Maaga pa ay nakapag-empake na si Alea ng mga gamit nila ni Mayumi. Ayaw niyang mas maabala pa si Calvin kung tanghali na ay hindi pa sila handa, lalo pa’t maraming trabaho ang naghihintay dito.Siniguro niyang wala nang nakalimutan bago sumunod kay Calvin at Mayumi palabas ng bahay. Si Calvin na ang nag-lock ng pinto habang siya nama’y panay ang pagngiti sa mga naglalakad na kapitbahay na iisa lang ang direksyon. Patungo ang mga ito sa covered court ng kanilang barangay.“Naku Alea, saan ba kayo pupunta? Mamaya na kayo umalis. Mayroong pabigay ng bigas at grocery sa barangay hall itong si Sir Pogi,” nagagalak na saad ni Aling Lolit na mayroong bitbit na isang kahon ng grocery at bigas na bitbit naman ng kasama nitong lalaki.Nanlaki ang mata ni Alea nang makita ang kasama nito na si Jake. Akma niya nang babatiin ito nang akbayan siya ni Calvin at mahinang pinisil ang kan’yang balikat. Napabaling siya dito, ngunit pormal lamang ang mukha nitong nakatingin kay Aling Lolit.“Sa mga susuno
Sa condo unit sila nanirahan ni Mayumi kasama si Manang Guada. Dalawang beses lang umuwi doon si Calvin sa loob ng isang linggo simula nang bumalik sila dahil naging abala ito sa mga naiwang trabaho. Gayunpaman, wala itong pinapalagpas na araw na hindi sila kinukumusta.“Ang mahal ng tuition dito Calvin. Maayos lang naman kahit sa public school mag-aral si Mayumi,” saad ni Alea nang sunduin sila ni Calvin sa pribadong eskwelahan na papasukan ng kan’yang kapatid sa susunod na linggo.Ayaw niya sanang ipasok ang kapatid sa mamahaling paaralan kagaya nang kagustuhan ng binata, ngunit wala na siyang nagawa nang sabihin ng registrar na bayad na ang buong matrikula nito.“Ayos lang iyon Alea,” anito habang minamaniobra ang sasakyan palabas ng parking lot.“Hindi iyon okay. Alam ko na mayaman ka pero hindi mo kami obligasyon ni Mayumi. Sa baby ka lang naman may responsibilidad,” giit niya.Sandali siyang binalingan ng tingin ng binata pagkatapos ay banayad na ngumiti.“Ano ka ba, Alea? Hindi
“Ang sosyal talaga nitong school mo Mayumi. ‘Ni wala man lang ako makitang nagtitinda ng streetfoods sa labas,” reklamo ni Alea nang lapitan niya ang kapatid na matiyagang naghihintay sa kan’ya sa lounge area ng paaralan.Nasasabik pa naman siyang sunduin ang kapatid sa unang araw ng klase nito sa isipin na kakain sila ng isaw at betamax, na isinawsaw sa sukang maraming sibuyas at pipino, ngunit bumagsak ang kan’yang balikat nang puro mamahaling restaurant ang nasa paligid ng paaralan.“Kaya nga ate, pati mga kaklase ko ang sososyal. Halos lahat sila english speaking,” pagsang-ayon ng kapatid niya.“Sus, best in english ka kaya d’on sa dati mong school kaya kayang-kaya mo’ng makipagsabayan sa kanila.” Hindi naman siya nababahala dahil alam n’yang likas na matalino ang kapatid. Siniguro niya din na kompleto ito sa gamit, at hindi ito magmumukhang kaawa-awa.Inakbayan n’ya ito nang maglakad na sila palabas.Kaninang umaga ay ipinahatid ni Calvin ang kan’yang kapatid kay Mang Cado, na dri
