampon ka sa amin ni Leona Dela Rosa noong sanggol ka pa lang. Hindi ko siya matanggihan da-”

“Siya ang unang nobya ni Hernando,” putol ni Consuelo sa sasabihin pa sana ni Hernando. “Masakit para sa akin ang ginawa niyang pag-ampon sa’yo. Ang malaking dahilan kung bakit wala akong amor sa’yo Tracy. Naging kabit siya ng asawa ko ang ina mong ‘yun. Naalala kita sa kanya.”

Pakiramdam niya ay nakatanggap siya ng magkabilang sampal sa sinabing iyon ni Consuelo. Ganap na luminaw sa kanya ang lahat kung bakit kalupitan ang inaabot niya dito.

Si Lyra ay nakamasid lang sa mga nangyayari. Naaalala niya na sa tuwing magkakamali ang kinagisnan niyang kapatid ay siya ang napagbubuntunan ng galit ni Consuelo. Madali dito na saktan siya dahil hindi naman pala siya totoong anak. Hindi siya totoong San Nicolas.

Minsan pa siyang napaiyak sa mga katotohanang iyon. Kung may isang bagay man siyang gustong gawin ngayon, iyon ay ang mabuo niya ang pagkatao niya.

“May ideya ba kung saan ang totoo kong ina?” tanong niya na parehong tumingin sa mukha ng kinagisnan niyang mga magulang. Nagsisimula nang kumalma ang matinding emosyon niya.

Napuno ng kalungkutang bumadha sa mukha ni Hernando. Kasunod ang marahang pag-iling nito. “Matapos ka niyang iwanan sa akin Tracy ay hindi na siya nagpakitang muli sa akin. Wala na ako naging balita sa kanya.”

“Iyon ang huling pagkikita nila,” dugtong ni Consuelo. “Okay na sana eh dahil naputol ang ungnayan nila. Pero nag-iwan siya ng alaala ang babaeng iyon at ikaw ‘yun!”

Pinahid niya ang pinakahuling luhang dumaloy sa mukha niya. Matatag niyang hinarap ang mga ito. “Huwag kayong mag-alala Ma, Pa, nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa ninyong pagkupkop sa akin. Sa pagkakataong ito, hahanapin ko ang totoo kong ina. Maraming salamat inyo.”

NAKADARAMA na ng pagkahilo si Tracy sa kinaroroonang waiting shed. Inabot na siya ng dis-oras ng gabi sa pag-iinom niyang mag-isa sa isang bar. Ginusto niyang magpakalango sa alak matapos malaman ang katotohanan ukol sa pagkatao niya. Pinili niya ang mag-isa sa gabing iyon. Parang gusto niyang magalit sa mundo sa mga sandaling iyon.

Dahil sa kalasingan niya ay gusto na niyang makauwi sa tinutuluyang apartment. Inabot pa yata siya ng kamalasan dahil walang nagdaraang tricycle. Tinatamad naman siyang pumunta sa pila ng TODA.

Nakadama siya ng takot nang mamataan ang dalawang lalaki sa kalayuan. Itinuro pa siya ng mga ito at halatang target siyang malapitan. Sa mga kilos nito ay halatang hindi gagawa ng maganda. Nababalita pa naman sa kanilang bayan ang mga babaeng nari-rape ng mga adik. Hindi rin kasi isang daang porsyento na safe ang Sta. Maria.

Bago pa man tuluyang makalapit sa kanya ang mga ito, pasimple siyang lumakad palayo sa waiting shed hanggang sa tumakbo na nga siya. Narinig niya ang pagsigaw ng isang lalaki at ramdam niya ang paghabol ng mga ito sa kanya.

Takot na takot na siya dahil nasa panganib ang buhay niya. Kahit naliliyo siya ay pilit pa rin siyang tumakbo ng mabilis. Ngunit unti-unting nannghihina na siya.

‘Lord, please save me.’ Dalangin niya. napatigil siya sa pagtakbo dahil hingal na hingal na siya. Palapit nang palapit sa kanya ang mga lalaking humahabol sa kanya.

Dahil kadesperaduhan, lakas loob niyang pinara ang isang paparating na kotse. Sa kabutihang palad ay tinigilan siya nito. Kaagad siyang sumakay nang pagbuksan s'ya ng pinto ng nasabing sasakyan. Nawala sa isip niya ang panibagong panganib sa ginawa niya kung sakali.

