Home / Romance / Faulty Love / 7: When They Meet Again

Share

7: When They Meet Again

Author: Blissy Lou
last update Last Updated: 2022-06-08 08:31:06

Matapos sabihin iyon ni Celestina kay Katalina ay bumaba ang kaniyang tingin sa anak. Nakangiti na ito ngayon sa kaniya. Gumanti rin siya ng ngiti rito.

“Madali lang namang itanggi.”

Nagkibit-balikat na lang si Celestina sa kaniya. “Tara, Angie. Sumunod ka sa akin. Sasakay tayo sa bagong awto ni tita-ninang,” sabi lang nito sa anak at kinuha ang ilan nilang gamit. Hinawakan nito maging ang kamay ng kaniyang anak.

Nang malaman kasi nito na uuwi sila ay nag-boluntaryo na ang kaibigan niya na ito na raw ang susundo sa kanila para naman sila ang unang sasakay sa bagong pundar nitong kotse.

Tumingala muli sa kaniya ang anak at tinanguan na lang niya ito bago sumabay sa tita-ninang nito. Kapagdaka’y sumunod siya sa dalawa.

“Hindi ka ba natatakot sa posibleng mangyari kung makita niya ang anak ninyo?”

Mula sa panonood sa labas ng sasakyan kung saan sila lulan ay napabaling siya sa kaniyang kaibigan nang tanungin nito iyon. Napatingin pa siya sa likuran kung saan inookupahan ng kaniyang anak ang upuang naroroon. Nakatulog ito sa sobrang pagod sa biyahe. Halos walong oras din kasi sila sa loob ng bus at imbes na matulog ang bata ay kinulit siya nang kinulit nito patungkol sa kung anong mayroon sa Casa Serrie. Sabik na sabik din daw ito na makita muli ang mama-lola at tita nito. Siguro sa anim na taong pamamalagi niya sa Maynila ay tatlong beses pa lang tumungo roon ang ina at kapatid niya para bisitahin siya at ang anak niya. Samantalang ang ama naman niya, hindi na siya umasa pa pero lihim pa rin niyang ipinagdarasal na sana’y bumalik na sa dati ang kanilang pagsasamang dalawa, kahit para sa apo man lang nito. Pero nang banggitin din ng anak niya ang kaniyang papa-lolo sa gitna ng kanilang biyahe, na gusto nitong makilala at maka-bonding, ay hinalikan niya ang ituktok ng ulo nito. Ngayon ay alam na niyang may katuwang na siya para mapalambot ang puso ng ama sa kanila.

“Hindi ako nag-aalala, Tina. Hindi niya na p’wedeng pakialaman pa ang buhay ko lalo na ngayon. Kung pipilitin niya ay mahiya naman siya sa balat niya,” tugon niya rito matapos pagmasdan ang anak.

“Pero hanggang ngayon ay kinukumusta ka pa rin niya sa akin sa tuwing nagkikita kami. Ang hirap nga niyang iwasan sa pagkakataong ito. Sa anim na taong nakalipas ay hindi pa rin siya nakakausad, Katalina. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya sa tuwing tinititigan ko.”

Natahimik siya sa sinabi ng kaibigan. Muli ay napatingin siya sa labas. Ibang-iba na ang Casa Serrie ngayon kumpara noon. Kung maunlad na noon ay mas lalong umunlad ito ngayon dahil hindi lang sementado ang kalsada kundi lumawak na rin. May malalaking bahay na rin siyang nakikita na nagsasabing umaasenso na nga ang mga mamamayan ng Casa Serrie. Mula sa panonood sa labas ng bintana ng sasakyan ay lumakbay ang kaniyang isip...

