Lumipas ang ilan segundong katahimikan, ngunit hindi sumagot si Alea.“Ako ba ang ama ng dinadala mo?” pag-ulit ni Calvin.Alam ni Alea na itatanong iyon ni Calvin, gayunpaman ay hindi niya napaghandaan ang isasagot. Magsisinungaling ba siya o sasabihin ang totoo?“Kailangan ko ba’ng sagutin ‘yan?” balik niyang tanong dito.Hinawakan niya ang handle ng sliding door upang buksan ito nang hawakan siya ni Calvin sa braso. Lumingon siya dito at sinalubong ang nagtatanong na mga titig ng binata.“You’re almost 10 weeks pregnant. Tama sa bilang ng araw simula nang may mangyari sa atin. So you’re right, maybe you don’t need to answer it. Sorry that I asked, when I’m sure that I am your first,” aniya.Ibinaling ni Alea ang tingin sa halaman na naroon. Sandaling bumilis ang tibok ng kan’yang puso sa litanya ng kaharap. Oo, ito ang kan’yang una, ang unang mabigat na pagkakamaling nagawa niya sa buhay.“Papanagutan ko ang bata kaya huwag ka’ng mag-alala,” dugtong nito.Nilunok ni Alea ang sarilin
Last Updated : 2024-09-06 Read more