Ella POV:
Nasaan na kaya si aling sonia sana mahanap na siya kaagad. Paano nalang si eloisa kapag may hindi magandang nangyari sa nanay niya. Kawawa naman ang kaibigan kong yun ni hindi nga niya nakilala maging ang kanyang ama. Mamayang hapon ay pupuntahan ko ulit si kapitan kung may balita na sila kay aling sonya.Pupuntahan ko nga ulit ang bahay nila eloisa baka sakaling may makita akong ibedensya na makapag tutukoy kong umalis ba talaga ng kusa si aling sonya o may sapilitang nangyari kaya ito nawala.Naglalakad ako papunta sa bahay nila eloisa ng medyo malapit na ako ay may natanaw akong dalawang lalake na palinga linga sa harapan ng bahay nila. Ang isang lalake ay medyo matangkad na sa tansiya ko ay mga 5'8" ang height naka jacket ito ng itim at naka bonnet ng kulay brown. Habang ang isa naman ay mas maliit at malaki ang tiyan. Naka suot naman ito ng sumbrero na puti. Patuloy ko silang tinititigan mula sa aking kina tatayuan. May sinabi sila sa isa't isa at maya maya pa napansin kong paalis na sila dahil umikot sila paharap sa gawi ko. kung kaya't dali dali akong nag tago sa likod ng puno ng langka bago pa ako nila mapansin.Nang ma siguro kong wala na sila. Dali dali akong tumakbo palapit sa bahay ni eloisa. Binuksan ko ang gate nila na gawa sa kahoy at humakbang palalapit sa pinto ng kanilang bahay. Nang tuloyan na akong makapasok sa loob ng kanilang bahay ay kaagad kong inisa isang tingnan ang bawat sulok ng kanilang bahay baka sakaling may mapansin ako na kakaiba. Nang medyo nahilo na ako kaka ikot naisipan kong umupo na muna sa kahoy nilang upoan sa may sala. Habang nag iisip ako kong saang parte pa ako ng kanilang bahay pupunta napa gawi ang tingin ko sa divider na pinag papatungan ng maliit na radyo may napansin akong naka ipit na maliit na papel. Tumayo ako at tiningnan ko ito at may naka sulat na "Ramon Del Castillo - 09281234567" kaagad ko itong ipinasok sa bulsa ng short ko. Mamaya pag kauwi ko ng bahay ay susubokan kong tawagan ang cellphone number na naka saad dito. Baka sakaling may kinalaman ang Ramon del Castillo na ito sa pag kawala ng nanay ni eloisa.Nang makontento na ako sa mga pinuntahan kong sulok ng kanilang bahay ay nag desisyon akong umuwi na dahil bukod pa sa papel na naka ipit wala na akong ibang nakita pa na maa aring maka tulong para mahanap si aling sonya.Nang maka uwi na ako ay wala parin sina nanay. sumama na rin kasi pati si nanay kay tatay na mag hanap ng maaring puntahan ni aling sonya.Dali dali kung kinuha ang telepono para matawagan ang number na naka sulat dito. Nakaka ilang dial na ako ngunit hindi naman ma kontak. "The number you have dialled cannot be reached" Yan ang paulit ulit na sinasabi ng operator.Nag decide ako na sa ibang araw ko nalang ulit tatawagan ang number na naka sulat dito. Maya maya pa ay nakita kong paparating na sila nanay at tatay. Pagka pasok palang nila ng pinto ay kaagad ko na silang tinanong kong may lead na sila kung nasaan nag punta si aling sonya. Pero agad na umiling si tatay."wala pa rin anak, nahihirapan din maging ang mga police.. Wala din naman kasi masyado kakilala si sonya dito.. Halos lahat ng alam naming nakakakilala sa kanya ay napuntahan na namin ng inay mo.." saad ni tatay."oo nga anak.. Napagod lang kami ng tatay mo. Pati nga mga naging amo sa trabaho ni sonya dati pinuntahan na rin namin ng ama mo.. Pero wala pa rin.. Matagal na raw na hindi napapa gawi sa lugar nila si sonya." saba't