Hindi niya pinapasok si Calvin sa kwarto ng sarili nitong condo at sa halip ay pinabalik n’ya sa kusina ang pagkain.“Doon na lang ako kakain mamaya,” malamig n’yang sabi dito.Marahan na tumango ang lalaki, animo’y nagtataka sa pamumula ng kan’yang mata. Gayunpaman, naglakad na ito pabalik sa kusina.Sinarhan ni Alea ang pintuan at bumalik sa kama. Pumasok na din pagkaraan si Mayumi upang gumawa ng assignment. Hindi naman masama ang loob n’ya sa kapatid kanina, pero dahil ito ang kumain ng cravings niya ay biglang ayaw n’ya muna itong makasama sa kwarto, lalo pa nang pakanta-kanta itong umupo sa study table upang gumawa ng assignment.Napagpasyahan niyang sa salas na lang muna magpalipas ng sama ng loob, ngunit napahinto siya nang makitang naroon pa din si Calvin.Karaniwang pagkatapos ng hapunan ay umaalis na ang binata para umuwi sa bahay nito, kaya hindi niya inaasahan na naroon pa din ito.Mula sa pagtipa sa laptop ay iniangat ni Calvin ang tingin sa kan’ya. Hindi niya napigilan a
Pinipigilan ni Alea ang ngumiti nang matanaw n’ya na mula sa parking area ang usok ng mga iniihaw na pagkain sa ‘di kalayuan. Gusto n’yang ipakita na hindi pa din s’ya okay dahil baka biglang magbago ang desisyon ni Calvin at hindi na siya payagan na kumain ng pinaglilihian n’ya.“Wait, Alea.” Pinigilan s’ya nitong bumaba ng sasakyan.Nakasimangot siyang humarap dito sa pag-aakalang nagbago ang isip nito, ngunit isusuot lang pala ang sumbrero sa kan’ya.“Bawal kang maambunan,” saad nito.Kinurot pa nito ang ilong n’ya pagkatapos maisuot ang sumbrero. Lumabas tuloy siya na hinahaplos iyon. Mukha yatang nasasanay na ang lalaki sa pagpisil sa kan’yang ilong, at hindi n’ya alam kung bakit kailangan pa nitong gawin iyon.Habang papalapit sila sa barbecue stalls sa plaza ay mas lalong gumaganda ang mood niya. Unti-unti ay sumisilay na ang ngiti sa kan’yang labi habang naaamoy ang mga inihaw na pagkain.“Tig-dalawang isaw at betamax po.” Si Calvin na ang nagsabi ng order sa tindero.Ang malak
Ibinaba ni Alea ang hawak na libro nang makita niyang naghahanda na ng sasakyan si Mang Cado upang sunduin ang kan’yang kapatid.Nasa hardin siya ng bahay ni Calvin, nakaupo habang nagbabasa ng libro na hiniram niya mula sa munting library ng binata. Tama ang desisyon n’yang pumayag na lumipat doon dahil pakiramdam n’ya ay buhay na buhay ang paligid kumpara sa condominium na apat na sulok lamang ang kan’yang nakikita araw-araw.“Ako na po ang magliligpit n’yan ma’am,” ani Ana na katulong din sa bahay bukod kay Manang Guada.“Alea na lang, saka ako na. Ilalagay ko lang naman ito sa kusina.” Kinuha niya ang platong pinaglagyan niya ng prutas kanina upang kainin habang nagbabasa ng libro. Naiilang pa din s’ya na amo ang turing sa kan’ya ng mga kasama sa bahay, lalo pa’t hindi naman siya mayaman at nagpapasahod sa mga ito.Dumako na siya sa garahe matapos magpaalam kay Manang Guada, na nag-aayos sa kusina. Hinihintay na lamang siya ni Mang Cado, na nakakakwentuhan n’ya madalas kapag walang
Dumating na ang arroz caldo na pare-pareho nilang order sa karinderia, kaya naging abala silang apat sa pag-ihip dito bago isubo.“Dito po ako dinadala ni ate sa tuwing may award ako sa school.” Narinig n’yang kwento ni Mayumi kay Calvin na nasa tabi nito.“So ibig ba’ng sabihin mataas ulit ang grade mo kaya nandito ka?” tanong ni Arim na nasa kabilang tabi naman ni Mayumi.Napapagitnaan ng dalawang lalaki ang kapatid niya habang siya naman ay nasa tabi ni Calvin.“Opo,” nahihiyang sagot ng kan’yang kapatid.“Kung gayon pala, dapat palaging mataas ang marka mo para palagi ko kayong nakakasabay kumain ni Alea dito,” saad ni Arim na binalingan pa siya ng tingin.Sinalubong niya ang tingin nito at binigyan ng matamis na ngiti, ngunit naputol iyon nang humarang si Calvin.“Gusto mo ng softdrinks?” tanong nito sa kan’ya.Nangunot ang kan’yang noo. “Bawal ‘di ba?” paalala n’ya dito.“Oo nga pala,” saad nito kahit mukhang alam naman nito iyon.Tanging ang tatlo lamang ang nag-uusap, habang si
