"S'yempre maglalasing ako, pampalakas ng loob. Malas lang, maling kwarto ang napasukan ko. Kaya pala babae ito. Sige na, subukan ko'ng singilin 'to."
Ang boses ng lalaking kaniig kagabi ang gumising kay Alea. Nakatalikod ito sa kan'ya habang mayroong kausap sa telepono. Nakapameywang ito kaya mas lalong nadepina ang matikas nitong likod. Nakasuot na ito ng pantalon subalit wala pa'ng damit pang-itaas. Higit itong mas bata kay Mrs. Cruz, marahil ay matanda lamang sa kan'ya ng ilang taon. Nang ibaba ng lalaki ang telepono ay mabilis siyang bumangon at pumasok sa banyo. Nagbihis siya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Gulo ang kan'yang buhok at mugto ang mga mata. Mas lalo pa yata itong mamumugto dahil tumulo na naman ang luha mula doon. Bakit ba napakaiyakin niya gayong malakas naman ang kan'yang loob? Naghilamos siya upang mahimasmasan. Kailangan niyang panindigan ang kan'yang nasimulan. Siyam na buwan na sustento kaya hindi sila magtitiis. Kailangan niya lamang na mas lalo pa'ng patatagin ang loob na huwag mapalapit sa batang kan'yang dadalhin sa sinapupunan. Pinakiramdaman niya sa labas kung naroon pa ang lalaki. Ang totoo ay inaasahan niyang wala na iyon doon paggising niya dahil kagaya nang sabi ni Mami Rose ay dapat hindi sila lumagpas sa dalawang oras, ngunit umaga na. Lumabas na siya sa pag-aakalang wala na ito subalit laking gulat niya nang makita itong nakaupo sa kama tila hinihintay siya. Nagtagpo ang kanilang mga mata kaya kaagad siyang napayuko sa hiya. Lumapit siya sa sidetable upang kunin ang telepono at umalis na nang magsalita ang lalaki. "Bayad mo?" tanong nito. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung tanong ba iyon o nag-aalok ng bayad gayong wala naman itong iniaabot na pera. "'Yong misis n'yo na daw po ang mag-aabot sa akin ng bayad," sagot niya at akma nang aalis nang muli siyang pigilan ng lalaki. "Ang sabi ko bayad mo. At saka ano'ng misis? Wala pa ako'ng asawa," giit nito na inilahad pa ang palad sa kan'ya. Hindi niya alam kung tatawa ba dahil mukha yatang nagbibiro ang asawa ni Mrs. Cruz. Sinubukan niyang ibuka ang bibig upang magsalita ngunit naunahan na siya nang pagtunog ng telepono. Isang tawag mula kay Mami Rose. Mabilis lang iyon, animo'y ginigising lang siya upang mabasa ang mensaheng ipinadala nito. Hindi lamang mensahe mula dito kun'di maging kay Mrs. Cruz, na kagabi pa ipinadala, ang kan'yang nakita. Binuksan niya iyon at pinanlamigan nang mabasang kinakansela na nito ang pagkuha sa kan'ya bilang surrogate mother. Ayon dito, hindi nito kakayanin na may makasamang ibang babae sa kama ang mister. Pinanlamigan siya nang kalamnan. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa lalaking kasama na nakalahad pa din ang palad sa harapan niya. "S-sino ka?" nahihilakbot niyang tanong. "Miss, may customer dapat ako dito. Magbibigay aliw lang dapat ako kaya lang maling kwarto ang napasukan ko. Mukha naman na may hinihintay ka talaga at hindi sumipot kaya hinayaan mo na may mangyari sa'tin. Sa tingin ko, tama lang na bayaran mo ang serbisyo ko." Napasinghap si Alea. Sinabunatan niya ang sarili at masamang tinitigan ang lalaki. "Bakit kita babayaran? Bastos ka!" Sinubukan niyang paluin ito ng hawak na bag ngunit nakaiwas ito. "Sandali naman miss. Sa natatandaan ko hindi ka naman umalma kagabi. At saka, bakit ka ba nandito? Hindi ba't may hinihintay ka din na serbisyo?" Ang kanilang pagbabangayan ay naputol nang katok sa pinto. Ang roomboy iyon na ipinapaalam sa kanila na tapos na ang oras ng check in kaya wala silang nagawa kun'di ipagpatuloy ang pagtatalo habang naglalakad sa labas ng hotel. "Ibig mo ba'ng sabihin, bayaran ka din?" Nagbagting ang tainga niya nang marinig ang tanong nito. "Hindi ako kagaya mo na binabayaran para magbigay aliw sa mga bakla!" sigaw ni Alea. Halo-halong emosyon ang nadarama niya. 