Home / Romance / The Beautiful Mistake / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The Beautiful Mistake: Kabanata 1 - Kabanata 10

59 Kabanata

1

"Alas-otso nang gabi dapat nasa hotel ka na. Room 103. Galingan mo nang makabuo kaagad. Ayaw ni Mrs. Cruz na abutin kayo ng higit sa dalawang oras ng mister niya," paalala ni Mami Rose, ang kilalang bugaw sa kanto ng Clarete Street, kay Althea Olivan o Alea kung tawagin. Wala sa sariling tumango si Alea. Sa gulo ng kan'yang isipan ay hindi niya na namalayan ang mabilis na paglalakad ng kausap patungo sa pumaradang kotse sa madilim na bahagi ng daan upang mag-alok ng babae. Balisa siyang naglakad palayo sa lugar nang marinig niya ang pagtawag ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi siya p****k para lumapit doon. Kaliwa't kanan na inuman at chismisan ng mga tao sa tabi ng squatter's area kahit gabi na, hudyat na siya'y malapit na sa bahay nila. "Hindi po ako sasama sainyo! Bitiwan n'yo ako!" Ang sigaw ng kapatid niya'ng si Mayumi ang nagpabilis sa paglalakad niya. Natanaw niya ang marahas na paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ng nag-iisang kapatid. Sapilitan itong hinihi
last updateHuling Na-update : 2022-06-09
Magbasa pa

2

"S'yempre maglalasing ako, pampalakas ng loob. Malas lang, maling kwarto ang napasukan ko. Kaya pala babae ito. Sige na, subukan ko'ng singilin 'to." Ang boses ng lalaking kaniig kagabi ang gumising kay Alea. Nakatalikod ito sa kan'ya habang mayroong kausap sa telepono. Nakapameywang ito kaya mas lalong nadepina ang matikas nitong likod. Nakasuot na ito ng pantalon subalit wala pa'ng damit pang-itaas. Higit itong mas bata kay Mrs. Cruz, marahil ay matanda lamang sa kan'ya ng ilang taon. Nang ibaba ng lalaki ang telepono ay mabilis siyang bumangon at pumasok sa banyo. Nagbihis siya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Gulo ang kan'yang buhok at mugto ang mga mata. Mas lalo pa yata itong mamumugto dahil tumulo na naman ang luha mula doon. Bakit ba napakaiyakin niya gayong malakas naman ang kan'yang loob? Naghilamos siya upang mahimasmasan. Kailangan niyang panindigan ang kan'yang nasimulan. Siyam na buwan na sustento kaya hindi sila magtitiis. Kailangan niya lamang na mas lalo pa
last updateHuling Na-update : 2022-06-10
Magbasa pa

3

Isa, dalawa hanggang lima ang hakbang na ginawa ng lalaki para makalapit kay Alea. Bawat hakbang nito ay tila ilaw na nagbibigay liwanag sa dumidilim niya nang mundo. "Mukhang may utang din sainyo ang babaeng ito. Sa akin din kasi. Sa katunayan, mas matagal pa ang utang niya sa akin kaysa sainyo kaya nararapat lamang na sa akin siya sumama. Isa pa, nag-usap na kami at pumayag na siya." Walang ideya si Alea sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya kailanman gagawing pambayad ang buong pagkatao. Gayunpaman, mas nanaisin niyang sumama dito kaysa sa mga tauhan ni Mr. Lee. Pagak na tumawa ang dalawang tauhan. "Kung ako sa'yo huwag ka nang makialam dito," pagbabanta pa ng isa. Nagkibit-balikat lamang ang lalaki at humalikipkip pa'ng pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang mga tauhan, animo'y minamaliit. Hindi ba natatakot ang lalaking ito sa mga baril na nakasukbit sa dalawang tauhan? Katanungan ni Alea sa sarili. "Paano kung ayoko?" maangas pang tanong ng lalaki. May kalakihan din
last updateHuling Na-update : 2022-06-12
Magbasa pa

4

Mahigpit ang bilin ni Alea kay Mayumi na huwag sasama sa hindi kakilalang tao lalo na kung lalaki ito. Kaya nahihiya siya ngayon sa sarili na siya pa ang bumali sa utos na iyon. Maliit ang kwartong inuukupa ng lalaki sa dalawang palapag na boarding house. Luma na iyon at gawa pa sa kahoy na kung aapakan ay lumalagitnit pa. "Dito muna kayo sa kwarto ko. Sa salas na lang ako matutulog mamaya. Buksan n'yo na lang ang bintana dahil wala akong electric fan," anito habang iginigiya sila sa loob. Inilibot ni Alea ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi pinturado ang pader at butas-butas pa ang kisame, gayunpaman, ay balewala iyon sa kan'ya dahil kung tutuusin ay mas maayos pa ito kaysa sa tinitirahan nila sa squatter's area. "Kahit kami na lang sa salas ni Mayumi. Sapat na sa'min na may matutuluyan pansamantala," pagtutol ni Alea. Magaan ang loob niya sa lalaki. Ito'y kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita. Subalit ayaw niyang magpakatiwala. Hindi niya pa ito lubos na kilala
last updateHuling Na-update : 2022-06-12
Magbasa pa

