Isa, dalawa hanggang lima ang hakbang na ginawa ng lalaki para makalapit kay Alea. Bawat hakbang nito ay tila ilaw na nagbibigay liwanag sa dumidilim niya nang mundo.
"Mukhang may utang din sainyo ang babaeng ito. Sa akin din kasi. Sa katunayan, mas matagal pa ang utang niya sa akin kaysa sainyo kaya nararapat lamang na sa akin siya sumama. Isa pa, nag-usap na kami at pumayag na siya." Walang ideya si Alea sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya kailanman gagawing pambayad ang buong pagkatao. Gayunpaman, mas nanaisin niyang sumama dito kaysa sa mga tauhan ni Mr. Lee. Pagak na tumawa ang dalawang tauhan. "Kung ako sa'yo huwag ka nang makialam dito," pagbabanta pa ng isa. Nagkibit-balikat lamang ang lalaki at humalikipkip pa'ng pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang mga tauhan, animo'y minamaliit. Hindi ba natatakot ang lalaking ito sa mga baril na nakasukbit sa dalawang tauhan? Katanungan ni Alea sa sarili. "Paano kung ayoko?" maangas pang tanong ng lalaki. May kalakihan din ang pangangatawan nito subalit alam ni Alea na kung magkakagulo ay matatalo lamang ito. Isa laban sa dalawa. Isang kalabit lang ng gatilyo ng mga baril nito ay baka sa morgue na ihatid ang lalaki. Kahit pa sa isip ni Alea ay imposible siyang mailigtas ng lalaki ay mayroong tila nagbubulong sa kan'ya na kailangan niyang magtiwala dito. Umiling ang dalawang tauhan at bumaling na sa kan'ya. Tumalikod na ito upang ipasok siya sa loob ng sasakyan, ngunit hindi pa man nakakapasok ang kalahati ng katawan niya dito ay naramdaman niya na ang pagbagsak ng tauhan sa semento. Sinuntok ito ng lalaki at kaagad din na pinadapuan ng suntok sa mukha ang isa pa. Hinawakan nito ang palapulsuhan niya at hinila palayo sa dalawang tauhan na nakahandusay na sa semento. Masyado niya yatang minaliit ang lalaki, gayong tila mahusay ito'ng makipaglaban. Nagulat man ay nagawa niyang bilisan ang pagtakbo upang makasabay dito. Siya na ang humila dito papasok sa eskinita sa gilid ng paaralan kung saan may shortcut patungo sa kanilang bahay sa squatter's area. Nakatakas man siya ngayon sa mga tauhan ni Mr. Lee, sigurado naman siyang pupuntiryahin nito si Mayumi. Kailangan nilang makaalis ng kapatid sa lalong madaling panahon. Nang makarating sa squatter's area ay marahas niyang binuksan ang gawa sa pinagtagpi-tagping plywood na pintuan ng kanilang bahay. Subalit mas lalo siyang binalot ng kaba nang mapagtantong wala doon si Mayumi. Lumabas muli siya at hinanap ito sa paligid. Nilapitan niya ang amain na umagang-umaga ay nakaupo na sa saklaan. "Nasaan si Mayumi?" mataas ang boses niyang tanong dito. "Aba'y malay ko!" iritable nitong sagot. Kinuyom niya ang kamao, nagpipigil na pagbuhatan ito ng kamay. Akma na siya'ng tatalikod nang pigilan siya nito. "Balita ko may customer ka kagabi? Siya ba 'yon?" Itinuro nito ang lalaki na hindi pa din pala umaalis sa tabi niya. Wala na siyang pakialam kung pag-usapan man ng buong kapitbahay nila ang trabahong pinasok niya. Ang mahalaga para sa kan'ya ngayon ay masigurong ligtas ang kan'yang kapatid. "Baka naman may maiaabot ka d'yan. Wala na ako'ng pantaya." Ang salitang binitiwan ng kan'yang amain ang pumutol sa kan'yang pisi. Walang pag-aalinlangan niyang itinumba ang maliit na lamesa kung saan ito nagsusugal. Pagkatapos ay tumalikod na siya at iniwan ang amain na nagpupuyos sa galit. "Miss," pagtawag ng lalaking nakabuntot pa din sa kan'ya. Tila maging ito'y nagulat din sa inasta niya kagaya ng mga kasugal ni Leo na kan'yang amain. "Salamat sa pagtulong mo kanina ngunit hinding-hindi kita babayaran para sa sinasabi mo'ng serbisyo dahil kung mayroon man mas agrabyado dito ay ako iyon, kaya umalis ka na," sabi niya dito nang hindi lumilingon. Nagpatuloy siya sa lakad-takbong ginagawa. Patuloy niyang hinanap ang kapatid. "Nakita n'yo po ba si Mayumi?" tanong niya sa ale na nakasalubong. "Hindi ineng, kakalabas ko lang ng bahay namin," sagot nito na dumagdag sa hapdi sa lalamunan na nadarama niya dahil sa pagpipigil ng luha. Hindi ito ang tamang oras para umiyak at panghinaan ng loob. "Si Mayumi ba kamo? Kasama niya ang anak ko. May gagawin daw silang proyekto sa paaralan." Nabuhayan siya nang loob nang marinig ang sagot ng isa pa'ng ginang na tinanong niya. