“SAAN KA galing?”
Napahinto siya sa pagsasara ng pinto nang marinig iyon mula sa kaniyang likuran. Pagkaharap ay siyang gulat niya nang makita ang matatalim na mga matang nakatitig sa kaniya. Napayakap pa nga siya sa bitbit niyang mga libro. Pero hindi niya ipinakita ang pagkakagulat niyang iyon sa istriktong ama. Kahit malinaw sa mga mata ng ama ang pang-uusig ay binale-wala niya iyon at nilakasan ang loob upang makalapit rito at magmano.
“Mano po, Papa.”
“Napapadalas na yata ang pag-uwi mo ng late galing eskuwelahan, Katalina. Saan ka nagpupunta?” tanong nito. Puno ng awtoridad ang boses.
“Dumaan lang po ako sa tahanan ni Celestina, Papa. Inimbitahan na rin ako ni Ninang Centhia na doon maghapunan kaya ako natagalan. Hindi po kasi ako makatanggi,” pagsisinungaling niya na kahit ang totoo ay lumabas sila ni Vicente at namasyal.
Tumango-tango ang kaniyang ama.
“Carlo!” biglang sigaw ng kaniyang ina dahil sa sumunod na nangyari.
Maging siya ay nagulat. Hindi niya iyon inaasahan. Tumabingi na lang ang kaniyang ulo dahil sa malakas na sampal na natamo mula sa kaniyang ama.
“Sinungaling!” nanunumbat na bigkas nito sa kaniya.
“Anong nangyari, Mama?”
“Anong mayroon dito?”
“Katalina.”
Sapo ang pisngi na ngayon ay namamanhid at mahapdi, napataas siya ng ulo sa mga taong nagmamay-ari ng mga tinig na iyon. Kasama ng kaniyang ina na si Jennelyn ay ang kakambal na si Katarina, ang kaniyang Ninang Centhia at ang kaibigan na si Celestina. Doon ay napatulala siya at pumatak na lang ang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Noon lamang siya nakaranas na tila ba pinagtaksilan siya ng mundo. Parang pinagkaisahan siya ng mga ito upang pagbayaran ang ginawa niyang paglihim at pagsisinungaling sa mga magulang.
Oo, sa limang buwan simula nang sagutin niya ang pag-ibig ni Vicente ay pinili niyang ilihim muna ang kanilang relasyon sa kaniyang mga magulang. Na naiintindihan naman ng nobyo. Hindi pa kasi siya handa dahil malaki ang ekspektasyon ng mga ito lalo na ng kaniyang ama sa kaniya. Siya lamang kasi ang inaasahan ng mga ito lalo na sa malawak na vegetables farm nila sa susunod na henerasyon. Kaya pinag-aaral siya ng mabuti ng mga ito dahil ang kakambal na si Katarina ay may sakit sa puso na iniingatan ng lahat. Kaya nga home study lamang ito. Walang ibang mapupuntahan ang tungkuling iyon kundi sa kaniya. Kaya nga sobra kung ipagmalaki siya ng kaniyang ama bilang tagapagmana ng pamilya dahil dulot na rin ng magandang performance niya sa eskuwelahan at pagiging mabuting anak. Hindi na raw nito kailangan ng lalaking tagapagmana kung sa anak niyang babae pa lang ay paniguradong may seguridad na ito.
“Buong akala ko’y nag-aaral ka ng mabuti, Katalina. Pero ano itong ginagawa mo? Kailan ka pa natutong magsinungaling, ha?”
Napaharap siya sa kaniyang ama na kahit nanlalabo na ang kaniyang paningin ay pilit niya itong inaaninag. Ngayon lamang niya nakita ang ama na nilalamon ng galit. Oo, istrikto ito kung istrikto pero kahit kailan hindi ito nagalit sa kanila, ngayon lang.