pa ni nanay.Nang marinig ko ang sinabi ni nanay na iyon dali dali kaagad akong nag punta ng kusina upang ikuha sila ng maiinom. Nang maka balik ako kaagad ko rin Ikinuwento kanila nanay ang nakita ko kanina na dalawang kahina hinalang mga lalake. Babanggitin nalang daw namin kapag nag punta sina kapitan mamaya.Eloisa POV:Natapos ang maghapon ko sa trabaho ng nag iisip ng maaring dahilan sa pag kawala ni nanay. Nang mag uuwian na dinaanan ako ni ella sa pwesto ko at Napansin ako ni ella na walang gana at matamlay ang katawan."uy eloisa!.. Bakit may kakaiba sa iyo ngayon.. Masyado ka yatang matamlay at nanga ngalumbaba pa yang mga mata mo. Samahan pa ng malaking eye bag mo sa mata.. Naku baka maka salubong natin si sir david niyan sige ka bawas ganda points yan at baka mapansin pa ni sir yang mukha mong naka busangot.. Bakit may problema ka ba loisa?.. " kaagad niyang puna sa akin." oo rina malaki... Mag iisang linggo ng Nawawala ang nanay ko at hindi ko alam kong nasaan siya ngayon.. Wala kaming idea kung saan siya nag punta... " at hindi ko na napi gilang umiyak. Mas lumapit pa sa akin si rina at niyakap ako sabay himas sa likod ko."ay ganun ba... Sorry loisa, hindi ko alam na may ganyan ka palang pinag dadaanan.. Wala ba kayo kamag anak dito sa maynila na maari niyang puntahan?" tanong niya sa akin."wala eh.. Nag aalala talaga ako kay nanay ko.. Bulag kasi yun at mayroon pang karamdaman.. Hindi ko alam rina kung paano ako mabubuhay kapag tuloyang nawala ang inay ko sa akin.. Tanging siya lang ang meron ako.." kaagad kong sagot dito."ay ganoon ba.. Nakaka awa nga ang nanay mo.. Sana nga walang nang yaring masama sa kanya. Gusto mo sa bahay ka nalang muna umuwi para may kasama ka.. Mag isa lang din naman ako sa apartment dahil bihira lang umuwi ang boyfriend kong seaman. Mga limang buwan Pa bago siya uuwi kaya pwedeng pwede ka sa bahay.."Sabi pa niya sa akin."sige rina salamat.. Pag iisipan ko.." kaagad ko namang sagot dito. At hinila niya na ako palabas ng building. Sabay kaming nag lakad papuntang terminal ngunit nauna akong sumakay sa kanya ng bus dahil may bibilhin pa daw siya sa mall.Pagka uwi ko kaagad kong dinayal ang numero ng selpon ni aling pasing. Maswerte akong may sumagot kaagad at si ella ang nakasagot nito."hello ella.. May balita na ba kayo kay inay?.." kaagad kong bungad na tanong dito."sorry loisa wala pa eh.. Lahat daw ng alam nila nanay na kakilala ni aling sonya ay inisa isa na nilang pinuntahan pero wala daw ni isa sa kanila ang naka kita sa kanya.. Maging ang mga police wala paring nakukuhang lead. At kagagaling lang din ni kapitan dito kanina ngunit sa kasamaang palad wala parin silang makuhang impormasyon kong nasaan ang nanay mo.. " at narinig kong bumuntong hininga ito sa kabilang linya." ganoon ba ella... Salamat sa patuloy na pag babalita sa akin.. Sorry kung wala ako ngayon diyan para samahan kayo sa pag hahanap sa inay.. Nag paalam nga pala ako kanina sa supervisor ko na kailangan akong umuwi diyan sa quezon dahil nawawala nga si inay. Pinayagan naman niya akong umabsent ng 1 week para maka uwi diyan.. Mag tatanong tanong ako sa dati kong school kung may naka kita ba sa kanila kay inay..." sagot ko dito." sige loisa.. Tawag ka nalang ulit ha.. Sabihan mo ako kong anong araw kang uuwi para masundo kita sa babaan ng jeep. Magpaka tatag kay loisa my friend alam kong alalang alala ka sa nanay mo pero sana huwag mong pabayaan ang