Bahala na.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
RIAN
Ampon si Tracy, sabi na nga ba. Naluha ako
goodnovel comment avatar
Juvy Pem
Si Fien na yun, ayyyeeehh
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
sabi ko n nga d tunay n anak c Tracy kc iba tlga ung trato sa knya ng inakala nyang ina nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Meant to be Yours    Chapter 7

    “T-Tracy, ikaw ba ‘yan?” naniniguradong tanong ng isang tinig ng lalaki.Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa driver ng nasakyan niyang kotse na bigla niyang pinara. Tumambad sa kanya ang mukha ng isang lalaki. Sa una ay inarkohan niya ito ng kilay pero nanlaki ang mga mata niya, pagkakilala dito. “F-Frank?!”Bigla itong ngumiti saka pinisil ang baba niya. “Sabi ko na nga ba at ikaw ‘yan, Tracy. Kaya nga tinigilan kita kanina kasi pamilyar. What happened?”Ibinalik nito ang atensyon sa pagmamaneho. Nasa daan ang konsentrasyon nito pero nakabukas ang tainga para pakinggan siya.Saka lang niya naramdaman ang pagkawala ng kalasingan niya dahil sa ginawa niyang pagtakbo. Swerte niya na ang long-lost bestfriend niyang guy ang nasakyan niya. Kung nagkataon ay baka napahamak na siya nang tuluyan. Inabutan siya nito malinis na towel para ipampahid niya sa pawisang mukha. Inikwento niya sa binata ang nangyaring rebelasyon at katatapos na nangyari. “Masyado kasi akong nasaktan sa mga nalaman k

    Last Updated : 2022-08-21
  • Meant to be Yours    Chapter 8

    “AYOS ka na ba dito, Tracy?” tanong ni Frank sa kanya matapos nitong buhatin ang isang malaking bag na kinalalagyan ng mga damit at gamit niya. Naroon sila sa loob ng apartment na siyang magiging bagong tirahan niya.Parang nanghihina siyang napaupo sa isang silya na naroon. “Huwag ka mag-alala Frank, magiging maayos naman ako dito. Maraming salamat huh sa pagtulong mo sa akin at talagang pinatunayan mo na kaibigan nga kita.”Ngumiti ang binatang kaibigan. “Sabi na eh, may purpose talaga ang pagbabalik ko dito sa Sta. Maria. Mga bata pa lang tayo ay magkaibigan na tayong dalawa. At alam mo na basta kaya ko, handa kitang tulungan.”Kaninang pinalayas siya ni Consuelo niya sa kanilang bahay, si Frank ang unang sumagi sa isip niya para lapitan. Palibhasa ay kapit-bahay lang nila ito, kung kaya ay napuntahan niya ito kaagad. Gamit ang kotse nito, sinamahan siya nito sa paghahanap ng matutuluyan niya dito sa kabayanan.“Maraming salamat huh,” nagpipigil na mapaiyak na sabi niya. “Sa’yo ko

    Last Updated : 2022-08-22
  • Meant to be Yours    Chapter 9

    “ANO, okay ka na ba?” tanong ni Frank kay Tracy at inabutan siya nito ng bottled water. Muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina. Umalis na rin ang Papa niya at binilinan siya nito na patuloy na mag-ingat.Tinanggap niya mula sa binata ang mineral water, binuksan niya ang bote at ininom niya ang tubig. Nang matapos sa pag-inom ay binalingan niya itong muli. “Bakit ba masyadong ma-drama ang araw na ito para sa akin Frank?”“Oo nga, parang teleserye eh.” Napatawa ito nang mahina para pagaanin ang kalooban niya.“Maraming salamat huh, dahil palagi kang nariyan para sa akin,” bukal sa loob na sabi niya dito pagkainom niya. “Mapalad ako na bestfriend kita at lagi kong karamay sa mga nangyayari sa buhay ko.”Kahit binasted niya ito noong college pa sila ay hindi nabago ang friendship nilang dalawa ni Frank. Nanatili itong nasa tabi niya at madalas na dito niya nasasabi ang hinanakit at sama ng loob niya sa buhay. Sobrang lungkot niya noong magtrabaho na ito sa Manila dahil nasanay na siy