Napahikbi siya sa unang pagbuka ng kaniyang bibig. “P-Papa?” pagtawag niya rito na tila ba nakikiusap na huwag siya nitong pagalitan, hinihiling na pakinggan muna siya. Ang noon ay kumikinang na mga mata dahil sa pagmamalaki tuwing tinititigan siya, ngayon ay nag-aapoy na sa labis na galit. Nawala na iyon at napalitan ng pagkadismaya.
“Huwag mo ’kong matawag-tawag na ‘Papa’ dahil wala akong anak na sinungaling. Katalina, alam mo naman siguro ang tungkulin mo sa pamilyang ito, hindi ba? Mas masuwerte ka nga kumpara sa kakambal mo. Pero ano itong ginagawa mo?! Kung ganito lang ang gagawin mo e di sana ay ikaw na lang ang nagkaroon ng sakit at hindi ang kakambal mo!”
“Papa!”
“Carlo, that’s enough!”
Tila nabingi siya at napatda sa kinatatayuan. Sa pagkakataong iyon ay tila tumigil din ang pagtibok ng kaniyang puso. Ang mga luhang di-maputol na dumadaloy sa kaniyang pisngi ay napaurong. Tama ba iyong narinig niya mula sa bibig nito? Halos mapasapo siya sa kaniyang dibdib at maya-maya’y nakayakap na siya sa kaniyang ina na mabilis siyang dinaluhan.
“Carlo, she’s still your daughter. You don't need to shout at her and put her into shame if we can talk to her calmly. Please, listen to your daughter first.” Hinarap siya ng ina. “Ignore what your father have said, Katalina. Dala lang ng galit kaya niya nasabi iyon. Intindihin mo na lang, okay?” At niyakap siya ng kaniyang ina.
“‘Yan! Kaya nagkakaganyan ’yang anak mo dahil kinukunsinte mo. Kaya lumalaki ang ulo, e.”
“Stop it, Papa. It won’t help.” Paghimasok din ng kaniyang kakambal ngunit sa mahinahong paraan.
Walang nagawa ang kaniyang ama kundi marahas na mapabuntong hininga at umalis. Doon ay tila nawalan siya ng lakas at humagulgol ng iyak sa mga bisig ng kaniyang ina. Naramdaman naman niya ang haplos ng kaniyang kakambal sa kaniyang likod.
“KATALINA, WHY didn't you tell us that you have a boyfriend? Hindi mo ba alam na matagal ng naghihinala sa iyo ang inyong ama? Dumadalas kasi ang pag-uwi mo ng late. At napapansin na rin niya ang ginagawa mong pagpapaganda nitong huli na hindi mo naman ginagawa dati.”
Napayuko siya nang sabihin iyong lahat ng kaniyang ina. Nahihiya siya sa mga ito.
“Bakit hindi mo siya ipakilala sa amin, ate? Baka sakaling humupa ang galit ni papa kung makilala niya ang kasintahan mo. Siguro naman ay disente siyang lalaki at mapagkakatiwalaan.” Tumingin ang kakambal niya sa kanilang ina upang hingin ang opinyon patungkol sa sinabi nito.
“Bakit nga ba hindi, Katalina? Tama ang iyong kakambal. Dalhin mo siya rito at ipakilala sa amin. Kampante ako na hindi ka niya ipapahiya sa iyong ama. Ramdam kong tama ang lalaking pinili mo dahil may tiwala akong hindi mo sisirain ang sarili mo sa maling tao.” Pagsuklay sa kaniyang buhok ng kaniyang ina.
“Sa susunod na linggo ay ipapakilala ko po siya na inyo,” naging sagot niya sa mga ito.
Napangiti naman ang dalawa sa isa’t isa at niyakap siya ng mga ito nang mahigpit. Alam niyang kung magkakaroon man siya ng mga suliranin ay hindi siya nag-iisa para harapin ang mga ito. Nandiyan ang ina niyang si Jennelyn at ang kakambal na si Katarina para damayan siya.