Noon pa man ay kinukulit na ni Vicente si Celestina. Nang umuwi nga si Celestina galing sa Maynila ay kaagad itong tumawag sa kaniya. Hinihingi raw ng lalaki ang address niya kung saan siya tumutuloy sa Maynila maging ang numero niya, pero hindi ito ibinigay ng kaibigan na kaniyang ipinagpasalamat. Pinakiusapan din niya si Celestina na kung ano man ang nalaman niya roon ay hanggang doon lang. Ayaw niyang ipaabot sa lalaki na buntis siya. Hangga't kayang iwasan ay iiwasan nito si Vicente. Ililihim nila kay Vicente ang tunay na kalagayan niya noon at itatago sa pamilya ang tunay na pagkatao ng lalaking nanloko at nakabuntis sa kaniya. Ayaw niya na ng gulo. Kung maaari sa kanila lang iyon ni Celestina.

“Ang kapal ng mukha niya na para bang siya ang nadehado,” asik na lamang niya.

“O MY GOD, Katalina. Sa wakas narito na kayo!” Puno ng pananabik na niyakap siya ng ina pagkababa niya ng sasakyan. “Gumanda ka lalo anak ko,” puri pa nito sa kaniya.

“Mas higit siyang gumanda sa pantay na buhok Tita Jennelyn, hindi ba? Hindi tulad ng dati na halos pugaran na ng pugo ang kaniyang buhok sa sobrang kulot nito.” singit ni Celestina nang bumaba rin ito sa sasakyan, na nasa driver seat, na kanilang ikinabaling dito.

“Sinasabi mo bang masyadong pangit sa anak ko ang natural nitong buhok noon na minana niya sa mga ninuno namin, hija?” 

“Ay! Hindi po biro lamang, Tita. Ang ibig ko pong sabihin ay hindi dapat nagpapantay ng buhok si Katalina. Para tuloy siyang punong niyog na nagkabuhok lang.”

Pinanlisikan niya ang kaibigan sa tinuran nito na ikinakunot-noo naman ng kaniyang ina. Pero sa loob-loob niya ay wala pa ring ipinagbago ang kaibigan. Hindi pa rin marunong magbiro.

“Hindi kaya payat ang anak ko. Mas gumanda pa nga ang katawan niya ngayon. Sa inyong dalawa ay ikaw pa ’tong mukhang may limang anak,” banat naman ng kaniyang ina rito.

Nanulis ang nguso ng kaibigan niya na kaniyang ikinatawa. 

“Sabi ko nga’t mananahimik na lang ako at pagkakaisahan ninyo na naman ako.” Paghalukipkip nito ng kaniyang mga braso.

“Ate!” 

Naagaw ang kanilang atensyon ng taong sumigaw. Awtomatikong lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ang tuwang-tuwa na kakambal, tumatakbo ito patungo sa kinatatayuan nila.

“Katarina, kumusta na?” Paghawak niya sa dalawang kamay nito pagkatapos nilang magyakapan. Hindi mapantayan ang kasiyahang nararamdaman niya dahil sa wakas ay makakasama niyang muli ang ina at kapatid.

“Ito, sobrang saya dahil maliban sa ikakasal na sa lalaking mahal ko ay umuwi ka na. Dahil doon ay magiging kumpleto na ang pamilya ko sa araw ng aking kasal. Maraming salamat sa pagtugon, ate.” Niyakap siyang muli ng kaniyang kakambal. Kitang-kita nga sa mukha nito kung gaano ito kasaya.

Nang mapagawi ang kaniyang tingin sa kaibigang si Celestina ay bigla na lang siyang nakaramdam ng lungkot. Na kaagad namang nabasa ng kaibigan kaya maging ito ay dinamayan siya mula sa lungkot na nararamdaman. 

“Where is my favorite niece, ate?” tanong nito sa kaniya nang kumawala ito sa pagkakayakap nila.

At doon ay naalala niya ang anak na mukhang nakalimutan na nga.

“Ahh, oo nga pa—”

“Vicente, hijo, nandiyan ka pala. Halika ka rito ipapakilala ka namin sa kakambal ng iyong mapapangasawa.” 

Rinig na wika ng kaniyang ina na ikinahinto niya sa pagbukas ng pinto ng sasakyan sa hulihan. Dahan-dahan ay itinaas niya ang kaniyang ulo at doon ay nakita niya ang lalaking pumunit ng kaniyang puso noon. Ang lalaking labis na nagdulot sa kaniya ng sakit sa kaniyang kahapon. Ang lalaking sumira ng magandang pagsasama nila ng kaniyang ama. Ito ang pagkakataong gusto niyang iwasan, ngunit hindi niya puwedeng takbuhan. Bakit kasi ito pa ang minahal ng kapatid niya?

