Pagka alis ni ms. Divine ay muling sumagi sa isip ko ang apelyido nila sir david at binigkas ko itong muli. Del Castillo.. Oo nga ano bakit ba hindi ko kaagad naisip noong nasa Quezon palang ako na Del Castillo nga pala ang family name ng boss ko. Siguro ay dahil kay nanay naka tuon ang isip ko. Sinipat ko ang oras sa malaking orasang naka sabit sa pader. Malapit ng mag uwian kaya dali dali ko ng tinatapos ang aking mga gawain ng dumating naman si rina. " uy friend! Thanks for your pasalubong! Ang sarap kaya. Totoo talaga ang sinabi mong masasarap ang mga kakanin doon sa inyo.."
Tumingin ako dito habang patuloy sa aking ginagawa at nginitian ito bago nag salita. " you're welcome rina! Mabuti naman at nagustuhan mo!.. Sabi ko na sayo masarap talaga ang mga kakanin sa amin. Hayaan mo kapag umuwi ako ulit sa amin, bibigyan ulit kita."" ay talaga loisa, gusto ko yan friend! Salamat! Sige ha dumaan lang ako dito sayo galing kasi akong c.r kaya naisipan ko na daanan kaJordan's POV:Natatandaan ko ang babaeng iyon at eloisa pala ang pangalan niya. Siya ang muntik na naming mabundol ng sasakyan ilang buwan na ang nakakaraan. Wala pa nga siyang suot na salamin noon sa mata. At kanina ay naka salamin na siya kaya hindi ko siya kaagad natandaan. Kaya pala pagkakita ko palang sa kanya kanina sa office ni david sa isip ko she looks familiar. Yun pala ay nagka encounter na nga kami dati pa. kinailangan ko pang titigan ang mukha niya bago ko siya nakilala. Marahil ay malabo ang mata nito. Mabuti nalang ay walang nangyaring masama sa kanya. Mukhang okay naman siya kanina. Hindi ko na nga siya noon masyado kinausap pa nag mamadali kasi kami noon dahil may biglaang meeting ako kasama ang mga matataas na tao na kasosyo ko sa negosyo sa paris. Hindi ko naman akalain na dito nila gusto sa Pilipinas ganapin ang magiging meeting namin. At nang nag inform sila through e-mails ay hindi ko naman kaagad nabasa dahil Mag hapon kong kasama si Roxanne ng araw n
Eloisa POV:Kinabukasan habang kumakain ng agahan ay sinubokan ko ulit i-dial ang telephone number nila ella. Baka sakaling may sumagot na. Naka dalawang dial na ako ng may sumagot. Nabosesan ko ito si aling pasing ang naka sagot." hello.. Magandang umaga ho aling pasing! Kamusta na ho kayo diyan? May balita na ho ba kayo kay nanay?.." kaagad kong tanong dito.Agad siyang sumagot. " magandang umaga rin eloisa! Mabuti naman kami dito. Ayun si ella at mang cardo mo ay nasa bukid. Nag patulong si cardo kay ella na mag dilig ng mga pananim na gulay.. Tungkol naman kay sonya ay wala parin kaming balita eh.. Noong Linggo nga lang ay nag punta kami ni ella sa police station upang mag tanong kung may balita na sila kay sonya.. Kaso iha wala parin daw.. " agad na sagot nito at narinig ko pa itong nag buntong hininga sa kabilang linya." ay ganun po ba.. Ikamusta niyo nalang ho ako kay ella at mang cardo.. " saad ko dito. " eh ikaw ba iha kamus
oh siya sige na umupo kana muna at mag hahain na ako.." muli pang saad nito.At agad na rin akong umupo sa lamesang may pang apatan. Habang kumakain kami ay panay din ang kwentohan namin at tawanan. Hanggang sa mag salita ulit siya." babe, mag papasama sana ako sayo bukas sa bahay ng cousin ko you know Yvette diba.. Birthday niya kasi bukas.. Isasama sana kita para may escort naman ako at isa pa ipapa kilala na rin kita sa ibang mga kamag anak namin na pupunta doon.." Agad naman akong sumagot dito."naku babe sorry.. Kailangan kong umuwi bukas sa bahay at hinahanap na daw ako ni Daddy.. Alam mo naman diba na may ilang araw din akong hindi naka uwi lately.. At tsaka madalas kasi sumama ang paki ramdam ni dad this past few days.. Gusto ko rin siyang kamustahin ng personal.. " sabi ko dito at ngumiti ng bahagya. " ay ganun... Akala ko pa naman masasamahan mo ako.. Nag sabi na rin kasi ako kay Yvette na isasama kita. Di bale wala naman akong ma