'Ni hindi niya na nga alam kung saang direksyon sila patungo. Saan siya kukuha ng pera gayong binawi na ni Mrs. Cruz ang usapan nila? "Hay naku, miss. Bayaran mo na lang ako para matapos na 'to." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki. "Kuya, kung tinitiis mo'ng sikmurain 'yang trabaho mo para magkapera, p'wes mas lalo na ako. Pikit mata ko'ng tinanggap ang alok na maging surrogate mother tapos mapupunta lang sa'yo na hindi ko kilala at libre pa ang una ko. Dapat nga ako ang naniningil sa'yo!" Umawang ang labi ng lalaking kausap niya. Napakamot ito ng ulo at napailing. Wala nang punto pa para pag-aksayahan ni Alea ng oras ang lalaki dahil wala din naman itong maibabayad sa kan'ya. Tatandaan niya na lamang ang mukha nito para singilin sa susunod na magkikita sila. Sa ngayon ay kailangan niyang makahanap ng taong siguradong makakapagbigay sa kan'ya ng totoong pera. Tatalikod na sana siya upang iwanan ito nang isang mabigat na braso ang pumatong sa balikat niya. "Miss Beautiful, hinihintay na ni boss ang bayad mo." Kinilabutan siya sa bulong ng tauhan ni Mr. Lee malapit sa kan'yang tainga. Lalayo sana siya ngunit mas lalong humigpit ang pagkakaakbay nito sa kan'ya. "Magpaalam ka na sa syota mo. Gusto ni boss ikaw mismo ang mag-abot ng bayad sa kan'ya," ani isa sa dalawang tauhan. Tumahip ang kaba sa kan'yang dibdib nang hawakan nito nang mahigpit ang braso niya. Nagpumiglas siya na para ba'ng kayang-kaya niyang kumawala sa mga ito, gayong kahit isa lang ang humawak sa kan'ya upang maisakay sa itim na kotseng naghihintay sa tabi ng daan ay magtatagumpay ito. "Bitawan n'yo ako!" sigaw niya. "Buksan mo na ang pinto ng kotse. Dadaanan pa natin ang kapatid nito." Binalewala nito ang pagtangis niya. Mas lalo siyang nagpumilit na kumawala nang marinig niya ang pagtukoy kay Mayumi. Kinaladkad siya nito patungo sa kotse. Nagmamakaawa siyang bumaling sa lalaking kasama niya na walang kaemo-emosyong pinagmamasdan ang kumosyon. Nawawalan na siya ng pag-asa. Walang sinuman ang maglalakas loob para iligtas siya. Kahit man lamang sana sa sitwasyong ito ay may magtatanggol sa kan'ya. Halang ang kaluluwa ni Mr. Lee, kaya alam niyang oras na tumuntong siya sa poder nito ay para siyang pumasok sa lungga ng demonyo. Kung alam niya lang na ito ang kahihinatnan niya, sana'y noon niya pa winakasan ang lahat. Nang sa gayon, mawala man siya ay buo pa din ang puri at dignidad niya. "Sandali!" sigaw ng lalaki dahilan upang mabuhay ang kakarampot na pag-asa sa puso ni Alea.Isa, dalawa hanggang lima ang hakbang na ginawa ng lalaki para makalapit kay Alea. Bawat hakbang nito ay tila ilaw na nagbibigay liwanag sa dumidilim niya nang mundo. "Mukhang may utang din sainyo ang babaeng ito. Sa akin din kasi. Sa katunayan, mas matagal pa ang utang niya sa akin kaysa sainyo kaya nararapat lamang na sa akin siya sumama. Isa pa, nag-usap na kami at pumayag na siya." Walang ideya si Alea sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya kailanman gagawing pambayad ang buong pagkatao. Gayunpaman, mas nanaisin niyang sumama dito kaysa sa mga tauhan ni Mr. Lee. Pagak na tumawa ang dalawang tauhan. "Kung ako sa'yo huwag ka nang makialam dito," pagbabanta pa ng isa. Nagkibit-balikat lamang ang lalaki at humalikipkip pa'ng pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang mga tauhan, animo'y minamaliit. Hindi ba natatakot ang lalaking ito sa mga baril na nakasukbit sa dalawang tauhan? Katanungan ni Alea sa sarili. "Paano kung ayoko?" maangas pang tanong ng lalaki. May kalakihan din
