Mahigpit ang bilin ni Alea kay Mayumi na huwag sasama sa hindi kakilalang tao lalo na kung lalaki ito. Kaya nahihiya siya ngayon sa sarili na siya pa ang bumali sa utos na iyon.
Maliit ang kwartong inuukupa ng lalaki sa dalawang palapag na boarding house. Luma na iyon at gawa pa sa kahoy na kung aapakan ay lumalagitnit pa. "Dito muna kayo sa kwarto ko. Sa salas na lang ako matutulog mamaya. Buksan n'yo na lang ang bintana dahil wala akong electric fan," anito habang iginigiya sila sa loob. Inilibot ni Alea ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi pinturado ang pader at butas-butas pa ang kisame, gayunpaman, ay balewala iyon sa kan'ya dahil kung tutuusin ay mas maayos pa ito kaysa sa tinitirahan nila sa squatter's area. "Kahit kami na lang sa salas ni Mayumi. Sapat na sa'min na may matutuluyan pansamantala," pagtutol ni Alea. Magaan ang loob niya sa lalaki. Ito'y kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita. Subalit ayaw niyang magpakatiwala. Hindi niya pa ito lubos na kilala at nagtataka din siya sa pagtulong na ginagawa nito. Kung siya nga lang ay mas pipiliin niyang magpalipas ng gabi sa kalsada, ngunit iniisip niya si Mayumi. Ayaw niyang makaranas pa nang mas matinding hirap ang kapatid. "Babae kayo, dapat sa kwarto kayo. Huwag kayong mag-alala, wala naman ako'ng gagawin na masama. At saka 'yong kagabi -" Mabilis na tinakpan ni Alea ang bibig ng lalaki gamit ang kan'yang kamay kaya hindi nito natapos ang sasabihin. Pinandilatan niya ito ng mata at pasimpleng inginuso si Mayumi. Ayaw niyang malaman ng kapatid ang hindi kaaya-ayang bagay na ginawa niya kagabi. Ang pagiging surrogate mother niya nga sana ay itatago niya dito sa pamamagitan ng panunuluyan niya sa bahay ni Mami Rose hanggang makapanganak siya, subalit hindi ito natuloy. Hindi niya nanaisin na gayahin siya nito paglaki. "Ate, paano si papa? At saka, dito na ba tayo titira? Paano ang pag-aaral ko? Wala din tayong dalang gamit," sunod-sunod na tanong ni Mayumi na tila wala naman sa kanila ang atensyon bagkus ay nasa pag-iisip kung bakit sila biglang lumayas sa kanilang tahanan. Iniwan sila ng lalaki nang mapansin na kailangan nilang mag-usap nang pribado. Dito ay ipinaliwanag ni Alea ang masamang balak sa kanila ng mga tauhan ni Mr. Lee. Nabakas niya sa mukha nito ang pagkatakot. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya maaaring magpakita ng kahit anumang takot. Siya ang lakas ni Mayumi kaya hindi siya pwedeng maging mahina. "Paano po si papa?" Marahas na nagpakawala ng hangin si Alea. Alam niyang mahal na mahal ni Mayumi ang amain niyang si Leo. Naiintindihan niya ito dahil ganoon niya din kamahal ang sariling ama. Ang pinagkaiba nga lang ay madaling mahalin ang kan'yang ama dahil mabuting tao ito samantalang ang Tiyo Leo niya ay walang pakialam sa kanila o kahit man lang sa anak nitong si Mayumi. "Naabutan ko siya sa saklaan. Kinukutungan pa nga ako. Wala siyang pakialam kahit isama pa tayo ng mga tauhan ni Mr. Lee." Bumagsak ang balikat ni Mayumi. Minsan ay naaawa dito si Alea. Walang kondisyon magmahal ang kapatid niya, kaya hanggang maaari ay ayaw niyang mabago ang pagtingin nito sa ama. "Huwag kang mag-alala dahil tayo ang hinahabol ng mga tauhan ni Mr. Lee at hindi siya. Babalikan natin siya kapag nakahanap na tayo ng pambayad sa mga atraso ni nanay," pag-aalo niya dito kahit ang totoo'y wala siyang malinaw na direksyong nakikita na pwede nilang tahakin bukod sa pagsama nilang ito sa estrangherong 'ni hindi niya pa alam ang buong pangalan. Inubos nila ang oras sa pagpapahinga. Madilim na nang mapagpasyahan niyang lumabas. Natagpuan niya sa balkonahe ang lalaki at may kausap sa telepono. Dahan-dahan siyang lumapit dito ngunit napatigil nang marinig niya ang