Nakatingin lamang si Vicente sa kaniya habang nakatayo sa bukana ng malaking pinto ng kanilang bahay. Nangungusap ang mga mata nito na tila ba maraming nakaimbak na katanungang gustong itanong simula nang mawala siya at hindi nito mahanap-hanap. Dahil sa mukhang wala itong balak na putulin ang pagkakatitig sa kaniya ay siya na mismo ang nagbaba ng tingin.

“Ate, si Vicente, my fiance. Siya ang lalaking palaging kinukuwento ko sa ’yo at siya rin ang mapapangasawa ko.” 

Naitaas niya ang tingin sa kapatid na ngayon ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti. Pilit niyang pinapagaan ang dibdib na unti-unting bumibigat lalo’t higit na ang matang nagsisimula ng humapdi. Pilit siyang ngumiti sa kapatid. Tumingin siyang muli sa lalaki, na ngayon ay katabi na ni Katarina. Bumaba rin ang tingin niya sa mga kamay ng mga ito na magkahawak na. 

“Hi, Vicente. Nice meeting you. Sa wakas ay nakilala ko na ang lalaking nagpapatibok sa puso ng kapatid ko.” Inilahad niya ang kamay sa harap ng lalaki na tiningnan lang nito bago muling itinaas ang tingin sa kaniya. Nagsisimula nang bumilis ang pagtambol ng kaniyang dibdib at nahupa na lang iyon nang tanggapin ito ng lalaki.

“Palagi ka ring ikinukuwento sa akin ni Katarina.” 

Dahil doon ay tila natigilan siya. Tumingin siya sa kaniyang kapatid na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Hindi niya alam kung saang bahagi na ang kinuwento ni Katarina sa lalaki na sinasabi nitong ‘palagi.’ Napalunok siya nang halos ayaw ring bitawan ni Vicente ang kaniyang kamay.

“Mama.”

Doon ay binitawan na nito ang kaniyang kamay at kunot-noong bumaba ang paningin sa kaniyang likuran. Napabaling siya sa kaniyang likuran. Naagaw ng munting binibini ang atensyon ng lahat. Pinutol nito maging ang tensyong unti-unting bumabalot sa buong paligid sa pagitan lamang niya at ng lalaki. Kinukuskos nito ang mga mata dulot ng iritasyon sa malabong paningin simula ng imulat ang mga iyon.

Related chapters

  • Faulty Love   8: The Presumption

    “Angie?” Si Jennelyn na nagniningning ang mga mata ng makita si Angielyn, ang kaniyang apo.Nakita na lamang ni Katalina ang ina at ang kapatid na nakalapit na sa kaniyang anak. Tuwang-tuwa ang mga ito gayon din ang kaniyang anak.“Mama-lola. Tita Katarina.” Lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa mga pisngi ng kaniyang anak nang ngumiti ito, lalo na nang makita ang lola at tita nito.Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik na lang sa sulok kahit na ramdam niyang mariing nakatitig sa kaniya si Vicente. “Tara na. Pumasok na tayo,” pag-imbita sa kanila ng kaniyang inang si Jennelyn habang karga-karga na ang apo. “Mama, pasok na raw po tayo,” nasasabik namang wika ng kaniyang anak. Tumango at ngumiti siya rito.“Tara na, Love. Ate Celestina, sumunod ka na rin. May hinandang meryenda si mama.” Si Katarina.“Sige, susunod ako,” rinig niyang sabat ng kaibigan.Samantalang siya ay napayuko na lang at dumaan sa harapan ni Vicente na alam niyang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kaniy