Mahigpit ang bilin ni Alea kay Mayumi na huwag sasama sa hindi kakilalang tao lalo na kung lalaki ito. Kaya nahihiya siya ngayon sa sarili na siya pa ang bumali sa utos na iyon. Maliit ang kwartong inuukupa ng lalaki sa dalawang palapag na boarding house. Luma na iyon at gawa pa sa kahoy na kung aapakan ay lumalagitnit pa. "Dito muna kayo sa kwarto ko. Sa salas na lang ako matutulog mamaya. Buksan n'yo na lang ang bintana dahil wala akong electric fan," anito habang iginigiya sila sa loob. Inilibot ni Alea ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi pinturado ang pader at butas-butas pa ang kisame, gayunpaman, ay balewala iyon sa kan'ya dahil kung tutuusin ay mas maayos pa ito kaysa sa tinitirahan nila sa squatter's area. "Kahit kami na lang sa salas ni Mayumi. Sapat na sa'min na may matutuluyan pansamantala," pagtutol ni Alea. Magaan ang loob niya sa lalaki. Ito'y kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita. Subalit ayaw niyang magpakatiwala. Hindi niya pa ito lubos na kilala
Mapayapa ang karagatan na tinatahak ng maliit na barkong sinasakyan ni Alea kasama ang kapatid at si Pio patungo sa Isla Irigayo kung saan nakatira ang huli. Dumungaw si Alea sa bintana habang hinahaplos ang buhok ni Mayumi, na nakasandal sa balikat niya. Tahimik ang dagat at maaliwalas ang kalangitan. Walang sinuman ang makakaalam kung nasaan sila. Hindi niya man alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanila sa isla, ang mahalaga ay ligtas na sila kay Mr. Lee. Huminga siya nang malalim habang sinasamyo ang amoy-dagat na hangin. Dumako ang kan'yang mga mata sa matarik na burol 'di kalayuan sa isla kung saan malapit na silang dumaong. Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang isang masakit na alaala ang sumagi sa isipan niya. Mariin siyang pumikit at sunod-sunod ang ginawang paghinga nang malalim. Pinilit niyang mag-isip ng magandang alaala noong kabataan niya pa, subalit malabo ito at hindi kayang burahin ang mapait na imaheng pumapasok sa utak niya. "Alea. Alea." Ang mahi
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang nag-udyok sa batang si Alea upang sundin ang senyal ng ama na magkubli sa likod ng malaking bato. Tinakpan niya ang bibig gamit ang nanginginig na kamay upang hindi makalikha ng malakas na ingay ang kan'yang paghikbi. "Alea! Alea!" Iminulat ni Alea ang mga mata kasabay nang paghabol sa hininga dulot nang masamang alaala na pumasok sa kan'yang panaginip. Mabilis siyang bumangon at pinalis ang luha nang makitang si Aling Lolit ang nakatayo sa tabi ng kama at gumising sa kan'ya. Aalma sana siya sa walang paalam nitong pagpasok sa kwarto subalit naudlot iyon nang mapansin niyang bakante ang higaan sa kan'yang tabi. Wala doon si Mayumi. Binalot siya nang kaba sapagkat masyado pa'ng maaga para mauna itong bumangon sa kan'ya. "Si Mayumi nasa gitna ng dagat!" Doon niya lamang napansin ang nag-aalalang mukha ni Aling Lolit. Hindi niya na alam kung paano siya nakaabot sa pangpang. Papasikat pa lamang ang araw ngunit maliwanag niya nang nakita si