mahinang paghikbi nito kasunod nang pagbaba ng telepono. Ilang sandali siyang nanatili sa likod nito at pinakinggan ang tila pagpipigil nitong humikbi nang malakas. Hindi niya alam kung tama ba'ng naroon pa siya o kailangan niya nang bumalik sa kwarto at umaktong walang narinig o nakita. Subalit ang kan'yang mga paa ay tila napako na sa sahig. May kung ano'ng bagay ang nagtulak sa kan'ya upang humakbang pa ng isa palapit at tumikhim. Tumigil ang lalaki sa paghikbi at pinunasan nito ang luha gamit ang suot na t-shirt. Nakatalikod pa din ito sa kan'ya nang magsalita. "Nasa kusina 'yong pagkain n'yo," anito kahit hindi naman iyon ang pakay niya. "Okay ka lang ba?" hindi niya napigilang itanong dito. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Napakamot ng batok si Alea sa pag-aakalang baka nais nitong mapag-isa ngunit sumagot ito. "Wala na si Mang Julian. Wala na 'yong taong dahilan kung bakit nakipagsapalaran ako dito sa lungsod at tinitiis ang trabahong ito. Wala na 'yong nag-alaga sa akin. 'Ni hindi ko man lang siya naipagamot." Hindi na nag-isip pa si Alea at kinain ang distansya nila. Hinagod niya ang likod nito, kagaya nang ginagawa ng kan'yang ama noong bata pa siya sa tuwing umiiyak siya. Hindi niya alam ang sasabihin dahil noong namatayan din siya ay walang kahit anumang salita ang nagpagaan sa loob niya. Ilang minuto silang naging tahimik. Hindi na umiiyak ang lalaki ngunit tila malayo ang iniisip nito. "Uuwi na ako bukas sa Isla Irigayo," sabi nito pagkalaon. Inaasahan na iyon ni Alea ngunit tila bumalik ang takot na nadarama niya kanina nang hinahabol sila ng mga tauhan ni Mr. Lee. Saan na sila ngayon pupunta? "Malayo ba iyon?" tanong niya. Tumaas ang dalawang kilay ng lalaki, animo'y nagtataka sa naging katanungan niya. "Walong oras na byahe sa bus at isang oras sa barko." Hinigit ni Alea ang sariling hininga at ikinuyom ang kamao sa kan'yang gilid. Tumingin siya sa malayo bago malalim na huminga. "Maaari mo ba kaming isama ni Mayumi? Isipin mo na lang na bayad mo ito sa nangyari sa atin kagabi. Pangako, itong pabor lang na ito ang hihilingin ko, pagkatapos ay wala na. Gusto ko lang mamuhay malayo dito. Kami na bahala pagdating doon." Kinapalan niya na ang mukha, para sa kapatid niya. Hindi man siya nakatingin sa lalaki ay damang-dama niya naman ang matagal nitong pagtitig sa kan'ya. Tila magnet ang mga mata ng lalaki na naudyok siyang salubungin ang mga tingin nito. "Pio." "Huh?" Nagtataka niyang tanong sa turan nito. "Hindi ba sinabi sa'yo n'ong bata ka pa na huwag sumama sa taong hindi mo kilala?" Marahan siyang tumango, pilit na inaanalisa ang sinasabi nito. "Pio ang pangalan na ibinigay sa akin ni Mang Julian. Ikaw?" "Alea," sagot niya. "Maaga tayo bukas," sabi ni Pio bago pumanhik sa loob at iwanan si Alea na may namuong pag-asa sa puso.Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli. Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan. Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee. Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong. Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya. "Alea. Alea." Ang mahi
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi. "Alea! Alea!" Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip. Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya. Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya. "Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit. Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si
"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril." "Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat." Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina. Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla. Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan. "Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka
Hindi na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ng kutsarita sa tasang pinagtitimplahan ni Alea ng kape subalit nagpatuloy pa din siya sa paghahalo, animo'y handa siyang gawin iyon sa buong magdamag huwag lamang makaharap si Pio sa hapag. "Ate, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mayumi na malapit nang maubos ang agahan. Napakamot ng batok si Alea at nakayukong lumapit sa hapag. Tahimik siyang nagsandok ng pagkain at kinokontrol ang mga mata na sa kan'yang plato lamang tumingin. Hindi pa man siya nakakasubo ay tumayo na si Mayumi. Animo'y naalarma si Alea at kaagad itong pinigilan. "Pero ate, tapos na ako'ng kumain. Isa pa'y nasa labas na si Potpot. Sabay kaming papasok sa eskwela." Oo nga pala, pinakiusapan niya ang paaralan doon na tanggapin si Mayumi kahit malapit nang matapos ang school year. Maigi na iyon para hindi na maisip ng kapatid niya ang maglayas. Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Mayumi hanggang sa makalabas ito ng pinto. Nagsimula nang mahaluan ng pagkailang a
"Baka mayaman ka Kuya Pio? Balatuhan mo kami ni ate kapag bumalik na ang alaala mo," masayang saad ni Mayumi habang pinapakinggan niya ang pagkwekwento ni Pio tungkol sa alaalang sumagi sa isipan nito kung saan may malaking party itong dinaluhan at maraming pamilyar na taong nakasuot ng pormal na damit ang binabati ito ng congratulations. "Mayumi! Ano'ng sabi ko? 'Di ba, hindi dapat nanghihingi? Mas mabuti nang bigyan tayo nang kusa kaysa humihingi tayo. Lahat ng bagay dapat pagtrabahuhan natin sa marangal na paraan," seryosong pagsita ni Alea sa kapatid habang hinihilot ang sintido. Umagang-umaga ay sumasakit ang kan'yang ulo at nahihilo pa. Gusto niyang isipin na nasobrahan siya sa tulog kahit tama naman iyon sa oras. "At saka kung mayaman ka talaga Pio, sana'y marami nang binayarang tao ang pamilya mo para hanapin ka," dagdag niya pa sa naiiritang tono. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa dalawang kasama sa bahay. Walang naging sagot si Pio ngunit nahalata niya ang pasim
Hawak-hawak ang isang bag na naglalaman ng mga damit nila ni Mayumi ay tinungo na ni Alea ang pampasaherong bangka. Maaabutan pa nila ang byahe ng bus patungo sa siyudad. Alam niyang lubhang delikado ang pagbabalik nila lalo pa't ayon sa kapatid ng kan'yang amain ay pinatay ito ng mga tauhan ni Mr. Lee. Kung totoo man iyon, maaaring isa lamang itong patibong upang magpakita siya at gawing pambayad sa utang. Pinagmasdan niya si Mayumi na tulalang nakasunod sa pila ng mga pasaherong sumasampa sa bangka. Namamaga ang mga mata nito buhat sa buong gabing pag-iyak. Hindi niya nanaisin na madagdagan pa ang pighati nito kung hindi masisilayan ang ama kahit sa huling pagkakataon. Magiging maingat na lamang siya at sisiguraduhing makakabalik sa isla matapos ang libing. "Nakikiramay ako, Alea," ani Tonyo na siyang umaalalay sa mga sumasakay sa bangka. Pinasalamatan niya ito at akma nang hahawakan ang braso upang maayos na makasampa sa bangka nang isang mainit na palad ang bumalot sa kan'yan
Masuyong minamasahe ni Mayumi ang kamay ni Alea habang nakatago sila sa makipot na eskinita patungo sa kabilang barangay. Mula sa kinauupuang malamig na semento ay mga bulungan na lamang ng mga usisero ang naririnig ukol sa malungkot na tagpong nagaganap sa Barangay Oronuevo. "Ate, ayos ka lang ba? Natatakot na ako." Napadako ang kan'yang tingin sa kapatid. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kamay niya at masuyo iyong hinaplos. "Maayos lang ang ate. Huwag ka'ng matakot. Nagugutom ka na ba?" Kasinungalingan. Kagaya nang kapatid niya natatakot din siya. Takot siya sa masakit na alaalang hindi nilulubayan ang kan'yang isipan. "Si Kuya Pio po?" tanong nito. Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi niya man lang namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras. Paniguradong hindi na nag-abala ang kapatid ng kan'yang amain na hintayin sila. Pero iba si Pio dahil kahit dalawang buwan pa lang silang magkakil