sarili mo.. Dito lang kami nila nanay at tatay para sayo.. Pamilya ka na rin namin.. " sagot niya sa akin." Hindi ko alam kung paano makaka bawi sa kabutihan ninyo sa amin ni inay.. Sana hindi kayo sumuko na mag hanap kay inay ella.. Paki sabi kanila aling pasing at mang cardo na sobrang nag papasalamat ako.. Ba bye.. " huling saad ko dito. At nawala na sa kabilang linya si ella.Kumain lang ako ng nabili kong tinapay sa labas dahil wala akong ganang kumain. Tahimik napaka tahimik ramdam ko lalo ang bigat ng dibdib ko.. Halos maya't maya akong nag darasal na sana makita na si nanay o kung hindi man umuwi na siya ng ligtas.Alas diyes na ng gabi ngunit hindi parin ako maka tulog. Biling baliktad ako sa higaan. Hindi ko parin maiwasan na di maiyak sa pag aalala ko kay nanay. Malamang mugto nanaman ang mga mata ko nito kinabukasan.Alas dos na nang madaling araw ako naka tulog. At na gising ako kinabukasan ng ala singko ng umaga. Kaagad akong bumangon at kumain muna bago naligo. Alas sais palang ay umalis na ako dahil baka ma traffic nanaman ako sa magallanes.Pag pasok ko sa office ay kaagad akong nag fill up ng absent form para maging legal ang pag absent ko ng isang linggo kahit na nag paalam na ako kay ms. Devine. Next week na ang uwi ko sa quezon at umaasa akong may magandang mangyayari sa pag uwi ko. Mahanap na sana namin si inay.Ella POV:Hindi ko na muna binanggit kay loisa na may nakita akong kahina hinala na mga lalake sa tapat ng bahay nila. Tsaka ko nalang sasabihin sa kanya pag uwi niya dito. Dahil baka lalo lang siyang mag isip. Ini report ko naman na kaagad noong araw na iyon sa mga police at naka record na sa kanila At nag abiso din si kapitan na pamamatyagan niya sa kanyang mga tanod ang bahay nila eloisa.Bukas na ang araw ng pag uwi dito ni eloisa sana naman ay makita na namin si aling sonya. Kung bakit naman kasi nangyari pa ito kay aling sonya. Sino naman kayang masamang tao ang mag tatangka sa kanya gayong mabait naman ito bukod pa sa bihira lang naman siya kung lumabas ng kanilang bahay.Eloisa POV:Dalawang linggo ng nawawala si nanay at wala parin daw lead ang mga police kung nasaan siya. Bukas na ang araw ng pag uwi ko sa quezon. Tatawagan ko nalang si ella bukas ng umaga bago ako umalis dito sa maynila. Mag dadala lang ako ng kaonting mga damit at bibili nalang ako ng pasalubong para kanila ella. Lumipas ang mag hapon ko sa trabaho na hindi ko namamalayan ang oras. Binubuno ko sa trabaho ang aking sarili para lang kahit papaano ay mawala sa isip ko si nanay. Pero saglit lang at naiisip ko nanaman siya.Kumakain ako ng baon kung tanghalian sa locker ng dumating si rina. Tumabi siya sa akin at kumain din ng dala niyang pag kain." uy loisa.. Kamusta kana..? Wala parin bang balita sa nanay mo? Agad niyang tanong sa akin." hindi parin nakikita si nanay eh.. Bukas na nga ang alis ko pauwi ng quezon. Sana nga sa pag uwi ko ay mahanap na siya.. Wala naman kasi akong alam na pwede niyang puntahan at kung sakali mang may pinuntahan lang siya bakit hindi naman siya nag paalam diba.. Haiysst... Sobrang nag aalala na talaga ako sa inay ko rina.