Home / Romance / Faulty Love / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Faulty Love: Kabanata 1 - Kabanata 10

17 Kabanata

1: The Beginning

Sa hindi mabilang na tao sa buong mundo, hindi rin mabilang ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga ito. At sa lahat ng pagsubok na iyon, numero uno talagang susubukin ka ay ang pagsubok sa pag-ibig. Hindi ‘pag-ibig lang iyan’ kundi ‘pag-ibig ’yan.’ Na kahit isa ka pang single ay po-problemahin mo pa rin. Kaya sa mga wala pang pag-ibig at naghahanap ng pag-ibig, maghinay-hinay muna at huwag madaliin dahil hindi lahat ng nakaranas ng tinatawag na pag-ibig ay masaya. At kung iibig ka man dapat nakahanda ka sa mga posibilidad na mangyayari.“Mama, marami po bang bundok sa lugar ninyo?” “Oo. Matataas pa.”“Mga ilog po, mayroon din po ba?”“Oo naman. Masarap maligo roon.”Kanina pa mula sa pagsakay ng bus ay walang pagod na sa katatanong ang anak niya at walang sawa niya naman itong sinasagot. Sa edad na lima ay napakadaldal na ng kaniyang anak. Sa Maynila nga’y pinanggigigilan ito ng kanilang mga kapitbahay dahil sa angking kabibuhan. Hindi niya alam kung kanino ito nagmana dahil napakata
last updateHuling Na-update : 2022-05-24
Magbasa pa

2: It Was Like A Fairy

“Hello, Vicente,” pagbati ng kaibigan niya rito at kinalabit siya upang magising mula sa pagkakatuod. Ayon na nga’t nadarang siya sa harap ng prinsipeng pinapangarap ng lahat. “H-Hi,” nauutal niyang pagbati.Kuminang ang mga mata nito dahil sa pagtugon niya. Na para bang isa iyong di-mabayarang bagay para sa lalaki. “P’wede ba kitang makausap?” Alanganin itong tumingin sa kaibigan niya na para bang humihingi ng permiso na kung p’wede ba siyang hiramin. Napatingin naman siya kay Celestina na nakatingin na sa kaniya. Tahimik niya itong pinakiusapan na huwag siyang iiwan kasama ito.“Sure. Mauna na lang ako sa silid natin. Doon na lang kita hihintayin, Katalina.” Ngumiti ito sa kaniya matapos kunin ang sariling mga gamit. Samantalang siya ay mangiyak-ngiyak na sa kinauupuan dahil sa labis na kaba.Hindi na siya mapalagay simula ng iwan sila ng kanilang mga kaibigan. Umalis na rin kasi ang mga kaibigan ng lalaki para mapag-solo sila. Hindi niya rin maiangat ang paningin sa kaharap.“D
last updateHuling Na-update : 2022-05-24
Magbasa pa

3: In Tied

Warning: MUST READ.Some scenes are not allowed for minors. Read at your own risk. Thank you.“Maupo ka kasi ng maayos. Hindi pa ako tapos sagutin ang tanong mo.” Pagpigil nito sa dapat niyang sabihin. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapanguso at sundin ito. Narinig pa niya ang pagtawa ng mahina ng kaniyang kasama na ikinangiti naman niya. Ngayon ay nakatanaw na siya sa tanawin kung saan nakikita nila ang malawak at maunlad na bayan ng Casa Serrie. Isama pa ang maaliwalas at asul na kalawakan. Hindi gaanong maalinsangan dulot ng mga puno sa buong paligid. Sariwang-sariwa ang hanging nilalanghap nila.“Ikaw iyong babaeng bukod tangi sa lahat. Paano ko iyon nasabi? Kasi hindi ka lang isang Prinsesa sa isang fairy tale kundi isa ka ring hero sa komiks. Kung noon ay nakuha mo na ang atensyon ko, ngayon ay nakuha mo maging ang puso ko. Nagsimula ang lahat ng ito nang tinulungan mo ang batang gusgusing b-inu-bully.” Niyakap siya nito ng mas mahigpit pa. Ipinaparating kung paano siya ni
last updateHuling Na-update : 2022-05-24
Magbasa pa

