Home / Romance / The Beautiful Mistake / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng The Beautiful Mistake: Kabanata 41 - Kabanata 50

59 Kabanata

40

Kanina pa pinapaikot ni Calvin ang ballpen sa kan’yang mga daliri. Ganito siya sa tuwing malalim na nag-iisip.Hindi madali ang maging CEO ng kompanyang iniwan ng ama. Hindi lamang iyon dahil paminsan-minsan ay pinagtutuunan niya din ng pansin ang iba pa’ng negosyo na si Pancho ang may hawak. Wala na siyang tiwala sa kapatid matapos ang ginawa nito sa kompanya nang wala siya. Pinalagpas niya na lamang ang perang nawala nito, dahil hindi niya gusto na madagdagan pa ang lamat ng relasyon nila. Kaya ngayon ay doble-doble naman ang hirap niya lalo pa’t wala na siyang maasahan ‘ni isa man sa dalawang kapatid sa ama.Mabuti na lang kahit papaano ay mayroon siyang dahilan para magpatuloy.“Sir, si Ma’am Eunice po,” pagputol ng kan’yang personal assistant na si Jake sa pag-iisip.Iniabot nito sa kan’ya ang cellphone. Nakalimutan niya pala na sabihan ito na huwag sagutin ang tawag mula sa dating nobya, kagaya ng ginawa niya. Kahit sabihin niya pa’ng maayos na siya at hindi na apektado sa ginaw
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

41

Pasado alas-otso na nang magising si Alea. Masyado s’yang nalibang sa pag-aayos ng mga gamit ng bata kung kaya malalim na ang gabi nang matulog s’ya.Dahan-dahan s’yang bumaba ng hagdan dahil mas lalong bumigat ang kan’yang tiyan. Hindi na siya makapaghintay na mailabas ang kan’yang dinadala.Nakaalis na si Calvin at ang kan’yang kapatid kaya si Manang Guada na lamang ang naabutan n’ya sa kusina. Nang makita s’ya ay kaagad s’ya nito’ng ipinagtimpla ng gatas at naghain ng pagkain sa kan’yang harapan.“May pupuntahan ka ba o may ipapabili? Magbabayad kasi ako ng kuryente at tubig. Magpapahatid ako kay Cado,” anito.“Wala po,” ngumiti s’ya dito. Nito’ng mga nakaraan ay tinatamad na s’yang lumabas. Makailang ulit na din s’yang inaya ng ginang na sumama tuwing mamamalengke ngunit tumatanggi s’ya dahil mas mabilis na s’yang mapagod. Ayaw n’yang maging alalahanin pa nito.Nagpaalam na ito sa kan’ya pagkalaon.Magana s’yang kumain. Hindi n’ya mapigilan ang sunod-sunod na pagsubo kung kaya mun
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

42

“Tama ba ang sagot ko ate?” tanong ni Mayumi sa kan’ya kinahapunan nang samahan niya ito sa sala upang mag-aral.Nakaligtaan n’yang tinuturuan n’ya pala ang kapatid. Natulala siya sa kawalan, hindi niya maiwasan isipin ang magiging sitwasyon kung tagumpay na nagkabalikan si Calvin at Eunice.Kanina nang umalis s’ya sa opisina ay hindi naman siya hinabol pa ng binata ngunit inutusan nito si Jake na ihatid s’ya sa bahay. Marahil ay malalim na ang usapan nito at ng dating nobya nang dumating siya.Hindi naman sa hindi niya gusto ang ideya na magkabalikan nga ang dalawa ngunit hindi maganda ang tingin sa kan’ya ng babae. Kahit pa sabihin na patas lang dahil nagkaanak din ito sa ibang lalaki at si Calvin naman ay sa kan’ya, alam n’yang makakaramdam pa din s’ya dito nang pangmamaliit.Kabuwanan n’ya pa lamang at ilang buwan pa pagkatapos manganak siya pwede magtrabaho. Hindi siya papayag at alam n’yang ganoon din si Eunice kung sa bahay pa din s’ya ni Calvin maninirahan. Kaya kahit mas mahi
last updateHuling Na-update : 2024-09-30
Magbasa pa