Matapos masira ang sana ay magandang hapunan kanina kasama ang mag-inang Centhia at Celestina, ngayon ay dinadamayan siya ng kaniyang ina at kapatid. Nasa kuwarto niya sila sa pagkakataong ito.
Malaki ang naging tulong ng ina niya at kapatid para pagaanin ang kaniyang loob. Dahil sa mga ito ay napag-isip-isip niya na ipakilala na si Vicente sa pamilya. Paniguradong ikatutuwa iyon ng kaniyang ama lalo pa’t anak ito ng alkalde sa kanilang bayan. Kahit ayaw man niya ay wala na siyang magagawa kundi gamitin ang lakas at kapit ng pamilya sa lipunan ng nobyo para bumalik ang tiwala sa kaniya ng kaniyang ama. Si Vicente na lang ang natatangi niyang pag-asa. Ipapakita niya sa kaniyang ama na kahit naglihim siya, may ipagmamalaki naman siya rito.
“Tama ba ’tong narinig ko? Ipapakilala mo na si Vicente sa pamilya mo? Out of the blue yata, Katalina. Noon ay halos pigilan mo si Vicente na ipakilala ang sarili sa pamilya mo,” ayon kay Celestina sa kaniya nang ibahagi niya ang kaniyang balak sa kaibigan.
Ngumiti siya. “Oo, may pahintulot na mula kina mama at Katarina. At saka sigurado naman ako na mapapahanga ko ulit si papa dahil maging sa pagpili ng lalaking mamahalin ay magaling ang kaniyang inaasahang anak.”
“At mukhang gagamitin mo pa siya para magkaayos kayo ng iyong ama. Dapat pala noon pa lang ay nabuking ka na ng ama mo para naman maibigay mo na kay Vicente ang matagal niya nang hinihiling,” mahabang linyada ng kaniyang kaibigan na ikinatahimik niya.
Bigla siyang nakonsensya para sa nobyo dahil ito pa ang gagamitin niya upang magingpampalubag-loob sa ama.
“Hoy, Katalina. Biro lang, ha? Baka seryosohin mo na. Hindi lang kasi ako makapaghintay na maging legal na kayo both side. Mahirap na lalo pa’t maraming umaaligid kay Vicente. Baka mapikot ’yon.” Tumawa ng malakas si Celestina, pero hindi rin nagtagal at napatikom ito ng bibig nang makitang seryoso pa rin siya. “Sabi ko nga tatahimik na lang ako.”
“Katalina, hindi ba ngayon mo ipakikilala si Vicente sa mga magulang mo?” Nang hapong uwian na kung saan nililigpit na nila ni Celestina ang librong ginamit at ibinalik sa stante ng mga libro sa library.
“Oo, Tina. Hindi na nga ako makapaghintay pa.” Ngiti niya sa kaibigan. “Alam mo bang nilakasan ko pa ang loob ko na puntahan si papa kanina sa office niya, para sabihin na ipapakilala ko sa kanila ang nobyo ko mamaya? Hindi pa nila ito kilala dahil hindi ko pa sinabi maging ang pangalan ni Vicente, pero mamaya makikilala na rin nila,” pagpapaliwanag pa niya rito na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.
“Ano ang sinabi ng ama mo hinggil dito?”
“Wala naman siyang sinabi, pero ramdam kong magiging okay ang lahat pagkatapos ko siyang maipakilala sa kanila.”
Walang naitugon sa kaniya ang kaniyang kaibigan kundi ang isang malawak na ngiti. Nagpapakita na sobrang saya nito para sa kaniya, para sa kanila.