4: She Caught From Lying

“SAAN KA galing?” Napahinto siya sa pagsasara ng pinto nang marinig iyon mula sa kaniyang likuran. Pagkaharap ay siyang gulat niya nang makita ang matatalim na mga matang nakatitig sa kaniya. Napayakap pa nga siya sa bitbit niyang mga libro. Pero hindi niya ipinakita ang pagkakagulat niyang iyon sa istriktong ama. Kahit malinaw sa mga mata ng ama ang pang-uusig ay binale-wala niya iyon at nilakasan ang loob upang makalapit rito at magmano. “Mano po, Papa.”“Napapadalas na yata ang pag-uwi mo ng late galing eskuwelahan, Katalina. Saan ka nagpupunta?” tanong nito. Puno ng awtoridad ang boses.“Dumaan lang po ako sa tahanan ni Celestina, Papa. Inimbitahan na rin ako ni Ninang Centhia na doon maghapunan kaya ako natagalan. Hindi po kasi ako makatanggi,” pagsisinungaling niya na kahit ang totoo ay lumabas sila ni Vicente at namasyal.Tumango-tango ang kaniyang ama.“Carlo!” biglang sigaw ng kaniyang ina dahil sa sumunod na nangyari.Maging siya ay nagulat. Hindi niya iyon inaasahan. Tum
last updateHuling Na-update : 2022-05-24
Magbasa pa

5: Rill Of Pain

Dahil hindi na siya makapaghintay pa ay siya na mismo ang pumunta sa silid-aralan nina Vicente para sunduin ito. Nasa dulong bahagi lang naman iyon. Nauuna kasi ng isang taon sa kaniya ang lalaki at pareho sila ng kursong kinuha. Iyon kasi ang usapan nila ng nobyo na sabay na silang tutungo sa tahanan nila. Alam niyang naghahanda na rin ngayon ang ina niya at ang kapatid para sa gaganapin mamayang gabi ayon sa napag-usapan nila. Nasa kaniya ang suporta ng mga ito. At ayon din kay Vicente ay ipakikilala na rin siya ng kasintahan sa mga magulang nito sa susunod na araw. Puno ng kagalakan ang nararamdaman ng kaniyang puso. Napupuno ito ng kasiyahan at pinapanalangin niya na sana ay magtuloy-tuloy na iyon.“Ano ba naman ito? Bakit ngayon pa?” asik niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.Dali-dali siyang tumakbo patungo sa abandonadong silid para sumilong. Naging imbakan na rin ito ng mga sirang gamit katulad ng mga sirang upuan at mesa. Laking pasasalamat niya nang makitang bukas i
last updateHuling Na-update : 2022-05-24
Magbasa pa

6: The Life After

Ang mga salitang binitiwan ng kaniyang ama ay tila kutsilyo na tumatarak sa kaniyang dibdib. Gusto man niyang ipagtanggol ang sarili ay totoo naman ang mga sinabi nito. Nagdurugo ngayon ang kaniyang puso. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng mga masasakit na salita na nagmumula sa kaniyang ama.“Maghunos-dili ka! Anak mo pa rin s’ya!” pagsaway ng kaniyang ina rito.“Sino ang kakalma, aber? You're daughter is pregnant for petty’s sake! At kung sino man ang poncio pilatong iyon ay mapapatay ko siya.” Napasabunot ito sa kaniyang mga buhok at puno ng eksaherasyon winaslik ang mga kamay, na kung hindi nakidikit sa katawan ay siguradong matitilapon.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kilala kung sino ang nobyong nanloko sa kaniya dahil nanatili siyang walang kibo tungkol dito. At kahit kailan ay hindi niya ito sasabihin sa kaniyang pamilya. Hindi ito karapat-dapat na kilalanin pa ng kaniyang pamilya dahil sa ginawa nito sa kaniya na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin.
last updateHuling Na-update : 2022-06-06
Magbasa pa

7: When They Meet Again

Matapos sabihin iyon ni Celestina kay Katalina ay bumaba ang kaniyang tingin sa anak. Nakangiti na ito ngayon sa kaniya. Gumanti rin siya ng ngiti rito.“Madali lang namang itanggi.”Nagkibit-balikat na lang si Celestina sa kaniya. “Tara, Angie. Sumunod ka sa akin. Sasakay tayo sa bagong awto ni tita-ninang,” sabi lang nito sa anak at kinuha ang ilan nilang gamit. Hinawakan nito maging ang kamay ng kaniyang anak.Nang malaman kasi nito na uuwi sila ay nag-boluntaryo na ang kaibigan niya na ito na raw ang susundo sa kanila para naman sila ang unang sasakay sa bagong pundar nitong kotse.Tumingala muli sa kaniya ang anak at tinanguan na lang niya ito bago sumabay sa tita-ninang nito. Kapagdaka’y sumunod siya sa dalawa.“Hindi ka ba natatakot sa posibleng mangyari kung makita niya ang anak ninyo?”Mula sa panonood sa labas ng sasakyan kung saan sila lulan ay napabaling siya sa kaniyang kaibigan nang tanungin nito iyon. Napatingin pa siya sa likuran kung saan inookupahan ng kaniyang anak
last updateHuling Na-update : 2022-06-08
Magbasa pa

