Share

6: The Life After

Ang mga salitang binitiwan ng kaniyang ama ay tila kutsilyo na tumatarak sa kaniyang dibdib. Gusto man niyang ipagtanggol ang sarili ay totoo naman ang mga sinabi nito. Nagdurugo ngayon ang kaniyang puso. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng mga masasakit na salita na nagmumula sa kaniyang ama.

“Maghunos-dili ka! Anak mo pa rin s’ya!” pagsaway ng kaniyang ina rito.

“Sino ang kakalma, aber? You're daughter is pregnant for petty’s sake! At kung sino man ang poncio pilatong iyon ay mapapatay ko siya.” Napasabunot ito sa kaniyang mga buhok at puno ng eksaherasyon winaslik ang mga kamay, na kung hindi nakidikit sa katawan ay siguradong matitilapon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kilala kung sino ang nobyong nanloko sa kaniya dahil nanatili siyang walang kibo tungkol dito. At kahit kailan ay hindi niya ito sasabihin sa kaniyang pamilya. Hindi ito karapat-dapat na kilalanin pa ng kaniyang pamilya dahil sa ginawa nito sa kaniya na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin. Buong akala niya ay kakaiba ito sa lahat, pero hindi. Ilang araw na rin siyang liban sa klase dahil sa nagkasakit siya at ngayon ay may dagdag pasanin pa. She’s pregnant and how she wish that everything was just a dream. Ilang ulit ba nilang ginawa iyon ni Vicente? Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses siyang nagpauto sa lalaking iyon. Naniwala siyang ‘everything will always be okay’ ayon sa lalaki. Kailangan lang daw na mag-enjoy siya at ito na ang bahala. Tatanga-tanga siya sa bagay na iyon. Hindi man lang niya pinansin ang pagiging mahusay nito sa bagay na iyon at ngayon lang niya napagtanto na baka nga ay marami na rin itong nauto. At siya pa ang iniwanan nito ng pasanin.

“Paalisin n’yo sa pamamahay ko ang babaeng iyan dahil wala akong anak na suwail at disgrasyada. Simula ngayon isa lang ang anak ko at si Katarina lang iyon.” 

Halos matigilan ang lahat maging siya sa naging deklara ng kaniyang ama. 

“Mama?” Awtomatiko siyang napatingin sa kaniyang ina

“Carlo!” gulat na tawag ng kaniyang ina sa kaniyang ama.

“Ate.” Pagyakap sa kaniya ng kakambal at nagsiiyakan silang muli.

“Carlo, maawa ka naman sa anak mo! Saan siya pupunta? Kailangan niya tayo ngayon,” pakiusap ng kaniyang ina nang lapitan nito ang kaniyang ama.

“Pinili niya iyan, Jennelyn. Ginusto niya iyan. Bilang isang padre de pamilya sa pamamahay na ito, isa iyong kalapastanganan sa pamilyang ’to lalo na sa apelyido ko. Isa siyang kahiya-hiyang anak na dapat itapon,” matigas nitong turan. “Pagbalik na pagbalik ko dapat ay wala na ang babaeng iyan. Walang ni isang tutulong sa kaniya sa loob ng pamamahay na ito dahil paparusahan ko. Nagkakaintindihan ba tayo?” Hinintay nito ang magiging tugon ng lahat na nag-aalinlangan sa kung ano ang isasagot. “Nagkakaintindihan ba tayo?” Nabigla ang lahat sa ginawa nitong pagsigaw kaya’t mabilis na napatango ang lahat.

Naglakad na papaalis ang kaniyang ama. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Napahilamos na lamang siya gamit ang sariling mga palad at doon ay binuhos ang lahat ng sakit sa pag-iyak. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang nagalit ng ganito ang kaniyang ama at tama nga ang sinabi sa kanila ng kanilang ina na iba ito kung magalit. Kakaibang tao rin kapag sinira mo ang tiwala. Sinimulan niya ito sa pagsisinungaling at ngayon ay isang kahihiyan ang ginawa niya. Kaya ang ginawa nitong pagtatapos ng usapan patungkol sa kaniya ay malabo ng bawiin. Saan na siya pupulutin kung gayon? Umiiyak na rin ang kapatid niya at kaniyang ina habang niyayakap siya.

“I’m so sorry, Katalina. Wala akong nagawa,” paghingi sa kaniya ng patawad ng ina. 

Wala sa sarili at malayo ang tingin niya habang nakaupo sa terminal ng bus. Hinatid siya ng kaniyang ina at kapatid sa sakayan ng bus at labis ang kalungkutan ng dalawa ng iwan nila siya rito. Isang bag lamang ang bitbit niya at binigyan siya ng ina ng limang libong piso. Malaki na iyon para sa pamasahe niya patungong Maynila at panigurado na matutustusan pa nito ang isa at kalahating buwan niyang pangangailangan doon. Matipid naman siyang tao.