David POV:Nang maihatid ko na si klariz sa meeting place nila ng kanyang ina ay tumawag muna ako sa secretary ko upang sabihin na mali late ako ng pasok dahil dadaan na muna ako sa bahay para makamusta si dad ng personal. Pag dating ko sa bahay ay nakita ko si Dad na naka upo sa upuan na malapit sa may pool. Agad ko itong binati. " Hi dad.. Good morning!" bati ko dito at nag lakad papalapit dito." good morning din iho.. Halika maupo ka dito.." sabi niya sa akin.Agad naman din ako umupo sa upuan na nasa harap niya." kamusta kana dad? Sumasama parin ba ang pakiramdam mo?.. Bakit nga ba mag isa ka lang dito, hindi ba dapat may kasama kayo palagi.. Paano nalang po kung atakihin kayo ulit walang maka kasaklolo sa inyo kaagad.." agad na tanong ko dito." meron naman ako kasama dito iho ang mommy mo pumasok lang siya saglit sa loob dahil may kukunin daw.. Salamat iho at inuwian mo ako ngayon.. Paano nalang kapag nag asawa na kayo
Eloisa POV:Isang linggo na ako sa bago kong trabaho. Araw araw akong tumatawag kay sir david para mag report dito ng mga update lalo na kung may mga bagong investors na gustong mag invest sa company namin. Tumutulong din kasi ako na mangalap ng mga puwedeng mag invest sa company. Gumawa ako ng mga fosters at slogan para mag advertise at mukhang nakaka tulong naman ito dahil may mga ilang tumatawag na para mag inquire. Masaya ako sa trabaho dahil pakiramdam ko mas lalo pang lumalawak ang kakayahan ko at mas nagkakaroon ako ng confident sa sarili ko medyo mahiyain kasi ako at unti unti na itong nawawala dahil kung sino sino ang nakaka usap ko araw-araw dito sa trabaho. mayroon na rin akong assistant si joy. Kapapasok palang namin sa office dahil katatapos lang namin mag ikot sa buong gusali. Nag sisimula na kaming gumawa ng mga panibagong advertisement ng may kumatok sa pinto. Tumayo si joy at sinilip kong sino yung kumakatok. Pag balik niya ay may dala na siyang dalawang na
Rina's POV:Alas sais imedya na ng gabi at mag sisimula na ang party ngunit wala parin si eloisa. Narito ako ngayon sa harapan ng malaking gate at nag hihintay kay eloisa. Tinatawagan ko ito ngunit hindi ko makontak. Nakita ko sina sir david at sir jordan na magka akbay habang nag uusap sa may gilid ng Entrance door at kinakamayan ang bawat taong pumapasok. Maya maya pa ay may nakita akong sasakyan na huminto sa harap mismo ng gate. Gumilid ako ng kaunti upang hindi maka abala sa daraanan nila. Maya maya pa ay may bumaba na lalaking naka uniporme marahil ay ito ang driver ng kotse. Binuksan nito ang pinto ng kotse at may bumaba na matandang lalake at kasunod ay matandang babae naman. Ang matandang lalake ay namu mukhaan ko dahil nakita ko na ito ng ilang beses na pumupunta sa office. Ito ang ama ng mag kapatid na jordan at david. At ang kasama nitong matandang babae ay marahil ito ang asawa niya ang ina nina sir jordan at sir david. Mababakas ang angking ganda nito kah
Eloisa's POV:Mag aalas diyes na ng gabi ng makarating ako sa venue ng party. Natagalan ako sa biyahe dahil may nag banggaan na truck at van sa kalye ng zapote area papuntang cavite. Tumagal ng halos isang oras bago nakuha ang dalawang sasakyan na naka hambalang sa kalsada. Nang makababa ako ng taxi ay kaagad kong tinawagan si rina upang ipaalam dito na nasa labas na ako ng gate. Nang makausap ko na ito ay maya maya lang ay natanaw ko na siya na naglalakad papunta sa gawi ko.Agad ko siyang sinalubong sa pag lalakad. Saglit kaming nag yakapan at nag beso beso. Iniabot niya sa akin ang dala niyang Paper bag na nag lalaman ng aking pamalit na damit. Kinuha ko iyon at agad niya ako sinamahan sa comfort room na nasa gilid ng hardin. Pumasok ako sa loob ng medyo may kalakihang cubicle at doon nag bihis. Pagkalabas ko ng cubicle ay kaagad akong nilapitan ni rina na nag hihintay lang sa gilid ng pintuan. Naka suot ako ng kulay pulang bistida na pa v-neck an