Dahil hindi na siya makapaghintay pa ay siya na mismo ang pumunta sa silid-aralan nina Vicente para sunduin ito. Nasa dulong bahagi lang naman iyon. Nauuna kasi ng isang taon sa kaniya ang lalaki at pareho sila ng kursong kinuha. Iyon kasi ang usapan nila ng nobyo na sabay na silang tutungo sa tahanan nila. Alam niyang naghahanda na rin ngayon ang ina niya at ang kapatid para sa gaganapin mamayang gabi ayon sa napag-usapan nila. Nasa kaniya ang suporta ng mga ito. At ayon din kay Vicente ay ipakikilala na rin siya ng kasintahan sa mga magulang nito sa susunod na araw. Puno ng kagalakan ang nararamdaman ng kaniyang puso. Napupuno ito ng kasiyahan at pinapanalangin niya na sana ay magtuloy-tuloy na iyon.“Ano ba naman ito? Bakit ngayon pa?” asik niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.Dali-dali siyang tumakbo patungo sa abandonadong silid para sumilong. Naging imbakan na rin ito ng mga sirang gamit katulad ng mga sirang upuan at mesa. Laking pasasalamat niya nang makitang bukas i
Ang mga salitang binitiwan ng kaniyang ama ay tila kutsilyo na tumatarak sa kaniyang dibdib. Gusto man niyang ipagtanggol ang sarili ay totoo naman ang mga sinabi nito. Nagdurugo ngayon ang kaniyang puso. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng mga masasakit na salita na nagmumula sa kaniyang ama.“Maghunos-dili ka! Anak mo pa rin s’ya!” pagsaway ng kaniyang ina rito.“Sino ang kakalma, aber? You're daughter is pregnant for petty’s sake! At kung sino man ang poncio pilatong iyon ay mapapatay ko siya.” Napasabunot ito sa kaniyang mga buhok at puno ng eksaherasyon winaslik ang mga kamay, na kung hindi nakidikit sa katawan ay siguradong matitilapon.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kilala kung sino ang nobyong nanloko sa kaniya dahil nanatili siyang walang kibo tungkol dito. At kahit kailan ay hindi niya ito sasabihin sa kaniyang pamilya. Hindi ito karapat-dapat na kilalanin pa ng kaniyang pamilya dahil sa ginawa nito sa kaniya na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin.
Matapos sabihin iyon ni Celestina kay Katalina ay bumaba ang kaniyang tingin sa anak. Nakangiti na ito ngayon sa kaniya. Gumanti rin siya ng ngiti rito.“Madali lang namang itanggi.”Nagkibit-balikat na lang si Celestina sa kaniya. “Tara, Angie. Sumunod ka sa akin. Sasakay tayo sa bagong awto ni tita-ninang,” sabi lang nito sa anak at kinuha ang ilan nilang gamit. Hinawakan nito maging ang kamay ng kaniyang anak.Nang malaman kasi nito na uuwi sila ay nag-boluntaryo na ang kaibigan niya na ito na raw ang susundo sa kanila para naman sila ang unang sasakay sa bagong pundar nitong kotse.Tumingala muli sa kaniya ang anak at tinanguan na lang niya ito bago sumabay sa tita-ninang nito. Kapagdaka’y sumunod siya sa dalawa.“Hindi ka ba natatakot sa posibleng mangyari kung makita niya ang anak ninyo?”Mula sa panonood sa labas ng sasakyan kung saan sila lulan ay napabaling siya sa kaniyang kaibigan nang tanungin nito iyon. Napatingin pa siya sa likuran kung saan inookupahan ng kaniyang anak
“Angie?” Si Jennelyn na nagniningning ang mga mata ng makita si Angielyn, ang kaniyang apo.Nakita na lamang ni Katalina ang ina at ang kapatid na nakalapit na sa kaniyang anak. Tuwang-tuwa ang mga ito gayon din ang kaniyang anak.“Mama-lola. Tita Katarina.” Lumabas ang dalawang malalalim na biloy sa mga pisngi ng kaniyang anak nang ngumiti ito, lalo na nang makita ang lola at tita nito.Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik na lang sa sulok kahit na ramdam niyang mariing nakatitig sa kaniya si Vicente. “Tara na. Pumasok na tayo,” pag-imbita sa kanila ng kaniyang inang si Jennelyn habang karga-karga na ang apo. “Mama, pasok na raw po tayo,” nasasabik namang wika ng kaniyang anak. Tumango at ngumiti siya rito.“Tara na, Love. Ate Celestina, sumunod ka na rin. May hinandang meryenda si mama.” Si Katarina.“Sige, susunod ako,” rinig niyang sabat ng kaibigan.Samantalang siya ay napayuko na lang at dumaan sa harapan ni Vicente na alam niyang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kaniy