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa paaralan nang isang kamay ang humigit sa kan'ya patungo sa likod ng nakaparadang jeep sa tabi ng daan. Laking gulat niya nang mapagtantong ang lalaki iyon ay ang naglitas sa kan'ya. Akala niya ay hindi na ito nakasunod. "Ano ba- " Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang takpan nito ang kan'yang bibig gamit ang palad. Sinundan niya ang tingin nito at doon niya nakita ang mga tauhan ni Mr. Lee kasama ang dalawang nakaengkwentro nila kanina. Patungo ang mga ito sa kanilang bahay at panay pa ang lingon sa paligid kaya napayuko siya at mas lalong sumiksik sa lalaki. Nang mawala sa pandinig niya ang mga yabag nito ay hinila na siya ng lalaki palayo. "Saan ang paaralan ng kapatid mo?" tanong nito. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi pa din ito umaalis sa tabi niya, gayunpaman, hinayaan niya itong tulungan siya. Tagumpay nilang nailabas si Mayumi sa paaralan. Mabilis ang ginawa nilang paglalakad makalayo lamang sa lugar dahil siguradong doon susunod na pupunta ang mga tauhan ni Mr. Lee. "Ate, saan tayo pupunta?" tanong ni Mayumi nang sa wakas ay huminto sila sa paglalakad upang magpahinga. Natahimik si Alea. Hindi niya alam kung saan. Ang totoo'y gusto niya lang tumakas sa mga problema na hindi naman siya ang may gawa, kahit pa wala siyang siguradong pupuntahan. "Hindi na tayo babalik sa squatter's area. Kapag bumalik tayo doon ay siguradong kukunin tayo ni Mr. Lee," paliwanag niya sa labing-isang taong gulang na kapatid. "Saan tayo pupunta, ate? Si papa? Hindi ba natin siya isasama?" Mahal ni Mayumi ang ama nitong si Leo, kaya mas lalong naawa si Alea para sa kapatid. 'Ni wala man lang kaamor-amor ang amain sa anak nito, gayong walang katumbas ang pagmamahal dito ng kapatid niya. Nahihiyang tumingin si Alea sa lalaking naroon pa din sa tabi nila. Nagtagpo ang kanilang mga mata at sa hindi niya malamang dahilan ay tila ba nais nang tumulo ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan. "Hindi ko alam," nahihiya niyang sagot sa kapatid. "May bakanteng kwarto sa tinutuluyan ko. Doon muna kayo tumuloy," alok ng estrangherong lalaki sa kanila.Mahigpit ang bilin ni Alea kay Mayumi na huwag sasama sa hindi kakilalang tao lalo na kung lalaki ito. Kaya nahihiya siya ngayon sa sarili na siya pa ang bumali sa utos na iyon. Maliit ang kwartong inuukupa ng lalaki sa dalawang palapag na boarding house. Luma na iyon at gawa pa sa kahoy na kung aapakan ay lumalagitnit pa. "Dito muna kayo sa kwarto ko. Sa salas na lang ako matutulog mamaya. Buksan n'yo na lang ang bintana dahil wala akong electric fan," anito habang iginigiya sila sa loob. Inilibot ni Alea ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi pinturado ang pader at butas-butas pa ang kisame, gayunpaman, ay balewala iyon sa kan'ya dahil kung tutuusin ay mas maayos pa ito kaysa sa tinitirahan nila sa squatter's area. "Kahit kami na lang sa salas ni Mayumi. Sapat na sa'min na may matutuluyan pansamantala," pagtutol ni Alea. Magaan ang loob niya sa lalaki. Ito'y kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita. Subalit ayaw niyang magpakatiwala. Hindi niya pa ito lubos na kilala
Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli. Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan. Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee. Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong. Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya. "Alea. Alea." Ang mahi
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi. "Alea! Alea!" Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip. Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya. Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya. "Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit. Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si
"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril." "Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat." Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina. Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla. Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan. "Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka
Hindi na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ng kutsarita sa tasang pinagtitimplahan ni Alea ng kape subalit nagpatuloy pa din siya sa paghahalo, animo'y handa siyang gawin iyon sa buong magdamag huwag lamang makaharap si Pio sa hapag. "Ate, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mayumi na malapit nang maubos ang agahan. Napakamot ng batok si Alea at nakayukong lumapit sa hapag. Tahimik siyang nagsandok ng pagkain at kinokontrol ang mga mata na sa kan'yang plato lamang tumingin. Hindi pa man siya nakakasubo ay tumayo na si Mayumi. Animo'y naalarma si Alea at kaagad itong pinigilan. "Pero ate, tapos na ako'ng kumain. Isa pa'y nasa labas na si Potpot. Sabay kaming papasok sa eskwela." Oo nga pala, pinakiusapan niya ang paaralan doon na tanggapin si Mayumi kahit malapit nang matapos ang school year. Maigi na iyon para hindi na maisip ng kapatid niya ang maglayas. Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Mayumi hanggang sa makalabas ito ng pinto. Nagsimula nang mahaluan ng pagkailang a
"Baka mayaman ka Kuya Pio? Balatuhan mo kami ni ate kapag bumalik na ang alaala mo," masayang saad ni Mayumi habang pinapakinggan niya ang pagkwekwento ni Pio tungkol sa alaalang sumagi sa isipan nito kung saan may malaking party itong dinaluhan at maraming pamilyar na taong nakasuot ng pormal na damit ang binabati ito ng congratulations. "Mayumi! Ano'ng sabi ko? 'Di ba, hindi dapat nanghihingi? Mas mabuti nang bigyan tayo nang kusa kaysa humihingi tayo. Lahat ng bagay dapat pagtrabahuhan natin sa marangal na paraan," seryosong pagsita ni Alea sa kapatid habang hinihilot ang sintido. Umagang-umaga ay sumasakit ang kan'yang ulo at nahihilo pa. Gusto niyang isipin na nasobrahan siya sa tulog kahit tama naman iyon sa oras. "At saka kung mayaman ka talaga Pio, sana'y marami nang binayarang tao ang pamilya mo para hanapin ka," dagdag niya pa sa naiiritang tono. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa dalawang kasama sa bahay. Walang naging sagot si Pio ngunit nahalata niya ang pasim
Hawak-hawak ang isang bag na naglalaman ng mga damit nila ni Mayumi ay tinungo na ni Alea ang pampasaherong bangka. Maaabutan pa nila ang byahe ng bus patungo sa siyudad. Alam niyang lubhang delikado ang pagbabalik nila lalo pa't ayon sa kapatid ng kan'yang amain ay pinatay ito ng mga tauhan ni Mr. Lee. Kung totoo man iyon, maaaring isa lamang itong patibong upang magpakita siya at gawing pambayad sa utang. Pinagmasdan niya si Mayumi na tulalang nakasunod sa pila ng mga pasaherong sumasampa sa bangka. Namamaga ang mga mata nito buhat sa buong gabing pag-iyak. Hindi niya nanaisin na madagdagan pa ang pighati nito kung hindi masisilayan ang ama kahit sa huling pagkakataon. Magiging maingat na lamang siya at sisiguraduhing makakabalik sa isla matapos ang libing. "Nakikiramay ako, Alea," ani Tonyo na siyang umaalalay sa mga sumasakay sa bangka. Pinasalamatan niya ito at akma nang hahawakan ang braso upang maayos na makasampa sa bangka nang isang mainit na palad ang bumalot sa kan'yan