Masyado nang mahaba ang gabi para kay Alea at sa kan'yang kapatid ngunit hindi yata dadapuan ng antok ang una dahil panay pa din ang paglingon nito sa tabi ng daan. Kulang na nga lang ay utusan niya ang katabi na bagalan ang pagmamaneho upang masiyasat niya nang maigi ang bawat sulok at nang masiguro na hindi niya nalipasan si Pio. "Huwag ka mag-alala, hindi tayo masusundan ng mga iyon," ani Attorney Arim Valle na siyang naglitas sa kanila. Si Attorney Arim ay matagal niya nang kakilala buhat nang manilbihan siya sa karinderia sa palengke. Pampublikong abogado si Arim at masasabi niyang napaka-simple nito. Mabait at walang arte sa katawan kahit pa buhat ito sa mayamang angkan. "Hinahanap ko kasi si Pio," pag-amin niya. Baka sakaling matulungan siya nito. "Pio? May nobyo ka na ba? Don't tell me, nagpakasal ka na kaya matagal ka nang wala sa karinderia?" sunod-sunod ang naging tanong ni Arim sa kan'ya na kaagad niya din naman pinabulaanan. "Kaibigan ko siya. Nagkahiwalay kami kanina
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m
“Sa wakas bumalik na din ang alaala ng anak sa labas,” pagak ito’ng tumawa na animo’y hindi alintana ang bagsik ng galit na pinapakita ng kan’yang mukha.“Walang hiya ka!” nangangalaiti niyang saad.Sinalubong nito ang namumula niyang mga mata dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.“Gusto ko pa nga sanang ulitin ngayon ang ginawa ko sa’yo. Baka sa ikalawang pagkakataon, magtagumpay na akong patayin ka,” dagdag nito.Hindi na siya nakapagpigil at marahas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig.“Bakit? Gan’yan na ba kalala ang inggit mo sa’kin, ha?” sigaw niya dito.Ngumisi ito pagkatapos ay tumayo at inambahan siya ng suntok na tumama sa gilid ng kan’yang labi.“Bakit ako maiinggit sa isang kagaya mo?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba walang dapat ikainggit sa kan’ya.“Then why are doing this?”Hindi siya gumanti ng suntok kahit pa kating-kati na s’yang gumanti dito.“Dahil ninakaw mo ang dapat ay sa akin! Dapat sa akin pinamana ni dad ang kompanya at
“Sir ayos lang po ba kayo?” tanong sa kan’ya ng manager ng resort nang mahigpit siyang kumapit sa hamba ng pintuan papasok sa opisina.Inalalayan siya nito at tinawag ang isa sa mga tauhan para kumuha ng tubig.Biglang may mga pamilyar na eksena ang pumasok sa kan’yang isipan. Pilit niyang inaalala ang mga iyon lalo pa’t hindi pa buong bumabalik ang alaala niya bago mapadpad sa Isla Irigayo.Tinanaw niya ang mataas na lugar sa ‘di kalayuan na nagpa-trigger nang pananakit ng kan’yang ulo. Matagal niya iyong tinitigan kasabay nang matinding pagkahilo at bigla ay nawalan siya nang ulirat.“Kahit sana dumaan ka man lang,” saad niya sa nakakabatang kapatid sa ama na si Bret sa kabilang linya. Sinabi nitong hindi ito makakapunta sa resort para gunitain ang death anniversary ng ama dahil baka hindi na ito umabot sa gig na pupuntahan.“Bumisita na ako sa puntod,” anito bago ibinaba ang tawag.Bumuntong hininga siya at mag-isang inakyat ang 400 steps na pinagawa noon ng kan’yang ama para matan