Umirap naman dito ang kanyang kasintahan at uminom sa basong hawak niya bago nag salita." Hey! Why are you laughing at me! Is there anything funny about what I said?! " Tanong ng babae kay jordan na mukhang naiinis na." Nothing hon.. Just never mind." Tanging naisagot nalang ni jordan sa babae. At tsaka ito muling uminom sa hawak niyang baso na naglalaman ng alak. Eloisa's POV:Tapos na akong kumain at naisipan kong tawagan sina rina. Ngunit naka ilang dial na ako ay hindi ito sumasagot maging si joy ay tinatawagan ko na rin at hindi rin ito sumasagot. Sinipat ko ang ang oras sa aking cellphone mag aalas onse na pala ng gabi. Tumayo ako at naisipan kong maglakad lakad para hanapin sila. Mga ilang sandali pa akong naglakad at sa di kalayuan malapit sa may pool ay natanaw ko sila na naka upo sa may upoan na nasa harapan ng isang puno. Kaagad akong naglakad pa palapit sa mga ito. Habang naglalakad ako papalapit sa mga ito ay napansin kong may hawa
Jordan's Point of view:Habang nung nasa ospital pa si Daddy ay kaagad akong tinawagan ni david upang ipaalam sa akin na hindi kami totoong magkapatid, at hindi ko rin kapatid si eloisa. Nang malaman ko iyon ay Nabunutan ako noon ng isang malaking tinik at pakiramdam ko noon ay doon lang muling tumibok ang puso ko.Mag-mula kasi ng sinabi sa akin ni Daddy na hiwalayan ko si eloisa dahil magkapatid kami ay hindi ko alam noon kung paano tatanggapin. Nawalan na rin ako ng kontak nun kay eloisa dahil pinalitan ni david ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracking device. Halos dalawang buwan ako noong nagkulong sa aking kuwarto tanging alak lang ang palagi kong kasama. Ni hindi ko na nga alam noon kung saan ako patungo dahil sa bawat araw na hindi ko nakikita si eloisa noon ay unti-unti akong nahihirapang huminga. Dalawang beses na rin akong isinugod noon sa ospital dahil bukod sa araw-araw na pag inom ng alak ay halos hindi na rin ako kumakain. Hanggang isang araw nun ay muli akong ki
Ilang segundo pang lumipas ay hindi na nakatagal pa si eloisa. Tumayo na ito at naglakad pabalik ng kanilang kuwarto. KINABUKASAN ay maaga palang ay may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto nina eloisa. Tulog pa si eloisa at ang anak nito ngunit si rose ay maaga itong nagising kaya't siya na ang nag bukas ng pintuan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay nagulat pa si rose dahil ang nanay at tatay ni eloisa ang bumungad sa kanya. Agad na tinanong ng mga ito kung gising na si eloisa. Nang sabihin naman ni rose na natutulog pa ito ay sumenyas ang mga ito na huwag ng gisingin si eloisa.Tahimik na pumasok ang mga ito sa kuwarto nina eloisa at ipinasok sa aparador ang dala dalang mga Paper bag ng mga ito at tsaka muling lumabas ng kuwarto ang mga ito. Babalik nalang daw ang mga ito kapag gising na si eloisa.Maya-maya pa ay nagising na rin si eloisa. Nagugutom na siya ngunit wala siyang ganang kumain. Naisipan niya nalang ulit mag order ng pagkain para sa dalawa niyang kasama sa kuwarto.Haba
Habang nagba-babad ang dalawa sa tubig ng karagatan ay naisipan nilang maghabulan. Habang nag hahabulan ay hindi na namalayan ni eloisa na napapalalim na pala ang natatakbohan niyang parte ng karagatan. Hanggang sa nakaramdam siya ng pulikat sa kanyang nga paa. Dahil sa tindi ng nararanasan niyang pulikat ay unti-unti siyang lumubog sa tubig.Habang ang lalaking si adrian naman ay nawala ang atensyon nito sa kaniya dahil biglang may kumausap ditong babae. Ilang segundo pa ang lumipas ng maalala ni adrian na hindi na niya napapansin si eloisa. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang nagpa alam sa babaeng kausap niya upang hanapin si eloisa. Ngunit kahit saan siyang parte lumingon ay hindi parin niya makita si eloisa. Naisip niyang baka may nangyari ng masama kay eloisa. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.Agad siyang sumisid upang hanapin si eloisa. Umaahon lang siya kapag mauubusan na siya ng hangin at tsaka siya sisisid ulit sa tubigan.