    Last Updated : 2022-06-11
  • Faulty Love   9: The Insinuation

    “O-Oo. May nagsabi kasi sa akin na iyon daw ang mabisang gamot sa may sakit sa puso,” naging dahilan niya.Pagak itong natawa. “Seriously, Katalina?” halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Para bang isa iyong malaking kahibangan.“Sabi kasi nila—”“Don’t listen to them. The doctor doesn't refer that kind of exercise to a sick person. Dahil kung iyon man ang gamot ay baka matagal ko nang ibinigay sa kapatid mo ang bagay na iyon, pero hindi.”“Sorry.” Napayuko siya dahil sa kahihiyang sinabi. “Gusto ko lang din namang gumaling ang kapatid ko. Masyado na siyang nahihirapan.”Tumahimik ito. “Don’t mention that again because it drives me crazy especially if those words came from you.”Biglang nag-init ang kaniyang mukha. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Pero hindi sa hiya o kilig kundi dahil sa inis.Humakbang ito papalapit sa kaniya na ikinaatras niya. “Katalina, that kid. She’s mine, right?”Kahit nagulat siya ay hindi niya ipinahalata ang damdaming bigla niyang naramdaman. “Sino ka pa

    Last Updated : 2022-06-16
  • Faulty Love   10: Gravest Atmosphere

    Bigla na lang nalusaw ang pagkakangiti niya habang pinapanood ang dalawa nang dumaan si Vicente sa harapan niya at umupo sa dulo ng tela, para magkaharap sila.“Her smiles looks like mine,” purong pahayag nito at hindi isang tanong na kailangan pa ng kumpirmasyon. Tumahimik na lang siya at hindi pinansin ang lalaki. “Hanggang kailan mo ako iignorahin, Katalina?”Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin ng diretso sa lalaki. “Sino ka ba para pukulan ng atensyon?”“Hindi ako kung sino lang,” entrada naman nito.“Ah, oo, ikaw ang lalaking mapapangasawa ng kapatid ko,” pagtatapos niya at hinayaan na lang ang kahibangan ng kasama. Nagsisimula na rin kasing kumulo ang kaniyang dugo at baka kung ano pa ang magawa niya rito kapag hindi siya nakapagtimpi. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, una pa lang ay kinompronta na niya ito sa sobrang kapal ng pagmumukha. Matapos siya nitong lokohin, ngayon ay balak na naman nitong gawin sa kapatid niya. Doon ay hindi na siya makapapayag pa.“H

    Last Updated : 2022-06-19
  • Faulty Love   11: The Rejection

    “I’m no longer young and too busy person. Wala akong panahon para sa mga walang kabuluhang bagay,” wika nito bago muling sumubo ng pagkain.Napatingin siya sa anak na biglang yumuko bago itinaas ang tingin sa kaniyang kapatid at ina. Tila humihingi ng pasensya ang mga ito para sa kaniyang anak dahil sa hindi kanais-nais na ugaling ipinakita ng lolo sa apo. Nang muling bumaba ang tingin niya sa bata ay bahagya na itong nakatingala sa kaniya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Ngunit nabahiran na ng lungkot ang mga mata nitong kumikislap kanina. Nagtama rin ang tingin nila ni Vicente nang tumingin siya sa gawi nito at bumaba rin ang tingin sa bata.“PAPA,” TAWAG niya sa ama nang pagkalabas ng silid ay akma itong bababa pa lamang sa hagdan. Tumingin muna ito sa kaniya bago lumagpas ang tingin sa nakabukas pa ring pinto ng kuwarto kung saan siya lumabas. Nakita nito ang anak niya na natutulog na. Hapon na at oras na para sa siesta na nakasanayan din ng kaniyang anak. Sa Maynila pa lang.

