Share

8

Author: Rina
last update Huling Na-update: 2022-07-02 21:20:53
Hindi na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ng kutsarita sa tasang pinagtitimplahan ni Alea ng kape subalit nagpatuloy pa din siya sa paghahalo, animo'y handa siyang gawin iyon sa buong magdamag huwag lamang makaharap si Pio sa hapag.

"Ate, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mayumi na malapit nang maubos ang agahan.

Napakamot ng batok si Alea at nakayukong lumapit sa hapag. Tahimik siyang nagsandok ng pagkain at kinokontrol ang mga mata na sa kan'yang plato lamang tumingin.

Hindi pa man siya nakakasubo ay tumayo na si Mayumi. Animo'y naalarma si Alea at kaagad itong pinigilan.

"Pero ate, tapos na ako'ng kumain. Isa pa'y nasa labas na si Potpot. Sabay kaming papasok sa eskwela."

Oo nga pala, pinakiusapan niya ang paaralan doon na tanggapin si Mayumi kahit malapit nang matapos ang school year. Maigi na iyon para hindi na maisip ng kapatid niya ang maglayas.

Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Mayumi hanggang sa makalabas ito ng pinto.

Nagsimula nang mahaluan ng pagkailang a
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Beautiful Mistake   9

    "Baka mayaman ka Kuya Pio? Balatuhan mo kami ni ate kapag bumalik na ang alaala mo," masayang saad ni Mayumi habang pinapakinggan niya ang pagkwekwento ni Pio tungkol sa alaalang sumagi sa isipan nito kung saan may malaking party itong dinaluhan at maraming pamilyar na taong nakasuot ng pormal na damit ang binabati ito ng congratulations. "Mayumi! Ano'ng sabi ko? 'Di ba, hindi dapat nanghihingi? Mas mabuti nang bigyan tayo nang kusa kaysa humihingi tayo. Lahat ng bagay dapat pagtrabahuhan natin sa marangal na paraan," seryosong pagsita ni Alea sa kapatid habang hinihilot ang sintido. Umagang-umaga ay sumasakit ang kan'yang ulo at nahihilo pa. Gusto niyang isipin na nasobrahan siya sa tulog kahit tama naman iyon sa oras. "At saka kung mayaman ka talaga Pio, sana'y marami nang binayarang tao ang pamilya mo para hanapin ka," dagdag niya pa sa naiiritang tono. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa dalawang kasama sa bahay. Walang naging sagot si Pio ngunit nahalata niya ang pasim

    Huling Na-update : 2022-07-05
  • The Beautiful Mistake   10

    Hawak-hawak ang isang bag na naglalaman ng mga damit nila ni Mayumi ay tinungo na ni Alea ang pampasaherong bangka. Maaabutan pa nila ang byahe ng bus patungo sa siyudad. Alam niyang lubhang delikado ang pagbabalik nila lalo pa't ayon sa kapatid ng kan'yang amain ay pinatay ito ng mga tauhan ni Mr. Lee. Kung totoo man iyon, maaaring isa lamang itong patibong upang magpakita siya at gawing pambayad sa utang. Pinagmasdan niya si Mayumi na tulalang nakasunod sa pila ng mga pasaherong sumasampa sa bangka. Namamaga ang mga mata nito buhat sa buong gabing pag-iyak. Hindi niya nanaisin na madagdagan pa ang pighati nito kung hindi masisilayan ang ama kahit sa huling pagkakataon. Magiging maingat na lamang siya at sisiguraduhing makakabalik sa isla matapos ang libing. "Nakikiramay ako, Alea," ani Tonyo na siyang umaalalay sa mga sumasakay sa bangka. Pinasalamatan niya ito at akma nang hahawakan ang braso upang maayos na makasampa sa bangka nang isang mainit na palad ang bumalot sa kan'yan

    Huling Na-update : 2022-07-08
  • The Beautiful Mistake   11

    Masuyong minamasahe ni Mayumi ang kamay ni Alea habang nakatago sila sa makipot na eskinita patungo sa kabilang barangay. Mula sa kinauupuang malamig na semento ay mga bulungan na lamang ng mga usisero ang naririnig ukol sa malungkot na tagpong nagaganap sa Barangay Oronuevo. "Ate, ayos ka lang ba? Natatakot na ako." Napadako ang kan'yang tingin sa kapatid. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kamay niya at masuyo iyong hinaplos. "Maayos lang ang ate. Huwag ka'ng matakot. Nagugutom ka na ba?" Kasinungalingan. Kagaya nang kapatid niya natatakot din siya. Takot siya sa masakit na alaalang hindi nilulubayan ang kan'yang isipan. "Si Kuya Pio po?" tanong nito. Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi niya man lang namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras. Paniguradong hindi na nag-abala ang kapatid ng kan'yang amain na hintayin sila. Pero iba si Pio dahil kahit dalawang buwan pa lang silang magkakil