    Last Updated : 2022-08-23
  • Meant to be Yours    Chapter 10

    LET’S give them a big round of applause for, Miss Viena De Villa and Mr. Fien Montagne,” muling sabi ng emcee. “On their engagement ceremony.”Mula sa pinto sa gitna ng stage ay lumabas ang dalawang magkapareha. Napakaganda ng dalagang De Villa sa suot evening gown na halatang mamahalin at masasabing designer’s style. Napaawang ang labi ni Tracy nang mamasdan ang binatang Montagne.‘S’ya pala ‘yun,’ hindi makapaniwalang sabi niya. Ang binatang magiging engage sa gabing iyon, walang iba kundi ang lasing na lalaki na kinukop at pinakain niya sa kanyang restaurant. Hinding- hindi niya malilimutan ang itsura nito. Kahit may kapormalan ang mukha nito sa gabing iyon, nagpadagdag lang ‘yun ng appeal sa kagwapuhang taglay.May isang bahagi ng puso niya ang nalungkot sa kaalamang nakatakda na ang lalaki sa iba. ‘Umayos ka Tracy, hindi ka nababagay sa isang Fien Montagne. Isa siyang Montagne!’Naipilig niya ang ulo sa isiping iyon. Namalayan na lang niya na nagkaroon ng drinking of wine ang mga

    Last Updated : 2022-08-24
  • Meant to be Yours    Chapter 11

    “Fien Montagne!?”Kanina lang ang mukha nito ay laman ng isip niya. May isang bahagi ng puso niya ang lihim na nagsasaya sa mga sandaling iyon. Sumasabay ang kakaibang tibok ng puso niya sa pagkakapit ng kamay niya sa seradura ng pinto.‘Ano ba kasing mayroon ka at ganito na lang ang epekto mo sa akin huh?’ ang mga tanong na hindi kayang maisatinig ng labi niya. Sinasaway na siya ng isang bahagi ng utak niya pero ang puso niya ay handang ipagkanulo siya.‘Calm down, Tracy!’“Kakain ako, give me the menu,” bossy na utos ni Fien kay Tracy pagka-okupa nito sa isang table. Dumiretso kaagad ito ng pasok sa loob ng restaurant matapos niyang pagbuksan ito ng pinto. Sa hindi malamang dahilan ay nagawa niya itong pagbuksan.Naguguluhang nilapitan niya ang binata. “Pero Mister, nabasa mo naman siguro sa sign ng pinto na close na kami. Saka, mag-aalas diyes na ng gabi.”Isang seryosong tingin ang ibinigay nito sa kanya. Tiningala pa siya nito. “This is how you treat your customer, Miss?”“Miss T

    Last Updated : 2022-08-25
  • Meant to be Yours    Chapter 12

    BAGO pa ganap na tawirin ni Fien ang nalalabing pagitan ng mga mukha nila ni Tracy ay biglang nag-angat ang isang kamay nito. Naramdaman ng dalaga ang biglang pagpahid nito sa may gilid ng labi niya gamit ang tissue.“May dumi ka lang sa mukha mo, Miss Alcantara,” walang emosyong sabi nito matapos ilayo ang sarili sa kanya. “Hindi mo lang napansin dahil kahit ikaw ay nasarapan sa sariling luto mo.”Napainom tuloy siya ng tubig ng wala sa oras. “A-Ahm, thank you. Ganito talaga ako, hindi nagiging aware sa sarili ko kapag napasarap ako ng kain.” Napatawa siya ng mahina kasunod ang pagpilig niya ng ulo.Nanatiling seryoso ang badya ng mga chinitong mga mata nito. “No worries, hindi naman kita masisisi dahil sadyang masarap ka magluto.”Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya sa papuri nito. Malungkot tuloy niyang naalala ang isang bahagi ng nakaraan niya. Excited siya sa pagdating ng Mama niya noon kahit pagod na pagod siya sa pagluluto.Flashback.“Ma, happy birthday po!” ang

    Last Updated : 2022-08-26
  • Meant to be Yours    Chapter 13

    “CONFIRMED nga na kamukha ko ang artista na ‘yan. Akala ko ay nama-malikmata lang ako,” aniya na may hindi maipaliwanag na pakiramdam ang bumalot sa dibdib niya.“Ikaw huh, hindi mo sinabi sa akin na nag-artista ka pala noong 90’s,” nagbibirong sabi nito. Nagawa pa nitong ngumisi sa kabila ng pagkamangha.“Sir ka!” natatawang sabi niya dito. “Hindi pa ako tao ng mga taong ‘yan. Pero bigla akong na-curious sa artistang ‘yan. Siguro s’ya ang tinutukoy ng dalawang babaeng kumain sa restaurant na kamukha ko raw na artista.”“Tingnan nga natin ang pangalan nitong kamukha mo.” Sinipat nito ang cover ng lumang magazine. “Maristela Alonzo.”“Maristela Alonzo, parang narinig ko na nga before ang pangalang ‘yan,” amused niyang sabi. “Hindi ko lang matandaan kung saan.”“Ang mabuti pa ay search natin sa internet at baka may mga existing data siya,” ani Frank na nauna nang nagpunta sa sofa at saka naupo doon. Napasunod na rin siya sa kaibigan.“Oo nga, search natin ang name niya,” naupo siya sa