8: The Presumption

“Angie?” Si Jennelyn na nagniningning ang mga mata ng makita si Angielyn, ang kaniyang apo.Nakita na lamang ni Katalina ang ina at ang kapatid na nakalapit na sa kaniyang anak. Tuwang-tuwa ang mga ito gayon din ang kaniyang anak.“Mama-lola. Tita Katarina.” Lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa mga pisngi ng kaniyang anak nang ngumiti ito, lalo na nang makita ang lola at tita nito.Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik na lang sa sulok kahit na ramdam niyang mariing nakatitig sa kaniya si Vicente. “Tara na. Pumasok na tayo,” pag-imbita sa kanila ng kaniyang inang si Jennelyn habang karga-karga na ang apo. “Mama, pasok na raw po tayo,” nasasabik namang wika ng kaniyang anak. Tumango at ngumiti siya rito.“Tara na, Love. Ate Celestina, sumunod ka na rin. May hinandang meryenda si mama.” Si Katarina.“Sige, susunod ako,” rinig niyang sabat ng kaibigan.Samantalang siya ay napayuko na lang at dumaan sa harapan ni Vicente na alam niyang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kaniy
last updateHuling Na-update : 2022-06-11
Magbasa pa

9: The Insinuation

“O-Oo. May nagsabi kasi sa akin na iyon daw ang mabisang gamot sa may sakit sa puso,” naging dahilan niya.Pagak itong natawa. “Seriously, Katalina?” halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Para bang isa iyong malaking kahibangan.“Sabi kasi nila—”“Don’t listen to them. The doctor doesn't refer that kind of exercise to a sick person. Dahil kung iyon man ang gamot ay baka matagal ko nang ibinigay sa kapatid mo ang bagay na iyon, pero hindi.”“Sorry.” Napayuko siya dahil sa kahihiyang sinabi. “Gusto ko lang din namang gumaling ang kapatid ko. Masyado na siyang nahihirapan.”Tumahimik ito. “Don’t mention that again because it drives me crazy especially if those words came from you.”Biglang nag-init ang kaniyang mukha. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Pero hindi sa hiya o kilig kundi dahil sa inis.Humakbang ito papalapit sa kaniya na ikinaatras niya. “Katalina, that kid. She’s mine, right?”Kahit nagulat siya ay hindi niya ipinahalata ang damdaming bigla niyang naramdaman. “Sino ka pa
last updateHuling Na-update : 2022-06-16
Magbasa pa

10: Gravest Atmosphere

Bigla na lang nalusaw ang pagkakangiti niya habang pinapanood ang dalawa nang dumaan si Vicente sa harapan niya at umupo sa dulo ng tela, para magkaharap sila.“Her smiles looks like mine,” purong pahayag nito at hindi isang tanong na kailangan pa ng kumpirmasyon. Tumahimik na lang siya at hindi pinansin ang lalaki. “Hanggang kailan mo ako iignorahin, Katalina?”Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin ng diretso sa lalaki. “Sino ka ba para pukulan ng atensyon?”“Hindi ako kung sino lang,” entrada naman nito.“Ah, oo, ikaw ang lalaking mapapangasawa ng kapatid ko,” pagtatapos niya at hinayaan na lang ang kahibangan ng kasama. Nagsisimula na rin kasing kumulo ang kaniyang dugo at baka kung ano pa ang magawa niya rito kapag hindi siya nakapagtimpi. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, una pa lang ay kinompronta na niya ito sa sobrang kapal ng pagmumukha. Matapos siya nitong lokohin, ngayon ay balak na naman nitong gawin sa kapatid niya. Doon ay hindi na siya makapapayag pa.“H
last updateHuling Na-update : 2022-06-19
Magbasa pa
PREV
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status