43

‘Can’t sleep tonight ‘cause you’re on my mind, I guess I’m in love once again’Ibinaling ni Alea ang tingin sa nakabukas na bintana ng kwarto kung saan nagmumula ang boses. May kataasan na ang sikat ng araw, sa wari niya ay nagsasampay na ng damit si Ana habang kumakanta.Pinikit n’yang muli ang mga mata sa pag-asang makakaya pa’ng punan ng kaunting minutong pagtulog ang halos buong magdamag n’yang gising na diwa.Gusto n’yang pagtawanan ang sarili sa pekeng paghikab matapos ang pag-amin ni Calvin, para lang makaalis siya sa harapan nito. Ang totoo’y hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito, o paano aakto sa sitwasyon na iyon.Hindi naman sa wala pa’ng umamin ng paghanga sa kan’ya, mayroon na din kaya lang kalimitan sa mga ito ay tambay na kapitbahay nila sa squatter, na lahat ng masipat na maganda ay biglang gusto na kaagad.Kakaiba si Calvin. Mayaman ito at may pinag-aralan, mabait, magalang, lahat na yata ng magandang katangian ay taglay nito, pero nabubukod tangi ang dahilan na
last updateHuling Na-update : 2024-10-07
Magbasa pa

44

Ano nga ba ang sukatan para masabi mo’ng tunay ka’ng nagugustuhan ng isang tao?Sa mga materyal na bagay ba, sa mga kilos nito pagdating sa’yo, o sa mabulaklaking mga pananalita nito?Kung iyon man ang basehan, ibig sabihin ay totoo ang nararamdaman ni Calvin para kay Alea.Hinihintay s’ya nitong gumising sa umaga kahit mahuli pa ito sa trabaho para lamang maalalayan siya sa pagbaba ng hagdan, matimplahan ng gatas, at masabayan sa umagahan. Bago ito umalis ay sinisiguro nitong maayos ang pakiramdam n’ya. Kahit gaano pa ito kaabala sa trabaho ay wala ito’ng mintis sa pagtawag sa kan’ya. Pag-uwi sa gabi, may pasalubong pa siya. Pati ang kapatid na si Mayumi ay nililigawan din.Kaninong puso ang hindi lalambot sa ganitong paraan ni Calvin nang panliligaw?Gayunpaman, mayroong bumabagabag kay Alea upang pagbigyan ang nararamdaman nito. Alam niyang hindi magandang idahilan ang agwat ng estado ng buhay nila subalit para sa kagaya niyang hindi nakapagtapos, walang sariling pagkukuhanan ng per
last updateHuling Na-update : 2024-10-20
Magbasa pa

45

Wala na yatang mas sasakit pa sa pisikal na sakit na dinaranas ni Alea habang nakahiga sa hospital bed. Hinayaan n’ya ang doctor at mga nurses na gawin ang mga sinasabi nito sa kan’ya kahit ‘ni isa ay wala na s’yang maunawaan pa. Nagpabaling-baling s’ya sa kama, hindi alam kung ano’ng pwesto ba mababawasan ang sakit na nararamdaman. Parang hinihila ang puson n’ya patungo kung saan.“Alea, breath out. Breath in.”Sinundan n’ya ang sinabi ni Calvin. Sinasabayan s’ya nito sa ginagawa.Ipinagpapasalamat n’yang maagap silang naghanda para sa kan’yang panganganak dahil isang buwan bago ang kan’yang due date ay nakasakay na sa kotse ang mga gamit nila ni baby kaya walang naging abala sa pagdala sa kan’ya sa ospital.“Dadalhin na po namin s’ya sa delivery room,” ani nurse at inumpisahan nang itulak ang hospital bed n’ya.Mas lalo siyang kinabahan sa narinig. Ang bilis ng pangyayari, hindi n’ya akalain na manganganak na s’ya ngayong araw.Sa tindi ng sakit ay hindi niya na naramdaman ang pag
last updateHuling Na-update : 2024-10-26
Magbasa pa

46

Puyat at pagod ang kalaban matapos manganak. Sang-ayon dito si Alea dahil dalawang semana pa lang simula nang makauwi sila ay parang pangkalahating taon na ang pagod n’ya, subalit walang-wala iyon sa sayang nadarama n’ya.Kung tutuusin nga ay hindi siya nag-iisa sa pag-aalaga ng bata dahil katuwang niya si Calvin bukod pa kay Manang Guada. Gayunpaman, ay hindi niya mapigilan na tingnan ang bata halos oras-oras upang masiguro na humihinga pa ito.“Matulog ka na, alas-dose na nang gabi. Mamaya pa ‘yan magigising si baby,” saad ni Calvin sa kan’ya na nakahiga na sa sofa bed na nasa loob ng kwarto.Nang umuwi sila mula sa ospital, hindi niya inaasahan na ipinaayos pala ng lalaki ang bakanteng kwarto sa ibaba, para daw hindi siya mahirapan sa pag-akyat ng hagdan lalo pa’t kapapanganak n’ya pa lang. Pabor din naman iyon sa kan’ya dahil ayaw niyang maistorbo si Mayumi sa gabi kapag umiiyak ang bata.Hindi niya nga lang inaasahan na kaya pala mayroong malaking sofa sa loob ng kwarto ay para m
last updateHuling Na-update : 2024-11-01
Magbasa pa