Hindi pumasok sa isipan ni Calvin na isantabi muna ang kasal nila ni Alea dahil higit iyon na mas mahalaga sa anumang bagay, ngunit mapilit ang babae. Katwiran nito na hindi rin nito gusto na mayroong bumabagabag sa isipan niya sa araw mismo ng kasal.Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa nang kausapin na nito ang wedding coordinator na i-cancel muna ang araw ng pag-iisang dibdib nila. Mabuti na lamang ay hindi pa nila naipapamigay ang mga imbitasyon.“Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon,” bilin ni Alea sa kan’ya matapos nitong isara ang maliit niyang maleta.Ito ang nag-empake ng damit niya para sa dalawang araw na pananatili sa resort. Pakiramdam niya nga ay baka bumalik din siya kaagad matapos ang isang araw. Hindi niya yata kayang matulog nang hindi katabi ang mag-ina.Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ito na mabusising inaayos naman ang laman ng kan’yang bag.Hinawakan niya ang beywang nito at kinabig paupo sa kan’yang mga binti.“Hindi pa nga tayo kasal pakiramda
Tila nasa cloud nine pa din si Calvin matapos ang biglaang proposal niya kay Alea. Ang totoo ay matapos siyang sagutin nito ay bumili na kaagad siya ng singsing. Alam niyang ang babae na ang makakasama sa habangbuhay at wala nang dapat pa’ng hintayin na tamang panahon para pakasalan ito, ngunit hindi niya naman gusto na ma-pressure ito lalo pa’t nagsisimula pa lang itong mag-aral kaya natagalan nang ilang buwan bago niya binalak na alukin ito ng kasal.Nang gabing sinundo niya ito at nakita niya pa’ng tinanggap nito ang yakap ng abogadong si Arim ay nakadama siya ng selos. Tiwala naman s’ya sa pagmamahal nito, hindi lang siya komportable na dumidikit dito ang lalaki.Subalit nang biglaan siyang hagkan ni Alea ay nawala lahat ng pangamba niya. Para ba’ng sa bawat araw ay nakikita niya kung paano magmahal ang nobya. Hindi niya maiwasan isipin na hindi pa nito naibibigay ang lubos na pagmamahal pero parang siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, paano pa kaya kung buo na nitong ipada
Akala niya ay mahihirapan siya sa pagpasok sa kolehiyo lalo pa’t bukod sa mas bata ang mga magiging kaklase ay mayayaman din ang mga ito, ngunit hindi pala. Sa loob ng unang apat na buwan ay madali siyang nakibagay sa unibersidad.“Alea?” isang pagtawag mula sa likod ang nagpalingon sa kan’ya.Kakatapos lang ng huli niyang klase para sa araw na iyon. Naglalakad na s’ya palabas ng campus kung saan naghihintay na si Calvin para sunduin s’ya.Isang malawak na ngiti ang binigay niya kay Arim na siyang tumawag sa kan’ya.Tumakbo ito palapit sa kan’ya.“Kumusta? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.Itinaas niya ang ID. “Nag-aaral na ako,” masaya niyang balita.Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito.“That’s good! Mabuti pala tinanggap ko ‘yong pagsubstitute kay Miss Labuanan kun’di hindi ako magagawi dito sa building n’yo. Hindi sana kita makikita.”Alam niyang nagtuturo din ito ng law, hindi niya lang alam na sa parehong paaralan pala.Sinabayan siya nito sa paglalakad habang nagkwekwe
Ang bilis ng panahon. Lagpas kalahating taon na ang kanilang anak at magtatatlong buwan na silang mag-nobyo at nobya ni Calvin.“Pwede naman sigurong huwag na kaming sumama. Ipasundo mo na lang kami mamaya.” Kanina pa s’ya nag-iisip ng rason para makatanggi sa pag-alok ni Calvin na isama sila sa pagpasok nito sa opisina.Kahit kasi sila na ay may nadarama pa din s’yang insecurity sa sarili. Alam niyang hindi naman na siya makakarinig ng negatibong komento mula sa mga empleyado nito dahil takot na ang mga ito, ngunit hindi n’ya maiwasan isipin na sa paglabas nito ng kompanya ay siya ang pag-uusapan.“Pagbigyan mo na ako, please. Stressful sa kompanya ngayon, I need you and baby Ali to be there, para marelax man lang ako,” anito na pinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ng bata sa bag.Malungkot s’yang napangiti. Hindi ito nagkwekwento ng problema sa kompanya. Kahit siguro magkwento ito ay wala naman s’yang maitutulong.“Kung naiintindihan ko lang ang trabaho mo, sana matutulungan kita.”