"Noong natagpuan ka ni Julian sa tabing dagat ay mayroon kang sugat sa hita. Daplis lang iyon pero sabi ni 'Ka Gener ay mukha daw likha ng bala ng baril." "Tinangay ka dito, kaya posibleng itinapon o 'di kaya'y nahulog ka sa dagat nang mawalan ka nang ulirat." Tahimik na pinapakinggan ni Alea ang usapan ng mga kapitbahay ni Pio matapos ikwento ng huli ang malabong alaala na sumagi sa isipan nito kanina. Matiwasay ang malamig na gabi sa isla. Sa ilang araw na pananatili doon ni Alea at ng kan'yang kapatid ay nasanay na siyang natatapos ang buong araw sa pagkwekwentuhan ng mga makakapitbahay. Mayroong supply ng kuryente subalit mas pinipili ng mga taga-roon na magpadapo ng antok sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ka-isla. Ipinilig ni Alea ang ulo sa hamba ng kanilang pintuan. Maya't-maya niyang tinatanaw ang kwarto na tinutuluyan nila ni Mayumi upang masiguro na hindi na siya nito tatakasan. "Mabuti na lamang ay narito si Alea. Hindi ba ang sabi ng doktor sa bayan ay maaari ka
Hindi na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ng kutsarita sa tasang pinagtitimplahan ni Alea ng kape subalit nagpatuloy pa din siya sa paghahalo, animo'y handa siyang gawin iyon sa buong magdamag huwag lamang makaharap si Pio sa hapag. "Ate, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mayumi na malapit nang maubos ang agahan. Napakamot ng batok si Alea at nakayukong lumapit sa hapag. Tahimik siyang nagsandok ng pagkain at kinokontrol ang mga mata na sa kan'yang plato lamang tumingin. Hindi pa man siya nakakasubo ay tumayo na si Mayumi. Animo'y naalarma si Alea at kaagad itong pinigilan. "Pero ate, tapos na ako'ng kumain. Isa pa'y nasa labas na si Potpot. Sabay kaming papasok sa eskwela." Oo nga pala, pinakiusapan niya ang paaralan doon na tanggapin si Mayumi kahit malapit nang matapos ang school year. Maigi na iyon para hindi na maisip ng kapatid niya ang maglayas. Nakasimangot niyang sinundan ng tingin si Mayumi hanggang sa makalabas ito ng pinto. Nagsimula nang mahaluan ng pagkailang a
"Baka mayaman ka Kuya Pio? Balatuhan mo kami ni ate kapag bumalik na ang alaala mo," masayang saad ni Mayumi habang pinapakinggan niya ang pagkwekwento ni Pio tungkol sa alaalang sumagi sa isipan nito kung saan may malaking party itong dinaluhan at maraming pamilyar na taong nakasuot ng pormal na damit ang binabati ito ng congratulations. "Mayumi! Ano'ng sabi ko? 'Di ba, hindi dapat nanghihingi? Mas mabuti nang bigyan tayo nang kusa kaysa humihingi tayo. Lahat ng bagay dapat pagtrabahuhan natin sa marangal na paraan," seryosong pagsita ni Alea sa kapatid habang hinihilot ang sintido. Umagang-umaga ay sumasakit ang kan'yang ulo at nahihilo pa. Gusto niyang isipin na nasobrahan siya sa tulog kahit tama naman iyon sa oras. "At saka kung mayaman ka talaga Pio, sana'y marami nang binayarang tao ang pamilya mo para hanapin ka," dagdag niya pa sa naiiritang tono. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya sa dalawang kasama sa bahay. Walang naging sagot si Pio ngunit nahalata niya ang pasim