Tahimik na binabasa ni Alea ang mga maternity magazine na naka-display sa clinic ng kan’yang doktor habang hinihintay si Calvin na dumating. Ngayon ang kan’yang buwanang check-up at nangako ito na sasamahan s’ya.“Alea, sorry. Kanina ka pa ba?” Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kan’ya ay mapaumanhin nang nagsalita si Calvin.Nakasuot ito ng blue crisp dress shirt at leather dress shoes. Medyo nagulo ang pagkakahagod ng buhok nito dahil mukhang tinakbo nito ang parking lot hanggang clinic.“May pasyente pa naman si dok,” ani Alea at inaya itong umupo sa kan’yang tabi.Lumapit siya at inayos ang buhok nito. Tila naman ito naestatwa sa kan’yang ginawa, subalit hinayaan lang siya nito.“Ayan, okay na,” saad niya na para ba’ng hindi iyon ang unang beses na ginawa n’ya iyon.“Ma’am, pasok na daw po kayo,” ani assistant ng doctor nang lumabas na ang pasyente sa opisina nito.Sinuri na siya ng doktor upang masiguro na maayos ang bata sa kan’yang sinapupunan. Kinuha na din nila ang pagkakat
Mataas na ang sikat ng araw nang magising s’ya. Naabutan niya si Calvin na naglalakad sa resort habang kausap ang dalawang lalaki at si Jake.Pinalibot niya ang mata sa paligid, ibang-iba na ang lugar na iyon subalit tila nakikita niya pa din ang itsura nito noon. Bawat parte ng tabing dagat ay may iba-ibang memorya. Mayroong masaya ngunit tanging ang malungkot na pangyayari lang ang kan’yang naaalala.Inalok siya ng agahan ng ilang staff na naroon ngunit tumanggi siya at sinabing hihintayin na lang ang nobyo.Habang naghihintay ay dumako ang kan’yang mga mata sa borol. Kahit maganda ang sinag ng araw at buhay na buhay ang paligid ay napakadilim nito para sa kan’ya na animo’y wala siyang ibang kulay na nakikita dahil mas nananaig ang kalungkutan doon.Huminga siya nang malalim at pilit na winawaksi sa isipan ang miserableng memorya sa lugar na iyon. Matagal din niya iyong binaon sa limot dahil nawalan na s’ya ng pag-asa na makamtan ang hustisya, ngunit sa pagbabalik sa lugar na iyon h
Kanina pa s’ya nasa kwarto ngunit hindi niya magawang lapitan ang natutulog na nobyo.Halos dalawang oras na siyang naroon at umiiyak. Kaya pala napakalungkot ng lugar dahil doon nalagutan ng hininga ang ama.Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi siya maaaring magpakita kay Calvin sa ganoong estado.Nang bahagya siyang naging maayos ay lumapit na s’ya dito. Tumambad sa kan’ya ang mukha nitong puno ng pasa at galos. Napalitan ng kalungkutan niya nang pag-aalala. Kaya pala kahapon pa siya hindi mapakali dahil tama ang hinala niyang may masama ditong nangyari.Hinaplos niya ang sugat nito. Malakas ang kutob niyang ang kapatid nitong si Pancho ang may gawa.Maya pa’y iminulat nito ang mata at tila nagulat nang mukha niya ang masilayan.“Alea, anong ginagawa mo dito?”Malungkot siyang napangiti sa tanong nito. Dalawang rason pala ang dahilan kung bakit may nagtutulak sa kan’yang magpunta doon, una ay dahil sa kalagayan ng nobyo, at pangalawa ay para bumalik ang masakit na alaala sa mala
