Eloisa Macaraeg POV:March 29 alas siyete ng gabi, naghahanda na ako ng aking mga gamit na dadalhin, dahil bukas na ang araw ng alis ko. Kaunting damit lamang ang aking dadalhin, dahil kaunti lang naman talaga ang mga damit ko. At Sanay naman talaga akong maglaba dahil, palagi akong isinasama noon ng aking ina sa paglalabada kapag wala akong pasok sa eskwela.At isa pa mga importanteng document ang need kong dalhin, dahil kailangan kong makapag trabaho kaagad pag dating ko sa maynila.Kailangan parin kasi uminom ni inay ng gamot araw araw, para tuloyan siyang gumaling sa sakit niyang kanser sa matris. Nakuha ito ni inay ng bata pa lamang ako Dahil siguro sa palagi siyang nagbubuhat ng mabigat, lalo na kapag nagsa sideline siyang maglako ng mga gulay sa bahay bahay.Kapag wala siyang tanggap na labada. Binubuhat lang kase ni inay ang mga gulay gamit ang dalawang timba habang nag iikot sa mga bahay bahay.Habang naglalagay ako ng mga dadalhin ko
Last Updated : 2022-04-14 Read more