    Last Updated : 2022-08-27
  • Meant to be Yours    Chapter 14

    “PAKATATAG ka hija, basta lagi mong tandaan ay lagi kang may lugar dito sa puso ko. Mananatiling apo kita at lola ako sa’yo anuman ang mangyari, Tracy.” Hinaplos-haplos pa ni Lola Meding ang buhok niya. Magkatabi silang nakaupo ng abuela sa sofa sa loob ng salas. Muli silang bumalik sa naturang lugar matapos ang pamamahiya ni Consuelo sa kanya.“Maraming salamat po, Lola,” naluluhang sabi niya sa matandang babae na puno ng pagmamahal sa kanya. Humupa na rin ang damdamin niya na natamo niya kanina. “Kayo ang malaking dahilan kung bakit inisiksik ko ang sarili ko sa pamilyang kinamulatan ko.”“Isipin mo na muna ang sarili mo sa pagkakataong ito hija,” payo nito sa kanya. “Live at your own at huwag na munang bumalik kina Hernando. Ayoko na mabalitaan kong muli na inaapi ka ni Consuelo. Tama na ang nangyari kanina.”Tumango siya. “Ang Papa lang at kayo po ang aking kakampi sa pamilyang ito, Lola. Siguro kung wala po kayo, ay hindi ko mararanasan ang magkaroon ng isang pamilya.”Bagama’t m

    Last Updated : 2022-08-28

Latest chapter

  • Meant to be Yours    Finale

    BUMUKAS ang gate ng malaking bahay at pumasok doon ang isang van. Ngunit tumigil din iyon pagkalagpas pa lang sa gate. Bumukas ang pinto n’on sa may passenger’s seat at bumaba ang isang babae. Walang iba kundi si Tracy. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay at maging ng paligid na kinatatayuan nito.Bumuntong-hininga siya. “This is another beginning for my life. Sana nga ang lahat ay totoo na. Kahit mag-isa ako ay pipilitin kong magiging masaya basta naroon ang real happiness na pinapangarap ko.”Umandar muli ang sinakyan niyang van, papalayo sa kanya. Nagpunta na ito sa may porch ng malaking bahay. Ang isang lugar na pinili niyang magsimula ng panibago at pagpapatuloy niya.Marahan siyang lumakad muli na inaaliw ang sarili sa bawat bagay na nakikita niya sa paligid. Sa bawat paghakbang ng paa niya sa paligid ay humahakbang din ang alaala niya sa nakaraan at kahapon niya. Ang humulma sa pagiging Tracy niya ngayon.Then she reminiscing the every single moment…Bata pa lang siya a

  • Meant to be Yours    Chapter 94

    MATAPOS maglakad-lakad ni Tracy nang umagang iyon sa bakuran ng bahay, naisipan niyang tumambay sa garden ng Lola Meding niya. Doo’y malaya niyang pinagmasdan ang paligid lalo ang mga halamang alaga ng abuela niya. Lumanghap din siya ng sariwang hangin sabay haplos sa tiyan niya. Unti-unti na iyong nakikitaan ng baby bump at hindi pa nga lang malaki talaga. Nakakain na rin siya ng almusal pero may craving siya sa isang matamis na pagkain. Nang sabihin niya iyon kay Fien kanina, kaagad itong umalis ng bahay. Wala namang sinabi kung saan ito nagpunta. Nabago na ang trato niya dito matapos siyang samahan kagabi. Panay ang linga niya sa gate ng bakuran para hintayin ang asawa niya. May isang bahagi ng puso niya ang nakaka-miss dito pero kaagad din niyang sinupil. Umayos ka Tracy. Iniwan ka na muli ng asawa mo dahil mukhang okay ka na. Hindi ka na kasi takot ngayon unlike ngayon. saway ng isang bahagi ng puso niya. Kumibit-balikat na lang siya. Bahala na nga kung babalikan man siya o hin