“O-Oo. May nagsabi kasi sa akin na iyon daw ang mabisang gamot sa may sakit sa puso,” naging dahilan niya.Pagak itong natawa. “Seriously, Katalina?” halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Para bang isa iyong malaking kahibangan.“Sabi kasi nila—”“Don’t listen to them. The doctor doesn't refer that kind of exercise to a sick person. Dahil kung iyon man ang gamot ay baka matagal ko nang ibinigay sa kapatid mo ang bagay na iyon, pero hindi.”“Sorry.” Napayuko siya dahil sa kahihiyang sinabi. “Gusto ko lang din namang gumaling ang kapatid ko. Masyado na siyang nahihirapan.”Tumahimik ito. “Don’t mention that again because it drives me crazy especially if those words came from you.”Biglang nag-init ang kaniyang mukha. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Pero hindi sa hiya o kilig kundi dahil sa inis.Humakbang ito papalapit sa kaniya na ikinaatras niya. “Katalina, that kid. She’s mine, right?”Kahit nagulat siya ay hindi niya ipinahalata ang damdaming bigla niyang naramdaman. “Sino ka pa
Bigla na lang nalusaw ang pagkakangiti niya habang pinapanood ang dalawa nang dumaan si Vicente sa harapan niya at umupo sa dulo ng tela, para magkaharap sila.“Her smiles looks like mine,” purong pahayag nito at hindi isang tanong na kailangan pa ng kumpirmasyon. Tumahimik na lang siya at hindi pinansin ang lalaki. “Hanggang kailan mo ako iignorahin, Katalina?”Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin ng diretso sa lalaki. “Sino ka ba para pukulan ng atensyon?”“Hindi ako kung sino lang,” entrada naman nito.“Ah, oo, ikaw ang lalaking mapapangasawa ng kapatid ko,” pagtatapos niya at hinayaan na lang ang kahibangan ng kasama. Nagsisimula na rin kasing kumulo ang kaniyang dugo at baka kung ano pa ang magawa niya rito kapag hindi siya nakapagtimpi. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, una pa lang ay kinompronta na niya ito sa sobrang kapal ng pagmumukha. Matapos siya nitong lokohin, ngayon ay balak na naman nitong gawin sa kapatid niya. Doon ay hindi na siya makapapayag pa.“H
“I’m no longer young and too busy person. Wala akong panahon para sa mga walang kabuluhang bagay,” wika nito bago muling sumubo ng pagkain.Napatingin siya sa anak na biglang yumuko bago itinaas ang tingin sa kaniyang kapatid at ina. Tila humihingi ng pasensya ang mga ito para sa kaniyang anak dahil sa hindi kanais-nais na ugaling ipinakita ng lolo sa apo. Nang muling bumaba ang tingin niya sa bata ay bahagya na itong nakatingala sa kaniya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Ngunit nabahiran na ng lungkot ang mga mata nitong kumikislap kanina. Nagtama rin ang tingin nila ni Vicente nang tumingin siya sa gawi nito at bumaba rin ang tingin sa bata.“PAPA,” TAWAG niya sa ama nang pagkalabas ng silid ay akma itong bababa pa lamang sa hagdan. Tumingin muna ito sa kaniya bago lumagpas ang tingin sa nakabukas pa ring pinto ng kuwarto kung saan siya lumabas. Nakita nito ang anak niya na natutulog na. Hapon na at oras na para sa siesta na nakasanayan din ng kaniyang anak. Sa Maynila pa lang.