Hawak-hawak ang isang bag na naglalaman ng mga damit nila ni Mayumi ay tinungo na ni Alea ang pampasaherong bangka. Maaabutan pa nila ang byahe ng bus patungo sa siyudad. Alam niyang lubhang delikado ang pagbabalik nila lalo pa't ayon sa kapatid ng kan'yang amain ay pinatay ito ng mga tauhan ni Mr. Lee. Kung totoo man iyon, maaaring isa lamang itong patibong upang magpakita siya at gawing pambayad sa utang. Pinagmasdan niya si Mayumi na tulalang nakasunod sa pila ng mga pasaherong sumasampa sa bangka. Namamaga ang mga mata nito buhat sa buong gabing pag-iyak. Hindi niya nanaisin na madagdagan pa ang pighati nito kung hindi masisilayan ang ama kahit sa huling pagkakataon. Magiging maingat na lamang siya at sisiguraduhing makakabalik sa isla matapos ang libing. "Nakikiramay ako, Alea," ani Tonyo na siyang umaalalay sa mga sumasakay sa bangka. Pinasalamatan niya ito at akma nang hahawakan ang braso upang maayos na makasampa sa bangka nang isang mainit na palad ang bumalot sa kan'yan
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m
“Sa wakas bumalik na din ang alaala ng anak sa labas,” pagak ito’ng tumawa na animo’y hindi alintana ang bagsik ng galit na pinapakita ng kan’yang mukha.“Walang hiya ka!” nangangalaiti niyang saad.Sinalubong nito ang namumula niyang mga mata dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.“Gusto ko pa nga sanang ulitin ngayon ang ginawa ko sa’yo. Baka sa ikalawang pagkakataon, magtagumpay na akong patayin ka,” dagdag nito.Hindi na siya nakapagpigil at marahas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig.“Bakit? Gan’yan na ba kalala ang inggit mo sa’kin, ha?” sigaw niya dito.Ngumisi ito pagkatapos ay tumayo at inambahan siya ng suntok na tumama sa gilid ng kan’yang labi.“Bakit ako maiinggit sa isang kagaya mo?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba walang dapat ikainggit sa kan’ya.“Then why are doing this?”Hindi siya gumanti ng suntok kahit pa kating-kati na s’yang gumanti dito.“Dahil ninakaw mo ang dapat ay sa akin! Dapat sa akin pinamana ni dad ang kompanya at
“Sir ayos lang po ba kayo?” tanong sa kan’ya ng manager ng resort nang mahigpit siyang kumapit sa hamba ng pintuan papasok sa opisina.Inalalayan siya nito at tinawag ang isa sa mga tauhan para kumuha ng tubig.Biglang may mga pamilyar na eksena ang pumasok sa kan’yang isipan. Pilit niyang inaalala ang mga iyon lalo pa’t hindi pa buong bumabalik ang alaala niya bago mapadpad sa Isla Irigayo.Tinanaw niya ang mataas na lugar sa ‘di kalayuan na nagpa-trigger nang pananakit ng kan’yang ulo. Matagal niya iyong tinitigan kasabay nang matinding pagkahilo at bigla ay nawalan siya nang ulirat.“Kahit sana dumaan ka man lang,” saad niya sa nakakabatang kapatid sa ama na si Bret sa kabilang linya. Sinabi nitong hindi ito makakapunta sa resort para gunitain ang death anniversary ng ama dahil baka hindi na ito umabot sa gig na pupuntahan.“Bumisita na ako sa puntod,” anito bago ibinaba ang tawag.Bumuntong hininga siya at mag-isang inakyat ang 400 steps na pinagawa noon ng kan’yang ama para matan
Hindi pumasok sa isipan ni Calvin na isantabi muna ang kasal nila ni Alea dahil higit iyon na mas mahalaga sa anumang bagay, ngunit mapilit ang babae. Katwiran nito na hindi rin nito gusto na mayroong bumabagabag sa isipan niya sa araw mismo ng kasal.Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa nang kausapin na nito ang wedding coordinator na i-cancel muna ang araw ng pag-iisang dibdib nila. Mabuti na lamang ay hindi pa nila naipapamigay ang mga imbitasyon.“Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon,” bilin ni Alea sa kan’ya matapos nitong isara ang maliit niyang maleta.Ito ang nag-empake ng damit niya para sa dalawang araw na pananatili sa resort. Pakiramdam niya nga ay baka bumalik din siya kaagad matapos ang isang araw. Hindi niya yata kayang matulog nang hindi katabi ang mag-ina.Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ito na mabusising inaayos naman ang laman ng kan’yang bag.Hinawakan niya ang beywang nito at kinabig paupo sa kan’yang mga binti.“Hindi pa nga tayo kasal pakiramda
