“O-Oo. May nagsabi kasi sa akin na iyon daw ang mabisang gamot sa may sakit sa puso,” naging dahilan niya.Pagak itong natawa. “Seriously, Katalina?” halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Para bang isa iyong malaking kahibangan.“Sabi kasi nila—”“Don’t listen to them. The doctor doesn't refer that kind of exercise to a sick person. Dahil kung iyon man ang gamot ay baka matagal ko nang ibinigay sa kapatid mo ang bagay na iyon, pero hindi.”“Sorry.” Napayuko siya dahil sa kahihiyang sinabi. “Gusto ko lang din namang gumaling ang kapatid ko. Masyado na siyang nahihirapan.”Tumahimik ito. “Don’t mention that again because it drives me crazy especially if those words came from you.”Biglang nag-init ang kaniyang mukha. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Pero hindi sa hiya o kilig kundi dahil sa inis.Humakbang ito papalapit sa kaniya na ikinaatras niya. “Katalina, that kid. She’s mine, right?”Kahit nagulat siya ay hindi niya ipinahalata ang damdaming bigla niyang naramdaman. “Sino ka pa
Bigla na lang nalusaw ang pagkakangiti niya habang pinapanood ang dalawa nang dumaan si Vicente sa harapan niya at umupo sa dulo ng tela, para magkaharap sila.“Her smiles looks like mine,” purong pahayag nito at hindi isang tanong na kailangan pa ng kumpirmasyon. Tumahimik na lang siya at hindi pinansin ang lalaki. “Hanggang kailan mo ako iignorahin, Katalina?”Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin ng diretso sa lalaki. “Sino ka ba para pukulan ng atensyon?”“Hindi ako kung sino lang,” entrada naman nito.“Ah, oo, ikaw ang lalaking mapapangasawa ng kapatid ko,” pagtatapos niya at hinayaan na lang ang kahibangan ng kasama. Nagsisimula na rin kasing kumulo ang kaniyang dugo at baka kung ano pa ang magawa niya rito kapag hindi siya nakapagtimpi. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, una pa lang ay kinompronta na niya ito sa sobrang kapal ng pagmumukha. Matapos siya nitong lokohin, ngayon ay balak na naman nitong gawin sa kapatid niya. Doon ay hindi na siya makapapayag pa.“H
“I’m no longer young and too busy person. Wala akong panahon para sa mga walang kabuluhang bagay,” wika nito bago muling sumubo ng pagkain.Napatingin siya sa anak na biglang yumuko bago itinaas ang tingin sa kaniyang kapatid at ina. Tila humihingi ng pasensya ang mga ito para sa kaniyang anak dahil sa hindi kanais-nais na ugaling ipinakita ng lolo sa apo. Nang muling bumaba ang tingin niya sa bata ay bahagya na itong nakatingala sa kaniya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Ngunit nabahiran na ng lungkot ang mga mata nitong kumikislap kanina. Nagtama rin ang tingin nila ni Vicente nang tumingin siya sa gawi nito at bumaba rin ang tingin sa bata.“PAPA,” TAWAG niya sa ama nang pagkalabas ng silid ay akma itong bababa pa lamang sa hagdan. Tumingin muna ito sa kaniya bago lumagpas ang tingin sa nakabukas pa ring pinto ng kuwarto kung saan siya lumabas. Nakita nito ang anak niya na natutulog na. Hapon na at oras na para sa siesta na nakasanayan din ng kaniyang anak. Sa Maynila pa lang.
“MAMA, P’WEDE po ba akong bumili ng marshmallows?” Turo ng anak nang makita ang mga marshmallow sa stante na naroroon. Narito sila ngayon sa isang grocery store sa bayan. Nagyaya kasi ang anak na mamili pagkagising. Mahilig kasing kumain nang kumain ang anak kaya lumulobo na ang katawan.“Oo naman,” ngiti niya at nagdiwang naman ang anak.Tumungo siya sa mga pagkaing may halong keso dahil paborito rin ito ng kaniyang anak. Maliban doon ay paborito rin niya ito. Hindi nawala ang pagkahumaling niya sa mga keso simula nang bata pa siya. Kukuhanin na sana niya ang crackers na may halong keso nang may taong kumuha rin niyon kaya napatingin siya sa taong iyon. Natigilan siya nang muling makita ang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayong araw.“Katalina? Oh my gash! How are you?” Bahagyang napataas ang kaniyang kilay nang kumustahin siya nito na para bang close sila. Hindi man lang nahiya sa ginawa nito o sabihin na lang na ‘nila’ sa kaniya noon.“Ayos lang. Gusto mo rin pala ito?”