Napabalik siya sa kasalukuyang oras nang may tumayo sa kaniyang harapan. Dahan-dahan siyang tumingala sa taong iyon at nanubig na lang ang kaniyang mga mata nang tuluyan itong makilala.

“Tiya Jessica.” Kaagad siyang tumayo at yumakap rito. Napahikbi na rin siya kaya hinagod nito ang kaniyang likod. Ang Tiya Jessica niya ay kapatid ng kaniyang ina, sabihin na lang nating kakambal ng kaniyang ina. Kagaya ng ina ay napakabuti nito. Sa ngayon ay wala pa itong asawa at mukhang tatandang-dalaga dahil abala ito sa negosyo. Sa Maynila ito naninirahan kaya anong gulat niya nang makita niya ito sa kaniyang harapan. Mahal na mahal kasi sila nito ng kaniyang kakambal kaya minsan ay nagiging spoiled sila rito.

“Tahan na. Inaayos ko na ang lahat bago ka umalis sa bayang ito. Aalis kang malinis at walang isyu. Ibabaon natin ito sa limot at kahit sino man sa bayang ito ay walang makakaalam. Iiwan nating panatag ang loob ng iyong ama. Huwag kang mag-aalala, Katalina,” pagpapagaan nito sa kaniyang kalooban.

Afterall what happened to her, God never failed to give her guardian angel despite of what she have done. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng taong tutulong para makabangon. Kaya doon siya nagkaroon ng magandang pagtanto na ang batang nasa sinapupunan niya ay isang regalo na dapat ingatan. Wala siyang karapatan na isisi ang lahat sa bata kung naranasan man niya ito dahil una pa lang ay siya ang gumawa ng kapalarang ito. She is in a legal age after all however not mentally ready and financially stable. Pero para sa kaniya at sa kaniyang magiging anak, kakayanin niya.

“KATALINA!” 

Napabaling siya sa sumigaw pagkababa nila ng kaniyang anak sa bus.

“Celestina.” Iminuwestra niya ang kaniyang mga kamay nang sunggaban siya nito ng yakap.

“Grabe! Sobrang na-miss kita. Pasensya na’t hindi ulit kita nabisita sa Maynila. Kahit kasi nakakausap kita sa phone ay iba pa rin iyong nakikita at nakakasama kita.” Pagyakap nito sa kaniya ng mahigpit.

“Okay lang. Ano ka ba,” naging tugon niya.

Minsan kasi itong tumungo sa Maynila matapos ang dalawang buwan nang malamang pinalayas siya ng sariling ama. Hindi ito makapaniwala sa kinahantungan ng kaibigan. Wala itong ideya kaya nang makita ang medyo umbok na niyang tiyan ay siyang gulat nito. Tatlong buwan na siyang buntis noon. Binalita rin sa kaniya na ilang ulit na raw itong pinakiusapan ni Vicente na samahan ito sa kaniya para makausap siya. Anong kaba niya nang sabihin pa nito sa kaniya na gusto rin daw ng lalaki na tumungo sa kanilang tahanan para doon siya kausapin, pero buti na lang ay pinigilan ito ng kaibigan. Hindi nito gugustuhin ang pumunta sa tahanan nila at baka kung ano pa ang gawin rito ng kaniyang ama. Kahit sabihin pang anak siya ng alkalde ng bayan.

“Mama, sino po siya?” 

Naibaba nila ang kanilang tingin sa kaniyang anak na ngayon ay nakatingala na sa kanilang dalawa.

“Katalina, ito na ba si Angie?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Celestina sa kaniya.

Marahan siyang natawa. “Oo,” tugon niya sa kaibigan at saka bumaba ang tingin sa anak, “Angie, siya ang Tita-ninang Celestina mo. Magmano ka, anak.”

Nagmano nga ang anak niya sa tita-ninang nito. Natuwa naman si Celestina at paluhod na naupo sa harap ni Angie upang pantayan ang bata. 

“Napaka-cute mo namang bata. Kasing ganda mo ang iyong mama, mestizang-mestiza.” Pinisil pa nito ang pisngi ng anak na ikinalawak ng ngiti ng bata.

“Salamat po.” 

Napahinto ang kaniyang kaibigan nang lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa pisngi ng kaniyang anak at tiningala siya. Tumayo ng tuwid si Celestina para harapin siya.

“Mukhang ang hirap itago, Katalina. Malalaman at malalaman niyang anak niya ito,” bulong nito sa kaniya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status