“MAMA, P’WEDE po ba akong bumili ng marshmallows?” Turo ng anak nang makita ang mga marshmallow sa stante na naroroon. Narito sila ngayon sa isang grocery store sa bayan. Nagyaya kasi ang anak na mamili pagkagising. Mahilig kasing kumain nang kumain ang anak kaya lumulobo na ang katawan.“Oo naman,” ngiti niya at nagdiwang naman ang anak.Tumungo siya sa mga pagkaing may halong keso dahil paborito rin ito ng kaniyang anak. Maliban doon ay paborito rin niya ito. Hindi nawala ang pagkahumaling niya sa mga keso simula nang bata pa siya. Kukuhanin na sana niya ang crackers na may halong keso nang may taong kumuha rin niyon kaya napatingin siya sa taong iyon. Natigilan siya nang muling makita ang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayong araw.“Katalina? Oh my gash! How are you?” Bahagyang napataas ang kaniyang kilay nang kumustahin siya nito na para bang close sila. Hindi man lang nahiya sa ginawa nito o sabihin na lang na ‘nila’ sa kaniya noon.“Ayos lang. Gusto mo rin pala ito?”
Napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan habang pauwi na sa mansyon sina Silli, Katalina at Angielyn na ipinagtaka naman ng kanilang drayber na si Jerry.“Ano ba ang nangyari at mukhang ang saya-saya ninyo yata?” hindi na mapigilan pang tanong nito.“Ito kasing si Katalina pinagtsismisan sa palengke e, sa huli naman ay ang mga palengkera ang napahiya. Buti nga sa kanila,” sabat ni Silli.“Talaga ho?! Ang mga tsimosa talaga walang pinipiling tao, lugar at panahon kung kailan, saan at sino ang pagpipiyestahan nila. Buti na lang itong si Senyorita Katalina palaban sa mga ganiyan.”“Kanino pa ba magmamana ng improntuhan kundi sa ama,” birit pa ni Silli.Tila napawi ang ngiti ni Katalina nang mabanggit nito ang kaniyang ama sa usapan. Napatingin siya sa labas ng bintana. Marami ang nagsasabing magkasing ugali sila ng kanilang ama, pero kahit kailan ay hindi siya naging matigas at mataas ang pride kagaya ng ama. “Mama, basta po kahit hindi ko po alam ang mga nangyayari sa inyo ng Ale kanina
“Ang anak ko. Si Vicente. Parang ikaw siya noong bata pa siya.”Halos natigilan ang lahat dahil sa inihayag ng alkalde. Habang hindi makagalaw si Katalina sa kaniyang kinatatayuan ay siyang pagtaas ng tingin ni Katarina sa fiance bago ibinaba kay Angielyn ang paningin. Samantala ay nakatitig lamang si Vicente sa bata na siyang ikinailing naman ni Carlito.“Talaga po?” Malawak ang pagkakangiti ni Angielyn at tumingala kay Vicente. Ngumiti ang bata na halos ikinasingkit ng mga mata nito.Muling natawa si Miguel Guerrero. “Oo, ngunit sa pambabaeng bersyon naman.” Bigla naman nitong ginulo ang buhok ng bata. Muli ay bumalik sa alkalde ang tingin ni Angielyn at ngumiti. Labis ang kaniyang nadaramang tuwa sa sinabi nito. “MAMA, NARINIG ninyo po ba iyong sinabi ni Lolo Mayor kanina? Kamukha ko raw po si Tito Vicente.” Napahinto siya sa pagsusuklay sa buhok ng anak nang banggitin ulit nito ang nangyari kanina. Pagkatapos ng eksenang iyon ay ngani-ngani niyang kinuha ang anak at nagpaalam s