    Last Updated : 2022-06-22
  • Faulty Love   12: A Lady From The Past

    “MAMA, P’WEDE po ba akong bumili ng marshmallows?” Turo ng anak nang makita ang mga marshmallow sa stante na naroroon. Narito sila ngayon sa isang grocery store sa bayan. Nagyaya kasi ang anak na mamili pagkagising. Mahilig kasing kumain nang kumain ang anak kaya lumulobo na ang katawan.“Oo naman,” ngiti niya at nagdiwang naman ang anak.Tumungo siya sa mga pagkaing may halong keso dahil paborito rin ito ng kaniyang anak. Maliban doon ay paborito rin niya ito. Hindi nawala ang pagkahumaling niya sa mga keso simula nang bata pa siya. Kukuhanin na sana niya ang crackers na may halong keso nang may taong kumuha rin niyon kaya napatingin siya sa taong iyon. Natigilan siya nang muling makita ang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayong araw.“Katalina? Oh my gash! How are you?” Bahagyang napataas ang kaniyang kilay nang kumustahin siya nito na para bang close sila. Hindi man lang nahiya sa ginawa nito o sabihin na lang na ‘nila’ sa kaniya noon.“Ayos lang. Gusto mo rin pala ito?”

    Last Updated : 2022-06-26
  • Faulty Love   13: Rodriguez’s Twins

    NAPAKUNOT-NOO SIYA. “Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa akin, Katarina?” Naguguluhan siya nang matapos nitong bawasan ang buhok niya kapantay sa haba ng buhok ni Katarina, ngayon ay nilagyan siya ng bangs ng kapatid.“Ops! Walang atrasan kundi hindi papantay ’tong bangs mo. Saka um-oo ka nang tanungin ko kung p’wede ko bang pakailaman ang buhok mo.” Tuwang-tuwa ito.“Baka malito sa atin ang tao kapag tinitigan tayong parehong-pareho.” Natawa naman siya sa sinabing iyon.Minsan kasi ay ginawa na nila ito noon, kaya sobrang nalito ang mga taong nakasasalamuha nila sa loob ng bahay kung sino si Katarina at si Katalina—pareho pa man din silang mahinhin. Kaya nga binigyan talaga sila ng pagkakaiba ng mga magulang nila para hindi malito; nilagyan nila ng bangs si Katarina samantalang siya ay wala. Palaging nakatali ang buhok ni Katarina, siya ay nakalugay lang ang mga buhok.“Iyon nga ang gusto ko, e. Na-miss ko na tuloy ang mga kakulitan natin noon.” Si Katarina.“Oo, iyong tinatawag kang Kat

    Last Updated : 2022-06-29
  • Faulty Love   14: The Cloud Castle

    Pagkatapos nga niyon ay sinimulan na nga silang sukatan ni Ruby. Pink and violet ang color motif ng kasal nina Vicente at Katarina kaya magkahalo ang kulay lila at rosas sa kanilang susuotin sa kasal ng mga ito. At nang matapos kunan ay nagpaalam muna ang dalawa—sina Katarina at Ruby—upang tingnan ang itaas na bahagi ng natahi na nitong gown. Hindi nga makapaniwala ang kakambal niyang si Katarina dahil kamakailan lang siya sinukatan pero kaagad nitong natapos ang pang-itaas na bahagi ng isusuot nitong bridal gown.“Mama, p’wede po ba akong pumunta roon? Gusto ko pong matingnan ’yong mga gowns po, ang gaganda po kasi,” paalam ni Angie sa kaniya sabay turo sa unahang bahagi, kung saan nakasabit at nakasuot sa mga manikin ang pambatang mga gown.“Sure. Basta tingin lang, huwag mangialam ng kung ano-ano,” habilin niya.“Yes, Mama.” At masaya itong tumakbo sa lugar na kanina pa nito gustong puntahan. “Totoo pala ang sinasabi nila na alam ng puso kung sino ang itinatangi nito.”Napakunot-n