Tila nasa cloud nine pa din si Calvin matapos ang biglaang proposal niya kay Alea. Ang totoo ay matapos siyang sagutin nito ay bumili na kaagad siya ng singsing. Alam niyang ang babae na ang makakasama sa habangbuhay at wala nang dapat pa’ng hintayin na tamang panahon para pakasalan ito, ngunit hindi niya naman gusto na ma-pressure ito lalo pa’t nagsisimula pa lang itong mag-aral kaya natagalan nang ilang buwan bago niya binalak na alukin ito ng kasal.Nang gabing sinundo niya ito at nakita niya pa’ng tinanggap nito ang yakap ng abogadong si Arim ay nakadama siya ng selos. Tiwala naman s’ya sa pagmamahal nito, hindi lang siya komportable na dumidikit dito ang lalaki.Subalit nang biglaan siyang hagkan ni Alea ay nawala lahat ng pangamba niya. Para ba’ng sa bawat araw ay nakikita niya kung paano magmahal ang nobya. Hindi niya maiwasan isipin na hindi pa nito naibibigay ang lubos na pagmamahal pero parang siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, paano pa kaya kung buo na nitong ipada
Akala niya ay mahihirapan siya sa pagpasok sa kolehiyo lalo pa’t bukod sa mas bata ang mga magiging kaklase ay mayayaman din ang mga ito, ngunit hindi pala. Sa loob ng unang apat na buwan ay madali siyang nakibagay sa unibersidad.“Alea?” isang pagtawag mula sa likod ang nagpalingon sa kan’ya.Kakatapos lang ng huli niyang klase para sa araw na iyon. Naglalakad na s’ya palabas ng campus kung saan naghihintay na si Calvin para sunduin s’ya.Isang malawak na ngiti ang binigay niya kay Arim na siyang tumawag sa kan’ya.Tumakbo ito palapit sa kan’ya.“Kumusta? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.Itinaas niya ang ID. “Nag-aaral na ako,” masaya niyang balita.Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito.“That’s good! Mabuti pala tinanggap ko ‘yong pagsubstitute kay Miss Labuanan kun’di hindi ako magagawi dito sa building n’yo. Hindi sana kita makikita.”Alam niyang nagtuturo din ito ng law, hindi niya lang alam na sa parehong paaralan pala.Sinabayan siya nito sa paglalakad habang nagkwekwe
Ang bilis ng panahon. Lagpas kalahating taon na ang kanilang anak at magtatatlong buwan na silang mag-nobyo at nobya ni Calvin.“Pwede naman sigurong huwag na kaming sumama. Ipasundo mo na lang kami mamaya.” Kanina pa s’ya nag-iisip ng rason para makatanggi sa pag-alok ni Calvin na isama sila sa pagpasok nito sa opisina.Kahit kasi sila na ay may nadarama pa din s’yang insecurity sa sarili. Alam niyang hindi naman na siya makakarinig ng negatibong komento mula sa mga empleyado nito dahil takot na ang mga ito, ngunit hindi n’ya maiwasan isipin na sa paglabas nito ng kompanya ay siya ang pag-uusapan.“Pagbigyan mo na ako, please. Stressful sa kompanya ngayon, I need you and baby Ali to be there, para marelax man lang ako,” anito na pinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ng bata sa bag.Malungkot s’yang napangiti. Hindi ito nagkwekwento ng problema sa kompanya. Kahit siguro magkwento ito ay wala naman s’yang maitutulong.“Kung naiintindihan ko lang ang trabaho mo, sana matutulungan kita.”