NAPAKUNOT-NOO SIYA. “Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa akin, Katarina?” Naguguluhan siya nang matapos nitong bawasan ang buhok niya kapantay sa haba ng buhok ni Katarina, ngayon ay nilagyan siya ng bangs ng kapatid.“Ops! Walang atrasan kundi hindi papantay ’tong bangs mo. Saka um-oo ka nang tanungin ko kung p’wede ko bang pakailaman ang buhok mo.” Tuwang-tuwa ito.“Baka malito sa atin ang tao kapag tinitigan tayong parehong-pareho.” Natawa naman siya sa sinabing iyon.Minsan kasi ay ginawa na nila ito noon, kaya sobrang nalito ang mga taong nakasasalamuha nila sa loob ng bahay kung sino si Katarina at si Katalina—pareho pa man din silang mahinhin. Kaya nga binigyan talaga sila ng pagkakaiba ng mga magulang nila para hindi malito; nilagyan nila ng bangs si Katarina samantalang siya ay wala. Palaging nakatali ang buhok ni Katarina, siya ay nakalugay lang ang mga buhok.“Iyon nga ang gusto ko, e. Na-miss ko na tuloy ang mga kakulitan natin noon.” Si Katarina.“Oo, iyong tinatawag kang Kat
Pagkatapos nga niyon ay sinimulan na nga silang sukatan ni Ruby. Pink and violet ang color motif ng kasal nina Vicente at Katarina kaya magkahalo ang kulay lila at rosas sa kanilang susuotin sa kasal ng mga ito. At nang matapos kunan ay nagpaalam muna ang dalawa—sina Katarina at Ruby—upang tingnan ang itaas na bahagi ng natahi na nitong gown. Hindi nga makapaniwala ang kakambal niyang si Katarina dahil kamakailan lang siya sinukatan pero kaagad nitong natapos ang pang-itaas na bahagi ng isusuot nitong bridal gown.“Mama, p’wede po ba akong pumunta roon? Gusto ko pong matingnan ’yong mga gowns po, ang gaganda po kasi,” paalam ni Angie sa kaniya sabay turo sa unahang bahagi, kung saan nakasabit at nakasuot sa mga manikin ang pambatang mga gown.“Sure. Basta tingin lang, huwag mangialam ng kung ano-ano,” habilin niya.“Yes, Mama.” At masaya itong tumakbo sa lugar na kanina pa nito gustong puntahan. “Totoo pala ang sinasabi nila na alam ng puso kung sino ang itinatangi nito.”Napakunot-n
“P’wede po ba tayong bumaba sa ’baba, Tito Vicente?” Pagtingala ni Angielyn kay Vicente. “Oo naman. Para makita ninyo ng mama mo sa malapitan ang farm.” Kahit hindi man iyon sabihin ni Vicente ay bababa talaga siya’t gusto niyang makita nang malapitan at mahawakan ang mga ito. “Mama, tara po!” nasasabik na paanyaya sa kaniya ng anak. Gaya niya ay hindi rin makapaghintay ang kaniyang anak. Hindi lang kasi siya ang mahilig sa halaman dahil maging ang anak ay kinahihiligan din ang mga iyon. “Let’s go.” Paghawak niya sa kamay ni Angielyn. “Careful, ate. Medyo madulas.” Si Katarina nang magmadali silang dalawa ng kaniyang anak sa pagbaba. Ngunit namalayan na lang niyang nakababa na sila ng kaniyang anak. Pagdating sa ibaba ay agad din silang nagkahiwalay nito para lapitan at tingnan ang kani-kaniyang gustong hawakang halaman o pananim. Sa kalagitnaan ng paghanga niya sa mga dahon ng gulay na malalago at bungang sariwa ay naagaw nina Vicente at Katarina ang kaniyang tingin. Malawak an
“Ang anak ko. Si Vicente. Parang ikaw siya noong bata pa siya.”Halos natigilan ang lahat dahil sa inihayag ng alkalde. Habang hindi makagalaw si Katalina sa kaniyang kinatatayuan ay siyang pagtaas ng tingin ni Katarina sa fiance bago ibinaba kay Angielyn ang paningin. Samantala ay nakatitig lamang si Vicente sa bata na siyang ikinailing naman ni Carlito.“Talaga po?” Malawak ang pagkakangiti ni Angielyn at tumingala kay Vicente. Ngumiti ang bata na halos ikinasingkit ng mga mata nito.Muling natawa si Miguel Guerrero. “Oo, ngunit sa pambabaeng bersyon naman.” Bigla naman nitong ginulo ang buhok ng bata. Muli ay bumalik sa alkalde ang tingin ni Angielyn at ngumiti. Labis ang kaniyang nadaramang tuwa sa sinabi nito. “MAMA, NARINIG ninyo po ba iyong sinabi ni Lolo Mayor kanina? Kamukha ko raw po si Tito Vicente.” Napahinto siya sa pagsusuklay sa buhok ng anak nang banggitin ulit nito ang nangyari kanina. Pagkatapos ng eksenang iyon ay ngani-ngani niyang kinuha ang anak at nagpaalam s