Kinabukasan ng hapon na ang balik ni Calvin mula sa resort ngunit hindi mapakali si Alea. Para ba’ng mayroong nagtutulak sa kan’ya na sumunod dito.“Bakit hindi ka sumasagot?” Simula kahapon pagkarating nito ay isang mensahe lang ang pinadala sa kan’ya. Kanina naman ay hindi ito pumayag na makipag-videocall. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong mali.Bumuntong hininga siya at isang desisyon ang ginawa nang sa ikalimang ring ay hindi sinagot ng lalaki.Tinawagan niya si Jake at sinabi ditong susunod siya patungo sa resort.“Samahan ko na po kayo ma’am,” pagpupumilit nito na tinanggihan n’ya.Ayaw niyang maabala pa ang trabaho nito sa padalos-dalos niyang desisyon.Nagkamot-ulo ito at salubong na ang kilay na animo’y batang ayaw magpaiwan.“Ako po ang malalagot kay Sir Calvin kapag mag-isa lang kayo na bumyahe patungo doon.”Sa huli ay pumayag na lang siyang isama ito. Mas mabuti na din iyon dahil kung s’ya lang ay baka maligaw pa s’ya.Sumakay sila ng eroplano. Hating gabi na nang m
“Sa wakas bumalik na din ang alaala ng anak sa labas,” pagak ito’ng tumawa na animo’y hindi alintana ang bagsik ng galit na pinapakita ng kan’yang mukha.“Walang hiya ka!” nangangalaiti niyang saad.Sinalubong nito ang namumula niyang mga mata dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.“Gusto ko pa nga sanang ulitin ngayon ang ginawa ko sa’yo. Baka sa ikalawang pagkakataon, magtagumpay na akong patayin ka,” dagdag nito.Hindi na siya nakapagpigil at marahas itong tinulak dahilan para matumba ito sa sahig.“Bakit? Gan’yan na ba kalala ang inggit mo sa’kin, ha?” sigaw niya dito.Ngumisi ito pagkatapos ay tumayo at inambahan siya ng suntok na tumama sa gilid ng kan’yang labi.“Bakit ako maiinggit sa isang kagaya mo?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na tila ba walang dapat ikainggit sa kan’ya.“Then why are doing this?”Hindi siya gumanti ng suntok kahit pa kating-kati na s’yang gumanti dito.“Dahil ninakaw mo ang dapat ay sa akin! Dapat sa akin pinamana ni dad ang kompanya at
“Sir ayos lang po ba kayo?” tanong sa kan’ya ng manager ng resort nang mahigpit siyang kumapit sa hamba ng pintuan papasok sa opisina.Inalalayan siya nito at tinawag ang isa sa mga tauhan para kumuha ng tubig.Biglang may mga pamilyar na eksena ang pumasok sa kan’yang isipan. Pilit niyang inaalala ang mga iyon lalo pa’t hindi pa buong bumabalik ang alaala niya bago mapadpad sa Isla Irigayo.Tinanaw niya ang mataas na lugar sa ‘di kalayuan na nagpa-trigger nang pananakit ng kan’yang ulo. Matagal niya iyong tinitigan kasabay nang matinding pagkahilo at bigla ay nawalan siya nang ulirat.“Kahit sana dumaan ka man lang,” saad niya sa nakakabatang kapatid sa ama na si Bret sa kabilang linya. Sinabi nitong hindi ito makakapunta sa resort para gunitain ang death anniversary ng ama dahil baka hindi na ito umabot sa gig na pupuntahan.“Bumisita na ako sa puntod,” anito bago ibinaba ang tawag.Bumuntong hininga siya at mag-isang inakyat ang 400 steps na pinagawa noon ng kan’yang ama para matan
Hindi pumasok sa isipan ni Calvin na isantabi muna ang kasal nila ni Alea dahil higit iyon na mas mahalaga sa anumang bagay, ngunit mapilit ang babae. Katwiran nito na hindi rin nito gusto na mayroong bumabagabag sa isipan niya sa araw mismo ng kasal.Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa nang kausapin na nito ang wedding coordinator na i-cancel muna ang araw ng pag-iisang dibdib nila. Mabuti na lamang ay hindi pa nila naipapamigay ang mga imbitasyon.“Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon,” bilin ni Alea sa kan’ya matapos nitong isara ang maliit niyang maleta.Ito ang nag-empake ng damit niya para sa dalawang araw na pananatili sa resort. Pakiramdam niya nga ay baka bumalik din siya kaagad matapos ang isang araw. Hindi niya yata kayang matulog nang hindi katabi ang mag-ina.Nakaupo siya sa kama at pinagmamasdan ito na mabusising inaayos naman ang laman ng kan’yang bag.Hinawakan niya ang beywang nito at kinabig paupo sa kan’yang mga binti.“Hindi pa nga tayo kasal pakiramda
