Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kanâyang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na sâya.âAte, bababa na ako ha,â paalam ni Mayumi na sâyang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kunâdi buong pagmamahal sa kanâya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kanâyang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kanâyang dibdib nang m
"Alas-otso nang gabi dapat nasa hotel ka na. Room 103. Galingan mo nang makabuo kaagad. Ayaw ni Mrs. Cruz na abutin kayo ng higit sa dalawang oras ng mister niya," paalala ni Mami Rose, ang kilalang bugaw sa kanto ng Clarete Street, kay Althea Olivan o Alea kung tawagin. Wala sa sariling tumango si Alea. Sa gulo ng kan'yang isipan ay hindi niya na namalayan ang mabilis na paglalakad ng kausap patungo sa pumaradang kotse sa madilim na bahagi ng daan upang mag-alok ng babae. Balisa siyang naglakad palayo sa lugar nang marinig niya ang pagtawag ng lalaking lulan ng sasakyan. Hindi siya p****k para lumapit doon. Kaliwa't kanan na inuman at chismisan ng mga tao sa tabi ng squatter's area kahit gabi na, hudyat na siya'y malapit na sa bahay nila. "Hindi po ako sasama sainyo! Bitiwan n'yo ako!" Ang sigaw ng kapatid niya'ng si Mayumi ang nagpabilis sa paglalakad niya. Natanaw niya ang marahas na paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ng nag-iisang kapatid. Sapilitan itong hinihi
"S'yempre maglalasing ako, pampalakas ng loob. Malas lang, maling kwarto ang napasukan ko. Kaya pala babae ito. Sige na, subukan ko'ng singilin 'to." Ang boses ng lalaking kaniig kagabi ang gumising kay Alea. Nakatalikod ito sa kan'ya habang mayroong kausap sa telepono. Nakapameywang ito kaya mas lalong nadepina ang matikas nitong likod. Nakasuot na ito ng pantalon subalit wala pa'ng damit pang-itaas. Higit itong mas bata kay Mrs. Cruz, marahil ay matanda lamang sa kan'ya ng ilang taon. Nang ibaba ng lalaki ang telepono ay mabilis siyang bumangon at pumasok sa banyo. Nagbihis siya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Gulo ang kan'yang buhok at mugto ang mga mata. Mas lalo pa yata itong mamumugto dahil tumulo na naman ang luha mula doon. Bakit ba napakaiyakin niya gayong malakas naman ang kan'yang loob? Naghilamos siya upang mahimasmasan. Kailangan niyang panindigan ang kan'yang nasimulan. Siyam na buwan na sustento kaya hindi sila magtitiis. Kailangan niya lamang na mas lalo pa
Isa, dalawa hanggang lima ang hakbang na ginawa ng lalaki para makalapit kay Alea. Bawat hakbang nito ay tila ilaw na nagbibigay liwanag sa dumidilim niya nang mundo. "Mukhang may utang din sainyo ang babaeng ito. Sa akin din kasi. Sa katunayan, mas matagal pa ang utang niya sa akin kaysa sainyo kaya nararapat lamang na sa akin siya sumama. Isa pa, nag-usap na kami at pumayag na siya." Walang ideya si Alea sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya kailanman gagawing pambayad ang buong pagkatao. Gayunpaman, mas nanaisin niyang sumama dito kaysa sa mga tauhan ni Mr. Lee. Pagak na tumawa ang dalawang tauhan. "Kung ako sa'yo huwag ka nang makialam dito," pagbabanta pa ng isa. Nagkibit-balikat lamang ang lalaki at humalikipkip pa'ng pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang mga tauhan, animo'y minamaliit. Hindi ba natatakot ang lalaking ito sa mga baril na nakasukbit sa dalawang tauhan? Katanungan ni Alea sa sarili. "Paano kung ayoko?" maangas pang tanong ng lalaki. May kalakihan din
Mahigpit ang bilin ni Alea kay Mayumi na huwag sasama sa hindi kakilalang tao lalo na kung lalaki ito. Kaya nahihiya siya ngayon sa sarili na siya pa ang bumali sa utos na iyon. Maliit ang kwartong inuukupa ng lalaki sa dalawang palapag na boarding house. Luma na iyon at gawa pa sa kahoy na kung aapakan ay lumalagitnit pa. "Dito muna kayo sa kwarto ko. Sa salas na lang ako matutulog mamaya. Buksan n'yo na lang ang bintana dahil wala akong electric fan," anito habang iginigiya sila sa loob. Inilibot ni Alea ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi pinturado ang pader at butas-butas pa ang kisame, gayunpaman, ay balewala iyon sa kan'ya dahil kung tutuusin ay mas maayos pa ito kaysa sa tinitirahan nila sa squatter's area. "Kahit kami na lang sa salas ni Mayumi. Sapat na sa'min na may matutuluyan pansamantala," pagtutol ni Alea. Magaan ang loob niya sa lalaki. Ito'y kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita. Subalit ayaw niyang magpakatiwala. Hindi niya pa ito lubos na kilala
Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli. Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan. Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee. Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong. Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya. "Alea. Alea." Ang mahi
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi. "Alea! Alea!" Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip. Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya. Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya. "Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit. Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si
"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril." "Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat." Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina. Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla. Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan. "Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka
Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kanâyang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na sâya.âAte, bababa na ako ha,â paalam ni Mayumi na sâyang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kunâdi buong pagmamahal sa kanâya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kanâyang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kanâyang dibdib nang m
Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kanâyang ama.Ang totooây hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kanâya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.âSir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.â Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na sâyang nagtatrabaho para sa renovation ng kanâyang resort.âIâm serious. Demolish everything there.âHindi niya na hinayaan paâng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kanâyang harapan.âHanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.âWalang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama
Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kanâyang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaanoây maliwanagan ang isipan. Ang totooây wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba sâya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kanâyang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan sâya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit itoâng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.âWhy did you leave me with him?â Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt
Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kanâyang mag-ina. Paanoây hindi mapalagay ang kanâyang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kanâya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.âManang, nasaan sila?â sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kanâyang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. âHindi baât magkakasama kayo?âKung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kanâya.âManang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?â Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kanâyang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na itoâng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat
Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.âItay! Papunta na ako dâyan!â humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kanâya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kanâyang ama. Nakatingin lamang ito sa kanâya, subalit ang kanâyang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kanâyang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kanâyang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.âBabe. Babe, wake up.âHalos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin
Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.âBaby, sorry.âAkma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.âAre you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?â nagtatakang tanong nito. âHuh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,â palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.âAkin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.âImbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.âHindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah
Mataas na ang sikat ng araw nang magising sâya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kanâyang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kanâyang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kanâya na animoây wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na sâya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa sâya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na sâya dito. Tumambad sa kanâya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya paây iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.âAlea, anong ginagawa mo dito?âMalungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kanâyang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para baâng mayroong nagtutulak sa kanâya na sumunod dito.âBakit hindi ka sumasagot?â Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kanâya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.âSamahan ko na po kayo maâam,â pagpupumilit nito na tinanggihan nâya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animoây batang ayaw magpaiwan.âAko po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.âSa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung sâya lang ay baka maligaw pa sâya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m