“P’wede po ba tayong bumaba sa ’baba, Tito Vicente?” Pagtingala ni Angielyn kay Vicente. “Oo naman. Para makita ninyo ng mama mo sa malapitan ang farm.” Kahit hindi man iyon sabihin ni Vicente ay bababa talaga siya’t gusto niyang makita nang malapitan at mahawakan ang mga ito. “Mama, tara po!” nasasabik na paanyaya sa kaniya ng anak. Gaya niya ay hindi rin makapaghintay ang kaniyang anak. Hindi lang kasi siya ang mahilig sa halaman dahil maging ang anak ay kinahihiligan din ang mga iyon. “Let’s go.” Paghawak niya sa kamay ni Angielyn. “Careful, ate. Medyo madulas.” Si Katarina nang magmadali silang dalawa ng kaniyang anak sa pagbaba. Ngunit namalayan na lang niyang nakababa na sila ng kaniyang anak. Pagdating sa ibaba ay agad din silang nagkahiwalay nito para lapitan at tingnan ang kani-kaniyang gustong hawakang halaman o pananim. Sa kalagitnaan ng paghanga niya sa mga dahon ng gulay na malalago at bungang sariwa ay naagaw nina Vicente at Katarina ang kaniyang tingin. Malawak an
Pagkatapos nga niyon ay sinimulan na nga silang sukatan ni Ruby. Pink and violet ang color motif ng kasal nina Vicente at Katarina kaya magkahalo ang kulay lila at rosas sa kanilang susuotin sa kasal ng mga ito. At nang matapos kunan ay nagpaalam muna ang dalawa—sina Katarina at Ruby—upang tingnan ang itaas na bahagi ng natahi na nitong gown. Hindi nga makapaniwala ang kakambal niyang si Katarina dahil kamakailan lang siya sinukatan pero kaagad nitong natapos ang pang-itaas na bahagi ng isusuot nitong bridal gown.“Mama, p’wede po ba akong pumunta roon? Gusto ko pong matingnan ’yong mga gowns po, ang gaganda po kasi,” paalam ni Angie sa kaniya sabay turo sa unahang bahagi, kung saan nakasabit at nakasuot sa mga manikin ang pambatang mga gown.“Sure. Basta tingin lang, huwag mangialam ng kung ano-ano,” habilin niya.“Yes, Mama.” At masaya itong tumakbo sa lugar na kanina pa nito gustong puntahan. “Totoo pala ang sinasabi nila na alam ng puso kung sino ang itinatangi nito.”Napakunot-n
NAPAKUNOT-NOO SIYA. “Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa akin, Katarina?” Naguguluhan siya nang matapos nitong bawasan ang buhok niya kapantay sa haba ng buhok ni Katarina, ngayon ay nilagyan siya ng bangs ng kapatid.“Ops! Walang atrasan kundi hindi papantay ’tong bangs mo. Saka um-oo ka nang tanungin ko kung p’wede ko bang pakailaman ang buhok mo.” Tuwang-tuwa ito.“Baka malito sa atin ang tao kapag tinitigan tayong parehong-pareho.” Natawa naman siya sa sinabing iyon.Minsan kasi ay ginawa na nila ito noon, kaya sobrang nalito ang mga taong nakasasalamuha nila sa loob ng bahay kung sino si Katarina at si Katalina—pareho pa man din silang mahinhin. Kaya nga binigyan talaga sila ng pagkakaiba ng mga magulang nila para hindi malito; nilagyan nila ng bangs si Katarina samantalang siya ay wala. Palaging nakatali ang buhok ni Katarina, siya ay nakalugay lang ang mga buhok.“Iyon nga ang gusto ko, e. Na-miss ko na tuloy ang mga kakulitan natin noon.” Si Katarina.“Oo, iyong tinatawag kang Kat