    Huling Na-update : 2022-07-09
  • The Beautiful Mistake   12

    Masyado nang mahaba ang gabi para kay Alea at sa kan'yang kapatid ngunit hindi yata dadapuan ng antok ang una dahil panay pa din ang paglingon nito sa tabi ng daan. Kulang na nga lang ay utusan niya ang katabi na bagalan ang pagmamaneho upang masiyasat niya nang maigi ang bawat sulok at nang masiguro na hindi niya nalipasan si Pio. "Huwag ka mag-alala, hindi tayo masusundan ng mga iyon," ani Attorney Arim Valle na siyang naglitas sa kanila. Si Attorney Arim ay matagal niya nang kakilala buhat nang manilbihan siya sa karinderia sa palengke. Pampublikong abogado si Arim at masasabi niyang napaka-simple nito. Mabait at walang arte sa katawan kahit pa buhat ito sa mayamang angkan. "Hinahanap ko kasi si Pio," pag-amin niya. Baka sakaling matulungan siya nito. "Pio? May nobyo ka na ba? Don't tell me, nagpakasal ka na kaya matagal ka nang wala sa karinderia?" sunod-sunod ang naging tanong ni Arim sa kan'ya na kaagad niya din naman pinabulaanan. "Kaibigan ko siya. Nagkahiwalay kami kanina

    Huling Na-update : 2022-07-09
  • The Beautiful Mistake   13

    Naniniwala ka ba sa hipnotismo? Pakiramdam ni Pio ay ito ang tawag sa nangyayari sa kan'ya ngayon. Hindi niya magawang ialis ang tingin sa mestisang babae na mayroong mahabang buhok. Nakadungaw ito sa bintana ng magarang sasakyan kasama ng demolition team. Pakiramdam niya'y nakita niya na ito kung saan ngunit nahihirapan siyang alalahanin iyon. Pumikit siya at hinilot ang sintido, pilit na inaalala ang pagkakakilanlan ng babae. Dumilat siya nang maramdaman ang mabagal na pag-usad ng sasakyan mula sa mabigat na daloy ng trapiko. Lumalayo man ay hindi niya mabawi ang pagtingin dito. "Eunice..." kusang lumabas ang pangalan na iyon sa kan'yang bibig. "Sandali po!" saad niya sa driver na hindi pa man naitatabi ang sasakyan ay bumaba na siya. Wala siyang ibang nakikita at naririnig dahil ang isipan niyang okupado ng mga pira-pirasong alaala na unti-unting nagdudugtong sa bawat isa. Kasabay nito ay ang tila pamamanhid ng kan'yang katawan at pagsakit ng ulo, subalit pilit niyang nilal

    Huling Na-update : 2022-07-24
  • The Beautiful Mistake   14

    Bugso ng damdamin. Ito ang nais idahilan ni Alea sa walang pag-aalinlangan niyang pagsugod ng yakap kay Calvin. Lahat ng pangamba at takot niya sa buong magdamag ay tuluyan nang naglaho. Walang nangyaring masama sa lalaki. Nandito ngayon ang binata at damang-dama niya ang init ng katawan nito kahit pa mahinang tapik lamang sa balikat ang isinukli nito. Alam niyang kailangan niya nang bumitaw subalit nag-iinit na ang kan'yang pisngi. Kung hindi siya nagkakamali ay pulang-pula na ito. Mas lalo siyang lulubog sa kahihiyan kung masisilayan ng lalaki iyon. Bakit niya nga ba ito niyayakap? At higit sa lahat, bakit siya pinamumulahan ng pisngi sa simpleng kilos na iyon? Natural lang naman iyon sa magkaibigan 'di ba? Tumikhim si Calvin kaya mabilis siyang napabitaw. "Sorry," mahina niyang saad. Nanatili siyang nakayuko, hindi dito makatingin nang diretso. "Let's go," pag-aya nito. Napaangat siya ng tingin. Oo nga pala, kailangan na nilang bumalik ng isla. Mabilis siyang nagpaalam ka

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • The Beautiful Mistake   15