Nang matapos silang kumain ay nagkayayaan sila ni rose na maglakad lakad kasama si baby Lucas. Hawak sa kamay ni eloisa si Lucas habang nasa likod naman nila si rose. Malapit na sila sa mga taong maraming ginagawa ng kumawala sa kanyang pag kakahawak si Lucas at tumakbo ito kung saan maraming bulaklak na inaayos. Pinag aapakan ni Lucas ang mga bulaklak.Mabilis na naglakad si eloisa upang awatin ang anak ngunit nang nahawakan na niya si Lucas sa kamay ay biglang may sumigaw. "bullshit! Letse kang bata ka! Anong ginawa mo sa mga bulaklak! Tingnan mo nalanta na ng dahil sayo!" sigaw ng babae habang papalapit ito sa gawi nila. Binuhat niya si Lucas bago nilingon ang babaeng nagsisisigaw. Agad niyang nakilala ito. Si roxanne ang asawa ni jordan. Nang makalapit ito sa kanila ay Humarap si eloisa at kinausap ito." naku sorry roxanne.. Hindi ko naman akalain na dito siya tatakbo.. Pag pasensiyahan mo na yung bata.." paumanhin niya sa ginawa ni Lucas. "naku, wala na! Kahit humingi ka pa n
Hiniling ni eloisa ng mga sandaling iyon na sana nga totoong si jordan ang katabi niya. Ngunit ng muli niyang idilat ang kanyang mata ay mas lalong hindi niya makita ang mukha nito dahil puno parin ng luha ang kanyang mga mata.Muli niyang nararamdaman na hinahalikan siya nito sa leeg pababa sa kanyang dib-dib. Pinipilit niyang itulak ito ngunit wala siyang lakas. Habang hinahalikan siya ng binata ay pumasok sa kanyang isipan kung paano siya halikan noon ni jordan.Ganun din kasarap humalik ang binatang katabi niya ng mga oras na iyon. Para siyang kinukuryente ng mga halik nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nagpa tianod at gusto niya narin ang ginagawang pag halik nito sa kanya. Hanggang sa maramdaman niya nalang na unti unti na siyang hinuhubaran nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag iinit ng katawan. Muli siyang hinalikan nito sa kaniyang labi pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa umabot ito sa kanyang dib-dib. Napa ungol siya sa init ng dila nito habang sinisip sip ang kanyang tay
Ipinag balewala ni eloisa ang ginawang iyon ni jordan. Naisip niya na inaasar lang siya ng lalake at kapag nagpadala siya sa pang aasar ng lalake ay pagtatawanan lamang siya nito.Lingid sa kaalaman ni eloisa ay napansin ni adrian ang ginawang iyon ni jordan sa kanyang kasayaw na si eloisa. Kung kaya't pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Siya ang gumawi Malapit kay jordan. Ngunit sa kanyang ginawa ay nagtama ang paningin ng dalawa dahil nakaharap na ang mukha ni eloisa kay jordan.Tinitigan ng masama ni eloisa si jordan. Naalala nanaman kasi niya ang sinabi nito sa kaniya na nakikipag landian siya at ang ginawa nitong pananakit kay adrian.Nakikipag landian pala huh! Pwes! Makikipag landian talaga ako! Bwesit ka! " bulong ni eloisa sa kanyang sarili. " may sinasabi ka ba loisa?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah.. Wala! May naalala lang ako.. " pagdadahilan ni eloisa sa binatang kasayaw." gusto mo na bang umupo?.. " Tanong sa kanya ni adrian. " ah— h-hindi! Sige pa sayaw pa ta