47

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Hindi pinalampas ni Calvin na ipagdiwang ang unang buwan ng kanilang anak. Ang gusto pa nga sana nito ay isang malaking party ngunit kinontra ni Alea dahil bukod sa magastos ay hindi niya pa gusto’ng malantad ang anak sa maraming tao. Sa halip ay isang simpleng salo-salo ang kanilang ginawa sa bahay.“Shhh tahan na baby,” pag-aalo niya sa anak.Kinarga niya na ito sa iba’t-ibang posisyon ngunit hindi ito matigil sa pag-iyak. Pinainom at pinadighay n’ya na ito ngunit hindi pa rin tumatahan.“Baka basa ang diaper,” sabat ni Manang Guada nang maabutan s’yang hinehele ang umiiyak na anak.Kinapa ng matanda ang diaper. Hindi iyon basa dahil kakapalit n’ya pa lang. Sunod nitong dinama ng palad ang noo ng bata.“May sinat si Baby Ali,” anang matanda.Tumahip ang kaba sa kan’yang dibdib. Sa loob ng isang buwan mahigit ay hindi pa nagkakasakit ang anak, kaya ito ang unang pagkakataon at sa totoo lang ay hindi n’ya alam ang gagawin.Mabuti na lang ay naroon
last updateHuling Na-update : 2024-11-01
Magbasa pa

48

Nahuhulog na s’ya at hindi niya alam kung paano pa ito pipigilan.Gusto n’yang isipin na baka kaya lang nahuhulog ang loob niya kay Calvin dahil ito ang ama ng kan’yang anak. Isa pa’y araw-araw n’ya ito’ng nakikita. Marahil ay hindi rin siya nakakasalamuha ng ibang tao kaya natutuon na lang kay Calvin ang mundo n’ya. Baka kailangan niya din makakilala ng iba upang malabanan ang nararamdaman.Kung sana’y ordinaryong tao lang ang lalaki o ‘di kaya ay mayaman at may pinag-aralan din s’ya kagaya nito, siguro ay walang problema.Limang buwan niya nang nilalabanan ang pagkagusto dito. Hanggang kaya at may pagkakataon ay gumagawa s’ya ng paraan para makaiwas dito, ito’y kahit pa sa iisang kwarto na lang sila natutulog kasama ang anak.“Alea, sandali. Pwede ba tayo mag-usap?” pagpigil sa kan’ya ni Calvin na bumalik sa kwarto.Lumabas lang s’ya sa kwarto para kumuha ng tubig habang ito naman ay nasa sala at nagtitipa sa laptop. Minsan pa ay naisip niya kung hindi ba ito napapagod dahil pag-uwi
last updateHuling Na-update : 2024-11-02
Magbasa pa

49

Tunay nga’ng mahirap kalaban ang puso. Kahit ano’ng paglilihim at pag-iwas pa ang gawin, sadyang lalabas ang totoong damdamin.Tuluyan na ngang inamin ni Alea ang nararamdaman para kay Calvin, taliwas iyon sa plano niyang ilihim at hayaang mawala ang pagkagusto para dito.Sumilay ang totoong ngiti sa labi ng lalaki. Lumapit ito sa kan’ya at masuyong hinawakan ang kamay niyang mahigpit ang kapit sa sofa, na tila ba doon s’ya kumukuha ng lakas.“Ano? Mahal mo na din ako?” hindi nito makapaniwalang tanong.Pilit n’yang binawi ang kamay ngunit ayaw nitong pakawalan.“Hindi! Wala naman ako sinasabing gano’n.” Umiling pa s’ya at ibinaling ang tingin sa malayo.Bakit ba kasi siya nadulas? Hindi niya dapat inamin dito na nagkakagusto na s’ya. Mukha tuloy ito’ng nabigyan ng pag-asa sa kan’ya.“Doon din naman ang tuloy n’yan. Gusto mo ako ngayon, sa susunod lang mahal mo na ako,” buong kompyansa nitong saad.Binalik niya ang hindi makapaniwalang tingin dito. Wala sa sariling kinurot niya ang il
last updateHuling Na-update : 2024-11-02
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status