Masuyong minamasahe ni Mayumi ang kamay ni Alea habang nakatago sila sa makipot na eskinita patungo sa kabilang barangay. Mula sa kinauupuang malamig na semento ay mga bulungan na lamang ng mga usisero ang naririnig ukol sa malungkot na tagpong nagaganap sa Barangay Oronuevo. "Ate, ayos ka lang ba? Natatakot na ako." Napadako ang kan'yang tingin sa kapatid. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kamay niya at masuyo iyong hinaplos. "Maayos lang ang ate. Huwag ka'ng matakot. Nagugutom ka na ba?" Kasinungalingan. Kagaya nang kapatid niya natatakot din siya. Takot siya sa masakit na alaalang hindi nilulubayan ang kan'yang isipan. "Si Kuya Pio po?" tanong nito. Tumayo siya at inilibot ang paningin sa paligid. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Hindi niya man lang namalayan ang mabilis na pagdaan ng oras. Paniguradong hindi na nag-abala ang kapatid ng kan'yang amain na hintayin sila. Pero iba si Pio dahil kahit dalawang buwan pa lang silang magkakil
Hindi mapalagay ang puso ni Alea. Naghahalong kaba at saya ang kan’yang nadarama habang pinagmamasdan ang isa-isang pagpasok ng mga panauhin sa loob ng simbahan. Kaunti na lang, magiging Mrs. Montejo na s’ya.“Ate, bababa na ako ha,” paalam ni Mayumi na s’yang maid of honor niya. Tumango siya at hinayaan itong lumabas ng sasakyan kung saan sinalubong ito ng wedding coordinator patungo sa pintuan ng simbahan. Kaunti na lamang ang naroon, ibig-sabihin ay nalalapit na ang pagpaso niya.Huminga siya nang malalim at nanalangin nang taimtim.Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na may isang lalaking handang ibigay hindi lamang ang apelyido kun’di buong pagmamahal sa kan’ya. Akala niya ay puro pasakit na lamang ang dadanasin niya ngunit mali pala siya. Dahil kay Calvin, nagkaroon muli ng liwanag ang buhay niya.Ang kan’yang pagdarasal ay naputol dahil sa tatlong sunod na pagkatok sa bintana ng sasakyan. Pagdilat niya ay mabilis na dumaloy ang kakaibang kaba sa kan’yang dibdib nang m
Sinindihan ni Calvin ang kandila at itinirik sa puntod ng ama ni Alea. Taimtim siyang nanalangin kasabay nang paghingi ng tawad sa ginawa ng kan’yang ama.Ang totoo’y hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng daddy niya. Mabuti ito sa kan’ya at iyon lang ang tumatak sa isipan niya. Gayunpaman, wala pa din tutumbas sa sakit na naidulot ng kamaliang iyon sa buhay ni Alea.“Sir sigurado po ba kayo? Almost completed na po ang renovation ng resort.” Mula sa kabilang linya ay nararamdaman niya ang panghihinayang sa boses ng engineer na s’yang nagtatrabaho para sa renovation ng kan’yang resort.“I’m serious. Demolish everything there.”Hindi niya na hinayaan pa’ng sumagot ang kausap at binaba na ang telepono. Bumaling siya kay Jake na naghihintay sa kan’yang harapan.“Hanapin mo lahat ng taong sapilitang pinalayas sa lugar na iyon para maitayo ang resort. Ibabalik natin sa kanila ang kanilang mga lupain.”Walang bahid ng kahit anumang pag-aalangan ang desisyon niyang iyon. Handa niyang itama