    Namulat si Calvin na ang kan'yang lolo ang tumayong ama. Sa dami ng mga pangaral nito ay isa lamang ang tumatak sa isipan niya, iyon ay ang magkaroon ng konkretong plano sa buhay at kahit anumang tukso ang dumating ay huwag itong babaliin. Bigo ang kan'yang ina na sundin ang utos na iyon noon, kaya dumating siya sa mundo bilang anak sa labas. Nang mamatay ang kan'yang lolo ay nagkaroon muli ng kalayaan ang kan'yang ina na magdesisyon para sa kanila. Ipinakilala siya nito sa tunay na ama. Sa una ay nagalak siyang makapiling ito lalo pa't sabik siya sa kalinga ng totoong ama, subalit sa paglipas ng mga panahon, nang tumuntong na siya sa wastong gulang at nang lumisan na ang kan'yang ina ay naging mahirap ang lahat. Hindi siya tanggap ng pamilya ng kan'yang ama ngunit wala siyang ibang mauuwian kun'di doon na lamang. Gustuhin niya man na bumalik sa dating buhay na wala sa piling ng ama, ay napamahal na din siya dito at wala siyang lakas ng loob para mawalay muli. Sa mga panahong nagti

    Huling Na-update : 2022-07-31
  • The Beautiful Mistake   16

    Mahirap maghintay, sabi nila. Subalit para kay Alea, nakakasabik ito kung ang hinihintay mo ay ang taong may puwang na sa buhay mo. "Ate, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Mayumi nang makita si Alea sa veranda. Umiling si Alea bilang sagot at sinamahan ang kapatid patungo sa kwarto. Isang buong araw na silang nasa condo unit ni Calvin at hindi bumisita o tumawag man lang ang lalaki. Nauunawaan niya iyon dahil bumabalik pa lamang ang alaala nito. Gusto niyang isipin na bumabawi ito sa pamilya o 'di kaya'y sa babaeng nagngangalang Eunice. Walang binanggit si Calvin kung sino ba talaga ito? Kung may asawa't anak na o nobya, kaya hindi maiwasan ni Alea ang labis na mag-isip. Sumapit ang pangalawang araw, dali-dali siyang naglakad patungo sa pinto nang marinig ang pagtunog ng door bell. Nagpaskil siya ng ngiti sa labi at bahagya pa'ng inayos ang buhok ngunit nawala din ang pagkasabik niya nang mapagtantong ang room attendant iyon na maghahatid ng agahan nila. Hindi siya nag-order

    Huling Na-update : 2022-07-31

Pinakabagong kabanata

  • The Beautiful Mistake   58

    Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h

  • The Beautiful Mistake   57

    Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala

  • The Beautiful Mistake   56

    Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m

  • The Beautiful Mistake   55

    “Sa wakas bumalik na din ang alaala ng anak sa labas,” pagak ito’ng tumawa na animo’y hindi alintana ang bagsik ng galit na pinapakita ng kan’yang mukha.“Walang hiya ka!” nangangalaiti niyang saad.Sinalubong nito ang namumula niyang mga mata dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.“Gusto ko pa nga sanang ulitin ngayon ang ginawa ko sa’yo. Baka sa ikalawang pagkakataon, magtagumpay na akong patayin ka,” dagdag nito.Hindi na siya nakapagpigil at marahas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig.“Bakit? Gan’yan na ba kalala ang inggit mo sa’kin, ha?” sigaw niya dito.Ngumisi ito pagkatapos ay tumayo at inambahan siya ng suntok na tumama sa gilid ng kan’yang labi.“Bakit ako maiinggit sa isang kagaya mo?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba walang dapat ikainggit sa kan’ya.“Then why are doing this?”Hindi siya gumanti ng suntok kahit pa kating-kati na s’yang gumanti dito.“Dahil ninakaw mo ang dapat ay sa akin! Dapat sa akin pinamana ni dad ang kompanya at

  • The Beautiful Mistake   54

    “Sir ayos lang po ba kayo?” tanong sa kan’ya ng manager ng resort nang mahigpit siyang kumapit sa hamba ng pintuan papasok sa opisina.Inalalayan siya nito at tinawag ang isa sa mga tauhan para kumuha ng tubig.Biglang may mga pamilyar na eksena ang pumasok sa kan’yang isipan. Pilit niyang inaalala ang mga iyon lalo pa’t hindi pa buong bumabalik ang alaala niya bago mapadpad sa Isla Irigayo.Tinanaw niya ang mataas na lugar sa ‘di kalayuan na nagpa-trigger nang pananakit ng kan’yang ulo. Matagal niya iyong tinitigan kasabay nang matinding pagkahilo at bigla ay nawalan siya nang ulirat.“Kahit sana dumaan ka man lang,” saad niya sa nakakabatang kapatid sa ama na si Bret sa kabilang linya. Sinabi nitong hindi ito makakapunta sa resort para gunitain ang death anniversary ng ama dahil baka hindi na ito umabot sa gig na pupuntahan.“Bumisita na ako sa puntod,” anito bago ibinaba ang tawag.Bumuntong hininga siya at mag-isang inakyat ang 400 steps na pinagawa noon ng kan’yang ama para matan