  • Meant to be Yours    Chapter 93

    HUMAHAMPAS ang malakas na pagbuhos ng ulan, na sinasabayan ng may kalakasang hangin. Nagpadagdag ng takot sa nagngangalit na kalikasan, ang pagkulog at pagkidlat. Balewalang sinuong iyon ni Fien. Sa gitna ng dilim, patakbo siyang nagtungo sa bahay ni Lola Meding. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya pagpatak ng ulan. Tanging ang suot na jacket ang nagbibigay proteksyon sa katawan niya.I’m here my dear wife, sabi niya sa sarili nang nasa harap na siya ng nakarang pinto. Napahingal pa siya dahil sa bahagyang pagkapagod na nadarama niya. Marahan siyang kumatok. “Tracy, andyan ka ba?”“Fien, ikaw na ba ‘yan?” ang naulinigan niyang boses ng isang babae sa loob ng bahay.Boses pa lang ni Tracy ay kilalang-kilala na niya. Walang pasabi niyang pinihit ang seradura, eksaktong nakabukas iyon. Ganap na siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.Nabungaran niya ang asawa na takot na takot ang itsura habang nakaupo ito sa sofa. Kulang na lang ay yakapin nito ang sarili nito habang nakatakip a

  • Meant to be Yours    Chapter 92

    “IBIG sabihin n’yan Fien, pinaglilihihan ka ng iyong asawa.” May pagkaaliw na pinagmasdan ni Lola Meding ang mukha niya, kasunod ang tila nanunudyong ngiti sa labi nito. Matapos kasi siyang ‘ipagtabuyan’ ni Tracy sa bahay ng lola na kaharap niya ngayon, nagpunta siya sa bahay ng mga Alcantara sa Sta. Maria.“Gan’on po ba talaga ‘yun?” Napapakamot siya sa ulo habang nakaupo siya sa isang singe-seater. Kaharap niya ang lola at kinagisnang mga magulang ni Tracy. “Parang diring-diri siya sa akin.”Nagtawanan ang tatlong nakakatanda niyang kaharap sa hapong iyon. Magkakatabi ang mga ito na nakaupo sa sofa. Para siyang bata nagsumbong sa mahal sa buhay na ito ni Tracy.“Kaya nga hijo, huwag kang mawalan ng pag-asa, kapag ganyang napaglilihihan ka, ibig sabihin ay mahal pa rin ng asawa mo,” muling sabi ni Lola Meding. “Gawin mo ang lahat para sa kanya.”Kumislap sa mga mata niya ang katuwaan. Nakasilip siya ng pag-asa. “Lahat naman po ay makakaya kong gawin para kay Tracy. Hinding- hindi ko

  • Meant to be Yours    Chapter 91

    NAGISING si Tracy sa pagtama ng init ng araw sa mukha niya. May pumasok ng sinag sa kanyang kuwarto dahil na rin sa oras ng mga sandaling iyon. Bigla siyang napabalikwas saka napatingin sa oras sa wall clock. Alas diyes na ng umaga. Isang bibihirang pagkakataon na late siyang nagising.Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang lungkot at sakit niyang nadarama ay napalitan ng kasayahan sa pagbisita nina Hernando at Consuelo. Na-miss niyang makasama ang mga nakagisnang magulang. Maaga naman siyang natulog kagabi at marahil kinailangan niyang bumawi ng antok.May dinadala na siya sinapupunan na kailangan niyang ingatan. Nangako siya sa sarili na palagi nang aaga ng gising. Mamaya ay tatawag siya sa totoong mga magulang niya para ipaaalam ang kalagayan niya. nakadama siya ng konsensya dahil hindi pa siya nakakapag-update sa mga ito lalo na sa ina niyang si Filomena.Paupo siyang bumangon sa kama saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ngayon na lang niya iyon nagawang b

  • Meant to be Yours    Chapter 90

    “YOU may leave me now. Kaya ko ng umuwing mag-isa Fien.” Binilisan pa ni Tracy ang paglakad para makalayo sa asawa. Kasalukyang nasa hallway sila ng hospital. Pinayagan siya ng doctor na makalabas na matapos tiyaking maayos ang lagay niya.“Tracy, please, huwag ka namang ganyan!” Paghabol ni Fien sa kanya saka hinawakan siya sa isang braso niya.Napatigil siya sa paglakad at nagpumiglas sa mga kamay nito. Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. “Ano pa bang kailangan mo sa akin Mr. Montagne? Kunsabagay, nalimutan ko nga pala magpasalamat sa’yo. Thank you huh.”“Hindi lang tungkol sa ating dalawa ang involve sa pagkakataong ito.” Bumuntong-hininga ito na nag-iipon ng pasensya sa sarili. “Magkakaanak na tayo at dalawa na kayong kargo de konsensya ko. Hindi ako papayag na umuwi kang mag-isa.”“At hindi rin naman ako papayag na umuwi ako sa atin,” may kadiinang sabi niya. “I will never comeback. Malaki ang kasalanan mo sa akin!”“Okay, wala naman akong magagawa sa desisyon mong ‘yan.”