    Last Updated : 2022-07-04
  • Faulty Love   15: Angielyn’s Resemblance

    “P’wede po ba tayong bumaba sa ’baba, Tito Vicente?” Pagtingala ni Angielyn kay Vicente. “Oo naman. Para makita ninyo ng mama mo sa malapitan ang farm.” Kahit hindi man iyon sabihin ni Vicente ay bababa talaga siya’t gusto niyang makita nang malapitan at mahawakan ang mga ito. “Mama, tara po!” nasasabik na paanyaya sa kaniya ng anak. Gaya niya ay hindi rin makapaghintay ang kaniyang anak. Hindi lang kasi siya ang mahilig sa halaman dahil maging ang anak ay kinahihiligan din ang mga iyon. “Let’s go.” Paghawak niya sa kamay ni Angielyn. “Careful, ate. Medyo madulas.” Si Katarina nang magmadali silang dalawa ng kaniyang anak sa pagbaba. Ngunit namalayan na lang niyang nakababa na sila ng kaniyang anak. Pagdating sa ibaba ay agad din silang nagkahiwalay nito para lapitan at tingnan ang kani-kaniyang gustong hawakang halaman o pananim. Sa kalagitnaan ng paghanga niya sa mga dahon ng gulay na malalago at bungang sariwa ay naagaw nina Vicente at Katarina ang kaniyang tingin. Malawak an

    Last Updated : 2022-07-09

Latest chapter

  • Faulty Love   17: Like Father, Like Daughter

    Napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan habang pauwi na sa mansyon sina Silli, Katalina at Angielyn na ipinagtaka naman ng kanilang drayber na si Jerry.“Ano ba ang nangyari at mukhang ang saya-saya ninyo yata?” hindi na mapigilan pang tanong nito.“Ito kasing si Katalina pinagtsismisan sa palengke e, sa huli naman ay ang mga palengkera ang napahiya. Buti nga sa kanila,” sabat ni Silli.“Talaga ho?! Ang mga tsimosa talaga walang pinipiling tao, lugar at panahon kung kailan, saan at sino ang pagpipiyestahan nila. Buti na lang itong si Senyorita Katalina palaban sa mga ganiyan.”“Kanino pa ba magmamana ng improntuhan kundi sa ama,” birit pa ni Silli.Tila napawi ang ngiti ni Katalina nang mabanggit nito ang kaniyang ama sa usapan. Napatingin siya sa labas ng bintana. Marami ang nagsasabing magkasing ugali sila ng kanilang ama, pero kahit kailan ay hindi siya naging matigas at mataas ang pride kagaya ng ama. “Mama, basta po kahit hindi ko po alam ang mga nangyayari sa inyo ng Ale kanina

  • Faulty Love   16: Poor Gossiper

    “Ang anak ko. Si Vicente. Parang ikaw siya noong bata pa siya.”Halos natigilan ang lahat dahil sa inihayag ng alkalde. Habang hindi makagalaw si Katalina sa kaniyang kinatatayuan ay siyang pagtaas ng tingin ni Katarina sa fiance bago ibinaba kay Angielyn ang paningin. Samantala ay nakatitig lamang si Vicente sa bata na siyang ikinailing naman ni Carlito.“Talaga po?” Malawak ang pagkakangiti ni Angielyn at tumingala kay Vicente. Ngumiti ang bata na halos ikinasingkit ng mga mata nito.Muling natawa si Miguel Guerrero. “Oo, ngunit sa pambabaeng bersyon naman.” Bigla naman nitong ginulo ang buhok ng bata. Muli ay bumalik sa alkalde ang tingin ni Angielyn at ngumiti. Labis ang kaniyang nadaramang tuwa sa sinabi nito. “MAMA, NARINIG ninyo po ba iyong sinabi ni Lolo Mayor kanina? Kamukha ko raw po si Tito Vicente.” Napahinto siya sa pagsusuklay sa buhok ng anak nang banggitin ulit nito ang nangyari kanina. Pagkatapos ng eksenang iyon ay ngani-ngani niyang kinuha ang anak at nagpaalam s