  • The Beautiful Mistake   53

    Hindi pumasok sa isipan ni Calvin na isantabi muna ang kasal nila ni Alea dahil higit iyon na mas mahalaga sa anumang bagay, ngunit mapilit ang babae. Katwiran nito na hindi rin nito gusto na mayroong bumabagabag sa isipan niya sa araw mismo ng kasal.Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa nang kausapin na nito ang wedding coordinator na i-cancel muna ang araw ng pag-iisang dibdib nila. Mabuti na lamang ay hindi pa nila naipapamigay ang mga imbitasyon.“Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon,” bilin ni Alea sa kan’ya matapos nitong isara ang maliit niyang maleta.Ito ang nag-empake ng damit niya para sa dalawang araw na pananatili sa resort. Pakiramdam niya nga ay baka bumalik din siya kaagad matapos ang isang araw. Hindi niya yata kayang matulog nang hindi katabi ang mag-ina.Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ito na mabusising inaayos naman ang laman ng kan’yang bag.Hinawakan niya ang beywang nito at kinabig paupo sa kan’yang mga binti.“Hindi pa nga tayo kasal pakiramda

  • The Beautiful Mistake   52

    Tila nasa cloud nine pa din si Calvin matapos ang biglaang proposal niya kay Alea. Ang totoo ay matapos siyang sagutin nito ay bumili na kaagad siya ng singsing. Alam niyang ang babae na ang makakasama sa habangbuhay at wala nang dapat pa’ng hintayin na tamang panahon para pakasalan ito, ngunit hindi niya naman gusto na ma-pressure ito lalo pa’t nagsisimula pa lang itong mag-aral kaya natagalan nang ilang buwan bago niya binalak na alukin ito ng kasal.Nang gabing sinundo niya ito at nakita niya pa’ng tinanggap nito ang yakap ng abogadong si Arim ay nakadama siya ng selos. Tiwala naman s’ya sa pagmamahal nito, hindi lang siya komportable na dumidikit dito ang lalaki.Subalit nang biglaan siyang hagkan ni Alea ay nawala lahat ng pangamba niya. Para ba’ng sa bawat araw ay nakikita niya kung paano magmahal ang nobya. Hindi niya maiwasan isipin na hindi pa nito naibibigay ang lubos na pagmamahal pero parang siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, paano pa kaya kung buo na nitong ipada

  • The Beautiful Mistake   51

    Akala niya ay mahihirapan siya sa pagpasok sa kolehiyo lalo pa’t bukod sa mas bata ang mga magiging kaklase ay mayayaman din ang mga ito, ngunit hindi pala. Sa loob ng unang apat na buwan ay madali siyang nakibagay sa unibersidad.“Alea?” isang pagtawag mula sa likod ang nagpalingon sa kan’ya.Kakatapos lang ng huli niyang klase para sa araw na iyon. Naglalakad na s’ya palabas ng campus kung saan naghihintay na si Calvin para sunduin s’ya.Isang malawak na ngiti ang binigay niya kay Arim na siyang tumawag sa kan’ya.Tumakbo ito palapit sa kan’ya.“Kumusta? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.Itinaas niya ang ID. “Nag-aaral na ako,” masaya niyang balita.Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito.“That’s good! Mabuti pala tinanggap ko ‘yong pagsubstitute kay Miss Labuanan kun’di hindi ako magagawi dito sa building n’yo. Hindi sana kita makikita.”Alam niyang nagtuturo din ito ng law, hindi niya lang alam na sa parehong paaralan pala.Sinabayan siya nito sa paglalakad habang nagkwekwe

  • The Beautiful Mistake   50

    Ang bilis ng panahon. Lagpas kalahating taon na ang kanilang anak at magtatatlong buwan na silang mag-nobyo at nobya ni Calvin.“Pwede naman sigurong huwag na kaming sumama. Ipasundo mo na lang kami mamaya.” Kanina pa s’ya nag-iisip ng rason para makatanggi sa pag-alok ni Calvin na isama sila sa pagpasok nito sa opisina.Kahit kasi sila na ay may nadarama pa din s’yang insecurity sa sarili. Alam niyang hindi naman na siya makakarinig ng negatibong komento mula sa mga empleyado nito dahil takot na ang mga ito, ngunit hindi n’ya maiwasan isipin na sa paglabas nito ng kompanya ay siya ang pag-uusapan.“Pagbigyan mo na ako, please. Stressful sa kompanya ngayon, I need you and baby Ali to be there, para marelax man lang ako,” anito na pinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ng bata sa bag.Malungkot s’yang napangiti. Hindi ito nagkwekwento ng problema sa kompanya. Kahit siguro magkwento ito ay wala naman s’yang maitutulong.“Kung naiintindihan ko lang ang trabaho mo, sana matutulungan kita.”

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status