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.. " kaagad na sagot ko dito.Muli siyang nag tanong." eh di hindi ka makaka dalo sa 25th anniversary party ng company niyan..? Naku kung wala ka doon malulungkot talaga ako.. Alam mo naman na ikaw ang pinaka malapit sa akin dito.. Ewan ko ba bakit andaming insikyura dito sa company na ito. Ang boboring nilang kasama alam mo ba yun.. "" buti nga at kahit papaano sayo nakikipag usap sila eh sa akin wala talaga ikaw lang, bukod kay ms. Devine... At pa salamat ako dahil mabait ka sa akin.. Bukod sayo at kay ella kayo lang ang napag Sasabihan ko ng saloobin ko.. Yung kasama ko naman sa apartment na si ana ay umuwi na ng bicol.. Hayaan mo at pipilitin kong maka dalo parin ng party.. " sabi ko dito." eh ano pa nga bang magagawa ko friend kung hindi ang hintayin ka sa pag babalik mo para may kasabay na ulit akong kumain.." huli pa niyang sabi.At nang matapos kaming kumain ay nauna na akong bumalik sa trabaho dahil gusto kong taposin muna lahat ng ipinapa gawa sa akin ni ms. Divine. At ilang araw din akong mawawala sa trabaho.Eloisa POV:Bago ako umuwi ng apartment ay dumaan muna ako sa palengke nag hanap ako ng maaaring ipang salubong kanina ella. At nang maka bili na ako ay kaagad naman akong umuwi na dahil mag liligpit pa ako ng mga dadalhin ko bukas pauwi ng quezon. Pagkauwi ko ay agad akong nag luto ng makakain nag prito nalang ako ng manok at medyo dinamihan ko na para may agahan ako bukas at ang matitira ay babaunin ko nalang sa biyahe.Kinabukasan ay maaga akong nagising alas kuwatro palang ng madaling araw ay nagising na ako. Kumain kaagad ako at naligo. Habang nag bibihis napag masdan ko ang aking sarili sa salamin. Mas lalo akong pumayat dala na rin ng hindi ko pag kakatulog ng maayos at madalas wala rin akong ganang kumain. Malaki ang ibinagsak ng katawan ko ang dating may buhay kong mga mata ay naging malamlam at medyo nangingitim pa ang ilalim ng mga mata ko. Medyo pumuti naman ako dahil nawasa ang tubig dito sa maynila. Totoo nga yung sinasabi nila noon na naririnig ko la
ay ganun po ba.. Hindi niya po na banggit sa akin aling pasing.. Hindi rin naman po kasi ako na tawag sa cellphone niya na iyon.. Palaging diyan po ako sa landline niyo tumatawag. Sige ho aling pasing tatawag nalang po ako mamaya ulit kapag naka baba na ako ng bus.. Pasensya na po sa abala.. " kaagad kong sagot dito." ay wala yun iha basta ikaw.. Parang anak ka na rin namin... Basta tawag ka nalang mamaya at baka nandito na rin si ella maya maya.. " paalam niya sa akin bago Ibaba ang linya ng telepono.Mga ilang sandali lang ang lumipas ay nakarating na ako sa quezon sasakay nalang ako ng jeep papunta sa baryo namin. Sinubokan ko ulit kontakin sina aling pasing ngunit walang sumasagot ring lang ng ring ang kanilang telepono.Medyo matagal pa akong nag hintay ng masasakyang jeep siguro dahil bihira nalang ang bumibyahe ng ganitong oras. Nag aagaw na ang dilim at liwanag. Ganap na ala sais ng gabi ng maka sakay na ako ng jeep. Hindi ko na tinawagan pang mul
Naka tulog din ako kaagad pag lapat palang ng katawan ko sa higaan. Kala gitnaan ng gabi ay nagising akong hinihingal at pawis na pawis. Na panaginipan ko si inay. Tinatawag niya daw ako at May humahabol daw sa kanya na mga masasamang lalake at may hawak na mga baril. habang tumatakbo papunta sa akin sa di kalayuan ay may nakita akong isa pang lalake na tumatakbo rin papunta sa gawi niya at tinatawag ang kanyang pangalan. Nang malapit na daw siya sa akin ay bigla akong may narinig na nagpa putok ng baril at natumba si inay sa harapan ko. Iyak daw ako ng iyak habang tinatawag ang pangalan ni inay.At pagka tapos ay bigla na akong nagising. Hindi ko nanaman napigilang umiyak. Napa tingin ako sa kina hihigaan ni ella at nakita ko itong mahimbing na natutulog. Patuloy akong lumuluha ng tahimik habang yakap ang dalawa kong binti.Nang mapagod na ako sa kaiiyak ay naka ramdam ako na naiihi kaya tumayo ako at nag tungo sa banyo. Pagka balik ko sa kuwarto ay muli akong hum