  • Faulty Love   15: Angielyn’s Resemblance

    “P’wede po ba tayong bumaba sa ’baba, Tito Vicente?” Pagtingala ni Angielyn kay Vicente. “Oo naman. Para makita ninyo ng mama mo sa malapitan ang farm.” Kahit hindi man iyon sabihin ni Vicente ay bababa talaga siya’t gusto niyang makita nang malapitan at mahawakan ang mga ito. “Mama, tara po!” nasasabik na paanyaya sa kaniya ng anak. Gaya niya ay hindi rin makapaghintay ang kaniyang anak. Hindi lang kasi siya ang mahilig sa halaman dahil maging ang anak ay kinahihiligan din ang mga iyon. “Let’s go.” Paghawak niya sa kamay ni Angielyn. “Careful, ate. Medyo madulas.” Si Katarina nang magmadali silang dalawa ng kaniyang anak sa pagbaba. Ngunit namalayan na lang niyang nakababa na sila ng kaniyang anak. Pagdating sa ibaba ay agad din silang nagkahiwalay nito para lapitan at tingnan ang kani-kaniyang gustong hawakang halaman o pananim. Sa kalagitnaan ng paghanga niya sa mga dahon ng gulay na malalago at bungang sariwa ay naagaw nina Vicente at Katarina ang kaniyang tingin. Malawak an

  • Faulty Love   14: The Cloud Castle

    Pagkatapos nga niyon ay sinimulan na nga silang sukatan ni Ruby. Pink and violet ang color motif ng kasal nina Vicente at Katarina kaya magkahalo ang kulay lila at rosas sa kanilang susuotin sa kasal ng mga ito. At nang matapos kunan ay nagpaalam muna ang dalawa—sina Katarina at Ruby—upang tingnan ang itaas na bahagi ng natahi na nitong gown. Hindi nga makapaniwala ang kakambal niyang si Katarina dahil kamakailan lang siya sinukatan pero kaagad nitong natapos ang pang-itaas na bahagi ng isusuot nitong bridal gown.“Mama, p’wede po ba akong pumunta roon? Gusto ko pong matingnan ’yong mga gowns po, ang gaganda po kasi,” paalam ni Angie sa kaniya sabay turo sa unahang bahagi, kung saan nakasabit at nakasuot sa mga manikin ang pambatang mga gown.“Sure. Basta tingin lang, huwag mangialam ng kung ano-ano,” habilin niya.“Yes, Mama.” At masaya itong tumakbo sa lugar na kanina pa nito gustong puntahan. “Totoo pala ang sinasabi nila na alam ng puso kung sino ang itinatangi nito.”Napakunot-n

  • Faulty Love   13: Rodriguez’s Twins

    NAPAKUNOT-NOO SIYA. “Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa akin, Katarina?” Naguguluhan siya nang matapos nitong bawasan ang buhok niya kapantay sa haba ng buhok ni Katarina, ngayon ay nilagyan siya ng bangs ng kapatid.“Ops! Walang atrasan kundi hindi papantay ’tong bangs mo. Saka um-oo ka nang tanungin ko kung p’wede ko bang pakailaman ang buhok mo.” Tuwang-tuwa ito.“Baka malito sa atin ang tao kapag tinitigan tayong parehong-pareho.” Natawa naman siya sa sinabing iyon.Minsan kasi ay ginawa na nila ito noon, kaya sobrang nalito ang mga taong nakasasalamuha nila sa loob ng bahay kung sino si Katarina at si Katalina—pareho pa man din silang mahinhin. Kaya nga binigyan talaga sila ng pagkakaiba ng mga magulang nila para hindi malito; nilagyan nila ng bangs si Katarina samantalang siya ay wala. Palaging nakatali ang buhok ni Katarina, siya ay nakalugay lang ang mga buhok.“Iyon nga ang gusto ko, e. Na-miss ko na tuloy ang mga kakulitan natin noon.” Si Katarina.“Oo, iyong tinatawag kang Kat

  • Faulty Love   12: A Lady From The Past

    “MAMA, P’WEDE po ba akong bumili ng marshmallows?” Turo ng anak nang makita ang mga marshmallow sa stante na naroroon. Narito sila ngayon sa isang grocery store sa bayan. Nagyaya kasi ang anak na mamili pagkagising. Mahilig kasing kumain nang kumain ang anak kaya lumulobo na ang katawan.“Oo naman,” ngiti niya at nagdiwang naman ang anak.Tumungo siya sa mga pagkaing may halong keso dahil paborito rin ito ng kaniyang anak. Maliban doon ay paborito rin niya ito. Hindi nawala ang pagkahumaling niya sa mga keso simula nang bata pa siya. Kukuhanin na sana niya ang crackers na may halong keso nang may taong kumuha rin niyon kaya napatingin siya sa taong iyon. Natigilan siya nang muling makita ang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayong araw.“Katalina? Oh my gash! How are you?” Bahagyang napataas ang kaniyang kilay nang kumustahin siya nito na para bang close sila. Hindi man lang nahiya sa ginawa nito o sabihin na lang na ‘nila’ sa kaniya noon.“Ayos lang. Gusto mo rin pala ito?”