  • Meant to be Yours    Chapter 89

    “ANO na tayo Tracy?” kunwa’y naiinis na tanong sa kanya ni Greggy. “Wala ka man lang pasabi na pupunta ka dito sa restaurant. Mabuti at naabutan mo ako dito.”“Sorry naman Madam, gusto kitang i-surprise,” nangingiting tugon niya sa dating boss sa Celeste. Kaagad siya nitong hinila sa opisina nito sa restaurant pagkakita sa kanya. “Ikaw talaga ang una kong pupuntahan sa pagbalik ko ng Sta. Maria.”“Nagbalik ka ng Sta. Maria? For good?” Sumenyas ang mga kamay nito na maupo siya sa isang silya na nasa gilid ng table nito. Sumunod naman siya at naupo na rin ito.“Oo sana,” malumanay niyang sabi. May lungkot na nagsimula niyang maramdaman. “Nakakapagod din sa bagong buhay na mayroon ako. I’m considering it as vacation.”Wala pa kasi siyang konkretong plano sa muling pag-uwi niya sa bahay ng Lola Meding niya dito sa San Pascual. Pinili niyang umuwi sa naturang bayan kaysa Sta. Maria, ayaw kasi niyang matunton siya ni Fien.Matamang nakatingin sa kanya si Greggy. “Aba teka muna, ano na ba na

  • Meant to be Yours    Chapter 88

    “TOTOO ba Dad?” tanong ni Tracy sa amang si Rolando. Pinipigilan niyang mapaiyak sa kabila ng nangingilid na luha sa mga mata niya. Sinabi niya dito ang narinig niyang usapan ng mag-amang Montagne. Isang kumpirmasyon ang hinihintay niya. Kaharap niya sa salas ng marangyang salas ng mansyon ang mga magulang niya. Sa mansyon ng mga Villa Aragon siya nagtungo matapos iwanan si Fien sa headquarter ng Montagne Scapes.Umiling si Rolando saka malalim na napabuntong-hininga. Diretso itong tumingin sa kanya. “I was just kidding that time hija and I never meant it. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Rolando ang sinabi kong ‘yun na makuha ka on that way.”“Rolando!” Matalim na tinitigan ni Filomena ang asawang katabi nito sa sofa. “Half truth ang joke, at ikaw nag-trigger sa mag-ama na gawin ang planong iyon. May kasalanan ka pa rin sa nangyari, at tingnan mo ang nangyari sa anak natin. Nasasaktan siya!”“Calm down Fil,” pagpapayapang sabi ni Rolando sa Mommy niya. hinawakan pa nito iyon sa

  • Meant to be Yours    Chapter 87

    “Fien, hijo, kung hindi ka naman sumunod sa plano namin ni Rolando for sure ay hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon,” hindi nagpapigil na sabi ni Fiel. “Nagtagumpay ka na makuha ang heiress ng Villa Aragon and the rest is history.”“Pa, let’s forget about it,” sita ni Fien sa ama. “Ang mahalaga ngayon ay okay na kami ni Tracy. Parehong nagbenefit ang mga kompanya ng pamilya natin.”“Minsan ko pang napatunayan sa’yo hijo, na gagawin mo ang lahat. Akalain ‘yun, nagawa mong sundan ang pamilya ni Tracy sa bagong gawang resort. Umubra ang plano mo na may nangyari sa inyo ng dalagang Villa Aragon. Dahil sa pagiging best actor mo ay napaunlad pa natin ang ating kompanya. You never failed to amaze me my son.”“Enough of this Pa,” pagtatapos ni Fien ng kanilang usapan. Mariing napailing pa ito.Paulit-ulit na naririnig ni Tracy ang usapan iyon ng mag-amang Montagne. Hindi niya sinasadyang napakinggan niya iyon sa tangkang pagpasok sana niya sa opisina ng asawa. Imbes na pumasok, nagl

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status