Tila nasa cloud nine pa din si Calvin matapos ang biglaang proposal niya kay Alea. Ang totoo ay matapos siyang sagutin nito ay bumili na kaagad siya ng singsing. Alam niyang ang babae na ang makakasama sa habangbuhay at wala nang dapat pa’ng hintayin na tamang panahon para pakasalan ito, ngunit hindi niya naman gusto na ma-pressure ito lalo pa’t nagsisimula pa lang itong mag-aral kaya natagalan nang ilang buwan bago niya binalak na alukin ito ng kasal.Nang gabing sinundo niya ito at nakita niya pa’ng tinanggap nito ang yakap ng abogadong si Arim ay nakadama siya ng selos. Tiwala naman s’ya sa pagmamahal nito, hindi lang siya komportable na dumidikit dito ang lalaki.Subalit nang biglaan siyang hagkan ni Alea ay nawala lahat ng pangamba niya. Para ba’ng sa bawat araw ay nakikita niya kung paano magmahal ang nobya. Hindi niya maiwasan isipin na hindi pa nito naibibigay ang lubos na pagmamahal pero parang siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo, paano pa kaya kung buo na nitong ipada
Akala niya ay mahihirapan siya sa pagpasok sa kolehiyo lalo pa’t bukod sa mas bata ang mga magiging kaklase ay mayayaman din ang mga ito, ngunit hindi pala. Sa loob ng unang apat na buwan ay madali siyang nakibagay sa unibersidad.“Alea?” isang pagtawag mula sa likod ang nagpalingon sa kan’ya.Kakatapos lang ng huli niyang klase para sa araw na iyon. Naglalakad na s’ya palabas ng campus kung saan naghihintay na si Calvin para sunduin s’ya.Isang malawak na ngiti ang binigay niya kay Arim na siyang tumawag sa kan’ya.Tumakbo ito palapit sa kan’ya.“Kumusta? Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.Itinaas niya ang ID. “Nag-aaral na ako,” masaya niyang balita.Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito.“That’s good! Mabuti pala tinanggap ko ‘yong pagsubstitute kay Miss Labuanan kun’di hindi ako magagawi dito sa building n’yo. Hindi sana kita makikita.”Alam niyang nagtuturo din ito ng law, hindi niya lang alam na sa parehong paaralan pala.Sinabayan siya nito sa paglalakad habang nagkwekwe
Ang bilis ng panahon. Lagpas kalahating taon na ang kanilang anak at magtatatlong buwan na silang mag-nobyo at nobya ni Calvin.“Pwede naman sigurong huwag na kaming sumama. Ipasundo mo na lang kami mamaya.” Kanina pa s’ya nag-iisip ng rason para makatanggi sa pag-alok ni Calvin na isama sila sa pagpasok nito sa opisina.Kahit kasi sila na ay may nadarama pa din s’yang insecurity sa sarili. Alam niyang hindi naman na siya makakarinig ng negatibong komento mula sa mga empleyado nito dahil takot na ang mga ito, ngunit hindi n’ya maiwasan isipin na sa paglabas nito ng kompanya ay siya ang pag-uusapan.“Pagbigyan mo na ako, please. Stressful sa kompanya ngayon, I need you and baby Ali to be there, para marelax man lang ako,” anito na pinagpatuloy ang paglalagay ng gamit ng bata sa bag.Malungkot s’yang napangiti. Hindi ito nagkwekwento ng problema sa kompanya. Kahit siguro magkwento ito ay wala naman s’yang maitutulong.“Kung naiintindihan ko lang ang trabaho mo, sana matutulungan kita.”