  • Faulty Love   11: The Rejection

    “I’m no longer young and too busy person. Wala akong panahon para sa mga walang kabuluhang bagay,” wika nito bago muling sumubo ng pagkain.Napatingin siya sa anak na biglang yumuko bago itinaas ang tingin sa kaniyang kapatid at ina. Tila humihingi ng pasensya ang mga ito para sa kaniyang anak dahil sa hindi kanais-nais na ugaling ipinakita ng lolo sa apo. Nang muling bumaba ang tingin niya sa bata ay bahagya na itong nakatingala sa kaniya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Ngunit nabahiran na ng lungkot ang mga mata nitong kumikislap kanina. Nagtama rin ang tingin nila ni Vicente nang tumingin siya sa gawi nito at bumaba rin ang tingin sa bata.“PAPA,” TAWAG niya sa ama nang pagkalabas ng silid ay akma itong bababa pa lamang sa hagdan. Tumingin muna ito sa kaniya bago lumagpas ang tingin sa nakabukas pa ring pinto ng kuwarto kung saan siya lumabas. Nakita nito ang anak niya na natutulog na. Hapon na at oras na para sa siesta na nakasanayan din ng kaniyang anak. Sa Maynila pa lang.

  • Faulty Love   10: Gravest Atmosphere

    Bigla na lang nalusaw ang pagkakangiti niya habang pinapanood ang dalawa nang dumaan si Vicente sa harapan niya at umupo sa dulo ng tela, para magkaharap sila.“Her smiles looks like mine,” purong pahayag nito at hindi isang tanong na kailangan pa ng kumpirmasyon. Tumahimik na lang siya at hindi pinansin ang lalaki. “Hanggang kailan mo ako iignorahin, Katalina?”Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin ng diretso sa lalaki. “Sino ka ba para pukulan ng atensyon?”“Hindi ako kung sino lang,” entrada naman nito.“Ah, oo, ikaw ang lalaking mapapangasawa ng kapatid ko,” pagtatapos niya at hinayaan na lang ang kahibangan ng kasama. Nagsisimula na rin kasing kumulo ang kaniyang dugo at baka kung ano pa ang magawa niya rito kapag hindi siya nakapagtimpi. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, una pa lang ay kinompronta na niya ito sa sobrang kapal ng pagmumukha. Matapos siya nitong lokohin, ngayon ay balak na naman nitong gawin sa kapatid niya. Doon ay hindi na siya makapapayag pa.“H

  • Faulty Love   9: The Insinuation

    “O-Oo. May nagsabi kasi sa akin na iyon daw ang mabisang gamot sa may sakit sa puso,” naging dahilan niya.Pagak itong natawa. “Seriously, Katalina?” halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Para bang isa iyong malaking kahibangan.“Sabi kasi nila—”“Don’t listen to them. The doctor doesn't refer that kind of exercise to a sick person. Dahil kung iyon man ang gamot ay baka matagal ko nang ibinigay sa kapatid mo ang bagay na iyon, pero hindi.”“Sorry.” Napayuko siya dahil sa kahihiyang sinabi. “Gusto ko lang din namang gumaling ang kapatid ko. Masyado na siyang nahihirapan.”Tumahimik ito. “Don’t mention that again because it drives me crazy especially if those words came from you.”Biglang nag-init ang kaniyang mukha. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Pero hindi sa hiya o kilig kundi dahil sa inis.Humakbang ito papalapit sa kaniya na ikinaatras niya. “Katalina, that kid. She’s mine, right?”Kahit nagulat siya ay hindi niya ipinahalata ang damdaming bigla niyang naramdaman. “Sino ka pa

DMCA.com Protection Status