Tinulongan ako ni ella na isarado muli ang mga bintana at pagka tapos namin i-lock ang pinto ay hinila niya na ako kaagad sa kamay pabalik sa bahay nila.Kinabukasan ay muli akong nagpa sama kay ella na magpunta sa palengke at doon naman kami mag tatanong tanong. Kahit saan kami magpunta ay palagi kong dala dala ang Picture namin ni nanay upang ipakita sa mga taong napag tatanungan namin.Lumipas ang anim na araw na hindi ako tumigil sa kaka tanong sa kung sino ang maaring nakakita kay nanay. Malungkot ako dahil bukas na ang alis ko ulit pabalik ng Maynila. Wala manlang nangyaring maganda sa pag uwi ko dito ng isang linggo. Nandito ako ngayon sa bahay namin at kinakausap ang sarili mag isa. Mababaliw na ata ako kakahanap kay nanay. Yakap yakap ko ang mga damit niya at hawak ko ang litrato namin na magkasama habang nag sasalita." nay.. Nasaan kana.. Mis na mis na kita... Sana mag pakita ka naman oh.. Hirap na hirap na po ako... Pero kakayanin ko para sa in
Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r kaya naisipan ko na daanan ka
Jordan's POV:Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain na dito nila gusto sa Pilipinas ganapin ang magiging meeting namin. At nang nag inform sila through e-mails ay hindi ko naman kaagad nabasa dahil Mag hapon kong kasama si Roxanne ng araw n
Eloisa POV:Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot." hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan? May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito.Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa itong nag buntong hininga sa kabilang linya." ay ganun po ba.. Ikamusta niyo nalang ho ako kay ella at mang cardo.. " saad ko dito. " eh ikaw ba iha kamus
oh siya sige na umupo kana muna at mag hahain na ako.." muli pang saad nito.At agad na rin akong umupo sa lamesang may pang apatan. Habang kumakain kami ay panay din ang kwentohan namin at tawanan. Hanggang sa mag salita ulit siya." babe, mag papasama sana ako sayo bukas sa bahay ng cousin ko you know Yvette diba.. Birthday niya kasi bukas.. Isasama sana kita para may escort naman ako at isa pa ipapa kilala na rin kita sa ibang mga kamag anak namin na pupunta doon.." Agad naman akong sumagot dito."naku babe sorry.. Kailangan kong umuwi bukas sa bahay at hinahanap na daw ako ni Daddy.. Alam mo naman diba na may ilang araw din akong hindi naka uwi lately.. At tsaka madalas kasi sumama ang paki ramdam ni dad this past few days.. Gusto ko rin siyang kamustahin ng personal.. " sabi ko dito at ngumiti ng bahagya. " ay ganun... Akala ko pa naman masasamahan mo ako.. Nag sabi na rin kasi ako kay Yvette na isasama kita. Di bale wala naman akong ma
Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki
Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba
Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.
Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n
Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay
Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta
Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo
KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha
KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an