Alam ni Alea na mali ang paglalayas na kan’yang ginawa, gayunpaman iyon lang ang natatangi niyang paraan upang kahit papaano’y maliwanagan ang isipan. Ang totoo’y wala din kasiguraduhan kung magiging maayos ba s’ya sa ganoong paraan, kung oo man, gaano katagal?Ang paghingi niya ng tulong kay Attorney Arim ay wala sa kan’yang bokabularyo. Sadyang tinadhana lang siguro na magkita sila sa pantalan kung saan s’ya sasakay ng barko patungo sa Isla Irigayo. Nagpumilit ito’ng samahan silang mag-ina nang malaman ang ginawa niyang pag-alis dahil sa personal na problema.“Why did you leave me with him?” Umiigting ang panga ni Calvin at matalim na nakatingin sa kanilang bahay kung nasaan si Attorney Arim at ang kanilang anak na karga-karga ng personal assistant nitong si Jake.Hindi na siya nabigla na natagpuan sila kaagad ni Calvin. Bukod sa wala siyang maisip na ibang lugar na maaaring puntahan, ay sigurado siyang ligtas ang Isla Irigayo para sa kanilang mag-ina kaya doon niya napiling magpunt
Hindi pa man tapos ang dalawang araw na business trip ni Calvin ay umuwi na kaagad ito sa kan’yang mag-ina. Paano’y hindi mapalagay ang kan’yang isipan sa malalamig pa din na pakitungo ni Alea sa kan’ya kahit sa telepono. Kung hindi nga lang mahalaga ang meeting na iyon ay hindi niya dadaluhan.“Manang, nasaan sila?” sabik niyang tanong kay Manang Guada nang hindi makita ang kan’yang mag-ina sa kwarto.Salubong ang kilay na tinitigan siya nito. “Hindi ba’t magkakasama kayo?”Kung hindi lang sobrang seryoso ng mukha ni Manang ay iisipin niyang nakikipagbiruan ito sa kan’ya.“Manang, galing ako sa business trip. Umalis ba sila?” Gusto niyang isipin na pinagtataguan siya ng kan’yang mag-ina sa buong bahay. Kung ganoon man, ibig sabihin ay wala nang bumabagabag sa isipan ni Alea, kaya naiisip na nitong pag-trip-an siya. Sana nga ay lumipas na ang post partum depression nito. Makailang ulit niya na ito’ng pinilit na magpatingin sa doktor ngunit tumatanggi ito, kaya ginagawa niya ang lahat
Mabigat at mabilis ang bawat hakbang ni Alea paakyat ng borol. Matarik ang daan ngunit hindi niya inda ang hapding nadarama sa hubad niyang mga paa.“Itay! Papunta na ako d’yan!” humihikbi niyang sigaw sa amang nakatanaw sa kan’ya mula sa itaas.Humawak siya sa sanga ng kahoy upang magawa ang higit pang malaking hakbang paakyat. Ilang ulit niyang ginawa iyon nang muling tumingin sa itaas kung nasaan ang kan’yang ama. Nakatingin lamang ito sa kan’ya, subalit ang kan’yang pinagtataka ay imbes na lumiit ay mas lalong lumaki ang agwat ng distanya nila.Nilibot niya ang paningin. Kinabahan siya nang mapansing tila nasa parehong lokasyon pa din siya kahit kanina pa siya umaakyat. Muli siyang humakbang pataas, ngunit ganoon pa din ang kan’yang pwesto. Para siyang tumatakbong hindi umaalis sa pwesto.Tumingin siya sa kan’yang ama na unti-unting naglalaho ang itsura.Pumalahaw siya ng iyak sa takot.“Babe. Babe, wake up.”Halos habulin niya ang hininga nang magising mula sa pagtapik ni Calvin
Wala sa sariling nakatingin si Alea kay baby Ali habang masaya itong naglalaro ng mga bulaklak sa hardin. Maaga pa lang ay gising na silang mag-ina.Napapitlag siya nang marinig ang biglaang pag-iyak ng bata. Naunahan na siya ni Calvin sa paglapit sa bata na nakadapa na sa carpet.“Baby, sorry.”Akma niyang kukunin kay Calvin ang bata dahil baka magusot ang suot nitong pag-opisina, ngunit hindi iyon binigay ng lalaki.“Are you okay? Mukhang lumilipad ang isipan mo? Kanina pa kita tinatawag?” nagtatakang tanong nito. “Huh? Ayos lang ako. Naka-pokus kasi ako kay Baby Ali,” palusot niya kahit hindi niya nga namalayan na nadapa na pala ang bata.Tinitigan siya ni Calvin na tila ba binabasa kung nagsasabi siya nang totoo.“Akin na ang bata baka mahuli ka na sa trabaho.”Imbes na ibigay ay mas lalo pa nitong niyakap si baby Ali at dahan-dahan na hinele kasabay nang unti-unting paghina ng iyak nito.“Hindi ba may pasok ka pa ng alas-otso? Quarter to 7 na. Mag-ayos ka na, ako na muna ang bah
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m