Nang makatulog ang anak ni eloisa na si Lucas ay naisipan niyang lumabas upang mag pahangin. Habang naglalakad siya pababa ay nakasalubong niya si adrian. Hindi pa masyadong makatingin sa kanya ang binata. Pilit nitong iniiwas sa kanya ang mukha nito.Napansin ni eloisa na may kakaiba kay adrian. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. Agad namang huminto ang lalake ng mahawakan niya ito. "hey Adrian! Anong nangyari sayo?!" pagkasabi niyon ni eloisa ay tiningnan niya ang mukha ng lalake.Nakita niyang may sugat ang labi nito at may bahagya pang pagdurugo ang ibang parte ng ngipin nito. Nagtaka si eloisa sa nakitang itsura ni adrian. "sabihin mo nga sa akin adrian! Bakit ganyan ang itsura mo? Sino ang may gawa sayo niyan?!" sunod sunod na tanong ni eloisa sa binatang doktor. "wala ito loisa.. Okay lang ako.." tugon ni adrian kay eloisa at pilit na iniiwasan nito ang mga mata ni eloisa."anong wala ka diyan! Tingnan mo nga yang itsura mo sa salamin! Halika punta tayo ng kuwarto mo
KINABUKASAN ala sais palang ng umaga ay nagpunta na si adrian sa kuwarto nina eloisa. Nagyayang kumain ang binata doon sa madalas niyang kinakainang restaurant sa kabilang resort. Masarap daw ang mga lutong bahay doong pagkain.Pumayag naman sina eloisa nilakad lang nila ito habang buhat ni adrian si Lucas dahil hindi naman kalayuan ang katabing resort. Nang makarating sila sa resort na sinasabi ni adrian ay ang binata ang nag order ng kanilang kakainin. Ipapatikim daw nito sa kanila ang the best na luto ng mga ito.Nang dumating na ang inorder na adrian ay agad nila itong pinag saluhan. "oo nga Adrian! Ang sasarap nga ng mga luto nila dito!.. Thanks Adrian!" saad ni eloisa sa binatang si adrian."oh diba sabi ko sayo! Hayaan mo mamaya may iba pa tayong pupuntahan tiyak na matutuwa din kayo doon!" tugon ng binatang doktor. Matapos silang kumain ay agad na rin silang tumayo at naglakad pabalik sa pinanggalingan nilang resort. Nang ganap na silang makabalik sa resort ay napag pasyaha
KINABUKASAN ala siyete palang ng umaga ay sinundo na sila ni mang Arthur. Baka gabihin daw sila kapag tanghali na sila umalis. Buhat-buhat niya ang kanyang anak na si Lucas ng magpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon lang sila ng ilang araw.Natuwa naman ang kanilang mga magulang dahil kailangan daw niyang mag enjoy din sa buhay lalo na ngayong nakalabas na ang kanyang ama ng ospital at nag bagong buhay na rin ang kanyang tiyahin na si Victoria. wala na daw dapat silang alalahanin kundi ang magsaya.Buhat niya parin si lucas ng sumakay sila ng kotse. Tulog pa kasi ang bata ng mga orasan na yun. Isinama niya rin ang yaya nito. Habang nasa biyahe ay nakatulog ding muli si eloisa.Naramdaman niya nalang na may tumatapik tapik na sa kanyang braso. "maam gising na po.. Nandito na daw po tayo sabi ni mang Arthur.." saad sa kanya ng yaya ni Lucas. Agad niyang nilinga linga ang paningin niya sa paligid nakita niyang naka hinto na nga ang kanilang sinasakyang kotse. Maging an