5

Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli. Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan. Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee. Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong. Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya. "Alea. Alea." Ang mahi
last updateHuling Na-update : 2022-06-17
Magbasa pa

6

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi. "Alea! Alea!" Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip. Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya. Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya. "Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit. Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si
last updateHuling Na-update : 2022-06-29
Magbasa pa

7

"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril." "Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat." Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina. Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla. Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan. "Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka
last updateHuling Na-update : 2022-06-30
Magbasa pa

8

Hindi na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ng kutsarita sa tasang pinagtitimplahan ni Alea ng kape subalit nagpatuloy pa din siya sa paghahalo, animo'y handa siyang gawin iyon sa buong magdamag huwag lamang makaharap si Pio sa hapag. "Ate, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mayumi na malapit nang maubos ang agahan. Napakamot ng batok si Alea at nakayukong lumapit sa hapag. Tahimik siyang nagsandok ng pagkain at kinokontrol ang mga mata na sa kan'yang plato lamang tumingin. Hindi pa man siya nakakasubo ay tumayo na si Mayumi. Animo'y naalarma si Alea at kaagad itong pinigilan. "Pero ate, tapos na ako'ng kumain. Isa pa'y nasa labas na si Potpot. Sabay kaming papasok sa eskwela." Oo nga pala, pinakiusapan niya ang paaralan doon na tanggapin si Mayumi kahit malapit nang matapos ang school year. Maigi na iyon para hindi na maisip ng kapatid niya ang maglayas. Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Mayumi hanggang sa makalabas ito ng pinto. Nagsimula nang mahaluan ng pagkailang a
last updateHuling Na-update : 2022-07-02
Magbasa pa

9

"Baka mayaman ka Kuya Pio? Balatuhan mo kami ni ate kapag bumalik na ang alaala mo," masayang saad ni Mayumi habang pinapakinggan niya ang pagkwekwento ni Pio tungkol sa alaalang sumagi sa isipan nito kung saan may malaking party itong dinaluhan at maraming pamilyar na taong nakasuot ng pormal na damit ang binabati ito ng congratulations. "Mayumi! Ano'ng sabi ko? 'Di ba, hindi dapat nanghihingi? Mas mabuti nang bigyan tayo nang kusa kaysa humihingi tayo. Lahat ng bagay dapat pagtrabahuhan natin sa marangal na paraan," seryosong pagsita ni Alea sa kapatid habang hinihilot ang sintido. Umagang-umaga ay sumasakit ang kan'yang ulo at nahihilo pa. Gusto niyang isipin na nasobrahan siya sa tulog kahit tama naman iyon sa oras. "At saka kung mayaman ka talaga Pio, sana'y marami nang binayarang tao ang pamilya mo para hanapin ka," dagdag niya pa sa naiiritang tono. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa dalawang kasama sa bahay. Walang naging sagot si Pio ngunit nahalata niya ang pasim
last updateHuling Na-update : 2022-07-05
Magbasa pa

10

Hawak-hawak ang isang bag na naglalaman ng mga damit nila ni Mayumi ay tinungo na ni Alea ang pampasaherong bangka. Maaabutan pa nila ang byahe ng bus patungo sa siyudad. Alam niyang lubhang delikado ang pagbabalik nila lalo pa't ayon sa kapatid ng kan'yang amain ay pinatay ito ng mga tauhan ni Mr. Lee. Kung totoo man iyon, maaaring isa lamang itong patibong upang magpakita siya at gawing pambayad sa utang. Pinagmasdan niya si Mayumi na tulalang nakasunod sa pila ng mga pasaherong sumasampa sa bangka. Namamaga ang mga mata nito buhat sa buong gabing pag-iyak. Hindi niya nanaisin na madagdagan pa ang pighati nito kung hindi masisilayan ang ama kahit sa huling pagkakataon. Magiging maingat na lamang siya at sisiguraduhing makakabalik sa isla matapos ang libing. "Nakikiramay ako, Alea," ani Tonyo na siyang umaalalay sa mga sumasakay sa bangka. Pinasalamatan niya ito at akma nang hahawakan ang braso upang maayos na makasampa sa bangka nang isang mainit na palad ang bumalot sa kan'yan
last updateHuling Na-update : 2022-07-08
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status